Deep Sleep
Reign's POV
Hinigpitan ko ang pagkakayapos ng jacket sa katawan ko.
Pagkatapos, hinawi ko yung kurtina ng cubicle at sumilip sa labas.
Hindi ako pwedeng manatili rito. May klase pa kami sa Mythological Sciences.
Nang makitang okupado silang lahat, dahil may PE ata ang Beta ngayon, dahan-dahan akong lumabas.
Hindi ko tinatanggal ang tingin ko mula kay Doctor Seht na nakatalikod sa'kin nang bigla akong may nabunggo kaya napahawak ako sa aking noo.
"Aray-" Napatigil ako nang mapatingala ako sa lalaking natamaan ko.
Napakurap-kurap ako.
"I thought you're only getting discharged tomorrow?" tanong ni Henri na nakababa ang tingin sa'kin.
Nanlaki ang aking mga mata. "Shh!" Sinenyasan ko siyang huwag mag-ingay at napalinga-linga pa. "Wag mong-"
Bahagya niyang binukas ang kanyang bibig.
Umiling ako.
"Reign-"
Agad ko siyang hinila at kinaladkad pabalik sa cubicle.
"Henri naman, eh!" pabulong kong sigaw nang makapasok kami. "Gusto ko lang naman masiguro na hindi si Grey yung magiging research partner ko!"
Ipiniling niya ang kanyang ulo sabay pihit ng kanyang mga braso sa dibdib. "We already got paired," aniya. "Which is why I'm here."
Lumiwanag ang aking mukha. "Partner tayo sa research?"
Pinaningkitan niya ako. "You seem happy."
Namuo ang isang namamahamak na ngiti sa aking labi.
May dahilan kung bakit walang iba kundi ang kuya ko lang ang may gustong makipag-partner sa'kin sa research at ang dahilang ito ay ang ikinatutuwa ko ngayon.
"Stop smiling like that." Tinapunan niya ako ng tamad na tingin. "I know why no one volunteered to work with you."
"Oh?" Umangat ang magkabilang kilay ko. "Bakit daw?"
"You tend to make your partner suffer with you."
Napatakip ako ng bibig at palihim na humagikgik, sabay iwas ng tingin.
Ngunit nabigla ako nang hawakan niya ang ibabaw ng ulo ko at pinihit ito paharap sa kanya dahilan na itabig ko yung kamay niya.
"Henri!" naiinis kong sambit.
"Your bandages," aniya. "You're not wearing them, are you?"
"Because I don't have to," sagot ko. "Obviously."
"Stop being stubborn," seryoso niyang sabi.
I glared at him suspiciously. "Since when are you concerned?"
"Since I realized how reckless you can become."
Aangal na sana ako ngunit imbes na salita, lumabas ang isang singhap mula sa aking bibig nang mahigpit niya akong hinawakan sa braso at hinatak ako paatras, sa higaan kung saan ako diretsaang bumagsak pagkatapos niya akong marahas na tinulak.
"Aray!" reklamo ko.
Sinulyapan niya lang ako at nagsimulang halungkatin ang drawers sa tabi ng higaan.
"I said I'm fine!" I insisted, pero hindi niya pa rin ako pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng bandages.
Nang malamang wala, tumawag siya ng isang nurse.
"Excuse me," sambit niya. "She accidentally threw her bandages, you think you can bring us new ones?"
Masaya namang tinugon ng nurse ang hiningin niya kaya bumalik ito na may dalang isang tray ng mga rolyo ng bandages.
"Is this infused with ambrosia?" nakakunot-noong tanong ni Henri.
"Yes," sagot ng aurai.
Napatigil kaming dalawa ng aurai nang talikuran siya bigla ni Henri nang hindi man lang nagpapasalamat kaya ako na yung nagsabi nito.
Nginitian ko ang aurai. "T-Thank you..."
Yumuko siya bago umalis.
"Take off your jacket," Henri asked while unrolling a thick role of bandage.
Pinaningkitan ko siya at niyakap ang sarili ko.
After noticing that I'm not moving, he clenched his jaw and gave me one of his death glares.
And yet, I still didn't dare to move an inch.
Lumapit siya sa'kin kaya napausog naman ako papalayo sa kanya, hanggang sa maupo siya sa tabi ko.
Ilang segundo kaming naglaban ng tingin, bago niya ilahad ang kanyang kamay.
Napatuon lang ako sa nakabukas niyang palad.
Nag-abot ang aking kilay. "Ayoko..."
"Why?" usisa niya. "You're not used to being ordered?"
Umiling ako.
"Forced?"
"Anong forced-" Muntik na akong mapaiyak sa sakit nang bigla niyang kinuha ang braso ko at hinatak ako papalapit sa kanya. "Henri!"
"Remove your jacket before I tear that off of you," pagbabanta niya.
"Teka nga!" angal ko. "Ba't ba-"
"Remove..." His voice, for the first time, was filled with nothing but authority. "-it."
Wala sa sarili akong napahawak sa higaan dahil pakiramdam ko babagsak ako sa lupa kasama ang bigat na biglang dumapo sa magkabilang balikat ko.
Sa sandaling pakawalan niya ang huling salita, biglang bumigat hindi ang hangin na nakapalibot sa'min, dahil mapapansin ito ng iba, kundi ang hangin na kagiginhawa ko lang bago niya ako utusan.
"Reign."
Kinuyom ko ang aking palad. "Alis."
Umiling siya.
Bago pa ako makasigaw upang paalisin siya, bigla niyang binukas ang kanyang mga pakpak at mabilis akong pinalibutan ng kadiliman na kumalat mula sa tigdudulo nito.
Bumagsak ako nang nakaupo sa nanlalamig at maiitim na mga ulap.
"Stubborn, aren't you?" Umalingawngaw ang tinig niya, pero hindi ko siya nakikita.
Nagsimulang mamigat ang aking mga mata kaya umiling-iling ako.
"I don't-" Nagdulot ng kakaibang kaginhawaan ang kinauupuan ko kaya madahan kong pinatakbo ang aking palad dito. "-need..."
Mabagal kong ibinukas-sara ang aking mga mata.
"No-" Nanghihina kong tugon. "I don't need to..."
Humilig ako sa isang braso na pumalipot sa balikat at likod ko.
"Rest..." bulong ko.
Dahan-dahan ako nitong ibinaba at kasabay nito ay ang pagpiling ng aking ulo sa dibdib ng bisig na nakayapos sa'kin.
Henri...
I raised my arm as a last resort to fight against sleep but it only hung on his shoulder.
Bahagyang umawang ang aking bibig para magbitaw ng isang magaan na buntong-hininga nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko at maingat itong ibinaba.
"Henri-" I can't feel like this. I can't feel weak.
Kumunot ang aking noo nang pilit kong alalahanin yung iba. Kung anong mangyayari sa kanila sa sandaling magpapadala ako sa matinding pagod.
"Stop fighting it, Reign."
Unti-unting gumaan ang aking pakiramdam nang mawalan na ako ng lakas na mag-alala at mag-isip ng kung anu-ano pa.
No, wait.
I tried to open my eyes but just groaned drowsily and let my arm hang on my side.
Gods. What am I doing.
Narinig ko ang mahina niyang tawa.
I need to stay awake...
"Under my wings," bulong niya. "Where not even your worries can reach you."
• • •
Iniunat ko ang aking mga braso sa higaan, ngunit bigla akong napatigil nang maalala ang nangyari sa'kin bago nakatulog.
Napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa'kin ang ibang Omegas na nakapalibot sa'kin.
"Humihilik din naman ako pero ba't di gano'n kaganda?" ani Amber. "Pati paghilik tunog sleeping beauty. Nakakabuwisit, ah."
Marahan akong napahawak sa aking bibig.
Sinong humihilik? Ako?
"That's interesting." Grey leaned closer. "In my entire life of sleeping beside Reign, I even never heard her breathe while asleep."
Inilibot ko ang aking paningin at nalamang nasa clinic pa rin ako.
Yumuko ako at nakitang suot ko pa rin ang jacket ko ngunit sa ilalim nito, nakabalot na sa bandage ang magkabilang braso ko.
Pati na rin yung mga binti ko...
"T-Teka-" Luminga-linga ako. "Ilang oras akong nakatulog?"
"Isang buong araw lang naman," sagot ni Amber. "Nagsimula na nga kaming mag-alala, eh, pero humihilik ka kasi kaya..."
Nanlaki ang aking mga mata.
Isang araw?!
"Yung..." nag-aalala kong tugon. "Yung research!"
Akmang bababa na ako ng higaan nang pigilan ako ni Paige.
"Henri already submitted your first drafts," pagbibigay-alam niya.
"Pero-"
"I reviewed it, Reign," dagdag pa niya. "And it didn't need any changes."
Napahawak ako sa sapin sa higaan. "May nangyari-" Napasinghap ako. "May nangyari ba habang wala ako?!"
"Wala naman," sagot ni Zack. "Nag-long exam lang tayo sa-"
"Ano?!"
Bumulalas siya ng tawa.
"Zack!" natataranta kong tawag. "Hindi ako pwedeng-"
"Reign." Mabigat na bumagsak ang mga kamay ni Grey sa magkabilang balikat ko, dahilan na mapangiwi ako sa hapdi.
Napansin niya agad ito kaya mabilis siyang nakabitaw. "Right," natatawa niyang sabi. "You burned almost your entire shoulders."
"Anyway!" bigla niyang sigaw. "Nothing happened, ma belle," sabi niya. "In fact, the profs gave us a long weekend after what happened to us after Auraic."
I pursed my lips and still stared at them with wide eyes. "Totoo?"
Tumango-tango silang lahat.
Pagkatapos, bumagsak ako sa higaan sabay pakawala ng isang maingay na buntong-hininga.
Narinig ko ang mahihina nilang tawa kaya ipiniling ko ang aking ulo sa kanila at napangiti.
"Bakit?" usisa ko.
Sabay silang umiling.
Muling nanlaki ang aking mga mata. "Hindi totoo?!"
At bumulalas na nga sila ng tawa maliban kay Paige na nagpigil lang ng ngiti.
"Ano?!" Napaupo ako sa higaan. "Bakit?!"
"R-Reign..." humahagikgik na sambit ni Bella. "Tingin sa salamin."
Nilingon ko ang salamin na nakapatong sa bedside table at nakita ang mga hugis na nakaguhit sa aking mukha gamit ang iba't-ibang kulay ng markers.
"Sa sobrang lalim ng tulog mo, di mo kami napansin-" Humagalpak si Amber.
Kumibot-kibot ang isa kong mata habang nakatuon sa sarili kong repleksyon.
"Anong..." Mula sa malayo, dumadagundong ang ingay ng namumuong bagyo. "Anong ginawa niyo sa'kin?"
Napaatras sila at agad nagtulakan papalabas ng cubicle.
"Mais! You still look beautiful-" Naputol ang sigaw ni Grey dahil sa pagtama ng kidlat sa bubong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top