Game of Thrones

Reign's POV

Kinapa-kapa ko ang mga papel at libro na nakapaligid sa'kin. Kumunot ang aking noo, bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata at nalamang umaga na.

Ilang segundo akong napatitig sa kisame habang nakahilata sa sahig.

'Henri, son of the lady of the white sea, and of Destiny.'

Namimigat pa ang katawan ko nang maupo ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa nakakalat na mga dokumento at libro na naglalaman ng impormasyon tungkol sa tadhana, sa mga Moirai na silang greek goddesses of fate, at tungkol kay Destiny na deity na mismo.

So yesterday wasn't a dream?

Napahawak ako sa buhok kong nagkagulo-gulo. Malakas akong napabuntong-hininga at bumagsak ulit sa sahig.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

The moment Mnemosyne announced Henri was the son of Destiny, the entire hall erupted into chaos.

Bumagsak ang aking palad sa aking noo.

Hindi ako natuloy sa counselor's office dahil nagkaroon ng meeting ang faculty pagkatapos ng ceremony, at inanunsyo rin na mapo-postpone ang first day of classes. Dahil pinatawag ng council of Elders ang principal at ang leading members ng staff.

Three days. We get three days to cope with the news.

Hinilamos ko ang aking palad hanggang sa mapahawak ako sa aking bibig.

This is the first time in my entire life that I have no idea what to do.

"Mama," bulong ko.

But Mom's not here, and not even my Dad.

Gumulong ako pataob sa sahig. "Anong gagawin ko?"

I heard a few knocks on my door. Hinayaan ko lang itong kusang bumukas para ibunyag ang boses ng kapatid ko.

"Reign, it's-" Napahinto siya. 

Itinaas ko ang aking kamay at binigyan siya ng thumbs up. "Buhay pa ako."

Narinig ko ang yabag ng mga paa na papalapit sa'kin. Bahagya kong inangat ang aking ulo at nakita sa Grey na nakayuko habang nakatupi ang isang tuhod sa tabi ko.

I let out a groan as my head fell on the floor again.

"Good to see you in a mess for once," puna niya, kahit alam naman niyang ilang beses na akong nagkaganito pero siya pa nga lang ang nakakakita.

Pinikit ko ang aking mga mata. "Pakigising nalang ako kapag natahan na yung ibang mga estudyante-"

"Oh, no." Tinulak niya ako kaya't gumulong ako paharap. "You need to face the student press."

Tinignan ko siya. "Nasa labas pa rin sila?"

Binigyan niya ako ng isang naninimpatyang ngiti.

"Ayoko," sambit ko.

Inabot niya ang kanyang kamay. "Come on, beautiful," aniya. "Let's get you up."

Matagal-tagal akong napatitig sa kamay niya bago tanggapin ito. Hinila niya ako pataas. Gayundin ang pagtukod ko ng aking mga paa hanggang sa makatayo ako.

"You're still wearing your clothes from yesterday."

Yumuko ako para tignan ang uniform na suot ko.

"Yung party?" usisa ko. "Kamusta?"

"Nothing unusual," sagot niya.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko namalayang nakatulala pala ako habang nakatitig kay Grey kaya ikinabigla ko ang pagtawag niya sa'kin.

"Reign."

Napakurap-kurap ako. "Huh?"

"Come here." Kinuha niya ang kamay ko sabay hatak para yakapin ako.

"Classes haven't even started yet and you're already stressing yourself out." Hinawakan niya ang aking buhok habang nakakapit naman ang kabilang braso niya sa aking likod. "It's okay, but don't do it too much. Hmm?"

'Reign, huwag kang gumaya sa Dad mo, ha? Kung may kailangan ka, sabihin mo lang.'

Napangiti ako nang maalala ang parating sinasabi ni Mama sa'kin.

'Isang tawag lang sa isa sa'min, anak, at darating agad kami.'

Sumayad ang aking paningin sa sahig.

• • •

"What are we going to do?" tanong ni Vance na nakaupo sa tapat ko.

"Wala," sagot ko. "Wala tayong gagawin."

Kumunot naman ang noo ni Zack na nasa tabi niya. "Paanong wala tayong gagawin? Anak ni tadhana, classmate natin?"

"Paano kung i-withdraw nila yung enrollment niya?" ani Amber.

Umiling ako. "No, I won't let that happen."

Hindi maipagkakailang ikinagulat nila ang sinabi ko dahil sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Maliban nalang kay Paige na nanatiling nakatuon sa file ni Henri sa harapan niya at Grey, na nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib habang nakababa rin ang mga mata sa gitna ng mesa.

"The staff are out for three days, Reign," paalala ni Ash sa'kin. "They're summoned by the council and that's how serious they're taking this matter."

"Henri is an Omega," saad ko. "At kung gusto niyang mag-aral dito, mag-aaral siya dito."

'Mom's home.' Kusa kong narinig ang boses niya sa aking isipan.

"Hindi ko hahayaang tatanggalin siya ng Academy dahil lang sa pagkatao niya," dagdag ko. "Bakit?" Sinalubong ko ang nangunguryuso nilang tingin. "Kasalanan niya bang maging anak ni Destiny?"

Hindi na sila nagsalita pa.

Umangat ang magkabilang kilay ko. "Hmm?"

Most of them sighed while the rest, averted their gaze.

"Pero iba pa rin siya," giit ni Amber. "Reign, hindi natin siya gaanong kilala-"

"Eh di kilalanin natin siya," tugon ko.

"The council's planning to transfer him." Nagsalita si Paige. "It's what I heard from Miss Bliss."

Nag-abot ang aking kilay. "Transfer where?"

"Anywhere," aniya. "Where the council can closely watch him."

"What?" Bakas ang inis at dismaya sa boses, napahilig ako papalapit kay Paige. "You mean they want to control him?"

"Yeah," natatawang sabi ni Grey. "Good luck with that."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napatuon sa harapan. "Hindi." Umiling ako. "Hindi pwede."

Sinundan ito ng ilang segundo ng katahimikan.

Napatayo ako.

"Where are you going?" Vance asked.

Nilingon ko si Bella na tahimik lang na nakikinig sa'min sa conference room habang nakayakap sa sunog niyang stuffed toy.

"Bella," sambit ko. "Ikaw nang bahala sa press na ayaw umalis sa tapat ng dorm natin?"

Sinulyapan niya ako at patagilid na ipiniling ang kanyang ulo.

Nginitian ko siya.

Tila nandilim sa bahagi ng silid kung saan siya naroon nang magtipon-tipon ang anino sa kanyang paanan. Tumakbo ito paangat upang takpan ang buong katawan niya.

Nanliit ang nangingitim niyang anyo nang dumaloy pababa ang kadiliman, saka kumalat sa sahig at tuluyang naglaho.

Pagkatapos, bahagya kong nilingon ang aking ulo sa bintana. Ilang sandali pa'y narinig ko ang nasisindak na sigaw ng mga estudyante.

"Who's left of the staff?" Ibinalik ko ang aking atensyon sa mga kasama ko. "May founder bang natira?"

"Si Mama," sagot ni Amber. "Mamaya pa siya aalis kasi sinabi niyang may aasikasuhin pa siya."

Tumango ako at akmang lalabas na nang mapahinto ako sa may pintuan.

With my brows furrowed in deep concern, I looked at them. "Don't let one of us feel like he doesn't belong here," tugon ko. 

"Kaya tayo nandito ngayon dahil sa mga magulang niya." Diniinan ko ang pagbitaw ng sumunod na mga salita. "Lalong-lalo na sa ama niya."

Tinulak ko ang pinto. Kusa itong nagsarado sa aking likod.

Nakataas ang aking noo nang magsimulang maglakad papalabas ng bahay. Bago pa ako makaabot sa may pintuan, nakarinig ako ng boses.

"Reign."

Nilingon ko si Henri na kalalabas lang ng reading room.

"Henri..." Dahan-dahan akong napaharap sa kanya. "Nakakain ka na?"

"You're going to the Academy."

Tumango ako.

A gentle smile curved on his lips when he slightly tilted his head to the side. "Mind if I come with you?" tanong niya. "I want to see the alchemy room."

Napangiti rin ako at sinenyasan siyang sumunod sa'kin. 

Sabay kaming lumabas ng dorm.

"Let's just use the levitating platform," suhestyon ko. "Tinatamad akong lumipad ngayon."

Tahimik lang kami habang naglalakad. Lahat ng mga estudyanteng nadadaanan namin ay agad napapatingin sa gawi namin at may ibang napapatigil. Minsa'y may mga nakasalubong din kami na lumiliko para umiwas.

"Henri..." pabulong kong sabi. "You want to be here, right?"

Napansin ko ang paghugot niya ng malalim na hininga at nang pakawalan ito, ay nakapamulsa siya. 

"I don't," sagot niya. "I'm only here because of my Mom."

Kumunot ang aking noo. "What do you mean?"

"The Underworld doesn't have much to show about her," pagpapaliwanag niya. "But the Academy..."

My eyes slowly drifted to the ground. Naintindihan ko na kasi agad ang ibig niyang sabihin.

"So, as the son of Destiny..." I confidently changed the topic. "What can you do?"

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "What can I not do?"

Napangiti ako at palihim na napairap sa sinabi niya. 

Nang makarating kami sa platform, nagsialisan ang mga estudyante maliban sa dalawang mga lalaki at isang babae na namukhaan kong mga Alpha.

Bumalik sa pagbabasa ng libro na nasa kamay niya ang babae at yung mga kasama naman niya ay agad napatingin kay Henri.

Nginitian ko sila bago talikuran.

"Seryoso na talaga, ano bang kaya mong gawin?" usisa ko.

Henri grinned at the view of the village after the platform started to rise. "Everything," aniya. "You?"

"Same," sagot ko rin. "I'm not the daughter of the scion and the rose for nothing, you know."

Tapos, mula sa sulok ng aming mga mata, sabay naming sinulyapan ang tatlong Alphas.

Bumaba sa kamay niya ang tingin ng babaeng nagbabasa habang yung dalawa naman ay bahagyang napahilig ang mga ulo para ata suriin pa kami.

Tumikhim ako at tumuon sa village na paliit nang paliit sa aming pananaw.

"Do you have the ability see the future?" tanong ko.

"I have the ability to see motion a second in advance," pagbibigay-alam niya. "I usually use it in combat."

"Cool," puna ko. "I have the ability to control how I see time."

Nag-abot ang kanyang kilay. "How?"

"When I focus..." Sumingkit ang aking mga mata. "I can see in slow motion."

"I can summon odigos," dagdag pa niya.

"I can summon lightning," I also added.

"I can do magic."

"I can manipulate the weather."

"Mist." Sabay-sabay naming sabi, dahilan na mapatingin kami sa isa't isa.

Lumiwanag ang aking mga mata habang napangiti naman siya.

Saktong huminto na sa harapan ng Academy ang platform kaya ibinaling namin ang aming atensyon dito.

Pagkapasok namin, unti-unting nabura ang aking ngiti nang maramdaman ang paglayo ng tatlong Alphas, hanggang sa tuluyan na nga akong napasimangot.

Naalala ko kasi ang sinabi ni Henri sa'kin sa una naming pagkikita.

"I don't share thrones, son of Destiny." seryoso kong tugon.

Saka lang siya nagsalita ulit nang lumiko na siya sa corridor kung saan naroon ang alchemy room.

"Daughter of the Crown."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top