Gifted

Amber's POV

Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Ash.

Binuksan niya ito, at agad kong inilahad sa kanya ang puting box na nasa kamay ko.

"Sabay tayong buksan 'to?" aya ko.

Matagal-tagal niyang tinitigan ang kahon bago tumabi para papasukin ako.

Dumiretso ako sa carpet na nasa paanan ng higaan niya at umupo rito. Ibinaba ko rin sa harapan ko yung box at hinintay si kambal na umupo rin sa tapat ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto niyang katulad ng sa'kin, ay napuno sa figurines at mayroon din siyang iilang posters ng Power Rangers.

Ang pinagkaiba lang namin ay hindi umabot ang mga mukha ng rangers sa higaan niya dahil white lang lahat ito, mula sa mga unan at makapal na comforter niya.

Pagkatapos, nilingon ko ang puting lounge chair niya kung saan nakapatong ang isang hugis-heart, at fluffy pillow na may nakatahing letrang 'H' sa gitna. Sa paanan ng upuan ay mayroon ding nakasandal na malaking pink na teddy bear.

Malungkot akong napangiti rito.

"What's that?" tanong ni Ash.

Mabilis kong binaling ang aking atensyon sa kanya. "Huwag kang maiyak. Hehe."

Walang ipinagbago ang ekspresyon niya.

"Sa loob nito ay ang latest collaboration ng kompanya ni Shorato Ishinomori," nangingilig kong bulong. "Isang figurine ng original ranger na one hundred percent gawa sa pink sapphire at yung mga mata, diamonds."

"You emptied your bank account for that, didn't you?"

Bago pa siya madismaya sa pinanggawa ko, umiling ako.

"Hindi," sagot ko. "Binenta 'to sa'kin na discounted!"

"How much?" usisa niya.

"Secret." Kinisap-kisapan ko siya. "Basta hindi siya gaanong mahal. Sakto lang-" Napatigil ako. "Hindi. Sobrang mura pa nga."

"Tinawagan kasi ako at ang sabi pwede ko raw ma-customize, kaya ang sabi ko..." Nagpigil ako ng nananabik na ngiti.

"What?" natatawa niyang sambit.

Tinulak ko sa kanya ang puting kahon.

"Bilis," sabi ko. "Buksan mo."

Napabuntong-hininga si Ash, at napailing bago buksan ito.

Maingat niyang kinuha ang kumikinang na pink figurine mula sa padding na pinagpatungan nito.

"It's..." Sinuri-suri niya ang figurine sa kamay niya. "It's real."

Sumilip ako sa likuran ng ulo nito. "Sa likod ng helmet."

Inilapit ni Ash ang figurine sa kanyang mukha at pinaningkitan ang likuran ng helmet nito.

Unti-unting namuo ang isang ngiti sa kanyang labi, hanggang sa mahina siyang natawa.

"You carved the date of when I asked Hedone to be my girlfriend?" Inilipat niya ang kanyang tingin sa'kin. "Really?"

"Advanced gift ko para sa anniversary niyo," anunsyo ko. "Pink sapphire at diamonds na gusto ni Hedone, at ranger na gusto mo."

"Pero sa kwarto ko muna 'yan," saad ko rin. "Sa ngayon."

Kumunot ang kanyang noo. "Why?"

"Ibibigay ko lang 'yan ng libre kapag nagawa na nating iligtas ang reregaluhan ko rin n'yan," sagot ko at nginitian si Ash. "Hmm?"

Ilang segundo niyang tinignan ang figurine.

"Alright." Binalik niya ito sa kahon at sinarado ito. "Deal."

"Ah, oo nga pala." Bigla akong may naalala. "Kaka-announce lang na masquerade ball yung theme ng lunar celebration. Kailan mo balak bumili ng suit tsaka mask?"

"Mamaya kasi kami mamimili," sabi ko. "Baka gusto mong sumama?"

"Maybe tomorrow," aniya. "Paige just gave me a list of references about Tartarus. I need to study and I also have to train."

"Tartarus..." wala sa sarili kong bulong. "Hindi pa nakapunta yung mga magulang natin sa realm na 'yan, ano?"

"It's the realm even the gods avoid, Amber."

"Sa tingin mo makakalabas pa tayo mula do'n?" tanong ko.

"Hedone gave up the rest of her power to let the children escape," paalala niya sa'kin. "I suppose we can, but only if we do it together."

"Tatarus..." Napatingin ako sa malayo. "Putangina..."

Saka ko ulit hinarap si kambal. "Wala ka bang nakitang vision na mangyayari sa'tin?"

"No," seryoso niyang sagot. "But I dreamt of Hedone, every night."

Lumiwanag ang aking mukha. "Talaga?"

Pumaskil ang isang magaang ngiti sa kanyang labi. "Mmm."

"Before I woke this morning, I saw her pick up an apple that she tried to eat but spit out because the core was actually rotten..."






Hedone's POV

I threw away one of the apples that I found in the middle of a rubble. I hung my tongue out and scratched the bitter taste that it left inside my mouth.

Ew! Ew! Ew!

Pinandilatan ko ang mga mansanas pagkatapos.

Never again!

I just reached the end of the garden labyrinth and found the rubble of a destroyed temple, and I believed the apples were offerings so I picked one and tried to munch on it.

My mortal body couldn't help it. I was hungry.

Nakarinig ako ng boses kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng mataas na palumpong ng labyrinth.

Isang babae na may maiitim na pakpak ang bumaba. Isa-isa niyang dinampot ang mga mansanas at ipinasok ang mga ito sa basket na nasa braso niya. Nakasuot siya ng itim na chiton at may mga hiwa ang maputla niyang balat. At nakatali rin ang maitim niyang buhok sa isang natatanggal na bun.

"Why would you always fall inside?" tanong niya sa mansanas na sinuri niya sa kanyang kamay.

"Discordia..." bulong ko.

The goddess of discord... or in other names, Eris.

Napansin ko ang pagtigil niya nang pulutin ang mansanas na kinagat ko.

Matagal-tagal siyang napatitig dito.

"I pity the one who has eaten this." Narinig kong sabi niya. "For he does not know he is cursed to never taste sweet again."

Napalabas ako mula sa pagtatago. "He's cursed to never what?!"

Mahinahong pinasok ni Eris ang mansanas sa basket niya bago umikot para harapin ako.

"I knew you'd come out if I said that," nababagot niyang sabi.

The last time I heard about her was that she was deservingly beheaded by Cesia, the rose, and then Hades threw her into Tartarus.

True enough, her neck was obviously sliced, and was stitched messily in black threads and even stapled. There was also a bit of golden blood that continued to drip from the side of her wound, to her very white chest.

"What are you doing here?" tanong ko kay Eris.

"Can you just curse me so we can get over it?" nayayamot niyang turan. "I need to make my offerings."

Nagtaka ako. "What?"

"Well, aren't you here to curse me?" She shook her head to make a point. "Hades sends a deity every now and then to put a curse on me." Kumunot ang kanyang noo. "Though I am not sure why you're personally here when you can just drop a curse on me from the top of the cliff."

Napakurap-kurap ako. "Yes..." sagot ko. "I am definitely here to curse you."

Kumuha siya ng isang mansanas at kinagat ito, at naghintay na isumpa ko siya.

"But I- uhh..." My mind started to come up with reasonable excuses. "I need to get out of this labyrinth, because I accidentally fell-"

"I thought you had wings?" aniya.

"I broke it," sagot ko. "When I fell."

Was she also cursed to not be able to read thoughts anymore?

She continued to give me an empty look as she ate a rotten apple.

"You don't have any power, do you?" she knowingly asked. "You're an immortal soul stuck in a mortal body."

"Fine." I defeatedly raised my arms for a moment. "I was dragged by a trance and put here, okay? And I still have no idea where in the heavens I am! I mean-"

"The last time I checked, I was watching the intramurals with my boyfriend and his friends!" I frustratingly said. "We were supposed to be streaming the calydonian boar hunt! It was live in television, Eris! Live!"

Patuloy lang siya sa pagnguya habang galit kong kinuwento sa kanya ang buong nangyari sa'kin.

"And this stupid trance arrived and kidnapped the children, so I held unto them to stop them from being taken, but guess what?!" Naiinis kong tanong.

Umiling siya. "I cannot seem to guess."

"I was taken away too!" dugtong ko. "And I just woke up within this awfully dark labyrinth, and I exhausted all my powers to protect the children and send them out of here!"

"Tártaros, Idoní," she replied in Greek, our mother language. "Eísai ston Tártaro."

'Tartarus, Hedone. You are in Tartarus.'

"Eímai mésa- ti?!" sigaw ko.

'I'm in- what?!'

"Tártaros," pag-uulit niya. 

Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko. "Aftó simaínei..."

'Does this mean...'

"Nai," she boredly said. "Eísai sto éntero."

'Yes, you are in the intestines.'

Mahina akong tumili at lumapit sa kanya. "Éris!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyugyog siya. "Prépei na me páreis apó edó!"

'Eris! You need to get me out of here!'

"I can only get you out through the navel-"

"Do it!" Tumatalon-talon kong pakiusap sa kanya. "Do it!"

"Kai ti tha páro os antállagma?" tanong niya.

'And what will I get in return?'

"Énas erastís!" I answered in a panic. "Ena katoikídio zóo!"

'A lover! A pet!'

"A free therapeutic massage?" suhestyon niya.

"Yes!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top