Future Rising
Reign's POV
Kagat-kagat ang tali sa bibig, at habang nag-aayos pa rin ng buhok, nagmamadali akong tumakbo sa gitna ng nagkukumpulan na mga estudyante sa labas ng Admission Room.
Nasa gitna ako ng pagtatali nang mapasigaw ako sa mga estudyante. "Excuse me!"
Bakit ba kasi ngayong umaga lang ako in-inform ni Paige na ako pala yung magma-manage ng Admissions?! Kararating ko pa nga lang, eh!
Binigyang-daan naman ako ng mga estudyante at nang makapasok ako sa admission room, huling beses kong hinigpitan ang pagkakatali ng aking buhok.
"I'm sorry!" sigaw ko sa babaeng nadatnan kong nag-aayos ng camera.
Otomatikong dumako ang aking tingin sa pin na nakasabit sa vest niya. Hugis bilog ito at kulay ginto. Sa gitna ay mayroong letrang 'A'.
Alpha, isa siyang direct descendant ng Olympians, ang major gods ng Greek Mythology.
"Umm... H-Hi," nangangapos-hininga kong bati sa kanya. "I'm Reign, ako yung inatasang mag-manage dito? How can I help?"
"Oh!" She clasped her hands. "It's a good thing you're here! I'll be the one to check their names on the list before they could get to you."
"So, ako yung kukuha ng ID Pictures?" tanong ko.
Tumango siya. "Yes, and their new names, as well."
Okay. Hindi siya galit sa'kin.
"I'm really sorry kung natagalan ako." I apologized, again. "Ngayon ko lang nalaman-"
Natawa siya nang marahan. "It's okay."
Napanatag naman ang loob ko sa sinabi niya. "Thank you for understanding...?" I just realized I didn't get her name.
Hindi ko rin maalala kung nakasalubong ko na ba siya dati rito sa Academy.
A corner of my lips twitched with embarrassment.
Gods. Descendant ako ni Mnemosyne. I should be good at remembering!
"Vine." Nabasa niya ata ang ekspresyon ko kaya siya na mismo ang nakapagsabi ng pangalan niya. "Daughter of Dionysus."
"And I already know you," dugtong pa niya. "Everyone here knows you."
I gave her a problematic smile. "Pasensya na talaga, Vine..."
"You have a habit of always being late, right?" natatawa niyang tanong. "I understand."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa sinabi niya. "Yeah, umm-" I tried my best to change the topic. "I think we should get to work now."
To my relief, mabilis na sumang-ayon si Vine at dumako sa mesa malapit sa pintuan ng Admission Room. Umupo siya sa upuang nakatapat dito at binuksan ang folders na nakalatag sa harap niya.
Napapikit ako dala ng matandang hiya.
A late-comer. 'Yan na ata ang reputasyon ko sa eskwelahang ito.
Bago ko pa masapak ang sarili ko, pumunta na ako sa dulo ng silid at hinatak ang mahabang kurtina na magsisilbing divider ng studio mula sa waiting area.
Sinulyapan ko muna si Vine na abalang-abala na sa pagtse-check ng records, saka tuluyang hinila pasarado ang kurtina.
Dumiretso ako sa stool sa likod ng camera at umupo rito. Nakabukas na rin ang laptop na nakapatong sa mesang katabi ko.
Habang hinahanap ang files ng layouts, hindi ko naiwasang mapatingin sa sarili kong repleksyon sa mahabang salamin na nakasandal sa pader. Para ito matignan ng mga estudyante ang sarili nila at mag-ayos saglit, bago kunan ng litrato.
Bahagyang tumagilid ang aking ulo.
My hair was tied neatly, kahit nahirapan ako nang kaunti sa pag-ayos nito dahil sa pagmamadali. But I've tied my hair enough times already that it'll still look like I did it for a few minutes when I just did it in seconds.
My hair's fine. In fact, my hair's beautiful. It's golden brown with wavy curls, na namana ko kay Mama. Kaso, palagi ko itong tinatali dahil mabilis akong nadi-distract nito sa tuwing lumalaban ako at lalong-lalo na sa tuwing nagbabasa ako o nagsa-sign ng papers bilang representative ng class ko.
Kung hindi lang kasi sa kuya kong bigla-bigla nalang nawawala at sumusulpot lang kung kailan pakiramdam niya, eh di sana kanina pa ako lumulundag-lundag sa field kasama yung mga kaibigan ko.
But no. Here I am stuck with managing our class.
Kung palagi akong late dahil nasosobrahan yung tulog ko, si Kuya Gab naman, mahilig umidlip sa gitna ng discussions or meetings.
Inayos ko ang gray necktie na nasa ilalim ng vest ko.
Maroon and Gold.
That's the Academy's colors.
As a uniform, I wore a maroon vest with the school crest on a small pocket on one side of my chest. Pinailaliman ito ng puting long-sleeve na blouse at gray tie. At bilang pang-ibaba, suot ko ang maikling plaid skirt na kulay maroon at gold.
Matagal-tagal akong napatitig sa sarili ko.
Ipiniling ko ang aking ulo sa anggulo kung saan natatamaan ng liwanag ang mga mata ko at napangiti, nang makita ang pag-iba ng kulay nito.
Mom said I have two eye colors. Dull brown against the dark, and gold against the light. My eyes change depending on my surroundings. Namangha siya ngunit hindi siya nagulat, dahil sinabi niya rin sa'kin na para na rin itong mga mata nila ni lolo na minsan ay nag-aanyong maliliit na salamin. Kung anong kulay nito, ay nakadepende sa kanilang kapaligiran.
We're known for having unusually colored features, especially our eyes.
Gabriel got his gray hair from Dad, while Celeste and I got our golden brown hair from mom.
Gabriel has Mom's purple eyes, I have a brownish gold, and Celeste, our youngest, has one of the most unique eye colors. In fact, sa tingin ko nga siya lang ang mortal na mayroong kulay nito.
Celeste has the combination of purple and brown. It was a deep magenta, a dangerously attractive color.
Which is why anyone that sees her for the first time will automatically get captivated. Her eyes says a lot about her favorite ability, and that is to command against one's own will.
Mahina akong natawa nang maalalang isa rin sa dahilan kung bakit na-late ako ay dahil sa kanya na ayaw akong bitawan at nanatiling nakakapit sa aking binti para pigilan akong lumabas ng bahay. Si Dad lang ang nakapagtanggal sa kanya mula sa'kin, at nakita ko pa ang panandaliang pagkislap ng namamasa niyang mga mata nang ihatid ako ng tingin.
Kung gaano kaingay si Kuya, gano'n naman katahimik si Celeste. At dahil sa kanilang dalawa, nagkaroon ako ng kakayahan na intindihin ang bawat klase ng ingay at katahimikan ng ibang tao.
Di nagtagal, pumasok na ang isang estudyante kaya't sinimulan ko na ang trabaho ko.
"T-Thank you-"
Nginitian ko ang isang babaeng estudyante na transferee. Halatang kinakabahan siya, at nababaguhan pa.
"May idea ka na ba kung sino yung deity mo?" tanong ko.
"Deity?" aniya.
Lumiwanag ang aking mga mata. "Students here are descendants of a god or goddess."
Natawa ako sa reaksyon niya. Napaatras siya, sabay lunok.
"Look for Paige of the Omega Class," tugon ko sa kanya. "Sabihin mo pinadala ka ni Reign. She'll be glad to give you a tour and explain everything."
Mabilis siyang tumango-tango bago nagmamadaling lumabas.
Sumunod-sunod ang pagdating ng mga estudyante, at hindi ko naiwasang makaramdam ng pangangalay habang tumatagal.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang estudyante na ang naabutan ko ng bagong IDs.
Maraming Gamma... kaunting Beta... at nasa mga dalawa? o tatlong Alpha?
"Welcome to Olympus Academy." Nginitian ko ang isang Beta nang ibigay ko sa kanya yung ID niya. Nananabik niya itong isinuot bago ako pasalamatan at umalis na nang tuluyan.
Napahikab ako.
Inaantok na rin ako.
I really shouldn't have stayed up so late last night. I didn't even get to sleep on my way here because of Zack's driving.
Just because he's fast doesn't mean he should drive us like we're being chased by an apocalypse.
Sumingkit ang aking mga mata nang maalala na inatake nga pala sa puso ang isa sa'min na sakay niya dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya.
"Tss." I hissed.
Poor Bella.
Narinig kong may humawi ng kurtina kaya napabuntong-hininga nalang ako. Tapos, sinalubong ko ng isang matamis na ngiti ang lalaking kapapasok lang ng studio.
"Hi," bati ko sa kanya.
Napahinto naman siya nang makita ako.
Pero sa totoo lang, pati rin ako ay dagliang napatigil dahil sa hitsura't tindig niya. He was taller than me, and he looked... hauntingly intimidating.
Unti-unting nabura ang aking ngiti pagkatapos masilayan ang kanyang mga mata.
He had all dark features, except his eyes. Under his thick brows and long lashes, was a pair of light brown orbs staring back at me.
Ilang sandali pa'y namuo rin ang isang ngiti sa labi niya. "Hi."
Oh no, I realized. Hindi lang niya dala ang presensya niya sa katawan niya. Pati na rin sa boses niya.
Pinigilan ko ang aking sarili na mapaatras, dahil may sariling hatak ang presensya niya, at ramdam ko ang bigat nito.
Sino siya?
Mabagal na bumukas ang aking bibig. "I'm-"
"Reign." Inunahan niya ako.
"Ah-hahaha..." I let out a slow and awkward laugh. "How did you-"
Napatigil ako pagkatapos makita ang pin niya.
Kumikinang ang kulay ginto nito at yung simbolo...
Ω
Napatingin din ako sa pin na suot ko.
We're the same.
Omega, the class for the descendants of the Academy's founders and foundresses, the demigods who won the war of the realms...
Nakakunot ang aking noo nang iangat ko ang aking tingin sa kanya.
"Who's your founder?"
"Foundress," he corrected.
Foundress...
Nanlaki ang aking mga mata nang maliwanagan ako kung kaninong anak siya.
"You're finally here," sambit ko.
I didn't bother to hide my excitement. Kilala ko lang kasi siya sa mga kwento ni Kuya, tungkol sa lalaking minsang nakakasabay nila ni Mama sa tuwing bumibisita sila sa puntod ni Tita Kaye, isa sa matatalik na kaibigan nina Mama, at isa rin sa twelve founders ng Academy.
And he's here.
Kaye, one of the original Omegas, the lady of the white sea's son is here.
He slightly raised his brows, na para bang dagliang namangha dahil nakilala ko agad siya.
Then, he chuckled. "I am."
Agad kong iniabot ang aking kamay sa kanya. "Skyreign Austria," pagpapakilala ko.
"Reign of the Omega Class, daughter of the scion and the rose."
Napatitig muna siya sa kamay ko bago tanggapin ito.
"Henri," aniya. "Henri Percival Slade."
He slightly squinted his eyes at me while wearing a curious grin. "You're Gabriel's sister."
"Grey," sabi ko nang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. "Grey ang tawag sa kanya dito sa Academy."
Kasunod na sumayad ang kanyang paningin sa magkasalikop naming mga palad.
I watched how his smile faded into a subtle smirk.
He slightly opened his mouth, na para bang may gusto sana siyang sabihin pero sa huli, nanumbalik lang ang kanyang ngiti.
His smile, was not something I usually see on someone who just met me for the first time. Nginitian niya ako na parang matagal na kaming magkakilala... at may alam siyang ikasisira ng buong pagkatao ko.
Madahan akong napabuga ng hangin nang ramdamin ang kakaibang lamig na nakapalibot sa kanya.
He's letting me see through him. He's letting me feel what he's capable of just by standing in front of me, and it's obvious.
He wants me to know and remember who he was.
Sinubukan kong bitawan ang kamay niya pero hindi ko nagawa.
"Uhh-" I was about to ask him to let go of me when he finally did.
Napahawak ako sa kamay kong agad kong ikinuyom dahil nagsimulang manginig ang mga daliri ko sa sandaling binitawan niya ako.
Kung saan-saan dumako ang aking mga mata habang inaalala kung bakit siya nandito.
Umangat ang isang kilay niya. "ID?"
"Right." Umiling-iling ako para gisingin ang sarili ko. "I-I'm sorry. Let's get your ID."
"Your name."
Mabilis akong napatingin sa kanya. "Hmm?"
"I like it."
Natawa ako nang mahina. "Thank you."
"Do you know what it means?" Umikot siya para sundan ako ng tingin na patungo sa likod ng laptop.
"Sovereign," sagot ko. "To rule."
"You're the one who reigns in the Academy, aren't you?" aniya. "I saw your picture on one of the hallways."
Yumuko ako sabay kagat ng aking pang-ibabang labi para pigilan ang isang namumuong ngiti.
"Siguro?" natatawa kong sambit. "I'm the top performing student in the Academy."
"What do you say we share that throne?"
At dahil sa tanong niya, ilang segundo kaming nagpalitan ng naglalabang tingin.
Pagkatapos, napangiti nalang ako.
"Henri." Sinenyasan ko siyang maupo para makuha ko na yung litrato niya.
Now that his smile's gone, his eyes bore on me with a threatening look.
Ginantihan ko naman siya ng blankong tingin upang ipaalam sa kanya na wala akong balak iwasan ito.
Gumuhit ang isang namamanghang ngiti sa kanyang labi.
"Reign."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top