Entranced

Reign's POV

Kakapanalo lang ni Ash ng pageant at nasa campus mall na ako ngayon para mamili ng mga pagkain mamaya.

Nasa aisle ako ng mga cereals nang mabilis akong lagpasan ni Mikhail na tumatakbo, suot ang isa sa mga gintong medals ni Zack. May dala siyang isang maliit na chocolate box at saka lumiko sa unahan para maghanap na naman siguro ng imi-midnight snacks niya mamaya.

Just after the pageant and the announcement of the winners of some games, I asked permission from Mom if I can borrow Mikhail and Celeste for a sleepover at the dorm, just like last year, where we all slept in the living room after we watched the Calydonian boar hunt, the final sport to be played this Olympics.

Mamaya sa gabi kasi ito gaganapin. 

There are a lot of cameras that Mrs. Sol and the satyrs installed all around the forest of the valley. Each continuously sends signals throughout the game. And then, from the control room, they could select which cameras to display into each televisions we have in our dorms.

In other words, we're going to watch the sport being played live inside the comfort of our homes.

Habang tulak-tulak ang isang cart, napayuko ako kay Celeste na mahinang hinatak ang skirt ng chiton ko.

"Is he..." malamig ang boses niya, pero nangunguryuso naman ang kanyang mga matang nakatingala sa'kin. "Is he going to play?"

Napatigil ako, at sabay kaming napalingon sa lalaking tahimik lang na nakasunod sa'min.

Sinulyapan ako ni Henri bago bumaba ang kanyang paningin kay Celeste. Nanatili siyang nakatitig dito nang bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo habang nakahalukipkip pa rin ang mga braso sa dibdib.

Muli akong tinignan ni Henri nang sumagot ako para sa kanya.

"He is," sabi ko kay Celeste. "He is going to pay- I mean play."

Tumuwid ang ulo ni Henri pagkatapos marinig ang sinabi ko, dahilan na bigyan ko siya ng isang inosente at manamis-namis na ngiti.

Binalikan niya naman ako ng isang pilit na ngiti na may kasamang pagsingkit pa ng mga mata, tila masayang nanghihinala.

Kinisap-kisapan ko siya.

Mabilis na naglaho ang kanyang ngiti. Malakas siyang napabuntong-hininga at sinenyasan akong magpatuloy na.

Nagpipigil ako ng tawa nang talikuran ko si Henri at muling itinulak ang cart.

"He's going to play with Grey and Vance," pagbibigay-alam ko kay Celeste. "And we're going to watch them together."

Lalabas na sana kami ng aisle nang muntik na naming mabangga ang isa pang cart na papasok pa lang. Napansin ko ang laman nitong napuno rin sa snacks, pero mas marami ang wines at beers na natatakpan ng mga pagkain.

Mula rito, inangat ko ang aking tingin kay Mama na nanlalaki ang mga mata.

Kumunot ang aking noo. "Ma?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa tulakan ng cart. "H-Hi, Reign..."

Muli kong tinignan ang cart niyang napuno sa mga inumin. "What are you-"

Biglang lumabas si Tita Art na may dalang isa pang wine. "Cesia, natikman na ba natin 'to?"

Sinenyasan siya ni Mama na humarap, at nang makita kami ay mabilis na napasinghap si Tita sabay tago ng bote sa likod niya.

"Hi, Reign!" Nakangiti niyang bati sa'kin. "Celeste, tsaka Henri!"

"Mag-iinom kayo?" usisa ko.

Tapos, napalingon ako kila Tita Ria at Tita Thea na may dalang tig-iisang box ng beers.

"Tangina, nakalimutan ko kung ano yung paboritong whiskey ni bebeh-" Napatigil si Tita Thea bago niya magawang ibaba yung bitbit niyang box sa cart nila. 

Kinurap-kurapan niya kami saka binitawan ito. "Sabi ko sa'nyo mamaya nalang tayo mag-grocery, eh!"

Napailing naman si Tita Ria nang ibaba yung isa pang kahon ng beer. "They're grown ups already," aniya. "They'd understand."

Kasunod na umalingawngaw ang tinig ni Mikhail sa grocery-han. "Mama?!" 

"No, shit-" puna ni Tita Ria nang makita ang batang lalaki na napuno ng snacks ang bisig habang tumatakbo sa kanya. "Mikhail! Stop running!"

"Mama!" Binilisan ni Mikhail ang mga hakbang nito dahilan na mapabuntong-hininga si Tita.

"Mag-s-sleepover din kasi kami," paliwanag ni Mama. "Sa dating dorm pa rin namin."

"Sa balcony!" masiglang dugtong ni Tita Art.

Dumating ang isa pang pushcart na may lamang mga kumot at unan. Sa likod nito ay si Tita Kara na napahinto nang makita kami.

Saka niya tinignan sina Mama.

"Reign, pwede bang hindi mo sabihan yung kuya mo?" ani Mama. "Baka kasi mag-portal na naman yun sa dorm namin imbes na panalunin yung laro."

"Si Amber na rin," dagdag ni Tita Thea. "Hindi niya pwedeng malaman na wala ako sa control room mamaya. Baka galawin na naman yung panel."

"And don't tell Vance that his parents are not watching him play," seryosong sabi ni Tita Kara. "He might lose interest in winning the hunt." Nanliit ang kanyang mga mata. "Especially after he's already named the most valuable player."

"Sasabihin ko!" sigaw ni Mikhail. "Bwahaha-" Naputol ang halakhak niya nang bigyan siya ni Tita Ria ng nagbabantang tingin.

Pinandilatan siya ng nanay niya. "You're going to what?"

"Ang sabi ko..." Tumingala si Mikhail kay Tita Ria nang hindi kumukurap, para labanan ang nagbabantang tingin nito. "Sasabihin ko."

"What the fu-"

"Pag di mo rin ako bilhan ng medal!" Bumulalas siya ng tawa at tumakbo patungo sa'min. "Gusto ko rin medal, eh!" Tumalon siya sa gilid ng cart sabay hulog ng mga dala niya sa loob nito. "Di yung chocolate, Mama, ah!"

"How many times do I have to tell you that no one bought your brother his medals?!" naiinis na paalala ni Tita sa kanya. "He won it!"

"Eh, di sasabihin ko."

"Bilhan mo nalang kasi 'yan, Ria," ani Tita Thea. "Para manahimik na."

"Don't teach me how to raise my son, Thea," sagot naman nito sa kanya. "His father has clearly made the mistake of spoiling him while I'm working."

"Di kaya ako spoiled!" giit ni Mikhail.

"Then why the hell are you threatening your own mother-"

"Ria, you forgot that you threaten almost everyone you meet," sabat ni Tita Kara. "Just give the child what he wants so we can go."

"What-" Napalinga-linga si Tita Ria, hindi makapaniwala. "Why-" Itinaas niya ang mga braso niya at namimikon itong ibinagsak. "Fine!"

Ngumisi si Mikhail. "Heh."

"Enjoy your sleepover, Ma." Napangiti ako kay Mama na nasa gitna nilang lahat at palihim na napabuga ng hangin. "I'll make sure you won't get disturbed."

Nginitian niya ako, saka si Celeste na nasa tabi ko.

"Kayo rin," sagot niya.

"Bye, Reign!" Dali-daling tinulak ni Tita Thea yung cart. "Pakabait kayo!"

Sinundan lang namin sila ng tingin na umalis mula sa harapan namin, at nang makalayo na nga sila, napansin ko ang pagbubulong-bulungan nila, at bumilis din ang kanilang paglalakad na tila may tinatakasan.

 • • •

Nakapameywang ako habang nakatingin sa pinagtabing foams sa sala para bumuo ng mas malaking higaan.

"Reign," sambit ni Amber na nakayuko sa isang sulok. "Pakihawak nga nung kabila. Natatanggal eh."

Pupunta na sana ako para hawakan ang isang sulok ng bed sheet nang unahan ako ni Mikhail at siyang tumulong kay Amber sa pag-aayos ng sapin.

Dumating sina Celeste at Paige na may dalang mga unan. Nakasunod din sa kanila si Bella na may bitbit na sariling unan niya at iilang stuffed toys.

Pagkatapos, masayang lumundag-lundag si Amber sa higaan patungo sa malapad na TV para i-on ito.

Napangiti ako nang biglang tumalon si Mikhail sa gitna at gumulong-gulong. Huminto lang siya nang pigilan siyang mahulog mula sa dulo ni Zack gamit ang paa nito.

"Tabi," utos nito sa kapatid niyang mahina niyang sinipa kaya't gumulong ito papalayo sa kanya.

Nilingon ko si Celeste na yakap-yakap ang isang mahabang unan. "Where would you like to sleep, Celeste?" 

Tinignan niya lang ako.

"Kung saan kami ni kuya?" tanong ko na tinanguan niya.

"Testing..."

Sabay kaming napatingin sa satyr na nasa TV. Nasa likod niya ang screens ng control room at naka-anggulo ang camera sa tapat niya na parang isa siyang news anchor.

Nagtangka siyang mangulangot nang may nagsalita sa likod ng camera para pigilan siya.

Dali-dali niyang ibinaba ang kamay niya. "Anak naman, oh, huwag mo ngang ipahiya yung tatay mo," reklamo niya. "Sabi mo mic pa lang yung pinapagana mo!"

"Sorry, Dad," natatawang tugon ng anak niya.

"Snacks are here," sabi ni Hedone na kalalabas lang mula sa kusina.

May dala siyang isang malaking wooden tray na napuno sa nacho chips at pinagitnaan nito ang iba't ibang dipping sauce. Nakasunod naman sa kanya si Ash na bitbit din ang isang silver tray kung saan nakapatong ang tig-iisang bowl ng popcorn, fries at chicken bites.

Mayroon ding dalawang buckets ng ice cream at isang platter ng chicken wings.

Maingat nila itong inilapag sa gitna ng higaan at naupo sa likod nito.

Lumapit din ako sa kanila at sumabay sa iba sa pag-upo nang nakapalibot sa snacks.

Marahan akong napahawak sa likod ni Celeste nang maupo siya sa tabi ko at umusog papalapit sa mga pagkain.

"There's soda in the fridge," pagbibigay-alam ni Hedone. "You can get one anytime you want."

"Magandang gabi, Olympus Academy!"

Napaharap kaming lahat sa dalawang satyrs na nakaupo sa likod ng mahabang mesa. Pareho silang nakasuot ng headphones na may mic.

"Sa hindi pa nakakakilala sa'kin, ako lang naman si Bo, ang assistant ng ating chief engineer na..." Inayos niya ang mga papel na nasa mesa. "Inutusan akong sabihin sa'nyo na andito siya."

"Katabi ko ang aking gwapong anak na si Bo the third-"

"The fourth, Dad."

"Ah, yung pang-apat ko pala 'to." Tumango-tango si Bo. "Noted, Bo-the-fourth."

"Hi," bati ng anak niya sa camera. "I'm Bo the fourth, or just Fourth."

"Teka," ani Bella. "Ilang Bo ba ang meron?"

"Dalawampu't isa," sagot ni Amber. "At dalawampu't tatlong Bea's, yung mga babaeng anak niya."

"Napakatiyaga nga naman," puna ni Zack.

"Tonight is the last night of our Olympics," paalala ni Fourth. "Which means it is time for the Academy's annual Calydonian boar hunt."

May inilabas si Bo na isang silver flask mula sa ilalim ng mesa. "Ikaw na rin magsabi sa kanila tungkol sa larong ito, 'nak."

"The Calydonian boar hunt is one of the great heroic adventures, that came before the Trojan War," pagbibigay-alam ni Fourth. "The goddess Artemis sent a very big boar to ravage the region of Calydon in Aetolia, a mountainous region of Greece."

"Ba't nga ulit nagpadala si Artemis ng napakalaking baboy-ramo, Bo-the-fourth?" Sandaling uminom si Bo ng alak nito. "Nakalimutan ko na."

"The goddess was mad because their king, Oeneus forgot to honor her in his rites to the gods," sagot niya. "Which is why the Academy always makes sure that no deity is being skipped in our daily offerings, and rites to the gods."

"The Calydonian boar hunt..." Nilingon niya ang ama niyang may inilabas na isang plato ng mga pako at turnilyo sa mesa. "The Calydonian boar hunt, as I was saying..." Muli siyang humarap sa camera. "Was a hunt called by the King to kill the boar. The hunt gathered some of Ancient Greece's mightiest heroes, including a few demigods."

"Euphemus... Jason..." Nagsimulang magbilang si Bo ng mga sumali sa pinakaunang hunt. "Alcon, son of Ares, Castor..."

Tumango si Fourth. "However, the hunt was also controversial," dagdag pa niya. "Because the first hunter who wounded the boar was their only woman, the princess hunter of Arcadia, Atalanta. She won the hide of the boar and this outraged some of the men."

"Although it was the hero Meleager who killed the boar, he gave the prize to Atalanta who drew first blood," kuwento niya. "But the sons of Thestius snatched the prize from Atalanta because they thought it disgraceful that a woman won the trophy from a sport where men were involved."

"Fortunately, Meleager killed them and returned the prize to Atalanta." Napabuntong-hininga siya. "Then Meleager also died on the spot, but we're not going to talk about that."

"Lesson learned," aniya. "Men from Ancient Greece need to have sucked it up and accept that some women can do better than them and give them the credits they deserve-"

"Kaya shoutout sa wala pang nakakatalo na top student natin," ani Bo. "Reign..." Itinaas niya ang kanyang flask. "Ang ganda mo na, ang galing mo pa."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para magpigil ng ngiti.

"Crush ka nga rin pala ng karamihan ng mga anak ko-" Napahinto siya nang sulyapan siya ni Fourth.

"Anyway..." Tumikhim si Fourth. "While our hunters are gearing up, let's have Bo-the-third, who is in the shed with our Calydonian boar."

The camera switched to another satyr who held a microphone in his hand and stood in front of a shed.

"Magandang gabi, Olympus Academy." Pumasok siya sa loob ng shed. "Alam niyo ba na ang Calydonian boar o ang Hus Kalydonios ay nag-iisa sa species nito sa buong mortal realms?"

"At kung makikita niyo..." Tumabi siya para ipakita sa'min ang malaking anino ng baboy-ramo na may mapupulang mata. "Sobrang laki nga naman nito, at kasingbigat ng dalawang chariots."

"Tanging sa Olympus Academy lang makikita ito, dahil sa ating magaling na mag-asawang chief engineer at head scientific researcher na silang may kakayahang gumawa ng buhay na Calydonian boar," dagdag pa niya. "Ito ang pinakamalapit na replica na meron tayo sa orihinal na nilalang. Syempre, hindi ito ang exact replica ng boar sapagka't ayaw nating matikman ang galit at selos ng goddess na siyang unang naggawa nito."

Itinapat ng satyr ang microphone sa itim na nguso ng boar. "Ano pong masasabi niyo sa ating mga hunters ngayon? Kampante ho ba kayo o kinakabahan?"

Nangangalit itong suminghot sa mic.

"At ayon na nga po." Humarap ang satyr sa camera. "Sa dinami-raming beses na na-interview ko ang ating Calydonian boars, ni isa sa kanila'y hindi nagpakita ng kaba at takot."

"Ito na ata ang pinakamatapang na hayop na kilala ko sa buong realms," puna niya. "At ang ating hunters, ang mga pinakamatapang na estudyante ng eskwelahan."

Napatigil ako nang mapansin ang boar sa likod niya na pinadyak-padyak ang isang paa nito.

"Ako po si Bo-the-third, na nagsasabing ang buhay ay hunting-hunting la- ang!" Napasigaw ang satyr nang biglang lumipad ang katawan niya pagkatapos siyang iangat ng boar gamit ang mahahabang pangil nito.

Tumakbo ang boar palapit sa camera at marahas itong itinabig sa daanan. Narinig ko pa ang sigaw din ng cameraman bago bumalik ang screen sa control room kung saan napakurap-kurap sina Bo at Fourth.

Umayos si Fourth ng pagkakaupo. "It seems like the hunting had just unintentionally begun," anunsyo niya. "But let's not fret, for our hunters are already prepared to enter the forest."

Habang nagna-narrate si Fourth, lumabas sa screen ang mga estudyanteng nasa field at nagkahiwa-hiwalay sa mga pangkat.

"We have a total of thirty-two hunters this year. Twelve from Gamma, twelve from Beta, Five from the Alphas, and only three Omegas."

"What makes this batch interesting is we have a new hero joining the hunt." Namamanghang tumawa si Fourth. "That's right, folks. For his first year in the Academy, Henri, the son of Destiny, is holding a bow for himself and will hunt the boar with the company of two of his classmates, Grey and Vance."

"They are now a three-man team," aniya. "Compared to the one-woman team they sent last year."

Nilingon namin si Bella na siyang ipinadala namin sa hunt noong nakaraang taon.

Last year's hunt was a surprise because after the Alphas were able to kill the boar, they found three broken arrows that sunk under the animal's skin, meaning it was already wounded before they killed it.

The satyrs traced the arrows back to Bella who lost, but was awarded for drawing first-blood.

When asked why she didn't kill the boar, Bella said that she found a deer that runs faster and chased it instead.

"Will the Omegas emerge victorious this time?" tanong ni Fourth. "Or will they only make a close call such as last's?"

"Ayusin niyo 'yan mga gago." Narinig kong bulong ni Amber habang kumakain ng nachos. "Kung hindi susunugin ko mga kwarto niyo."

"And before we release the hunters, let's check the cameras evenly distributed around the valley," ani Fourth.

Sunod-sunod na nagpapalit ang screen para ipakita sa'min ang iba't ibang parte ng malawak na kagubatan na nakapalibot sa Academy village.

Malinaw naman ang mga ito, at yung mga lugar na mas madilim ay ginamitan nila ng night vision na cameras.

Pagkatapos, limang estudyante na may dalang mga pana ang nakita naming pumasok sa kagubatan.

"And that is it, Team Alpha entering first the forest after given the go signal."

Lumipat na naman ito kay Grey na mag-isang pumasok habang inaayos ang harapang strap ng arrow quiver niya.

"And it seems like the Omegas' strategy is to separate themselves first. A very smart one considering there's only three of them against the wideness of the forest."

Then the screen showed the boar running and ravaging through one part of the forest while being chased by a few arrows.

"Our first spotter, everyone!" anunsyo ni Fourth. "No other than-"

Lumitaw sa screen si  Vance na mahinahong naglalakad sa tinakbuhang direksyon ng hayop, bitbit ang pana sa isang kamay.

"Our most valuable player of the year!"

Huminto si Vance at lumingon sa itaas ng kahoy kung saan nakadikit ang camera.

He smirked, before shaking his head and proceeded to follow the boar.

"Kapal talaga ng mukha," puna ni Amber.

"Ayan na naman bro ko..." ani Zack.

The screen switched to one of the night-vision cameras where another student, a female, walked carefully behind the trees.

It was Maeve, daughter of Apollo.

She carried with her a shining bow and arrow that she slowly aimed in front of her.

Pinakawalan niya ang kanyang tali ngunit wala kaming narinig na iyak, ibig sabihin hindi ito tumama. Ang narinig lang namin ay ang galit at mabibigat na tunog ng mga paang tumatakbo papalayo sa camera.

Kumibit-balikat siya bago lumiwanag sa kanyang kinatatayuan at naglaho.

Pagkaraan ng lagpas kalahating oras, nasa punto na kami ng hunt kung saan dalawang Gamma ang nakita naming nakahilata na sa lupa pagkatapos daganan ng boar.

"At ayan na nga," ani Bo. "Mayroon na namang nasalanta ng hagupit ng isang baboy na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakahuli."

"The boar is the same color as the darkness around it," Fourth commented. "Which is why it is very hard to spot it and follow its trails."

"Wala bang may kapangyarihan diyan na night-vision din?" tanong ni Bo.

"They don't need it, Dad," sagot ng anak niya. "Some of them are able to sense its presense."

"Sa'n na ba yung Omegas?" 

We were then shown Grey and Vance who stood in the middle of the woods, and are obviously in a conversation.

Kumunot ang aking noo. 

Where's Henri?

"If you're looking for Henri, well he's..."

Lumipat-lipat ang screen para ipakita sa'min ang mga paang tumatakbo at lumulundag-lundag sa mga sanga.

"Chasing the boar from the trees," dugtong ni Fourth.

The sound of arrows being released can also be heard from the cameras, along with the shadow of his shoes that continued to run along the branches.

The boar swerved right after Henri aimed an arrow near its left foot.

He's bringing it to Grey and Vance.

"Well, well, it looks like we have here one hell of a deliverer for leading the boar to his mates."

Bago pa man namin makita ang sumunod na pangyayari, biglang namatay ang TV at kumisap-kisap ang mga ilaw ng dorm.

"Something interrupted the signals?" tanong ko kay Amber.

"Parang gano'n na nga," sagot niya.

Lumitaw si Zack sa tabi ng TV at pinaandar ulit ito.

Lumabas sina Bo at Fourth na parehong nakakunot ang noo.

"Hold on, everyone." May hinatak si Fourth na puting keyboard. "My brothers have just reported unknown interruptions coming from outside-"

Napatigil siya.

Mabilis na bumaba mula sa upuan niya si Bo at dumako sa control panels na nasa likod nila.

"What's happening?" ani Paige.

Fourth sighed. "Please stay in your dorms, as we try to settle-"

The television turned automatically off again, as well as the lights inside the dorm.

"Lights," utos ko nang mapatayo.

Sabay na nagliyab ang mga palad ng kambal, at nag-summon din si Bella ng lumiliwanag niyang katana.

"Did someone close the kitchen panels?" tanong ko pagkatapos makaramdam ng kakaibang lamig mula sa labas ng dorm. "And locked it?"

"I did," sagot ni Ash.

"Celeste-" Napatigil ako nang makitang wala na si Celeste sa tabi ko. 

Luminga-linga ako. "Celeste?"

"Mikhail?" Narinig ko ring sambit ni Zack. "Puta-" Nag-iwan ng ihip ng hangin si Zack sa sandaling umalis siya para hanapin yung kapatid niya. "Mikhail!"

"Huwag mo'kong mabiro-biro, hoy!" Umalingawngaw ang boses niya mula sa pangalawang palapag ng dorm. "Mikhail!"

Inilibot ko ang aking paningin sa nandidilim na silid. "Celeste?" Nagmamadali akong tumungo sa kusina. "Nasa'n ka?"

Binuksan ko ang glass panels at lumabas sa likod ng dorm namin. "Celeste!" malakas kong tawag sa kanya. "Cele-" Napatigil ako nang mapansin ang mas makulimlim kong kapaligiran.

Unti-unti akong tumingala sa langit kung saan isa-isang namatay ang liwanag ng mga bituin.

Kumunot ang aking noo sa malaking anino na dumaan malapit sa ibabaw ng dorm. Nagdala ito ng kakaibang hangin na gumalaw sa mga punong nakapalibot sa'min.

"Celeste!" sigaw ko at ginamit ang kapangyarihan ko para lumipad paangat.

Nagawa kong lagpasan ang bubong ng dorm namin, nang bigla akong manghina bago ko pa maabot ang makapal na kumot ng kadiliman. Mabagal at tahimik itong tumakbo sa pagitan ng lupa at kalangitan.

Napababa ako ng lipad habang nakatingala rito.

What even is that?

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ito pero mabilis din akong napaigtad sa sakit sa sandaling dumapo ang balat ko rito.

Napailing ako, at hinanda ko pa rin ang sarili ko na pumasok dito, nang bigla itong manipis.

Napatakip ako ng mukha nang itulak ito ng malakas na hangin. Pagkatingin ko ulit, sinalubong ako ng lumiliwanag na mga mata ni Dad na katulad ko ay lumulutang din.

Napalingon ako sa lupa kung saan lumitaw ang isang portal. At mula rito, nagmamadaling lumabas sina Mama at Tita Ria.

Tumakbo sila papasok ng dorm.

"Celeste!" nag-aalalang tawag ni Mama.

"Zack! Where's your brother?!" galit na sigaw naman ni Tita Ria.

Muli akong humarap kay Dad. "Dad-"

Nilagpasan niya ako pababa sa lupa. Sumunod naman ako sa kanya.

"What's happening?" tanong ko nang makalapag sa lupa. "Dad?" Binilisan ko ang aking mga hakbang para makahabol sa kanya. "Anong nangyayari?"

Tumigil siya. "A trance entered the barrier," sagot niya nang hindi ako binabalingan ng tingin. "It just passed, bringing a few presence along with it."

"Small ones," dugtong niya bago nagpatuloy sa paglakad patungo sa sala.

"Nandito nga lang siya kanina!" 

"Then I must have turned blind, Zack, because I cannot see your brother!"

Naabutan namin sina Zack at Tita Ria na nagtatalo.

"Nagbrown-out lang naman, eh! Tapos bigla na silang nawala ni Celeste-"

"What do you mean bigla nalang silang nawala?! Binantayan mo ba talaga yung kapatid mo-"

"Ria," mahinahong tugon ni Mama. "Sigurado akong nandito rin sina Celeste kasama sila, bago kinuha."

"Kinuha?" kunot-noo kong usisa.

Nakapameywang si Tita Ria nang mapahawak sa buhok niya, malalalim ang bawat hininga.

Nilingon ako ni Mama, at agad kong napansin ang matinding alala sa kanyang mukha.

"Ma." Lumapit ako sa kanya. "I swear I didn't-" Napalunok ako. "She was just sitting right beside me-"

"Wala kang kasalanan, Reign," giit niya. "Wala kayong kasalanan."

Mabilis akong umiwas ng tingin para itago ang pamamasa ng aking mga mata.

"Ano bang nangyari bago sila nawala?" tanong niya sa iba.

"A-Ano po, Tita..." nangangambang sagot ni Amber. "Namatayan kami ng kuryente tapos nakapasok yung malamig na hangin kahit nakasarado naman yung mga bintana."

"Bella?" sambit ni Mama. "Nakita mo ba ang pagkawala nila?"

"Naramdaman ko lang..." mahina nitong sagot sa kanya. "Tinangay ata sila nung dumaan na kadiliman, ih..."

"Tinangay... kinuha..." bulong ko. "Ma, ano ba talagang nangyari?"

"May nakapasok na kapangyarihan mula sa labas ng barrier," sagot niya. "Isang trance, na dinaanan ang buong Academy. Naramdaman ko ang paglaho ng presensya ng bawat bata sa loob ng barrier, kaya may kutob akong hindi lang ang mga kapatid niyo ang nawawala ngayon."

"It didn't just take the children," biglang sabi ni Ash dahilan na mapatuon kami sa kanya.

"Hedone's gone."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top