Annual Olympics I
Paige's POV
With a towel still on my hair and a bathrobe wrapped around me, I opened the main door for the aurai who stood beside a mobile clothing rack. Four long chitons hung under it, each wrapped in plastic covers.
The aurai handed me a clipboard and a pen. It only took me seconds to sign the delivery receipt, before I pulled the clothing rack inside the dorm. Its wheels continued to roll when I turned around and used my ability to gently close the door without touching it.
I also used my telekinetic power to make the clothing rack levitate from the floor. Nakasunod sa akin ito nang umakyat ako ng hagdan. At saka lang lumapag ulit sa sahig pagkarating ko sa second floor kung saan madahan ko itong tinulak patungo sa kwarto ni Reign.
Hedone opened the door for me. "Finally."
Tulak-tulak ang clothing rack, pumasok ako ng kwarto at nadatnan si Amber na nakaupo sa tapat ng vanity table habang si Bella naman ay kumakain ng dried seaweed sa lounge chair.
Like me, they also wore their own bathrobes.
While Reign...
Inilipat ko ang aking atensyon sa babaeng nakatihaya sa kanyang higaan at bahagyang nakapiling ang ulo sa unan. Natakpan ng kanyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha at bahagyang nakaawang ang kanyang bibig habang natutulog.
I glanced outside her window and figured out it was approaching three in the morning.
We still have two hours to prepare for the opening ceremony and the lighting of the Olympic flame that are supposed to happen at the break of dawn.
"I'll go change first." Kinuha ko ang isa sa mga chitons na nakasabit sa rack at dinala ito sa loob ng closet ni Reign.
Pagkatapos mai-lock ang pinto, inalis ko ang plastic cover mula sa damit ko na maingat ko ring inilatag sa ibabaw ng island table na nasa gitna ng closet.
Facing her large standing mirror, I took off my bathrobe and was in the middle of reviewing my tasks for today when I stepped into my chiton.
Actually, I don't have much to do today except remind the Omegas about their games...
Inangat ko ang top ng chiton at maayos na kinabit ang nag-iisang sleeveless strap nito sa balikat ko.
I also need to make sure that our athletes will already be in their fields thirty minutes before they play...
My hand wrapped around my waist as I tightened a gold belt around it. After hearing a click, I lowered my head in front of the mirror to loosen the edges of my top garment around my belt.
The ancient Greeks wore loose clothings and only folded it or used a belt to adjust it according to their bodies. Fortunately, we're not in ancient times and we don't require much of folding and tightening to fit our dresses. We also don't need to layer thick fabric after fabric like what they used to do.
And speaking of fabrics...
Kinuha ko ang mahabang see-through fabric. Kasinghaba ito ng buong chiton ko.
The girls and I opted to buy our chitons from the same designer. They also came from the same collection called 'Flora', as the fabrics were colored in two different colors blended in ombré styles, such as that of flower petals.
Along with our dresses, they also gave us a matching belt and two armbands, as well as a piece of sheer fabric that we could layer on our chitons or use as a scarf. Basically, we decide how we could wear it.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin.
I wore a dark green chiton that transitioned into a darker blue as it reached towards the edges of my long skirt. The upper was only a one-shoulder top, and so I decided to wear both my golden armbands on the arm that didn't have a strap and a sleeve.
Still undecided with what to do with the sheer fabric that came along with my outfit, I just hung it on my arm and sat on a corner chair to wear my golden flat sandals with straps that almost reached my knee.
Pagkalabas ko ng closet, agad tumakbo si Amber papasok dito hatak-hatak si Bella na nabitawan ang seaweed snacks niya.
"Yung chips ko-" Narinig kong sambit ni Bella bago sumarado ang pinto.
Pinulot ko ito at ipinatong sa lounge chair na inupuan niya kanina.
Pagkatapos, lumapit ako sa vanity table kung saan naghihintay si Hedone.
She was in her mortal form, and wore a pinkish-red chiton, fitting for a goddess of a pleasure.
I got a glimpse of her silver winged sandals, before I sat in front of the mirror.
"Your grandmother, Athena, always braided her hair tight into a crown," sabi ni Hedone. "Would you like me to do the same for you?"
Matagal-tagal akong napatitig sa sarili kong repleksyon.
"No," sagot ko. "I'd rather braid it down... and a bit loose."
"Of course." Namuo ang isang ngiti sa labi ng goddess. "Like you always do."
Kinuha niya ang suklay mula sa mesa at sinimulang ayusin ang buhok ko gamit ang magagaan niyang mga kamay.
Pagkaraan ng ilang minuto, bahagya kong nilingon si Reign na napansin kong gumalaw sa kanyang higaan.
"Reign," sambit ko.
Her brows furrowed before she turned around, facing her back against me. Inangat niya rin ang kanyang kumot sabay yakap sa mahabang unan na nasa tabi niya.
Napabuntong-hininga nalang ako saka binalik ang aking atensyon kay Hedone na tinatali ang dulo ng buhok ko.
"This must be what it feels like to braid Athena's hair," ani Hedone. "You have the same texture and thickness, but her strands had more of a light brownish hue."
Bahagya akong napangiti. "My grandmother braided my hair once."
Panandalian siyang tumigil para sulyapan ako sa salamin. "Really?"
"I was a child when I found her sitting in front of my window..." kuwento ko. "Around midnight, gazing at the moon and the stars."
"Makes me wonder how many times she had been in my room without me knowing," I curiously said. "But it was only that one time that I caught her."
"When she noticed me staring at her, she asked me to sit on her lap," pagpapatuloy ko. "And Athena always called me Minerva, because she said she has always wanted to be able to talk to herself."
"She started to braid my hair..." Napatuon ako sa isang sulok ng salamin ng vanity table. "And then asked me not to braid it as tight and as complicated as hers' as this could mean I am challenging her ability to weave perfectly."
"She threatened you?" ani Hedone.
"Her words did, but not her voice," sagot ko. "She told me that even though we had the same name, we will always be different."
"And she also asked me..." I stopped my voice from fading. "Not to look up to her like a lot of people do."
Nanumbalik ang malumanay na ngiti ni Hedone sa kanyang labi.
'We will never be the same, Minerva... You are only a mortal, and I am an immortal, a goddess who has lived for thousands of centuries...'
I looked at myself in the mirror.
'Although I see myself in you, and you carry my name... we will never be the same.'
My lips slowly curved to form a gentle smile.
'I don't want you to look up to me, little one, like a lot of people do.'
I could still remember how it felt when her fingers lightly grazed the back of my neck as she braided my hair.
'Be wise and courageous, but never try to become like me, because I do not want you to.'
Muling sumayad ang aking paningin sa mesa nang maramdaman ko ang marahang pagbaba ni Hedone ng aking buhok sa harapan ng balikat ko.
'I want you to be different... wisely different, courageously different... and when you do, can you finally become as bright as me...'
Palihim akong napabuntong-hininga.
'Would you love that, my little courage? To be a goddess of wisdom on your own?'
'I...'
'A goddess of courage never looks down, Minerva.'
Dahan-dahang umangat ang aking ulo sa harap ng salamin.
'To be brave, you must not look down to what's below you, and to be wise, you must not look up to what's above.'
I continued to look straight at the mirror as Hedone gently lowered a golden plated, and small triangular crown on the top of my head.
'Look at me straight in the eyes, little one, and promise to me...'
Hedone rested the thin edges of my crown above the braids of my hair.
'That someday... you will become a strong goddess of your own. One that is only mortal in body, but immortally strong and wise, in the heart and the mind.'
"There." Nginitian ako ni Hedone. "Like a goddess."
'I do not want you to look up to me, Minerva. I want you to stand before me instead, and look at me with wisdom and courage that is not the same as mine.'
Napangiti rin ako sa kanya. "Thank you, Hedone."
'And when you do, shall we weave the same tapestry and braid each other's hair?'
'Can't I have my own tapestry?'
'Well... can you weave?'
'N-No, hindi pa... po?'
'Come here, then, and let me teach you how to weave starting with your own hair.'
I pinched a few strands of my hair and removed it from the braid, letting it hang loosely on either sides of my head.
"Ash just finished dressing up," anunsyo ni Hedone. "He needs help with adjusting."
Sinundan ko ng tingin ang goddess na nagmamadaling lumabas ng kwarto suot ang isang nananabik na ngiti.
Saka ako napalingon kay Reign na natutulog pa rin.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Reign."
Kumunot na naman ang kanyang noo. Hinigpitan niya ang kanyang mga braso na nakapalipot sa kanyang unan sabay baon ng kanyang mukha sa gilid nito.
"We're going to be late if you don't wake up," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Nakabihis na kaming lahat-"
Napabalikwas siya ng bangon. "Ano?!" Mabilis ang paglingo'ng ginawa niya sa direksyon ko. "Anong oras na?!"
Hindi ako sumagot at hinayaan siyang lumundag mula sa higaan. Tumakbo siya sa kabilang dako ng kanyang kwarto at hinablot ang nakasampay niyang tuwalya. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo habang bumubulong-bulong, pinapagalitan ata ang sarili.
Saktong lumabas din sina Amber at Bella mula sa walk-in closet niya.
"Kapag talaga tulog pa 'yang si Reign-" Napatigil si Amber nang makitang wala na si Reign sa higaan nito. "Wag nalang pala."
Amber wore an amber-colored chiton with a copper belt. The drapes of her long skirt were a darker orange. I couldn't see it but I was there when she bought it, so I knew her sandals were made of brown leather. She also wore a copper armband on both her arms.
She turned around as she sat across Bella, letting me see her hair that was left untied except for a single braid that ran across the back of her head like a waterfall. And above it, was a small crown of copper forged into tiny swirls that were embedded with amber gems, as well as smaller bits of rubies.
She clipped her sheer orange fabric behind her sleeveless top, like a see-through cape.
Curious as to how Bella also styled her chiton with her sheer fabric, I looked at the entirety of her outfit.
Bella was clothed in a black sleeveless chiton that faded into white on the edges of her skirt. Around each of her arms was a silver armband, and around her waist, she had a silver belt where she draped her sheer white fabric in hanging waves that surrounded and layered her skirt.
She pinned it under her belt so no one can visibly see the pins.
Her hair was untied, unsurprisingly, but she also wore around her head a crown of silver wreath. And it sparkled against the light, along with the black opals that dangled below it.
Tinignan ko ang sheer fabric sa kamay ko at napabuntong-hininga nang mapagtantong wala pa rin akong ideya kung paano susuotin ito.
Nilagpasan ako ni Reign na tumakbo para kunin ang dress niya at pumasok sa closet.
"Bilisan mo, hoy!" sigaw ni Amber sa kanya.
Umupo ako sa higaan ni Reign at hinintay siyang matapos sa pagbihis.
Pagkaraan ng ilang minuto, malakas na bumukas ang pinto ng closet at ibinungad si Reign na tumakbo na naman patungo sa vanity table niya.
Bahagya akong napapiling ng ulo para tignan kung paano niya isinuot ang sheer fabric niya... at agad napatigil.
She did wear her golden sheer fabric, but not on her body.
Instead, she pinned it along the back of the golden leaf crown that rested on top of her wavy hair.
She turned it into a veil, that matched her pastel pink chiton that switched into a light blue towards the ends of her skirt. She also wore a golden belt around her waist and a golden band around each arm.
Tumayo na si Amber. "Tara na-"
"Wait! Wait- konting blush lang." Nagmamadaling naglagay ng blush-on si Reign. "Para di halatang bagong gising."
"Yan," ani Amber. "Kaya di ka naayusan ni Hedone, eh, tulog mantika ka kasi."
"Okay." Mabilis siyang tumayo. "Tapos na."
Napailing ako at tumayo na rin.
Bitbit ang sheer fabric sa isang kamay, sumabay ako sa kanila sa paglabas ng kwarto. Nagpahuli ako sa kanila sa pagbaba ng hagdan kung saan naabutan namin ang mga lalaki na nakatayo sa gitna ng sala, at si Hedone na palitaw-litaw sa harap nila para ayusin ang kanilang mga chiton.
"I made sandwiches for a quick breakfast," said Grey, who was dressed in a loose white chiton that he layered with a purple silk fabric. He slightly raised his arm as Hedone appeared in front of him to adjust the cloth draped over his shoulder.
Sinenyasan kami ni Grey na pumunta sa kusina. "It's in the counter."
"Turn, please," tugon ni Hedone sa kanya.
Sa sandaling tumagilid si Grey, kusang bumaba ang mga mata ko sa maluwag niyang top kung saan malinaw na nagpapakita ang kanyang-
"Putangina. Pandesal..." mahinang sabi ni Amber.
Grey faced front with his silk fabric already inserted under his gold belt, and was loosely hanging diagonally across his top that threatened to expose his bare chest and half of his abdomen.
"No, Amber," giit niya. "I said sandwiches."
"Hindi." Umiling si Amber. "Gusto ko pandesal."
Nilingon ko si Amber at nalamang nakatuon siya sa lalaking nasa likod ni Grey na abala sa pagtutupi ng shoulder strap niya.
Vance wore another sleeveless chiton dyed in navy blue, and like me, he had on a one-shoulder top. Though it draped more heavily across his arm and waist, revealing already the entirety of his upper body.
My brother was dressed as provocatively, as Ash was, conservatively.
Because on top of his white chiton, Ash used a gold fabric to cover his chest and serve as one of his sleeves.
Though I know he's going to take it off on stage for the pageant.
"May oras pa ba tayo para kumain?" ani Bella. "Gutom na'ko..."
"Kayo nalang," ani Amber. "Busog na ako, eh..."
"Alin ba do'n yung sandwich ni Bella?" tanong ni Zack na inaayusan ni Hedone.
Zack wore the same outfit as Vance, but red.
"I'll go get them," I offered, after I suggested we eat them on the way to the stadium.
Pumunta ako sa kusina at natagpuan ang apat na sandwiches sa counter. Dumako ako sa likod nito at nilabas ang sandwich wrappers mula sa counter cabinet.
Tinabi ko ang sheer fabric na hanggang ngayon, ay wala pa rin akong alam kung pa'no susuotin, at saka nagsimulang balutin ang sandwiches.
I was occupied with wrapping the last one when I felt something light drape over my shoulder.
"Don't move."
And I certainly did not, move, after feeling a hand crawl under my belt to insert the green and see-through fabric that now hung across my body.
"What are you doing?" tanong ko.
"Dressing you," he answered, as he reached an arm over my chest and touched the side of my waist to adjust the front of the fabric.
"Grey," nagbabanta kong sambit sa kanya.
Napayuko ako para tignan ang pinanggagawa niya. Piniling ko rin nang kaunti ang aking ulo upang iwasang maramdaman ang kanyang braso. "Finish it already, will you-"
Agad kong pinagsisihan ang pag-iwas ko sa braso niya pagkarinig ko sa mahina niyang tawa malapit sa aking tenga.
Nalaman kong nakahilig ang kanyang ulo sa kabilang balikat ko, kaya pinagsikapan kong huwag nang gumalaw pa, kahit nang kaunti, at nanatiling nakatuon sa kamay niyang ginagalaw ang manipis na telang nakaipit sa tagiliran ko.
Napapikit ako sa inis nang iangat na niya ang kanyang braso.
"Done," sabi niya at pasimpleng kinuha ang tatlong sandwiches na nabalot ko na.
Sinundan ko siya ng tingin na lumabas ng kusina suot ang isang matagumpay na ngiti.
Nang tuluyan na nga siyang mawala, maingay akong napabuga ng hangin sabay bitaw ng sandwich at mabigat na napatukod sa counter.
Ilang sandali pa'y kumuyom ang aking magkabilang palad.
I'm going to kill him.
Huminga ako ng malalim, at madahan itong pinakawalan. Paulit-ulit ko itong ginawa nang umayos ako sa pagkakatayo at tinapos ang pagbalot ng almusal ko.
Bago pa man ako makalabas ng kusina bitbit ito, napahinto ako para tignan ang sarili ko.
What he did was as simple as draping the sheer fabric over my shoulder and inserted it under my belt on the other side of my waist, coloring half of my top and skirt with a bit lighter shade of green.
Napailing ako at bumalik na sa sala.
Naabutan ko si Reign na nakatayo at kumakain habang nangunguryusong nakamasid kay Hedone na inaayusan si Henri.
Inangat niya ang kanyang tingin at napatigil sa kalagitnaan ng pagkagat sa kanyang sandwich. Ilang segundo siyang napatitig nang hindi gumagalaw, bago umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pag-kain.
Because of her reaction, curiosity also got the best of me and I decided to look at Henri who was dressed in a two-layered chiton.
The first fabric, the one underneath, was colored black, while the thin and see-through fabric on top of it was gold. It was the same style as Ash's and Grey's, only he didn't add another piece of fabric over his shoulder. He didn't have to.
"May tattoo ka pala, bro?" tanong ni Zack. "Ayos, ah."
I looked down on the tattoo that peeked a bit from the side of Henri's waist.
Nanatili akong nakatitig dito nang dahan-dahan kong inangat ang aking sandwich at binuksan ito para simulang kainin.
"Tangina..." Sa tabi ko, mabagal na umiling si Amber habang nakatulala sa katawan ni Henri. "Sino kayang maswerteng nakatadhana na makakakita n'yan nang buo?"
Umangat-baba ang lalamunan ni Amber bago salubungin ang nagtatakang tingin ni Henri sa'min.
"Henri, may nasabi ba yung tatay mo kung anong gusto niyang mga alay?" tanong niya rito.
Nagkasalubong lang ang kilay ni Henri bilang sagot.
Unti-unting napatingin si Amber sa malayo. "Makapagdasal na nga lang..."
"We need to go, now," sabi ko sa kanila nang matanaw sa labas ng bintana ang mga estudyanteng naglalakad sa daan papuntang hippodrome.
Panandaliang naglaho si Zack sa kinatatayuan niya at bumalik na may dalang gintong wreaths.
"Oh, mga korona muna natin..." Binigay niya ito sa mga lalaki. "Baka mapagkamalan pa tayong mga alipin ng sinaunang panahon."
Each of the boys wore the same golden wreath on their head. It was shaped like a crown, almost the same as ours, but there was a space in between the front, where the ends of the laurel leaves slightly curved upwards.
All of them also strapped on their feet the exact same gladiator sandals, meaning they must have turned lazy while buying for their shoes.
Reign's POV
Tinapon ko ang sandwich wrapper sa garbage bin na dinaanan namin papuntang hippodrome, ang napakalaking stadium kung saan gaganapin ang opening ceremony at torch lighting.
Pagkatapos, napahikab ako.
Hindi naman kasi ako sanay na magising nang ganito kaaga.
"Paige..." Tumabi ako kay Paige. "Remind me again kung sino yung magla-light ng flame."
"Maeve, daughter of Apollo," sagot niya. "It was supposed to be her twin sister but..."
Napatango-tango ako.
"How about the opening speech?" tanong ko ulit.
"You didn't read the program, did you?"
"Eh, wala naman kasi akong photographic memory katulad mo," paliwanag ko.
She sighed. "Mrs. Prince will open the Olympics this year."
"Students' entrance here!" sigaw ng isang Gamma na kumakaway malapit sa gates papasok ng stadium. "Athletes and sports representatives on the other way for the parade!"
"Bye!" Naunang tumakbo si Amber. "Escort muna ako!"
"See you after the ceremony, mes jolies," paalam naman ni Grey sa'min bago humiwalay kasama sina Vance at Henri.
"I'll meet you later," Ash gave Hedone a quick embrace before transferring to the other path, along with Zack and Bella.
Kami nalang tatlo nina Paige at Hedone ang natira, at sabay kaming pumasok sa entrance para sa mga estudyanteng hindi kasali sa games.
Kung bakit hindi kami sumali ni Paige ay dahil ang annual Olympics namin ay ginagawa naming three-day break mula sa mga responsibilidad ng pagiging class representatives. We can basically do anything that we want in the following days.
And we have already done the tiring job of preparing for the games, so it is only natural that we only want to sit back and watch during it.
Umakyat kami sa mahabang marbled staircase at pagkarating sa tuktok ay lumiko pakanan sa hallway na nasa ilalim ng seats ng stadium.
Medyo madilim pa rin dahil kakasikat pa lang ng araw, pero ramdam ko na ang pananabik at namumuong tensyon sa pagitan ng mga estudyanteng nakasabay namin.
Lumiko na naman kami at umakyat sa mas maliit na staircase papalabas ng hallway, at papasok sa loob ng stadium.
Kamuntikan na akong mapatalon sa gulat nang salubungin kami ng nagsasalpukang mga drums. Lumabas kasi kami sa tabi ng mga upuan ng Gamma students na may dalang kung anu-anong mga instrumento para i-cheer ang class nila.
"Alright!" Isang lalaking estudyante na may dalang speaker ang nakatayo at sumisigaw. "Physical!"
Dumaan kami sa harapan nila nang magsimula silang mag-chant.
"Physical! Physical! We go hard in Physical! We beat them down! Stay on your ground! For Gam-ma!"
Tila sumagot ang mga estudyanteng nasa kabilang side ng stadium dahil umalingawngaw din ang sarili nilang mga banda at cheer.
"B-E-T-A! B-E-T-A! Let's go, BETA! Let's beat them up today!"
Nagpipigil ako ng ngiti sa paghihiyawan ng mga estudyante, lalo na ang pagsasagutan ng dalawang malalaking classes ng Academy.
Pagkaraan ng ilang minuto ng paglalakad, sa wakas ay nilagpasan na namin ang mga Gamma at dumating sa seats kung saan nakaupo ang mga aurai at satyrs. Mayroon ding mga lampads, ang Underworld nymphs na nagtataguyod ng black market.
Umakyat kami sa panglimang row ng stadium kung saan walang gaanong tao.
It really doesn't matter where we sit. We will still have a good look of the large track in the middle of the stadium.
Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako o mamangha kasi para nga akong dinala sa sinaunang panahon dahil sa suot ng mga tao, pero binabalik naman ako nito sa kasalukuyan sa tuwing naririnig ko ang chanting ng mga estudyanteng nakapalibot.
May mga banners din na nakasabit sa ledge. Pinag-ikutan ng mga ito ang buong loob ng stadium.
All the four classes had the same banners of maroon and gold. The only difference is our initials stitched in the middle.
Hindi mabura-bura ang mga ngiti namin ni Hedone dahil sa masayang ingay sa aming kapaligiran. Samantalang, seryoso namang nakatuon si Paige sa kanyang harapan.
Kasunod akong nagtaka nang isigaw ng Beta ang kalabang class nila, tila tinatawag.
"GAMMA!"
Tapos sumagot din ang mga Gamma.
"BETA!"
Saka ako napatigil nang sabay-sabay nilang isinigaw ang pangalan ng natirang dalawang classes.
"Alpha! Omega! Alpha and Omega!"
Tuluyan na ngang lumapad ang aking ngiti pagkatapos marinig ang pinagsamang cheers nilang lahat.
"We'll not look down! You've got it all! Fire up! Olympus' top!"
"Gods!" Hedone exclaimed. "I'm also firing up!" Nakisabay siya sa hiyawan ng mga estudyante habang kumakaway.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng loob ng hippodrome.
The structure was shaped in a half-oval, as well as the wide track on the ground.
And at the center of the track, there lined the statues of the twelve Olympians. They were separated by golden pillars, but in the middle, stood the tallest statue of them all: a statue of Nike, the winged goddess of speed, strength and victory.
She stood at the very center of the stadium, raising a circular wreath in her right hand, and holding a torch on the other.
On one side of the stadium, built on the same level as the audience's seats, there was also a pavillion, which was a platform dedicated to the hosts of the ceremony and special guests.
We were seated in the middle of the oval-like curve of the stadium, kaya nakaharap kami sa athletes na nagtitipon-tipon sa gates at ina-arrange ang sarili nila para sa parade.
"Good morning, everyone."
Humina ang mga sigawan pagkatapos magparinig ang boses ni Miss Bliss mula sa speakers. Sabay kaming lahat na napatuon sa kanya, at nakita siyang nakatayo sa likod ng podium na nasa bandang harapan ng platform.
Nakasuot siya ng simpleng mahabang chiton na pinaresan niya ng totoong laurel wreath.
"Time check." Napatingin siya sa kanyang relo. "It is five thirty in the morning. Just a few minutes before the complete sunrise."
"So if I could ask the athletes?" Nilingon niya ang athletes sa gates. "If they are ready?"
Karamihan sa athletes ay nagtaas ng kamay para mag-thumbs up.
"Alright then..." Napangiti siya. "Students, staff, and guests... May I present to you, our school's athletes and sports representatives in their ever-ravishing glory!"
Kamuntikan na naman akong nagulantang sa pinagsabay na pagbagsak ng musika at hiyawan ng mga estudyante.
Mabilis kong kinolekta ang aking sarili pagkatapos makita kung sino ang nangunguna sa parade.
"Starting with our last year's most valuable player and consecutive top athlete, Ivan of the Alpha Class, son of Ares! And our most valuable escort, the captain of the cheerleading squad, Amber of the Omegas, daughter of the light and the bearer!"
Kumakaway silang dalawa habang nakasakay sa isang gintong chariot na hila-hila ng dalawang puting kabayo.
Napatayo kaming tatlo nina Hedone at Paige para palakpakan si Amber na nakangiti nang malapad.
Naglibot-libot ang kanyang mga mata habang kumakaway, at nang makita kami, gumalaw nang kaunti ang chariot dahil sa mabilis niyang pagsandal paharap para idiin ang kanyang kamay sa direksyon namin.
Sa tabi niya ay si Ivan na biglang napahawak sa harapan ng chariot. Tinawanan niya si Amber saka umayos sa pagkakatayo.
Kumaway-kaway din kami kay Amber bago bumalik sa pagkakaupo.
Nakasunod sa kanila ang Gamma athletes na may dalang banner, pati na rin ang mga Beta.
"And last but not the least, the Alphas and the Omegas!"
Muli na naman kaming napatayo para salubungin ng palakpakan ang huling tinatawag, pero palaging nangungunang classes ng Academy.
Nasa hulihan ang mga kaklase namin, at sina Ash at Grey ang may hawak ng banner.
Nagsimulang mag-unahan ang mga babae sa elevated ledge ng stadium para mapalapit sa kanila. Napasinghap ako nang makitang isa sa kanila'y muntik nang mahulog kung hindi siya hinila ng mga kasama niya.
Lumalakas ang sigawan sa bawat pangkat ng mga estudyanteng dinaanan nila. Pati na rin ang mga aurai na napatayo para kay Ash.
"Ayoko na!" Nahagip ko ang namamaos na sigaw ng isang babae. "Ayoko na sa buhay kapag hindi kayo ang makakatuluyan ko!"
"Grey!"
Panandaliang nanlaki ang mga mata ni Grey, sabay iwas sa bra na itinapon malapit sa kanya.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilang tumawa.
Isang beses lang silang umikot sa stadium bago lumabas.
"And without further ado, may I call on one of the Academy's founders, and president of staff, Mrs. Prince, to lead us in this year's Annual Olympics."
Miss Bliss stepped down from the podium and was replaced by Mrs. Prince who wore a sparkling red chiton that she layered with a gold sheer fabric. She also wore a real laurel wreath on her red hair.
Nagsiupuan kaming lahat para makinig sa opening remarks niya, hanggang sa tawagin niya si Maeve na pumasok sa stadium nang nakasakay sa mabilis na tumatakbong chariot.
May dala siyang pana na agad niyang itinuon sa direksyon ng mga istatwa sa gitna ng track. Nakakabit din dito ang isang palaso na umaapoy ang dulo.
Sinundan namin siya ng tingin, nag-aabang kung kailan niya papakawalan ito.
At sa kanyang pagliko, binitawan na niya ang tali ng kanyang pana at inilipad paangat ang nag-aapoy na palaso sa direksyon ng istatwa ni Nike.
Tumama ito sa gitna ng torch na dala ng statue. Mula rito, sumiklab ang malaking apoy, at kasabay ng pagliyab nito ay ang mabilis na pagkalat ng liwanag sa kalangitan, dahil sa araw na buong umangat sa likod ng goddess.
"Let the games begin!"
• • •
"Where are you..." bulong ko habang nakatayo sa gitna ng entrance hall ng Academy.
Sa kabilang dako ng hall, nakita ko si Grey na kalalabas lang din mula sa hallway. Pinaningkitan namin ang isa't isa bago nagmamadaling tumungo sa labas ng Academy.
Inikot ko ang aking paningin sa mga taong nakapaligid sa'kin. Tumabi ako nang hindi ko makasalubong ang mga bisitang kararating lang.
Pagkaraan ng isang minuto, umikot ako at bumalik sa loob ng Academy. Patakbo akong naglakad patungo sa guest wing ng eskwelahan kung saan naroon ang guest rooms at ang dating dorm ng mga magulang namin.
Naramdaman ko si kuya na nakasunod sa'kin kaya binilisan ko ang aking mga hakbang.
"Reign!" He tried to stop me as I was the first to turn to a hallway.
Napansin ko ang paglapit niya sa'kin kaya tuluyan na nga akong tumakbo at nilagpasan si Raphael sa corridor.
"Morning, Raph!" sigaw ko sa kanya at muling lumiko hanggang sa matanaw ko ang isang maliit na pasilyong nakakonekta sa isa pang building.
I sensed a portal appearing in front of me so I ran as quick as I can and pushed my brother off the moment he stepped outside the portal.
Nag-unahan kami patungo sa batang babae na kalalabas lang mula sa building.
"Celeste!" sabay naming sigaw ni Grey.
Kalalabas lang din ni Mama na agad napahinto nang makita kami.
Tinulak ako ni Grey pagkarating namin sa dulo ng pasilyo pero mabilis akong nakabawi ng balanse at iniunat ang aking binti paharang sa paa niya dahilan na mapahilig siya paatras at mahigpit na napahawak sa railings ng mala-tulay na pasilyo.
Hinatak palikod ni Grey ang balikat ko. "Sorry, ma belle-"
"Stop."
Kusang tumigil ang aming mga katawan ni Grey sa sandaling nagsalita si Celeste.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo, kaya napakapit ako sa railings habang si kuya naman ay pataob na bumagsak sa semento.
Napangiti ako pagkatapos makita si Celeste na nagpipigil ng ngiti dahil sa kinahinatnan ng panganay namin.
Nang bitawan na niya kami, dali-dali akong lumapit kay Celeste at mabilis siyang binuhat.
"Celeste!" Hinigpitan ko ang pagkakayapos sa kanya habang pumipihit-pihit sa harap ni Mama. "Gods... na-miss kita."
"Okay, that's enough," ani Grey. "My turn."
Inilayo ko sa kanya si Celeste.
"Give me my sister," utos niya.
"No," sagot ko.
"Ma!" pagsusumbong ni kuya kay Mama na marahang natawa.
"Di na makahinga 'yang kapatid mo, Reign," tugon ni Mama dahilan na mapabitaw ako kay Celeste at tinignan siya.
"S-Sorry," natatawa kong sabi sa kanya.
She took in a deep breath before simply humming in response. "Mmm."
"Celeste, ma petite fleur..." Maingat siyang kinuha ni Grey mula sa bisig ko. "Comment allez-vous?"
'Celeste, my little flower, how are you?'
"Bien," maikling sagot ni Celeste. 'Fine.'
"Tu es de plus en plus lourd, mon chéri." Inayos ni kuya ang pagkakakarga sa kanya. "Ne grandis pas trop vite, okay?"
'You're getting heavier and heavier, my love. Don't grow up too fast, okay?'
"C'est pas sa faute, Grey," sagot ko. 'It's not her fault, Grey.'
Pinasadahan niya naman ako ng nababagot na tingin. "Je ne te le demande pas, Reign."
'I'm not asking you, Reign.'
Marahang itinulak ni Celeste sa dibdib si Grey kaya dahan-dahan siya nitong ibinaba.
Humarap siya kay Mama sabay hatak nito sa damit niya.
"Ah, oo nga pala..." Nginitian kami ni Mama. "Pwede niyo bang ipasyal yung kapatid niyo? Magkikita pa kasi kami ng ibang founders mamaya."
Sabay na lumiwanag ang aming mga mukha ni Grey.
Zack's POV
Pagkatapos ianunsyo ang aking pagkapanalo sa first round ng male's longsword fighting, nilapitan ko ang batang lalaki na nakatayo sa mala-hakbang na upuan ng arena.
Tumalon siya sabay tuon sa'kin ng mga kamay niyang nakahugis-baril. "Bro."
Nginitian ko siya at inanga't babaan ng kilay. "Bro."
"Galing natin, ah..." Inabutan niya ako ng puting bimpo.
Ginamit ko ito para punasan ang pawis sa ulo at leeg ko. "Mas magaling yung nag-iwan sa'yo dito."
"Sabi kasi ni Papa may lakad pa siya." Binigay niya rin sa'kin ang tumbler ko. "Eh, gusto ko pang manood kaya..."
Sinampay ko sa balikat niya ang bimpo bago tanggapin yung tumbler.
"Ano bang gusto mong kainin mamaya?" Binuksan ko ito. "Mukha kasing di ka na babalikan ng tatay mo."
Napainom ako ng tubig habang hinihintay siyang sumagot.
"Yung chicken bowl niyo sa school?" Ngumisi siya. "Hehehe."
Sinarado ko ang tumbler pagkatapos uminom. "Sige, ikaw magbayad."
Napapadyak siya. "Kuya naman, eh!"
Tinulak ko ang tumbler sa dibdib niya sabay gulo ng kanyang buhok.
Napahakbang siya paatras. "Kuya!"
Kinuha ko ulit ang bimpo mula sa kanya at inilipat ito sa balikat ko nang maupo ako para manood sa first round ng longsword fighting para sa female category.
Panandaliang nakaharang si Mikhail sa pananaw ko nang nagtangka siyang umupo sa magkabilang hita ko kaya napahilig ako ng kaunti sa gilid at ipinalipot ang isa kong braso sa kanya na inayos-ayos ang pagkakapatong ng kanyang bigat sa nakatukod kong mga binti.
Hinila ko siya palapit sa'kin. "Putangina- ang bigat-bigat mo na-"
Dinuro niya ang babaeng kapapasok lang sa ring at may dalang mahabang espada. "Si Ate Bella na!"
Hinigpitan ni Bella ang pagkakabalot ng bandage sa magkabilang mga kamay niya. Galing kasi siyang boxing at hindi na siya nag-abala pang tanggalin ang mga bandage niya na nabahiran ng dugo.
Kung titignan, napaka-impraktikal ni Bella, dahil hindi kagaya ng kalaban niyang Beta na mahigpit na nakatali ang buhok at hindi nakabalot ang kamay, malayang nakabagsak ang mahaba niyang buhok at mas malaki ang posibilidad na mabibitawan niya ang kanyang espada dahil sa suot niyang bandages.
Hindi rin siya nakasuot ng armored guard, at hindi naman siya madi-disqualify dito, kung siya na mismo ang naglalagay sa sarili niya sa mas dehadong kalagayan bago lumaban.
"Ate Bella!" sigaw ni Mikhail dahilan na mapatingin si Bella sa'min. "Ang ganda-ganda mo raw sabi ni-"
Agad kong tinakpan ang bunganga ng kapatid ko at inilingan si Bella na napakurap-kurap.
Piniling niya ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin sa'min kaya sinenyasan ko siyang ibaling ang kanyang atensyon sa harapan niya.
Dinilaan ni Mikhail ang palad ko kaya mabilis kong tinanggal ito mula sa bibig niya. "Anak ng- Mikhail!"
"Kaya mo yan, ate Bella!" Maingay siyang pumalakpak. "Di ko nga alam kung ba't pa ako sumisigaw para sa'yo, eh!"
Napansin ko ang mga aurai na napatayo nang ipihit-pihit ni Bella ang kanyang espada sa kamay niya, suot ang isang magaang ngiti.
"Start!" sigaw ng referee, isang satyr na may dalang stopwatch.
Hinigpitan ng Beta ang kanyang mga kamay na nakahawak sa espada. Inangat niya ito at naunang sumugod kay Bella na mabilis na humilig para iwasan ang pagbagsak ng blade sa ulo nito.
Bago pa tumama ang espada sa balikat niya, humakbang patagilid si Bella. Pumihit siya nang kaunti at inangat ang kanyang espada para saluhin ang blade ng kalaban gamit ang sarili niya ring blade. At pagkatapos ay malakas na iginiya ang tigdudulo ng mga ito pataas.
Pinigilan ng Beta ang sarili nito na mahulog mula sa ring ng arena.
Umikot siya at malawak na idinuyan ang kanyang espada sa harapan upang pigilan si Bella na makalapit sa kanya, nag-aakala sigurong itutulak siya rito palabas ng ring.
Pero mahinahon lang na nakatayo sa kabilang dako ang babaeng inasahan niya ay pagsasalamantahin ang mga segundong maaari siyang maalis nito sa ring.
Siguro ngayon, napagtanto na ng Beta na walang plano si Bella na ilabas siya ng ring.
"Tignan mo, bro..." ani Mikhail. "Namimigat yung mga kamay niya."
Napansin ko nga naman ang saglit na pagbaba ng espada ng Beta, nang ayusin nito ang tindig niya sa tapat ni Bella.
Umangat ang magkabilang kilay ko nang mapansin ding hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, ibig sabihin, gusto niyang si Bella na naman ang unang umatake at handa na siya para rito.
Hindi siya handa para rito.
Nalaman naming lahat ito nang umikot si Bella pakanan. Mabilis na hinilig ng Beta ang kanyang espada para salubingin ang unang atake ni Bella, pero sa ikinagulat niya, at ng mga manonood, hindi umabot ang blade ni Bella sa kanya dahil tumama lang ito sa hangin, bago ito muling umikot sa kabilang direksyon at saka lang tinamaan ang espada ng Beta na hindi nga napabitaw nito, pero nadala naman sa lakas ng pagtama kaya kamuntikan nang mawalan ng balanse.
"Nice," sabay naming puna ni Mikhail.
Nagsimulang maglakad paikot sa ring si Bella, kaya't napahakbang din ang Beta palayo sa kanya, habang kinokolekta pa ang sarili nito.
"Nice..." napabulong na naman kami ni Mikhail dahil napaghalataan na namin ang namumuong takot sa nakakunot-noong ekspresyon ng Beta.
"Kaya mo rin 'yan, Ate Beta! Huwag kang matakot!" sigaw ni Mikhail. "Huwag kang matakot maglakbay mag-isa sa Underworld! Hahaha!"
"Patahimikan mo nga 'yang bata na 'yan!" sigaw ng isang lalaki na nakaupo sa kabilang dulo ng arena. "Hindi pa tapos yung laba-"
Hindi niya rin natapos ang sasabihin niya nang daplisan ng isang dagger ang gilid ng kanyang tenga.
Inangat ko ang aking kamay para bigyan ng fist bump ang bro kong napangisi at masiglang sinuntok ang kamao ko.
Pagkatingin ko ulit sa arena, nakita ko si Bella na kinisap-kisapan ako sabay tapik ng likuran ng pulsuhan niya.
Binunot ko mula sa aking bulsa ang relo ko para tignan ang oras.
"Bro..." Sinuot ko ang relo. "Pakisabi nga kay Bella na kakain na tayo."
"Ate Bella!" Itinapat ni Mikhail ang kanyang mga kamay sa magkabilang sulok ng kanyang bibig. "Gutom na raw yung bro ko- aray!"
Napahawak siya sa kanyang ulo pagkatapos ko siyang batukan.
"Kuya naman!" reklamo niya.
Tinulak ko siya pababa mula sa'kin kaya't napatayo siya habang hinihimas-himas pa rin ang ulo niya.
"Oh, kunin mo na yung bag ni Ate Bella mo," utos ko sa kanya. "'Yang itim na gym bag na may pangalan niya."
"Alam ko."
Tumayo na ako at binalewala ang mangiyak-ngiyak na sigaw ng isang babae mula sa gitna ng arena.
Pinasok ko sa pulang gym bag na katabi ko ang bimpo at tumbler.
Ilang sandali pa'y naramdaman ko si Bella na lumapit sa'min.
"Ate Bella, oh!" Mula sa sulok ng aking mga mata, sinulyapan ko si Mikhail na inabot kay Bella yung bag niya. "Ang galing mo!"
Sinabit ko ang bag sa isang balikat ko bago muling humarap sa ring, kung saan nakahiga ang Beta na walang malay at may nakabaon na espada sa binti.
"Gusto mong suotin ulit yung bandages ko?" Nakangiti si Bella habang tinatanggal ang bandages sa bawat kamay niya.
"Mmm!" Masiglang tumango-tango ang kapatid ko sabay lahad sa kanya ng magkabila nitong mga braso.
Yumuko si Bella at masayang itinali ang mga bandages niya sa mga kamay ni Mikhail na lumiliwanag ang buong mukha. Na parang gago dahil sino bang bata na kasing-edad niya ang gustong magsuot ng duguang bandage.
"Woooh!" Tumakbo-takbo siya nang nakadipa para ilipad ang dulo ng mga bandage na nakasabit sa mga kamay niya.
Sinundan namin ni Bella si Mikhail na bumagal ang pagtakbo sa unahan at huminto sa harap ng isang grupo ng mga babae na sinusundan siya ng tingin habang nakangiti.
"Hi!" Inabot niya ang maliit niyang kamay sa kanila. "Mikhail."
Tinanggap naman ito ng babaeng nakaupo sa gitna.
"Hello," bati nito pabalik sa kanya. "Is that blood on your ribbons, Mikhail?"
"Mmm." Tumango si Mikhail. "Bigay ni Ate Bella."
Kumunot ang noo ng babae. "Bella?" Saka nanlaki ang kanyang mga mata. "Omega-" Mabilis siyang lumingon sa direksyon namin at napatayo kasabay ang mga kasama niya.
Nginitian ko sila at nang lagpasan sila ay mabilis na niyapos ang ulo ng kapatid ko para kaladkarin ito papaalis ng arena.
Tinulak niya ako pabitaw sa kanya at akmang babalik sa mga babae nang bigla akong magsalita.
"Si Celeste ba 'yan?"
Mabilis pa sa hangin ang pag-ikot niya at pagtakbo paharap. "Asan?" Luminga-linga siya. "Asan?!"
Hindi ko naiwasang matawa sa inasta niya. "Hanapin mo, uto-uto."
"Putangina mo, kuya!"
Grey's POV
"Celeste!"
I squinted my eyes at the young boy running towards our cafeteria table, while screaming my sister's name who was peacefully eating her lunch in between Reign and I.
"Ano 'yan?" Itinukod niya ang kanyang mga palad sa mesa at tumingkayad para silipin ang kinakain ni Celeste. "Masarap?"
Nilingon ko si Celeste at bahagyang napangisi nang makitang hindi niya pinapansin si Mikhail na humilig-hilig pa para makita ang laman ng tray niya.
"Hi, Reign," bati ni Bella na naupo sa tapat ni Reign. "Kararating niyo lang?"
Binaba naman ni Zack ang bag niya sa harap ko bago padabog na naupo.
"How's the fight?" I asked.
Letting out an exhausted breath, he answered. "Madali pero nakakapagod. Halatang pinaghandaan ng mga kalaban."
Napatango-tango ako. "When's your last game?"
"Mamayang hapon, sa arena pa rin," sagot niya. "Boxing."
"Ayoko na!" Biglang tumabi si Amber kay Bella, suot ang kanyang cheerleading uniform. "Nakakatangin-" Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya nang makita si Celeste.
Lumiwanag ang kanyang mga mata. "Hi, Celeste!"
"Ate Amber!" bati naman ni Mikhail sa kanya at nagmamadaling bumaba ng upuan.
"Uy, gago-" Napayakap si Amber sa batang lalaki na tumakbo sa kanya. "Andito rin pala yung pinakagwapo."
"Alam ko po."
Zack gave the two a subtle glance. "Parang mga tanga. Amputa."
"Mag-order na kayo habang hindi pa dumarami yung mga tao," suhestyon ni Reign.
Amber loudly sighed as she stood with Mikhail on her arms. "Bigat mo na."
"Sumasabay po kasi ako minsan kay Papa na nagwo-workout, eh."
Biglang nahirinan si Reign sa iniinom niya.
"Oh?" ani Amber na naunang umalis karga-karga si Mikhail. "Nagda-diet ka na rin?"
Kasunod na nagpaalam sina Zack at Bella para bumili na rin ng pagkain.
And speaking of food...
"Celeste, ma petite beauté." I slightly leaned towards her. "What do you want to eat for dinner? So I can buy the ingredients?"
"Scallops."
Napangiti ako. "Alright. Anything else?"
Umiling siya.
"Drinks?"
Umiling ulit siya.
"Just scallops?" paglilinaw ko na tinanguan niya.
Tinaas naman ni Reign ang kamay niya. "Kuya, gusto ko ng strawberry frappe."
Napansin ko ang pagtigil ni Celeste nang marinig ito.
"Strawberry frappe..." bulong niya.
"Scallops and strawberry frappes." I smiled at them both. "Got it."
Sensing another presence coming close, I looked at Paige who walked around the table carrying a tray. She didn't bother to notice me but exchanged blank glances with Celeste before she sat beside Reign.
"My brother's on his way," she informed us. "He's with Henri and Raphael who helped him with Don."
"Bakit?" usisa ni Reign. "Anong nangyari kay Don?"
"Someone broke his foot," ani Paige. "But he's fine now and Vance has already assigned a satyr to guard him."
"I want to watch," biglang nagsalita si Celeste dahilan na mapatuon kaming lahat sa kanya.
"The race?" tanong ko.
Tumango siya.
I chuckled lightly. "Since when are you interested in horses and racing, ma belle?"
Her deep magenta eyes slowly bore on me as she replied seriously, "Since Dad bought me a pony."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top