A Stone

Bella's POV

Bella, are you there?

I grabbed an empty jar from one of the shelves. It's been a couple of minutes since we entered the facility.

And she's still not waking up.

Bella!

Mula sa sulok ng aking mga mata, sinamaan ko ng tingin si Zack na kagaya nina Ash at Amber ay naglilibot din sa main floor ng facility. 

This is all his fault!

Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa namumuong kaba at galit. Dali-dali akong nagtago sa likod ng isang shelf at napasandal dito. Napahawak ako sa dibdib ko, at humugot ng malalim na hininga. 

Bella, you need to wake up... I can't-

Nilunok ko ang takot na namuo sa lalamunan ko.

I can't stay out so long. I'm not used to it.

"Fuck-" I mumbled under my breath. 

Tumungo ako sa isang madilim na sulok. Inilapat ko ang aking mga palad sa pader at saka napayuko ng ulo.

Sa bawat segundong hindi nagpaparamdam ang kapatid ko, lumalala ang takot ko.

Nagsimula nang mamasa ang aking mga mata. "Bella..."

I can't go on without you.

I've been using her body since I woke up. This is the longest I have been, without hearing her voice.

"Bella?"

Dali-dali akong umikot at nakita si Zack.

Kinuyom ko ang aking magkabilang palad upang maitago ko ang panginginig nito. Bumaba ang tingin ni Zack sa mga kamay ko kaya agad kong ipinalikod ang mga ito.

"Bakit?" tanong ko.

Matagal-tagal niya akong tinitigan.

I didn't stutter... did I?

My eyes fluttered uncontrollably. I wasn't worried that he will find out. I was worried about where my fucking sister is.

Humakbang si Zack papalapit sa'kin dahilan na mapaatras ako.

Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay ka lang?" 

No, I'm not.

Tumango ako.

I'm scared.

For the first time, I was frightened. I was panicking. And to make things worse, I have a body. Everything's new to me. The way my heart is racing. Hell. I can't even control my hands and knees from trembling.

Feeling fear is new to me.

"Nanginginig ka," puna niya.

I can't breathe. "A-Ang lamig kasi-"

Why can't he just leave me?! What I need is air and he is suffocating me.

Magsasalita na sana ulit siya nang unahan ko siya.

"Pwede bang umalis ka?"

Tumikom ang kanyang bibig. Ilang sandali pa'y tumango-tango siya, saka iniwan akong mag-isa sa sulok.

Dinama ko ang presensya niya at nang makalayo na siya, sumandal ako sa pader at ipinadausdos ang aking likod dito hanggang sa maglupasay ako sa sahig.

Bella, where are you?

Your voice. All I need is just to hear your voice, and I'll be fine.

Lumipas ang isang buong minuto at hindi ko pa rin narinig ang boses niya sa isipan ko, dahilan na mapatulala ako.

Tinuyo ko ang isang luha na nakatakas mula sa mata ko. 

This is all that demigod's fault. Ever since Bella used her light to save him, I never heard her voice again.

So, why?! Why did she do it?!

Niyakap ko ang aking mga tuhod at isinubsob ang aking mukha dito.

It's all because of him. Everything's wrong because of him.

Sa sumunod na mga minuto, wala akong ibang ginawa kundi patahanin ang sarili ko.

I never knew maintaining a body is overwhelming. But I have to. Until my sister comes back, I have to take care of it.

Napaangat ako ng ulo pagkatapos makarinig ng mga pagsabog mula sa labas ng facility.

Huminga ako nang malalim at pinakawalan ito, bago tumayo at inayos ang sarili ko.

I cleared my throat and finally came out of the dark corner after silently panicking and contemplating if I should kill the one who did this to us.

"Dito!" Narinig kong sigaw ni Amber.

Sinundan ko ang boses niya.

Amber stood in front of the furthest wall inside the facility. On the right was a staircase leading to the upper floor and on the left, were stairs going down.

Once Ash and Zack arrived, Amber's palm bursted with flame and a large sign appeared to be engraved on the entire wall behind her.

In the middle of the wall, was a circle with two borders. And inside, were ten stars systematically placed.

They weren't randomly placed, and I realized this when I saw three of the stars in the middle aligned almost to a straight line.

"Guess the founders weren't that far in naming the organization," ani Ash.

The three stars were the Tres Marias, meaning we were looking at a particular constellation.

Inside the border of the circle was the ancient Greek word Ὠρίων written repeatedly.

Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng aking labi.

Finally. A name.

Isang katawan ang lumipad mula sa entrada ng facility at sumalpok sa gitna ng simbolo.

Pumiling ang aking ulo sa gilid nang makita si Vance na duguan at nakadipa sa pader. Bumagsak siya nang nakahulod.

Pasimple siyang tumayo at isa-isa kaming tinignan.

"We have it," sabi ni Ash. "The name of the organization."

"That's-" Hindi pa nga natapos ni Vance ang sasabihin niya ay nakapag-summon ako ng lumiliwanag na katana at pinalihis ang isang palaso na lumusot mula sa bubong.

"-great," dugtong niya. "Anything else?"

Sunod-sunod ang paglitaw ng palaso kaya kung saan-saan ako sumulpot malapit sa mga kasama ko upang salubungin ang mga ito.

"We still have to go to the other floors," sagot ni Ash. "But are you sure you're fine?"

"See you," paalam ni Vance bago tumakbo papalabas ng facility.

Tumigil ako sa tabi ni Amber nang maiwan na naman kaming apat. Nagtinginan lang kami hanggang sa magsalita si Zack.

"Kambal sa taas," aniya. "Kami sa baba."

Bahagyang bumukas ang aking bibig para umangal sana kung hindi lang sa dalawang magkapatid na agad kaming tinalikuran at kumaripas sa pag-akyat ng hagdan.

Pinasadahan ko ng nanlalamig na tingin si Zack. Tahimik ko siyang nilagpasan at naunang bumaba sa kabilang hagdan.

Pagkarating namin sa ibabang palapag, kusang bumukas ang lahat ng mga ilaw sa malawak na silid. Bitbit ko pa rin ang isang katana ko nang magkahiwalay kami at tumungo sa magkataliwas na direksyon.

This is it. I can kill him.

Binaling ko ang aking atensyon sa folders na nakapatong sa isa sa mga desks.

The organization made sure not to put their symbol on their possessions so they could not give us a name. They didn't expect us to find it out by attacking one of their headquarters without a warning.

Kill Zack.

The urge to kill him will become unsatiable the longer I am alone with him. Pero binalewala ko pa rin ito.

I can't kill what my sister saved. 

Kill him!

Having a body is harder than I thought. Especially when it wants to do something but your mind knows you shouldn't.

Fear and desire. They're all new to me.

Binuksan ko ang isa sa folders at bumungad sa'kin ang pinagtabing litrato ng mga magulang ko.

'Artemia Blaire Sol'

'Cairo Salvatori'

Every information about them was printed below their names. There were also a couple of stolen pictures of the two of them doing random things, going about their everyday lives.

Lumipat ako sa kasunod na pahina at nakita ang isang mahabang lista ng mga partikular na lugar.

Nalaman ko kaagad na address ito ng bawat property na pinagmamay-arian ng pamilya ko sa mortal realms.

I checked the other pages. All contained information about each one of our properties.

Sinarado ko ang folder at kumuha ng iba.

Binasa ko ang laman nito.

It's still the same information, except that it's about the Suzan-Prince.

I began to wonder why they have this information and what they're going to do about it, when I heard a faint thin sound from a distance.

It was the sound of light being moved.

Binaba ko ang folder sa mesa at dumako sa likod ng isa sa shelves habang tinitignan ang pinanggalingan ng tunog.

It came from the other end of the hall, where Zack was heading.

Above him, a light started to flicker.

The katana in my hand disappeared, and was replaced by a black bow. Slowly and silently, I raised my arm and pulled its string. An arrow made of light appeared, and my eyes squinted as I aimed it at the empty space in front of Zack.

Huminto sa paglalakad si Zack.

Napansin niya ito.

Nakatuon pa rin ang palaso ko sa harapan niya ngunit sa sandaling tumigil siya, agad ko itong itinutok sa likuran niya kung saan isang huntsman ang lumitaw. Dumaan ito sa pagitan nina Zack at nang bumaon ito sa pader ay agad naglaho si Zack sa aking paningin.

Sunod-sunod kong pinadalhan ng mga palaso ang huntsman. Yumuko siya sa likod ng isang desk at napatigil ako pagkatapos napagtantong nagawa niyang iwasan lahat ng palasong pinadala ko, na para bang alam niya ang bawat landas nito.

Tinignan ko ang itim na pana sa kamay ko.

Muli ko itong itinutok sa desk na pinagtataguan ng huntsman. Hinatak ko ang tali nito at namuo ang isang mahabang palaso na umuusok ang tulis.

Hindi kagaya ng dati, kulay itim na ito, dahil gawa ito sa kadiliman.

Tumayo ang huntsman at agad kong binuksan ang kamay ko. Nagawa niyang iwasan ang palaso na tumama sa paanan niya. Mula sa dulo ng palaso, kumalat ang anino sa sahig. Nawala ako sa kinatatayuan ko at lumabas mula sa aninong ito saka marahas na hinataw ang ulo ng huntsman gamit ang pana ko.

Umikot ito at nakita kong may takip ang kalahati ng kanyang mukha.

Wait. Does that mean there's four of them?

Sinipa ko ang sikmura niya dahilan na mapaatras siya at bumunggo kay Zack na lumitaw sa kanyang likuran.

Zack kicked the back of his knee before grabbing him to a chokehold and spun around to throw him across the shelves on the other side of the hall.

I aimed my bow at the middle of the mess where the huntsman fell. But to my surprise, there was no body.

I noticed the lights growing brighter. Summoning another dark arrow, I aimed it at one of the lights in the ceilings to break it but it only got deflected.

Kinuha ko ang kamay ni Zack at hinatak siya patakbo, papalabas ng hall.

"Teka- Bella!"

Hindi ako nagsalita at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Binilisan ko rin ang pagtakbo nang bigla siyang bumitaw.

"Teka nga sabi!" sigaw niya.

"This one can control light, idiot!" sigaw ko pabalik sa kanya. "We need to get out of here!"

Kumunot ang kanyang noo. "Bella?"

The temperature started to rise in the room. Heat came from behind him so I quickly shoved him to the side and took a step back after receiving an arrow in the middle of the chest. 

Tinignan ko ang lumiliwanag na palasong nakabaon sa dibdib ko.

Instead of tearing it apart from me, I broke the handle near the tip to prevent myself from bleeding to death.

Isang kamay ang humila sa'kin at kinaladkad ako patungo sa dulo ng hall kung saan naroon ang hagdan.

Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ang nakakapasong init sa dibdib ko. Hinatak ko si Zack upang ilayo siya sa isang palaso na lumipad sa bilis ng liwanag. Nagawa nitong daplisan ang balikat niya.

"Putangina-" Hinawakan ako ni Zack sa magkabilang balikat nang biglang namigat ang katawan ko. "Yung sugat mo-"

Napatingin ako sa sugat ko at nakitang unti-unting nasusunog ang balat kong nakapaligid dito.

Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata ngunit mabilis din akong napadilat nang bigla niyang tinanggal ang palaso.

Nabulunan ako sa dugong tumakbo paangat sa lalamunan ko. Napayuko ako habang umuubo-ubo ng dugo. 

Kinuha ni Zack ang kamay ko. May inilagay siyang lukot na tela rito at giniyahan niya ako sa pagdiin nito sa sugat ko. 

"Wag mong tanggalin 'yan," aniya bago nawala sa paningin ko.

Gods. I spoke too soon. I promised to take care of this body and yet here I am, losing blood.

Napapikit ako nang sumabog ang liwanag mula sa dulo ng hall. Napakurap-kurap ako nang mamulat. 

Sinubukan kong gumalaw pero napangiwi lang ako sa sakit.

Nagsimula nang manlabo ang aking paningin kaya tumingala ako nang nakaawang ang bibig, upang papasukin ang hangin sa sistema ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at dinama ang pagtipon ng aura sa magkabilang palad ko. Tumakbo ito patungo sa gitna ng aking dibdib kung saan agad binalot ng lamig ang init na kumakalat mula rito.

Tumayo ako at muling tinignan ang malalim na hiwa sa gitna ng nasunog kong balat. Banaag ang gintong liwanag na lumalabas dito.

Kasunod na lumipat ang aking paningin sa malaking scythe na namuo sa kamay ko.

Gawa sa liwanag ang mahabang hawakan nito, habang gawa naman sa kadiliman ang nakakurbang talim nito.

Sa sobrang laki nito, kinaladkad ko lang ito pagitna sa hall.

Nang makarating ako ay mabagal kong nilingon ang huntsman na katapat ni Zack. Nasa kalagitnaan siya ng pagpipigil ng espada nito gamit ang pana niya, nang salubungin niya ang blanko kong tingin.

I gave him an even emptier smile, before disappearing with a blinding light.

My smile straightened the moment I appeared above him and hit his forehead with the base of my scythe.

Zack appeared behind him and swung his blade towards his neck when all the lights in the hall suddenly burst.

All that's left of the huntsman was a spark that quickly vanished into thin air.

Itinukod ko ang scythe sa gitna ng kadiliman.

Mayamaya'y naramdaman ko si Zack na dumaan sa tabi ko at saka ako sumunod sa kanya.

Paakyat ng hagdan, narinig ko ang boses niya.

"Huntsmen lang pala ang makakapag-english sa'yo," aniya. "Akala ko kasi oral recitation."

Hindi ako sumagot.

Pagkarating namin sa ground floor, sinalubong kami ng humihingal na Amber. Napapraning niyang dinuro ang hagdan.

"H-Huntsman-" Kapos sa hininga siyang nagsalita. "Sumabog- apoy- puta- kamay- tangina-"

"Sa'n si Ash?" tanong ni Zack.

"Sunog- gago-"

Nagkasalubong ang aking kilay. Nasunog yung gago?

"Amputa- umayos ka nga!" sigaw ni Zack. "Amber! Nasaan si Ash?!"

"PUTANGINA! MAY HUNTSMAN NA KAYANG MAGPASABOG NG APOY!" May halong tili ang sigaw ni Amber. "SUNOG NA YUNG BUONG PALAPAG! GAGO!"

"Si Ash! Nasa'n nga?!"

Pabalik-balik ang aking tingin sa dalawa na nagsisigawan.

"Nasa taas pa nga!"

"Siraulo ka ba?! Ba't mo iniwan yung kapatid mo?!"

"Eh tinulak ako sa hagdan, eh! Bobo ka ba?!"

Mula sa kisame, bumagsak si Ash na nabalot sa abo. Pinagpag niya ang nasunog niyang kapa. Umubo-ubo siya ng abo saka naupo sa sahig.

Sinalubong ni Ash ang nanunuri kong tingin.

Saka siya napatingin sa sugat ko sa dibdib.

"You too, huh?" tanong niya.

Dali-dali siyang tumayo pagkatapos yumanig ang buong palapag. Nagtatangkang gumuho ang buong gusali kaya sabay kaming kumaripas ng takbo papalabas ng facility.

"Mama!" Tili ni Amber habang tumatakbo.

Sa likod ko, narinig ko ang pagbagsak ng malaking bahagi ng kisame. Napatigil ako nang maramdaman ang dalawang mabibigat na presensya kaya napalingon ako.

Dalawang huntsmen ang nakapatong sa nasirang semento at parehong nakatingin sa'min.

No, shit.

My eyes widened after seeing one of them summon a ball of light in his hand while the other one summoned fire.

Sabay nila itong binato sa direksyon namin.

Umikot ako at hinanda ang sarili kong salubungin ang mga ito.

I was not given time to react when both light and fire slowed down in front of me, almost touching my face.

My eyes caught a glimpse of something gold in front of me.

Golden threads formed a net that was thin enough to be invisible from the naked eye, but strong enough to stop light and fire. 

Dito tumama ang liwanag at apoy, at sabay itong naglaho bago makaabot sa'kin.

Tinignan ko ang dalawang huntsmen na huminto sa paggalaw.

Tapos, biglang sinuntok ng isa yung kasama niya. 

Nanliit ang aking mga mata sa pagtataka nang magsuntukan silang dalawa.

Huh?

Nakaramdam ako ng isa pang presensya kaya umangat ang aking tingin sa butas sa kisame at nakita ang isang lalaki na bahagyang nakangisi habang ginagalaw ang mga daliri niya.

Dinuro niya pababa ang hintuturo ng kanang kamay niya at napaluhod ang huntsman na siyang nakalaban namin ni Zack. Ginalaw naman niya ang hintuturo ng kanyang kabila at kusang gumalaw ang paa ng isang huntsman para tadyakan ito sa mukha.

Napakurap-kurap ako.

Sabay na naupo ang dalawang huntsmen nang ibaba niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid niya.

 "Bella! Ano ba!" Hinablot ni Amber ang kamay ko. "Gumalaw ka na nga diyan!"

Nagpatangay ako kay Amber nang hindi inaalis ang aking mga mata kay Henri na nakamasid sa dalawang huntsmen.

May pinulot siyang maliit na bato malapit sa kanyang paanan. Mahinahon niya itong hinulog sa pagitan ng dalawang huntsmen.

Matagal-tagal akong napatitig sa batong hinulog niya.

Pagkaraan ng ilang segundo, bumigat bigla ang sementong pinagpatungan ng huntsmen at saka bumagsak sa ibabang palapag.

Kumibot-kibot ang isang mata ko.

That's it?

A stone?

A stone is all it fucking takes for the two of them?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top