Family
Reign's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan si Celeste na nakasandal sa'kin habang nagbabasa ng libro.
Napangiti ako at ipinalipot ang isa kong braso sa kanya para yakapin siya. "Anong ginagawa mo rito?"
Umusog lang siya ng kaunti bilang sagot.
Natawa ako at marahan siyang hinila pahiga sa tabi ko, na ginawa rin naman niya. Kaya nakayakap na ako sa kanya ngayon habang siya naman ay nakatagilid, nagbabasa pa rin ng libro.
Ibinaon ko ang aking mukha sa buhok niya, sabay higpit ng pagkakapalipot ng aking mga braso sa kanya.
Mukhang alam ko na kung bakit nandito siya.
Aalis na kasi kami ni Kuya Gab bukas.
"You know..." Dati ko pa ito napansin pero ngayon ko lang nasabi sa kanya. "You and Dad smell the same."
And they smell like Lavender, while Mom and Gabriel... smell like honey and roses.
Napangiti ako dahil wala na naman akong natamong sagot mula sa kanya.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata, para sana'y matulog ulit nang biglang may sumipa ng pinto.
Napasimangot ako.
"Celeste!" Narinig kong sigaw ni Kuya. "Te voilà!"
'There you are!'
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Gab na nagmamadaling lumapit sa'min nang nakabukas ang mga braso. Bago pa siya makatalon sa kinaroroonan namin ay agad kong hinatak ang kumot para takpan kami ni Celeste.
I let out a groan when he still jumped on top of us.
"Kuya!" naiinis kong sambit.
Narinig ko ang mahina niyang tawa bago siya gumulong sa kabilang gilid ni Celeste. Tinanggal niya ang kumot mula sa ibabaw namin at niyakap din si Celeste na napaangat lang ng mga braso at nagpatuloy sa pagbabasa habang nakapaloob ang ulo ni Kuya sa bisig niya.
Umusog ako papalapit kay Celeste pagkatapos tapikin ni Kuya ang tagiliran ko, senyas na gusto niya rin akong mahawakan.
"You haven't eaten breakfast and lunch, Reign," he said, with a hint of concern, but more on authority. "Tu veux mourir?"
'Do you want to die?'
"À cause de toi, oui." sagot ko.
'Because of you, yes.'
Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"T-Teka-" Nagpipigil ako ng tawa nang nakayakap pa rin kay Celeste habang pilit lumalayo kay Kuya. "Kuya!"
Torn between not wanting to let go of my little sister but wanting to avoid my older brother, wala akong ibang magawa kundi ang magpakawala ng mga pigil na hagikgik dahil sa pangingiliti ni Kuya Gab.
"Mama!" I almost choked on my own spit after screaming because I tried to hold a laugh.
"C'est l'heure de se lever, ma belle," natatawa niyang tugon.
'It's time to get up, my beautiful.'
"Celeste, oh!" pagsusumbong ko kay Celeste.
Narinig ko ang paglipat niya ng pahina. "I can't read properly."
Sabay kaming napasinghap ni Kuya nang sabihin niya 'yon. Sabay din kaming bumitaw sa kanya at umupo sa higaan.
"Oh no, you can't read properly?" ani Kuya.
"Mmm."
I gasped, again, more dramatically. "Gano'n ba?"
Dagliang napatigil si Celeste, tila may alam na sa balak naming gagawin. Bahagyang bumukas ang kanyang bibig ngunit bago pa siya tuluyang makabitaw ng utos na makapagpipigil sa'min, yumuko kami ni Kuya Gab para kilitiin siya.
Napatili siya sabay bitaw ng libro sa kamay niya.
Bumulalas kami ng tawa ni Kuya pagkatapos marinig ang matinis niyang halakhak habang gumugulong-gulong sa higaan at pilit tinatabig ang mga kamay namin.
Truth be told, we're just taking advantage of the time that she has not fully developed her ability yet. May kakayahan kasi siyang magpasunod ng kung sino sa mga utos niya, just like our Mom, but since she's still young, she could only use her voice. And when she finally knows how to control her ability, Mom told us that she can command silently.
"S-Sto- Hahahaha!" Nakakuyom ang kanyang mga palad na patuloy na humahataw sa mga braso namin ni Kuya.
Napatigil lang kami nang makarinig ng mahihinang katok sa pinto.
Nilingon namin si Mama na bahagyang nakapiling ang ulo habang nakangiti sa'min. "May isa sa inyo na hindi pa nakakain."
"Ooooh..." ani Kuya Gab.
Inirapan ko siya bago bumaba ng higaan at lumapit kay Mama.
"Good morning, Reign," bati pa niya sa'kin dahilan na matawa ako.
"Good afternoon, Ma," I replied with the same tenderness of voice.
"Niluto ko yung paborito mo." Mahina niyang hinawakan ang aking likod at iginiya ako papalabas ng kwarto.
"Really?" Natawa na naman ako. "You can't wait until tomorrow?"
"Mmm." Pinaningkitan niya ako. "Kinutuban kasi akong hindi ka makakakain ng almusal bukas."
"Oh?" Kumisap-kisap ako sa kanya. "May lahing oracle ka pala, Ma?"
Kumawala ang isang mahinang tawa mula sa labi niya na nagdulot ng kusang pagkagaan ng damdamin ko.
She's a daughter of Aphrodite, the goddess of love and beauty, and she's also a descendant of Mnemosyne, a titaness of time and memories, which makes her...
Napangiti ako.
A goddess of her own.
Bumaba kami ng hagdan kung saan nakasalubong namin si Dad na paakyat at may dalang puting bowl. Nasa kalagitnaan siya sa paghigop ng sabaw nang mapatigil siya.
"Teka-" ani Mama. "Yung sinigang ba 'yan?"
Kumurap-kurap si Dad.
"Trev naman, eh!"
"What?" Ibinaba niya ang kutsara.
And there's my Dad, a son of Zeus and a grandson of Hades. He's kind of known for his cold and stiff demeanor, but of course I know him better than what they say about him.
I was named after him, after all.
Actually, my siblings and I are named after the mortal members of our family. Gabriel got his name from our lolo, while Celeste, was named after our mom, Cesia.
"I'm sorry, my love-"
"Itinago ko pa 'yan sa cupboard tapos..."
Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti habang nakamasid sa kanilang dalawa. Mom was visibly upset and Dad... he obviously doesn't know what to do.
That's what he always looks like every time Mom gets agitated.
"Inubos na nga nung dalawa yung buong kaldero tapos hindi mo pa tinirhan si Reign-"
"Mama," pabulong kong sambit.
Nilingon niya ako.
Nginitian ko siya. "It's okay."
"Pero kaya ako nagluto ng sinigang para sa'yo..." pagbibigay-alam niya.
"Basta dadagdagan ni Dad yung allowance ko, okay na ako." Nagkabahid ng kasamaan ang aking ngiti nang sulyapan si Dad.
Pinaningkitan niya ako, samantalang lumapad naman ang ngiti ko.
And then, he finally let out a defeated sigh.
Yes!
"Trev," seryosong sambit ni Mama. "Taas. Ngayon na."
"Wha-" Nagtaka na naman si Dad pero napabuga nalang siya ng hangin at napailing, bago humakbang pataas ng hagdan.
Binigyan ako ni Mama ng manamis-namis niyang ngiti. "Teka lang anak, ah? Hintayin mo'ko sa kusina."
"Thanks, Ma, but I think I can cook for myself." I insisted.
"Sigurado ka?"
Tumango ako.
"Okay," masigla niyang tugon. "May pipirmahan lang akong divorce papers-"
"Daughter of Aphrodite."
"Ma!" natatawa kong sambit pagkatapos marinig ang nagbabantang tawag ni Dad sa kanya.
She scoffed at Dad before taking heavy steps on the stairs. "Kasi naman!"
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na nga silang maglaho ni Dad sa may dulo ng hallway.
Pagkatapos, bumaba na ako ng hagdan at napahinto sa malaking painting na tumambad sa'kin. Halos matakpan na nito ang buong pader sa isang side ng foyer. Sa ibaba nito ay may mahabang mesa kung saan nakapatong ang iilang picture frames.
Lumapit ako rito nang nakatingala.
And that's my family, I thought. In all our pride and glory.
The Young-Austria's, descendants of Zeus, Hades, Aphrodite and Mnemosyne.
Nakapameywang ako habang sinusuri ang latest family portrait namin.
Mom was seated in the middle of a cushioned seat fit for two. She wore a pastel pink gown and her golden brown hair was draped in waves in the front of a shoulder. And she also wore one of her sweetest smiles, the type that could calm you even just by looking at a picture.
Sa dakong kanan naman niya, kung nakaharap ka sa painting, ay walang iba kundi ako, na nakasuot ng pale yellow dress. Bahagya pang nakahilig si Mama sa'kin at nakapatong ang isang kamay niya sa skirt ko.
Napangiti ako nang maalalang hawak-hawak niya ang kamay ko n'yan, di nga lang makita sa kapal ng palda.
At kung nasa akin ang isang kamay niya, ang kabila naman ay marahang nakahawak sa kamay na nakapatong sa kabilang balikat niya. Kay Kuya Gabriel ito, na matuwid na nakatayo sa kanyang likod at nakasuot ng suit. His head was a bit tilted towards Mom while he flashed a charming smile. It's the first time his gray hair was combed neat, and it was slicked back. I'm saying this because he always likes his hair a bit messy in real life.
Oh, and he inherited Mom's purple eyes, as well. But while Mom surpasses all of us in terms of beauty, it's Gabriel who wins the charismatic race.
Aaminin ko na, kaya gusto ko siyang itapon-tapon ay dahil gusto ko ring masira kahit ng konti yung mukha niya. It's not an insecurity. More like a curiosity.
Dati pa akong curious kung anong hitsura niya kung pumutok yung labi niya o kagatin siya ng malaking bubuyog.
Pero hindi talaga, eh. There's this one time I gave him a black eye and the bruise just matched the color of his eyes?! Imbes na magmukhang tambay sa kanto, nagmistula siyang nymph? fairy?
Napabuntong-hininga ako at saka umiling.
Ibinaling ko ang aking atensyon sa dalawang silyon na pinagitnaan ang kinauupuan namin ni Mama.
On the right was Dad. He leaned comfortably against his chair while Celeste sat on his lap. The two of them didn't smile, or wore any expression at all. Pareho lang silang nakatingin sa harapan nila, and they don't have to do more, because they already showed their own presence through their postures.
Nakapatong ang siko ni Dad sa armrest ng silyon at bahagyang nakaangat ang kamay niya, na para bang nasa kalagitnaan ng pagsenyas.
Samantalang si Celeste naman, kahit inaantok ang mga mata, nakaupo siya nang matuwid at maingat na nakapalagay ang kanyang mga palad sa harapan ng skirt niya.
My eyes slowly drifted to the chair on the left.
"Hello, lolo," bati ko sa matandang lalaking nakaupo rito.
Gabriel Young, my maternal grandfather, the first half-titan, son of Mnemosyne.
He already had gray and white streaks on his hair but he still sat as if time was not of essence for him. His legs were crossed and he slightly leaned on the armrest wearing a smile.
Behind him was a lady standing, just around the same age as him.
It's our Mommyla. Siya ang nagpalaki kay Mama, at siya lang din ang may kakayahan sa'min na sagut-sagutin si lolo, ang kilalang pinakamakapangyarihan na mortal sa kapanahunan nila.
Katabi ni Mommyla si Kuya Gab na nakataliwas sa kanya, at nakapatong din ang kanyang kamay sa balikat ni lolo habang nakangiti.
And while we looked complete, there was still one more woman missing.
Si Lola, na nanay ni Dad.
She was a demigod too, a daughter of Hades, but sadly, she passed away two years ago in France. My aunts said that she died peacefully in her sleep and when Dad went to the Underworld to check, her soul was happily living in Elysium, the paradise for heroes and kind spirits.
Humugot ako ng malalim na hininga at napangiti nang ibuga ito.
"Reign?"
Umikot ako at nakita si Kuya Gab. Kasama niya si Celeste na nakatingala sa painting.
"We're here to cook you food," aniya. "Mom told us."
"Oh, umm..." Nagsimula na akong mag-isip-isip ng gustong kainin. "Bacon and eggs, saka dalawang tier ng pancake with maple syrup."
"Breakfast for late lunch?"
Masigla akong tumango.
"Alright, let's go Celeste." Hawak-hawak ang kamay ni Celeste, tumungo si Kuya sa kusina.
Susunod na sana ako sa kanila nang mapahinto ako.
Bahagya akong lumingon sa picture frames kung saan naroon ang mga litrato namin simula kabataan.
Family isn't just the people in the painting.
Dumiretso ang aking mga mata sa litrato kung saan kasama ko si Kuya Gab, at may iba pa kaming mga kasama na ka-edad lang din namin.
The photo was taken on the last day of our junior year, last year, in celebration of us altogether entering the senior class. All except Gabriel and Vance na dati pang seniors, kasi silang dalawa ang pinakamatanda sa'ming lahat na nasa litrato.
Napangiti ako, saka tumakbo sa kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top