Figures

Reign's POV

Kumatok ako sa kwarto ni Zack. Ilang sandali pa'y binuksan niya ito nang inaantok pa rin ang mga mata, at tila namimigat pa ang katawan.

Napangiti ako at inilabas mula sa aking likod ang isang tub ng red velvet ice cream. "Ice cream?"

Matagal-tagal siyang napatitig dito.

Inilapit ko sa kanya ang ice cream. "I said I'm sorry."

Natawa siya nang mahina at humakbang paatras para pagbuksan ako ng pinto. Masaya naman akong pumasok sa kwarto niya at dumiretso sa maliit na sofa sa mini-lounge area niya.

Umupo ako rito at binuksan ang tub. Pagkarating niya sa tabi ko, inabot ko sa kanya ang isa sa dalawang teaspoons na dala ko rin.

"Your lightning marks are gone," puna ko.

"Wow naman, Reign." Inagaw niya ang ice cream mula sa kamay ko. "Parang di ikaw may kasalanan, ah."

I grabbed a spoonful of the ice cream and ate it, before leaning on the armrest. I lifted my legs and gently folded them on top of the seat.

Nakapangalumbaba ako habang nakaharap kay Zack na ipinatong din ang isang paa niya sa sofa sabay hilig sa kabilang armrest.

"Kasalanan ko ba talaga?" tanong ko. "Eh, gusto ko lang naman manalo."

Tinapunan niya ako ng tamad na tingin. "Salamat sa ice cream, Reign. Pwede ka nang umalis."

"Zack naman, eh." Tinanggap ko ang ice cream na ipinasa niya sa'kin. Bumalik ako sa pagkakasandal at nagsimulang kainin 'to. "Hindi ko talaga sinadya 'yon. Balak ko lang takutin kayo."

"Oh, sige nga." Siya na naman ang nakapangalumbaba. "Ba't ako napunta sa ICU?"

Itinaas ko ang aking kutsara at sasagot na sana nang mapagtantong hindi pala magiging sapat yung sagot ko.

Umangat ang magkabilang kilay ni Zack.

Napabuntong-hininga ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay at sinenyasan akong iabot sa kanya yung ice cream na ginawa ko naman.

"Reign," sambit niya nang matanggap ito. "Kumusta yung sugat mo?"

Napakurap-kurap lang ako bilang sagot.

"Natamaan kita ng isang beses, diba?" tanong pa niya. "Nung pinagbabato kita ng mga patalim ni Grey."

"Ah- haha..." I let out an awkward laugh. "It's gone, now."

"Kanina, bago ako ma-discharge, nagtanong ako kung may record ka ba sa clinic sa araw na 'yon at wala," sabi niya. "Yung totoo, Reign, gusto mo bang unahan sa pagkamatay si Bella?"

"It wasn't that deep, though," tugon ko at kinuha ang tub mula sa kamay niya. "And besides, like what I said, it's already gone."

Ramdam ko ang nababagot niyang tingin habang nawiwili ako sa ice cream.

"Reign."

Hindi ko siya binalingan. "Don't look at me like that."

"Ikaw lang ang kilala kong top student na bobo."

Niwalang-kibo ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pag-kain ng ice cream. Tahimik lang siya habang minamasdan ako at hinayaan ko lang naman siya.

Bigla kaming nakarinig ng mga katok sa pinto kaya sabay kaming napatingin dito. Naglaho si Zack sa tabi ko at nagpakita ulit nang nakahawak na sa pihitan. 

Sa sandaling binuksan niya ito, isang paa ang sumipa mula sa kabilang dako dahilan na matamaan siya ng pinto at mapayuko.

"Amber!" I heard Ash's voice before he stepped inside.

Napahawak si Amber sa pinto at sumilip kay Zack. "Ay, hala- gago." Pumasok siya na may dalang isang plastic bag. "Sorry, Zack."

Saka niya ako nilingon. "Hi, Reign!" bati niya. "Naunahan mo pala kami."

"Amber!" galit na sigaw ni Zack sa kanya na binalewala lang din niya at ipinatong ang plastic bag sa maliit na coffee table.

Mula rito, naglabas si Amber ng dalawang tubs ng ice cream. "Bumili rin kasi kami ni Ash, eh."

"Ubusin mo 'to, Zack, ah?" Nilingon ni Amber si Zack na ginantihan siya ng matatalim na tingin. "Kung hindi, pababayarin kita."

"Puta-"

"Shh." Itinapat ni Amber ang kanyang palad sa direksyon ni Zack. "Halika na't palamigin na natin 'yang ulo mo bago ka mag-anyong palaka ulit."

Umupo si Amber sa sahig nang nakaharap sa mesa at binuksan ang isa sa tubs ng ice cream na pinamili nila. May kinuha rin siyang kutsara sa plastic bag at nagsimulang kumain.

Nilingon niya sina Zack at Ash. "Halina kasi!"

Sabay silang lumapit kay Amber at kung malumanay na naupo si Ash sa kanyang tabi, bigla naman siyang binatukan ni Zack na nasa kabilang gilid niya dahilan na masamid siya.

"Zack!" ani Amber at akmang isasapak ang kanyang kutsara nang biglang bumukas ang pinto.

Bumungad si Grey na napahinto nang makita kami. Sa likod niya, nagpakita rin sina Vance at Bella na inunahan siya sa pagpasok.

May sinenyasan si Grey mula sa kabilang dako at sa laking gulat namin, pumasok din si Paige tulak-tulak ang isang buong container ng dirty ice cream.

"Tangina- anong pinagdadala niyo rito sa kwarto ko?!" ani Zack.

"It's what we always eat in the park, non?" nakangising tanong ni Grey.

Umupo si Bella sa paanan ng sofa at sumilip sa ice cream na nasa kamay ko. "Reign, pahingi?"

"Of course." Inabot ko sa kanya ang container at ang kutsara ko.

Humagikgik siya bago tanggapin ito.

Pagkaraan ng ilang minuto, natagpuan ko ang aking sarili na pinapalibutan nila habang kumakain ng ice cream.

Kumunot ang aking noo nang may mapansin ako.

Habang nag-uusap-usap sila, tumayo ako mula sa sofa.

"Hahanapin ko lang si Henri," paalam ko sa kanila.

Lumabas ako ng kwarto ni Zack at dumako sa pinto na nasa pinakadulo ng hallway.

Kumatok-katok ako. "Henri?"

Walang sumagot kaya nahinuha kong baka natutulog siya o wala siya sa kwarto dahil may sariling lakad siya.

Humakbang ako paatras at tutungo na sana pabalik sa kwarto ni Zack nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto.

Lumiwanag ang aking mga mata. Sa sandaling napalingon ako rito, napatigil ako.

Mula sa gulo-gulo niyang buhok, tumakbo pababa ang aking mga mata sa hubad niyang dibdib at bago pa ako lumagpas dito ay agad akong umiwas ng tingin.

Also.

He has a tattoo?

I mean I clearly didn't stare at it but I did see blank ink on one side of his waist.

Ramdam ko ang nangungusisa niyang tingin kaya tumikhim ako at lakas-loob na muling humarap sa kanya.

"There's ice cream at Zack's."

I gave a quick glance at his abdomen before looking back at Henri who wore a subtle grin.

"What?" tanong ko.

Curious lang naman ako sa tattoo niya, ah, at nakumpirma ko nga na meron siya.

Though, I'm not sure what it is. All I saw are shapes and waves on the edge of his waist that I believe also extended around his back and on his thigh.

"It's a tribal tattoo," aniya. "From Ancient Elis, one of the earliest tribes that settled in Greece."

"You..." I pursed my lips for a moment. "You had it done in the Underworld?"

Napatingin siya rito. "Mmm." Saka niya itinukod ang kanyang kamay sa pintuan. "It tells the story of how an immortal fell in love with a mortal."

"Oh..." Huwag mo pa ring ibaba ang tingin mo, Reign. Huwag.

Inangat ni Henri ang kanyang ulo at matagal-tagal akong tinitigan, tila binabasa ang suot kong ekspresyon sa mukha.

He's studying me, which is why I tried my best to look and sound neutral.

A satisfied smirk curved on his lips before he spoke again. "You think you can wait for me?"

"No."

He chuckled. "I'll just follow, then?"

"Okay."

Before he could try to read me again and stare me to death, umikot na ako at naglakad pabalik sa kwarto ni Zack. Pagkapasok ko, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.

Lumapit ako sa kanila at bumagsak sa sofa. Padabog akong sumandal sabay hawak sa aking noo na ngayon ko lang namalayang pinagpapawisan.

"Reign?" Napansin ako ni Paige na nakaupo sa tabi ni Bella. "Are you okay?"

"Paige..." nakatulala kong bulong.

Bumukas ang pinto kaya mabilis akong umayos sa pagkakaupo. Hinablot ko ang ice cream mula sa kamay ni Bella na napatigil at kinisap-kisapan ako.

"Percival!" ani Grey nang makapasok si Henri na nakasuot na ng itim na shirt. "Come join us!"

"Where'd you come from?" tanong ni Vance pagkatapos umusog sa sahig para paupuin si Henri sa gitna nila ni Grey.

Nahagilap ko ang panandaliang pagsulyap ni Henri sa'kin bago maupo. "Asleep."

Sabay na napatingin sina Grey at Vance sa'kin.

"You woke him up, Reign?" tanong ni kuya.

Si Henri ang sumagot. "It's okay. I was already awake."

"Eto Henri, oh." Inabutan siya ni Amber ng isang baso ng ice cream na tinanggap naman niya. "Di ko alam kung anong favorite flavor mo kaya pinagsama-sama ko nalang."

"Ba't di mo tinanong?" ani Zack.

"Ba't di ka natuluyan?"

"Reign..." Sinundot-sundot ni Bella ang aking hita. "Ice cream..."

"Oh-" Agad kong ibinalik sa kanya yung tub at kutsara. "Sorry, Bella."

Napahawak ako sa buhok niya pagkatapos siyang umikot at magsimulang kumain ulit. Hinagod-hagod ko ito nang nakapiling ang aking ulo sa kanya at nakangiti.

Cute.

Pinapanood ko lang si Bella na taimtim na kumakain ng ice cream nang bigla akong may naalala.

"Anyone heard from the Alphas?" tanong ko sa kanila nang hindi pa rin inaalis ang aking kamay mula sa ulo ni Bella. "About the huntsmen's camps?"

"They found three camps, but all the men inside were dead," sagot ni Paige.

I crossed my legs and leaned to the side, still not letting go of Bella's hair. "Am I expecting another punishment, Omegas?"

"Grey," sabay na sabi nung kambal.

Tinignan ko si Grey. "Ikaw na naman?"

Grey cleared his throat and waved his spoon. "First of all..."

Patuloy pa rin ang paghimas ko sa buhok ni Bella habang pinapakinggan si Kuya na nagpaliwanag, at kinuwento na rin niya kung ano ang nangyari sa camp na pinuntahan niya.

I hummed before asking, "Did you get anything from the camp?"

He snickered. "Memories."

My brows furrowed with curiosity. "Show us."

The floor where Grey was seated seemed to ripple and it transformed into bigger waves that quickly surrounded us, at the same time changing our surroundings.

Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ang aking sarili sa gitna ng isang facility na kulay itim ang mga pader, pati na rin ang sahig. Pinalibutan din ako ng mga babae at lalaki na nagte-training.

There are some who fought with swords, spears and shields. There was also a shooting range where some of them threw daggers, pointed bows and guns.

"Is it me..." Vance's voice echoed within the memory. "-or they look like they're preparing for something?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top