East Asia

Amber's POV

Patay na ata si Vance.

"I've already sent Tina to look for him," ani Paige. "Gods know where my brother is and what's taking him so long."

Si Tina ay ang alagang owl ni Paige na niregalo ni Athena sa kanya. Kung gaano kaitim si Don na kabayo ni Vance, gano'n naman kaputi si Tina pagkat ito ay isang Arctic owl na may mapuputing balahibo.

"Hindi," giit ko. "Patay na yun."

Pinadalhan ako ng nagbabantang tingin nina Paige at Zack kaya ginantihan ko sila ng nababagot na ngiti.

"Twins," sambit ni Paige. "Are your ashes and embers enough?"

Sabay kaming tumango ni Ash.

Sa oras na nakarating si kambal dito sa Wuyi Mountains, agad kaming naglibot sa gubat para gawing abo at baga ang iilang mga kahoy.

Nilingon ko ang malaking facility na nasa gilid ng bundok. Nasa kabilang dako ito ng ilog. Moderno ang disenyo nito at sa sobrang laki nito, umabot sa mabababang ulap ang itaas na bahagi nito.

Walang normal na tao ang makakakita nito dahil pinalibutan ng mist ang bundok na kinaroroonan ng facility.

Pinaningkitan ko ito.

Halatang makapal ang metal na gamit nila bilang pader at bubong. May malaking heliport sila para sa maliliit nilang jet planes at helicopters. Pinalibutan din ang bawat entrada ng guards, at halatang karamihan sa kanila ay hindi lang basta-basta dahil sa hitsura't tindig nila.

Kinutuban akong ang mga huntsmen na nandito ay mas nakatatandang mga miyembro ng organisasyon. Ibig sabihin, taglay nila ang mas maraming karanasan at kaalaman, at posibleng mas delikadong kalabanin.

"Bella, are you sure you can't enter their barrier undetected?" tanong ni Paige.

Umiling si Bella. "Makapal yung mist, ih..."

Kung nandito lang sana si Reign eh di kanina pa kami nakapasok sa barrier ng facility nila. Pero hindi, kaya andito pa rin kami sa kabilang bundok para hintayin sina Grey at Vance na malay ko kung saang lupalop ng realms napadpad dahil ang tagal nila.

"Paano sila nagkaroon ng teknolohiya na galing sa realms natin?" Humigpit ang pagkakahawak ni Zack sa dalawang saber swords niya.

"Why can't they?" Napatingin din si Paige sa facility. "They've been studying and stealing powers from our realms for years."

"They have come this far at the cost of the lives of mythological creatures like us," dagdag pa niya. "In other words, they are nothing but selfish cowards, who use others to gain power."

Nabalot ng mabigat na tensyon ang kinatatayuan namin, dahil sa iisang naramdaman namin habang nakatingin sa pinakamalaking facility ng huntsmen sa Asya.

Sa ilalim ng kapa ko, kumuyom ang aking magkabilang palad.

"They've been collecting blood from other creatures," sabi ni Ash. "Concentrated them to make serums, that they inject into their men"

"I suppose it's what gave them power." Nanliit ang mga mata ni Ash. "And they have collected every poison from both mortal and mythological realms to coat their bullets and blades."

"Humans tend to become blind when consumed by greed." Kumunot ang noo ni Paige sa kinikimkim na galit. "They will not stop until everything's too late, until they will realize that they cannot have everything."

Inangat niya ang kanyang braso kung saan pumatong si Tina. Dahan-dahang binaba ni Paige ang owl hanggang sa magkatapat ang kanilang mga mukha sa isa't isa.

"Grey and Vance are on their way," pagbibigay-alam sa'min ni Paige nang ilipat niya ang kanyang paningin sa'min.

Kusang pumagaspas paangat si Tina at lumipad papalayo sa'min.

Ilang sandali kaming tinitigan ni Paige bago nag-anunsyo.

"It's time."

Unang naglaho sa aming paningin sina Zack at Bella. Nagpalitan naman kami ni Ash ng tingin bago tumungo sa magkataliwas na direksyon.

Bahagya kong itinaas ang aking kamay habang naglalakad, at dahan-dahang umangat mula sa lupa na dinaanan ko ang maliliit na piraso ng mga baga.

Sa bawat hakbang ko, dumarami ang mga baga na nakalutang sa likuran ko, hanggang sa magmistula itong belo na unti-unting kumakapal at humahaba sa landas ko.

Patuloy lang ako sa pagkolekta ng mga baga. Napansin ko rin ang paggalaw ng abo sa lupa na agad lumipad sa kabilang direksyon, kay Ash na tinatawag ang mga ito.

Di nagtagal, lumabas ako ng kagubatan at tumigil sa may tabing ilog.

Malayo sa'kin, nilingon ko si Ash na kabubunyag lang din ng sarili niya mula sa gubat. Tinignan niya ako bago tumingala sa facility na tila nakabaon sa dalisdis ng bundok na kaharap namin.

"Huntsmen..." bulong ko.

Kasunod na nagparinig ang isang malaking ibon mula sa himpapawid. Sa ibabaw ng mga ulap, lumitaw ang isang ibon na nag-iwan ng apoy sa landas nito habang pinag-iikutan ang itaas ng facility.

Kasabay sa paglubog ng araw sa likod namin, ay ang pagpinta ng phoenix ng kulay ng apoy sa mga ulap.

Nagliyab ang kalangitan, ngunit dumilim naman sa lupa nang daanan kami ng kakaibang lamig. 

Narinig namig ang pagsilabasan ng mga ibon mula sa nakapalibot naming gubat dahil sa malawak na aninong dumapo sa korona ng mga puno.

Sabay kaming napalingon ni Ash sa likuran namin kung saan nakita namin ang isang phoenix na tila kalalabas lang mula sa araw. Nakasakay sa likod nito ang isang babaeng nakatayo at may pinaghahawakang katana sa tig-iisang kamay.

Binaling ko ang aking atensyon mula rito at naglakad sa tabi ng ilog. Nakasunod pa rin sa kamay ko ang mga baga nang bilisan ko ang aking mga hakbang at nagsimulang tumakbo.

Tinabig ko paharap ang kamay ko at agad namuo ang isang malaking ibon na gawa sa lumiliwanag na baga.

Sa unang pagtaas ng mga pakpak nito, lumundag ako pasakay sa likod nito at sumama sa paglunsad nito sa lupa.

Iniluhod ko ang isa kong tuhod at napahawak sa likod ng ibon upang makabalanse habang umaangat ito sa ere, paikot sa facility ng huntsmen.

Sinulyapan ko ang mga baga na nakasunod sa 'kin bago tignan ang huntsmen na nagsilabasan sa facility nila. Lahat sa kanila'y nakatuon ang mga sandata sa direksyon ko kaya dahan-dahan akong napatayo nang matitigan ko sila sa ibaba ng aking paningin.

Mula sa ilalim ng kapa, inilabas ko ang aking palad kung saan lumitaw ang pulang apoy. Ngunit imbes na ibato ito sa kanila ay hinagis ko ito sa direksyon ng watch tower na dadaanan ng ibong sinasakyan ko.

Gano'n din ang ginawa ni Ash sa watch towers na nasa kabilang dako habang nakasakay sa ibong gawa sa nanigas na abo.

Sunod-sunod kong tinapunan ng apoy ang watch towers na dinaanan ko.

At kasama si Ash, tumungo kami sa tuktok ng bundok, sa kinatatayuan ng base station nila, isang malaking bakal na tore kung saan nakadikit ang mga antenna ng wireless receivers at transmitters ng facility.

Lumitaw ang apoy sa magkabilang kamay ni Ash at nang makalapit kami rito ay agad naming pinasabog ang bawat satellite dish at antenna.

Pinag-ikutan namin ito habang isa-isang sinira ang daluyan ng komunikasyon nila. Nang sa gano'n, walang mensahe ang makakapasok sa facility at makakalabas mula rito.

Napansin ko ang pagbaba ng mga apoy ni Ash. Tumama ang mga ito sa haligi ng tore.

Saka ko lang naalala na kaya nga pala niyang tunawin ang mga bakal gamit ang apoy niya kaya sa sandaling nasira ko ang pinakatuktok na mga antenna, humilig pabagsak ang base station at tumama sa telecom facility na nasa paanan nito.

Nagkaroon ng malaking pagsabog sa tuktok ng bundok bago namin ito iwan at bumalik sa main facility ng huntsmen.

Sinulyapan ko ang nasirang watch towers ni Ash, saka itinuon ang aking atensyon sa huntsmen na sinalubong kami ng mga putok ng baril.

Habang iniikutan ang malawak na platform sa malaking entrada ng facility, nakita ko ang isang lalaki na lumabas at pumagitna.

Itinaas niya ang kanyang kamay. Isang senyas, dahil ilang sandali pa'y huminto sa pagpapaputok ang huntsmen.

Tumigil din sa pag-ikot ang mga ibong sinasakyan namin ni Ash. Nakalutang kami sa ibabaw ng magkabilang dulo ng platform nang dahan-dahang kaming humarap sa huntsmen.

Lumabas ang dalawang pangkat ng huntsmen na may dalang mga pana.

Itinutok ng mga ito ang bawat palaso nila sa gawi namin ni Ash.

Nagkasalubong ang aking kilay nang makaramdam ng mga presensya sa likod ko. Ngunit hindi ko na kailangang lumingon upang malaman na mga kalaban ito dahil nakita ko ang iilang huntsmen na lumutang sa likod ni Ash.

Sabay silang naglabas ng baril na agad nilang itinuon sa likuran ng kambal ko. Narinig ko rin ang pagkasa ng mga baril malapit sa'kin.

Sa pagitan ni Ash at ng huntsmen sa likod niya, nahagilap ko ang matuling pagdaan ng pulang liwanag.

Pagkatapos, isa-isang naputol ang mga kamay ng huntsmen na may hawak ng mga baril. Sunod-sunod silang bumagsak nang lumitaw ang malalim na hiwa sa kanilang mga leeg.

Lumitaw si Zack sa ibabaw ng bubong, nakalabas ang mga espada, pati na rin ang kanyang mga pakpak. 

Bumagsak ang kanyang tingin sa huntsmen na nagawang pansinin ang biglaang pagparamdam niya.

Dumaan sa likod ko ang ihip ng hangin.

Yumuko ako at minasdan ang pagkahulog ng magkahiwalay na mga katawan at ulo.

Inangat ko ang aking tingin kay Bella na lumitaw sa gitnang dulo ng platform. Sa aming apat, siya ang pinakamalapit sa huntsmen.

Mabagal niyang inangat ang kanyang katana at iginiya pataas ang baril ng isang huntsmen nang matapat ito sa kanyang mukha.

Natawa siya nang mahina saka ibinaba ang kamay niya.

"Fire," utos ng commander nila.

Tinitigan ko ang huntsmen na nakatuon ang mga pana at baril sa'kin. Sabay silang nagpakawala ng mga bala at palaso.

Imbes na umiwas ay ipiniling ko lang ang aking ulo dahil kusang tumigil ang mga ito sa harapan ko.

Nginitian ko sila nang mahulog ang mga ito. Ngunit mabilis ding naglaho ang aking ngiti nang makarinig ako ng tunog ng dumaan na eroplano.

Tumingala ako at nakita ang anino ng mga eroplano na padaan-daan sa ibabaw namin.

"You're surrounded," sabi ng commander.

Nakarinig din ako ng mga kaluskos mula sa ilalim ng mga punong nasa ibaba ko.

Walang ni isa sa'min ang nagsalita at hinayaan ang isa sa eroplano nila na bumagsak sa paanan ng bundok ang sumagot.

Nilingon namin ang isa pang eroplano na umalingawngaw, nagtatangkang tumama sa'ming lahat.

Habang papalapit ito sa'min, unti-unti naming nasilayan ang anyo ng isang babae na nakatayo sa ibabaw ng cockpit. Suot niya ang seryosong ekspresyon at sa kanyang likod, marahas na pumagaspas ang kanyang puting kapa laban sa hangin.

Bago pa umabot ang eroplano sa platform, lumundag siya mula rito, at gamit ang kanyang paa, tinulak pababa ang anggulo ng eroplano kaya sumabog ito sa ilalim ng platform.

Mabilis nga ang paglunsad niya, pero mabagal naman ang paglapag ni Paige sa gitna ng platform, sa tapat ng commander.

Nagpalitan sila ng blankong tingin.

"While you were taking your time showing us what you can do, we have already set every fighter jet and armed vehicle on their positions," wika ng commander. "You should not have paid a visit here."

"Clearly," dugtong pa niya. "You do not know what you've asked for."

Walang ipinagbago ang ekspresyon ni Paige.

"We have already suspected an attack coming." Ngumisi ang commander. "But we didn't expect you to come."

Hindi pa rin sumagot si Paige na ikinabura ng ngisi niya.

Kinuyom niya ang kanyang palad at magbibitaw na sana ng utos nang magsalita na si Paige.

"Have you..." mahinang tugon ni Paige. "Have you ever seen a titan before?"

Itinaas ko ang aking kamay at kasabay nito ay ang pagliwanag ng mga korona ng puno. Mula rito, lumutang ang milyon-milyong piraso ng baga.

Sinenyasan ko itong magtipon sa harap ng facility.

Unti-unting natabunan ng anino ang platform nang mamuo ang isang higanteng tao na gawa sa nagbabagang apoy. Kasinglaki nito ang kalahati ng bundok, at sa tabi nito, lumitaw din ang isa pang higanteng tao na gawa sa abo.

Lumipad kami ni Ash papunta rito at lumipat sa balikat ng mga ito.

Gumalaw ang lupa nang humakbang ang dalawang higante papalapit sa facility, at sa wakas, ay nakita na namin ang bakas ng takot na dumapo sa kanilang mga mukha.

"Titans!" sigaw ng isa.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at gano'n din ang ginawa ng higante ko.

Sa kabutihang palad, tulog ang totoong titans ng mundo.

Sinimangutan ko ang huntsmen.

Kami lang ang nagising nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top