Australia

Zack's POV

Naka-dekwatro ang aking mga paa habang nagbabasa ng magazine sa isa sa mga rooftop cafe ng Sydney, Australia.

Kinuha ko ang tasa ng kape na nasa harap ko at ininom ito.

Ilang sandali pa'y bigla kong narinig ang boses ni Grey sa suot kong earpiece dahilan na mapasimangot ako.

'Zack, are you still there?'

"Bro, nagpapa-view pa ako rito." Panandalian kong tinignan ang isang grupo ng mga babae na panay ang tingin sa'kin. "Alam mo namang minsan lang ako nagso-solo travel kaya-"

Naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong gumalaw ang lalaking kanina ko pa binabantayan.

"Ey!" Sinenyasan niya ang isang waiter at saka gumuhit ng isang resibo sa hangin. "My bill?"

"Excuse me." Tinawag ko rin ang waiter na dinaanan ako.

"Yes, sir?"

"Can I have my bill, please?" tugon ko.

Nginitian niya ako. "Of course."

Habang hinihintay ang bill, binaba ko na ang magazine sa mesa at sinalubong ang nangungusisang tingin ng mga babaeng sinusulyapan ako habang nag-uusap-usap.

Nginitian ko sila at bilang reaksyon, sabay silang napatakip ng bibig para maitago ang kanilang mga ngiti.

Bahagya kong ipiniling ang aking ulo para titigan nang maayos ang babaeng napalinga-linga lang sa inasta ng mga kasama niya.

Nakabagsak ang maitim at mahaba niyang buhok sa magkabilang balikat niya at may manipis siyang bangs na bahagyang nakatakip sa kanyang noo.

Nang malaman kung saan nakatuon ang karamihan ng nasa table niya, napatingin din siya sa gawi ko.

Hindi ko inalis ang aking mga mata mula sa kanya.

Inosente siyang napakurap-kurap, halatang walang ideya kung bakit ako nakatitig sa kanya, kaya napayuko ako ng ulo at natawa nang mahina.

"Here it is, sir." Inilapag ng waiter ang bill ko sa mesa.

Inilabas ko ang aking pitaka saka inabot sa kanya ang halaga na nakaprinta sa resibo.

"I hope you enjoyed your food," nagagalak niyang tugon bago umalis.

Habang binabalik ang pitaka sa likuran kong bulsa, nginitian ko ulit ang babaeng hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit ko siya binibigyang-pansin kahit di naman kami magkakilala.

"A'ight, bro, huwag ka nang mag-alala." Tumayo na ako. "Sinusundan ko na siya."

Sinundan ko nga ang australiano na sinabayan ko sa pagtawag ng bill. Nakasuot siya ng itim na jacket at denim jeans.

Pumasok kami ng elevator kung saan siya ang naunang pumindot ng floor.

Fifth floor.

"Floor?" tanong niya nang hindi ako binabalingan ng tingin.

"Basement," sagot ko. "Thanks, mate."

Sinulyapan ko ang dagger sheath na nakasabit sa sinturon niya.

"Sick runners," puna ko.

Napatingin siya sa suot niyang sapatos. "Yes, it's brand new."

Napangiti ako at nakapamulsa sabay tuon sa harapan.

Tumigil ang elevator sa tenth floor kung saan pumasok ang dalawang lalaki at isang babae, na nakasuot ng mga damit pang-opisina.

Mayamaya pa'y pumasok mula sa eighth floor ang tatlo pang mga lalaki dahilan na malapit na kaming magsiksikan.

Kalmado lang akong nag-antay na makarating kami sa fifth floor, at kagaya nga ng inasahan ko, hindi lumabas ang lalaking nagpindot ng floor na ito.

Sa sandaling sumarado ang pinto, ang lalaking nasa kanan ko ang unang gumalaw para magbunot ng kutsilyo. Mabilis niya itong nailabas at akmang isasaksak ito sa'kin nang hatakin ko ang kamay niya sa direksyon ng lalaking nasa kabilang gilid ko.

Sinipa ko siya rito, saka napayuko para iwasan ang dagger ng nag-iisang babae nila.

Hinawakan ko ang braso niya at tinulak siya pataob sa pader. Inagaw ko ang dagger niya sabay hatak sa kanya pababa. Umikot ako at sinaksak ang unang hita na nasilayan ko.

Isang lalaki ang napaurong sa sakit.

Tumayo ako at sinuntok paangat ang isa pang lalaki. Humilig siya paatras ngunit agad kong hinila ang kwelyo niya at itinapon siya sa direksyon ng mga kasama niya.

"Puta-" Napamura ako nang bigla akong sakalin ng babaeng nasa likod ko.

Dalawa sa kanila'y marahas na kinuha ang mga braso ko at itinulak ang mga ito sa pader, pinipigilan akong makagalaw.

Bago pa makalapit sa'kin yung iba, malakas kong tinadyakan ang tuhod ng lalaking may hawak ng kanang braso ko. Nabitawan niya ito kaya nagawa kong suntukin ang lalaking may hawak ng kaliwang braso ko.

Kakalaya ko pa nga lang ng mga kamay ko at may nagtangka na namang hawakan ito kaya bago pa ulit ako mabihag, mahigpit kong hinawakan ang braso ng sumasakal sa'kin at pumihit sabay tulak ng babae sa lalaking unang lumapit sa'kin.

Hinatak ko na rin pabukas ang mga brasong nakapalipot sa aking leeg sa sandaling naramdaman kong lumuwag ito. Siniko ko sa tagiliran ang babae at napangisi nang makarinig ng pagkabali ng mga buto.

Pagkatayo ko, pinigilan ko ang isang dagger na papahilig sa mukha ko.

"Tangina mong- mukha ko pa talaga?" Binatukan ko siya at kinuha ang dagger sa kamay niya.

Sinaksak ko ito sa dibdib ng lalaking kakatayo lang sa likod ko. Naapakan ko nga rin pala ang babae na binasagan ko ng buto-buto kaya napasigaw siya.

Naputol lang ang sigaw niya nang tadyakan ko ang kanyang mukha.

Napaikot ako patagilid dahil isang lalaki ang nagtangkang sumaksak sa'kin patuwid. Malakas kong iniuntog ang kanyang ulo sa pader nang matuluyan.

Tinignan ko ang apat pang mga lalaking natira.

Ngumisi ako at natutuwang bumati, "G'day, mate-"

Hindi ko ito nagawang tapusin dahil sabay silang lumusob sa direksyon ko.

Napayuko ako patagilid at pinigilan ang brasong dumaan sa ibabaw ko. Hinatak ko ang nagmamay-ari nito at sinalubong ang kanyang dibdib gamit ang aking tuhod.

Tinuwid ko rin ang nakapahit kong binti para malakas na masipa ang noo ng isa pang lalaki na nasa tabi niya.

Paikot kong ibinaba ang aking paa sabay batok sa lalaking tinuhod ko.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya sinapak ko ang mga pindutan bago yumuko ulit upang maiwasan na naman ang isa pang kutsilyo.

Itinukod ko ang aking mga palad sa sahig sabay sipa sa balakang ng lalaking huling umatake.

Itinulak ko ang aking sarili at gumulong nang hindi mabagsakan ng katawan niya.

Pinulot ko ang dagger na nasa kamay niya. Sinaksak ko ito sa likod ng kanyang balikat, saka tumayo.

Pinadalhan ko ng namamahamak na tingin ang lalaking natira. "Yo."

'Yong lalaking sinundan ko mula sa cafe at nagawa pang magtawag ng mga kasamahan niya.

Nasilayan kong gumalaw ang kasama niyang sinipa ko sa noo kaya sa sandaling bumungad sa aking pananaw ang harapan nito, hinagis ko ang dagger sa direksyon ng dibdib nito.

"You're a new member of the huntsmen, right?" tanong ko sa lalaking nakatayo. "Mind sharing where the rest of your facilities are?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsilyo.

"Oh, come on," natatawa kong tugon. "I know you carry maps and notes with you."

"And you know what I heard?" Pinandilatan ko siya dala ng pagkamangha sa sarili ko. "I heard newest members are required to keep journals."

At dahil napaghalataan kong wala siyang balak ibigay ito, ginamit ko na ang kapangyarihan ko para bunutin ito mula sa kanyang bulsa at sinipa siya sa likod.

Tinignan ko ang maliit na brown leather notebook na naipasakamay ko.

'You have it?' tanong ni Grey.

Binuklat ko ang notebook at agad sinalo ang nahulog na nakatiklop na papel.

Binuksan ko ito at napangiti nang malamang isa itong mapa kung saan nabibilugan ang iilang lugar ng Australia.

"Kuha ko na," sagot ko.

'Good,' ani Grey. 'You now have the most updated location of their facilities in your assigned continent.'

"Nice." Ibinulsa ko ang maliit na journal.

'You know what to do next?'

Inangat ko ang mapa sa aking harapan nang matignan ito nang maayos.

"Mukhang kaya naman sa isang linggo-" Pinahilig ko ang aking ulo upang umilag sa dagger na lumusot sa mapa.

Hinugot ko ang dagger mula sa pader at habang nakatuon pa rin sa mapa, ay ibinato ito pabalik sa direksyon ng pinanggagalingan nito.

Sinilip ko ang huntsman na natamaan ko sa noo.

'Zack?'

"Sorry, bro," puna ko rito. "Nilamok ako."

Binaba ko na ang mapa. Nilaktawan ko ang mga katawan ng huntsmen at pinindot-pindot ang pindutan ng elevator para sa basement ng building.

"Yung iba?" usisa ko. "Alam na rin ba nila kung saan sila pupunta?"

Tiniklop ko ang mapa. Saktong bumukas ang mga pinto ng elevator nang ibulsa ko ito. Kinuha ko na rin ang remote ng kotse ko mula sa kabilang bulsa.

Lumabas ako ng elevator at pinindot ang remote.

'They do, now,' sagot ni Grey. 'How many facilities are there in Australia?'

Dumiretso ako sa pulang kotse na umilaw. "Hindi ko binilang."

'We've estimated fifty, but since some has already been attacked-'

"Eh, alam mo naman pala ba't ka pa nagtanong?" Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at umupo rito.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Grey sa kabilang linya.

'Just to be sure,' aniya.'Send a copy of the map so we can give you the final locations of their remaining small and average-sized facilities.'

Iniandar ko ang makina. Napahawak ako sa sandalan ng kabilang upuan at nagsimulang mag-backing.

'Then you have one week to search and destroy all of them.'

Search and Destroy, ang dalawang nangungunang salita sa bokabularyo namin ngayon.

Dahil nang tanungin kami ng tatlong founders kung ano ang gusto naming gawin para tumulong sa digmaan, simple lang naman ang iisang sagot namin:

Hanapin at wasakin ang natitirang maliliit o average-sized camps at facilities ng huntsmen.

Tig-iisang kontinente sa bawat Omega.

Maliban sa kambal dahil hinati nila ang Asya, na siyang pinakamalaki.

"Diyan sa Europe?" Pinatakbo ko na ang kotse papalabas ng basement. "Ilan?"

Muli siyang natawa. 'It's me against the remaining forty facilities.'

"Palit tayo." Inayos ko ang rearview mirror at pinaningkitan ang tatlong SUV's na lumabas mula sa basement na pinanggalingan ko.

'Nah, I'm good.'

Saka ko nasilayan ang tig-dadalawang motorsiklo na naghihintay sa'kin sa magkabilang dako ng dadaanan kong intersection.

Ang bilis rumesponde, ah.

Napangiti ako.

Pero kasingbilis ko ba?

"Sige, 'tol." Dahan-dahan kong idiniin ang aking paa sa accelerator. "May papakitaan lang ako ng lumilipad na sasakyan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top