Curiosity
Reign's POV
Minasdan ko kung paano ipinalipot ni Paige ang bagong bandage sa kaliwang binti ko. Kakapalit lang din niya ng bandages sa magkabilang braso ko.
Sa kasalukuyan, nasa kwarto ko kami. Suot ko ang sleeveless top at denim shorts para sa bandages ko. Kinuha ko na rin ang manipis kong cardigan at dahan-dahan itong sinuot.
Ako nalang ang natitirang naka-bandage pa sa'min dahil pinakamalubha ang natamo ko. May iilang bahagi pa nga ng balat ko na dumudugo pa rin hanggang ngayon dahil hindi lang ako natalsikan ng asido. Sunod-sunod akong natuluan nito.
"I'm glad Henri forced you to sleep," ani Paige.
Kinuwento ko kasi sa kanya kung anong nangyari sa'kin sa clinic bago ako ma-discharge nung isang araw.
"Paige, you know you don't have to help me," tugon ko.
Nasilayan ko ang kanyang ngiti habang nakayuko ang kanyang ulo sa aking paa.
Napabuntong-hininga ako.
Ilang sandali pa'y, narinig ko ang mahina niyang tawa na ipinagtaka ko.
"Bakit?"
"I can't imagine someone shoving you to bed," natatawa niyang sagot. "Gods, Reign, force is really what it takes to counter your hardheadedness."
Umangat ang magkabilang kilay ko. "Gusto mong itulak-tulak lang 'yong best friend mo?"
She gave my ankle a gentle squeeze after locking the end of the bandage in place. "If that's what it takes to take care of you..." Inangat niya ang kanyang ulo sa'kin. "Why not?"
Dahil dito, di ko naiwasang tapunan siya ng tamad na tingin.
"I don't like being ordered," paalala ko sa kanya. "How much more being forced."
"Yeah, well, unfortunately..." Itinukod niya ang kanyang magkabilang palad sa mga hita niya at saka tumayo. "You have just found your match."
"You're terribly stubborn, Reign," aniya. "And while we can't use force on you, someone clearly is aggressive enough."
I continued to stare at her with a bored look.
"What?" natatawa niyang tanong. "You don't want to be taken care of?"
Bago pa ako tuluyang madala sa panunukso niya, humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito para patahanin ang sarili ko.
Napatuon ako sa tigdudulong sleeves ng suot kong cardigan. "He has his own domain, Paige," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Under his wings."
"So?" sambit ni Paige. "Your mom has her own domain."
Muli akong napabuntong-hininga.
Kaya nga. Gusto ko rin ng sarili kong domain...
At napabuga na naman ako ng hangin.
"Oh, so you're past the envy stage." ani Paige. "You're in the depressed stage of the competition."
"Di ko naman kasalanan kung pinanganak siyang makapangyarihan, eh!" reklamo ko.
"I mean- nakita mo ba kung paano sila magpalitan ng tingin ni Mnemosyne nung claiming ceremony?" Frustration filled my voice. "At nung iniyuko ni Hedone yung ulo niya sa kanya-"
"Reign." Nagpipigil ng ngiti si Paige. "Do you hear yourself, right now?"
"Labas," seryoso kong utos sa kanya na ikinagagalak din naman niyang sinunod.
"Just in case you're going to spend the entire weekend locked in your room-"
"Labas!"
Mahinang natawa si Paige. "I'll have your brother deliver your food," aniya at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.
Nagmamadali akong tumungo sa pinto para i-lock ito. Tapos, mabilis din akong bumalik sa aking higaan para kumuha ng isang unan at idiniin ito sa aking mukha, sabay pakawala ng isang mahaba at matinis na sigaw.
Nakakainis!
Kasunod kong narinig ang pagbukas ng isang portal.
"Kuya!" naiirita kong sigaw pero laking gulat ko nang lumabas si Mama mula sa isang sulok ng aking kwarto.
Napatigil siya, pati na rin ako, at sabay kaming napakurap-kurap sa naabutan namin.
"Reign?" aniya. "Okay ka lang?"
"Mama!" Tumalon ako mula sa higaan at tumakbo sa kanya.
Natawa siya nang mahina at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.
"Bakit?" Hinagod-hagod niya ang likod ko. "Ba't ka na naman sumisigaw sa unan?"
"Ma! Hindi pwede 'to!" reklamo ko nang hindi pa rin bumibitaw sa kanya. "May aagaw na sa rank ko sa school-"
"Reign, hindi mo naman kailangang maging top-"
"Pero gusto ko, eh!" giit ko.
Maingay siyang napabuntong-hininga at tinapik-tapik ang likod ng balikat ko. "Para kang Dad mo. Ayaw magpatalo."
"Okay lang naman ako dati, ah. Di naman ako namomroblema sa grades ko," sabi pa niya. "Buhay ko kasi pinoproblema ko no'n."
Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang ulo para tumingin sa malayo. "Kung paano ako makakaabot sa graduation..."
"Pero, Ma!" Tinulak ko siya pabitaw sa'kin. "Gusto ko nga kasi!"
"Teka lang-" Halatang nabigla siya. "Anak, ba't mo'ko sinisigawan-"
"Gusto kong maging top!"
"Skyreign!"
"Ma!"
"Tumahimik ka nga!"
Kusang tumikom ang aking bibig nang utusan niya ako. Pagkatapos, nagpakawala ako ng isang malalim at nabibigong buntong-hininga.
"Ano bang problema niyo ng Dad mo?" napipikon na niya ring tanong. "Alam mo bang ginawa na rin niyang karera kasama sina Tito Chase at Tita Kara mo ang paghahanap ng huntsmen?"
"Talaga?" sambit ko.
Tumango-tango siya.
"So, sino sa kanila ang nangunguna-"
"Skyreign!"
Natahimik na naman ako.
"Ba't niyo ba ginagawang karera ang buhay?" Tumahan na ang boses niya dahil nabalot ito ng pag-alala. "Sa puntong 'to, Reign, wala na akong pakialam kung tatanda kayong mga anak ko sa Academy, basta tatanda lang kayo."
Kusang sumayad ang aking paningin sa paanan namin.
"At saka..." Nanghina ang kanyang boses. "Anong nangyari sa mga braso't binti mo?"
"Acid and lightning," maikli kong sagot. "Auraic Studies."
"Si Grey?" usisa pa niya.
"Alive," matipid ko pa ring sagot.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Reign..."
"I know." Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "I'm sorry."
Kumunot ang kanyang noo sa pag-alala ngunit namuo rin ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi sa pagkakaintindi.
"Skyreign..." Magaang dumapo ang kanyang palad sa aking mukha. "Hindi mo na kailangang umabot sa tuktok para maisigaw mo yung pangalan mo, dahil ako, ako na ang gagawa nito para sa'yo."
"Lahat ng naabot na namin ay para sa inyo," Marahan niyang hinaplos-haplos ang aking pisngi. "Dahil ayaw naming maranasan niyo ang paghihirap namin."
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"Ano nga naman ang silbi naming mga magulang kung hindi namin mapapagaan kahit nang kaunti ang magiging buhay ng mga anak namin, di ba?" Natawa siya nang marahan. "Kaya huwag mong pilit abutin ang inaasahan ng iba mula sa'yo."
"Dito ka lang makinig sa'kin," tila nagsusumamo ang boses niya. "Dahil matagal mo nang nilagpasan ang inaasahan ko sa'yo, Reign."
Hindi naman ito ang unang beses na pinagsabihan ako ni Mama tungkol dito, pero ba't ba nagagawa niya pa ring palabasin ang mga luha ko?
Kinolekta ko na ang sarili ko at lakas-loob siyang hinarap. "I know, Ma," bulong ko. "I'm sorry."
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. "Nandito ako kasi kakatanggap ko lang ng sulat mo," aniya. "Gusto mong makita kung anong nangyari nung binalik namin ng tatay mo ang realms?"
"Mmm." I nodded my head enthusiastically. "Pati na rin po yung bawat interaksyon niyo ni Slade... or Destiny."
"Ayoko," sagot niya.
Nag-abot ang aking kilay. "B-Bakit?"
Siya na naman ang napaiwas ng tingin. "Nakakahiya..."
"Ma!" naiinis kong sambit. "Pag-aaralan ko lang naman!"
"Ba't mo naman gustong pag-aralan yung nangyari na?" tanong niya. "Hindi pa ba sapat yung tinuturo nila sa'yo?"
"Pero iba naman kasi kapag nasaksihan ko talaga, eh," pagpapaliwanag ko.
"Ba't mo nga gustong masaksihan?"
"I- I don't know, either." Kung saan-saan dumako ang aking mga mata habang naghahanap ng tamang maisagot. "I'm just... curious."
"Curious?" usisa niya. "Saan?"
I lowered my head to the side before she could read my expression. "History?"
Daglian akong napapikit nang maramdaman ang nanunuri niyang tingin.
"Reign-"
"Okay, fine." I let out a defeated sigh and lifted my gaze back at my own mother who looked at me with intentional suspicion.
"Gusto ko lang makilala yung bagong miyembro namin," sagot ko.
"Curious ka kay Henri?"
"No, don't-" I waved my hands frantically. "Don't say his name."
"Ginawa mo na bang misyon ang kilalanin siya?"
"H-ha?" Umiling-iling ako. "Hindi-"
"Eh, ano yang nasa desk mo?" Ngumuso siya sa table ko kung saan naroon ang mga libro tungkol kay Destiny, pati na rin student files ni Hendrick Slade, ang pangalan ni Destiny nang mag-anyong tao siya at naging estudyante ng Academy.
Humakbang ako patagilid upang harangan ang mga ito sa paningin ni Mama. "Ma!"
Pagkatapos, bigla siyang natawa ng mahina.
"It's- it's not like that-" giit ko. "It's just that- this is the first time some of us have met him, right?" paalala ko sa kanya. "Ayoko lang na maramdaman niyang hindi siya nabibilang dito, especially after what the council said about him-"
"Mmm..." Tumango-tango siya, at saka nagtanong ulit. "So, curious ka nga sa kanya?"
Matagal-tagal pa bago ako nakasagot. "Maybe?"
Namuo ang isang kakaibang ngiti sa kanyang labi. "Huwag kang mag-alala, anak," aniya. "Alam kong responsibilidad niyo 'yan bilang isang leader." Mabagal ang bawat pagbigkas niya ng mga huling salita. "Na maging interesado sa bawat member."
Nag-abot ang aking kilay. "Huh?"
"Wala." Lumapad ang kanyang ngiti. "Di lang naman kasi ikaw ang kilala kong dumaan sa ganyan."
Ipinagdaop niya ang kanyang mga palad. "Sige na nga," sabi niya. "Kung gusto mong makilala si Henri, ipapakilala muna kita sa nanay at tatay niya."
Sinenyasan niya akong tumingin sa aking likuran kaya napaikot ako at natagpuan ang isang babaeng estudyante na may mapuputing mata, at sa tabi niya ay isang lalaki na seryosong nakatuon sa harapan habang nakapihit ang mga braso sa dibdib.
"Sila ang mga magulang ni Henri," ani Mama at tinabihan ako. "Si Kaye, anak ni Thanatos, at si Slade, son of Hecate, at si Destiny na rin."
Hindi matanggal ang aking mga mata sa matangkad na lalaki dahil...
"That's Henri," puna ko.
Natawa nang mahina si Mama. "Kuhang-kuha nga niya yung tatay niya." Nilingon niya ako. "Mula sa tindig, hitsura, at pananalita."
"Except their eyes." I looked at Slade's eyes. "Henri has lighter ones, like gold."
"Reign?" mahinang sambit ni Mama. "Gusto mong makita ang totoong anyo ni Slade? bilang Destiny?"
"You've seen him?" tanong ko.
Umiling siya. "Nakita ko lang sa mga ala-ala ni Kaye."
Tinapunan ko siya ng tamad na tingin.
"Di ko kaya intensyong makita minsan yung mga ala-ala ng iba!" depensa niya sa sarili.
"Right." I chuckled lightly.
Tapos, lumitaw ang isa pang lalaki na sobrang tangkad at nakasuot ng chiton na tila gawa sa pinagsamang black at golden mist.
Napaatras ako ng isang hakbang nang masilayan ang lumiliwanag niyang katawan at yung mga mata niyang parang may sarili domain sa sobrang dilim, ngunit kung tititigan nang maayos, sa loob ay mayroong lumulutang na maliliit na butil ng gintong liwanag.
Tila nakatakas din ang gintong mist mula sa kanyang mga mata kaya tumakbo ito tungo sa magkabilang templo niya.
At sa ibabaw ng kanyang maitim na buhok, nakapalibot ang pinagtugpi-tugping mga bilog ng gintong liwanag, nagmimistulang korona.
"Alam mo na kung sa'n nakuha ni Henri ang ginto na nakikita mo sa mga mata niya?" ani Mama.
Tumango-tango ako.
Kasunod na lumitaw ang isang babae sa tapat ni Destiny.
Tila kasing-edad ko lang ang hitsura niya, ngunit sobrang tangkad niya rin, halatang isa ring deity.
Nakasuot siya ng itim na chiton na abot talampakan. Nagagayakan din ng mga bituin ang kanyang damit at paiba-iba ang kinang nito depende kung saang anggulo titignan.
Wala sa sarili akong napalapit sa kanya.
At saka ko nalamang mga planeta pala na iba't iba ang kulay ang kumikinang sa kanyang damit.
Kalawakan. Gawa sa kalawakan ang kanyang damit, pati na rin ang buhok niyang hindi ko alam kung gaano kahaba dahil ang bandang dulo nito, ay tila kumakalat sa kawalan.
Huminto ako sa harap niya.
Kagaya ni Destiny, lumiliwanag din ang maputla niyang balat, na para bang milyon-milyong bituin ang nag-anyong katawan ng isang babae.
Ilang segundo akong napatitig sa mga mata niya kung saan lumalabas ang itim na mist.
"Reign..." natatawang tugon ni Mama. "Pamilyar, ano?"
Tumango ako.
"Ganyan din reaksyon ko nung una ko siyang nakita," aniya. "Pamilyar na parang hindi. Nakakagulo sa isipan ang hitsura niya."
Sa salitang 'gulo' pa lang, nalaman ko na agad kung sino itong nakatayo sa tapat ko.
"Reign." Sa hindi malamang dahilan, nagpipigil ng hagikgik si Mama. "Harap ka nga rito."
Umikot naman ako paharap sa kanya.
"Alam ko na kung bakit pamilyar siya."
Nagkasalubong ang aking kilay. "Bakit?"
Natawa siya nang mahina. "Anak, magkamukha kayo."
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. "Ma!" Agad akong tumakbo at nagtago sa kanyang likod. "Huwag mo nga akong takutin ng ganyan!"
"Eh, ngayon ko lang kasi napansin!" Halatang ikinatutuwa ni Mama ang pagkakahawig namin ni Chaos. "Kung si kuya mo mahilig gumawa ng gulo, ikaw naman kamukha nito."
"Mama!" Umiling-iling ako. "Ayoko!"
"Tapos si Celeste..." At hindi pa talaga siya tumigil sa pananakot sa'kin. "Kasinglamig niya ang boses ni Chaos."
"Ma! Hindi!" Nagpapadyak na ako. "Alisin mo na siya!"
"Oh?" Kumisap-kisap si Mama. "Akala ko ba tinuro na sa inyo na may chaos sa bawat isa sa'tin?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top