42 /Light vs Dark/
Scarlet's POV
Mabilis na sumiklab ang digmaan na parang apoy sa pagitan namin at sa hukbo ni Vexana, kita ko silang dalawa ni Marliyah sa ere na naglalaban, tila isa silang liwanag na nagsasalpukan sa ere dahil sa liksi at bilis ng kilos nilang dalawa.
Dumako naman ang tingin ko sa mga papasugod saaking mga demonyo, kasuklam-suklam ang itsura nila at hindi ko maatim na tignan sila. Agad kong itinaas ang hawak kong silver scepter at mula sa kalangitan ay biglang kumulimlim at kumulog ng malakas.
Naramdaman ko din na naging puti ang dalawa kong mata kasabay ng pag-kontrol ko sa panahon, pinalutang ko ang sarili ko ng bahagya at walang sabi-sabi kong iwinaksi ang mga kidlat sa mga demonyo, hindi sila nakaiwas kaya na-kuryente sila ng mga kidlat ko.
Kalahati ng mga demonyo ang nabawas pero parang hindi sila nauubos dahil masyado silang marami, mula sa direksyon ko ay kita ko yung isa sa mga kasamahan ni Cynthia, nakangisi itong nakatingin saakin kaya bumaba ako mula sa pagkakalutang.
"Finally, a worthy opponent!" asik ko at mas lalong lumakas ang hampas ng hangin sa paligid namin.
"Hoy Scarlet! Huwag naman masyadong malakas, nililipad na'tong skirt ko!" napalingon ako kay Melody at kita ko namang pilit niyang ibinaba ang nililipad niyang skirt.
"Sorry." sambit ko at pinahina ko naman ulit ang hangin.
Mabilis ko ulit na binaling ang tingin ko sa kalaban at kung hindi ako nagkakamali ay Raven ang pangalan niya, kita ko ang mukha nitong puno ng tattoo at piercing, pula din ang mga mata niya at nakakasuklam.
"Well for me you're not a worthy opponent! Hahaha!" sambit nito at natawa, may piercing din pati ang dila niya.
"Let's see who has the last laugh." i said between my anger and seductive voice.
I immediately summoned thunder lightnings from above and i directly hit it towards him but he's fast and dodge my attack. As far as i can remember, he possessed evocation magic that can revive demons and souls.
"Kaya pala hindi nauubos ang mga demonyo sa paligid, ikaw pala ang salarin." sabi ko.
"Did that impressed you? I can summon another dark souls and demons if you want me to." sabi nito at gusto kong masuka.
"No thanks, your pets are disgusting. I can't even stand them in seconds." sabi ko at muli ko siyang inatake pero nakaiwas ulit siya.
"Hmm that's sad, but I'll do it anyway. Hahaha!" asik niya at mula sa kinatatayuan nito ay may nabuong dark magic circle.
Segundo lang ang lumipas ng mas lalong dumami ang mga lumitaw na mga bagong demonyo, iba-iba sila ng itsura at talaga nga namang nakakasuka. This guy is really getting into my nerves. Binigyan ko ulit siya ng mga kidlat pero nakakaiwas lang siya.
"Is that all you can do? Summoned and dodging, i thought your worthy, but i was wrong. What a boredom." sambit ko at tila napikon naman siya kaya siya ang naunang sumugod.
Sa bilis ng kilos niya ay agad siyang sumulpot sa harap ko at mabuti na lamang ay nakaiwas ako, tinulak ko siya palayo gamit ang malakas na hangin at muli ko siyang inatake ng kidlat.
Inutusan naman niyang sumugod yung mga alaga niya pero mas pinalakas ko pa ang hangin hanggang sa nabuo ang dalawang ipo-ipo, binato ko ito sa mga demonyo at sinamahan ko ng kidlat.
Hindi sila nakaiwas kaya natangay sila nito, mabilis akong lumipad gamit ang hangin at sumulpot sa likod ni Raven, mula sa kaliwa kong palad ay nabuo ang mga matutulis na yelo atsaka ko binato sakanya.
Alam kong iiwas lang siya kaya ginawa ko ring yelo ang lupa at hindi naman ako nagkamali dahil nadulas siya dahilan para mawalan siya ng balanse. Kinuha ko iyong pagkakataon para atakihin siya, mula sa langit ay mabilis kong tinawag ang malakas na kidlat.
Hindi siya nakaiwas sa pagkakataong iyon at tuluyan siyang natamaan ng kidlat ko, isang malakas at nakamamatay na kidlat dahilan para magwakas ang buhay niya.
"Saakin parin ang huling halakhak." kasabay ng pagkamatay ni Raven ay ang pagkawala din ng mga demonyo sa paligid.
Melody's POV
Walang habas kong pinagpapatay ang mga sumusugod saaking mga demonyo gamit ang golden harper ko, kusang lumalabas ang musika nito na gaya sa sonic blades ko na kayang humiwa ng kahit ano pero mas pinabilis at pinalakas.
Mabilis kong pinitik ang string ng harper ko at mabilis na lumabas ang mga music blades nito at tumama sa mga demonyo na siyang humati sa katawan at ulo nila.
Mula sa di kalayuan ay nakita kong naglalaban sina Cynthia at Zach, hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko matapos kong makita si Cynthia at ang dahilan na magkalaban pa silang dalawa ni Zach.
"You're not the Cynthia i used to know anymore." rinig kong bulalas ni Zach.
"I'm tired of hearing that phrases. How many times do i have to tell that I'm not the weak Cynthia before, this is me now, stronger and powerful!" matalim na sagot ni Cynthia kay Zach.
"It's because you're traitor and corrupted!" bigla kong singit sa usapan nilang dalawa.
Lumapit ako sa tabi ni Zach at masamang tumingin kay Cynthia, masyadong revealing ang suot niyang damit, halos lumuwa na din ang boobs niya, pati ang suot niyang skirt, even her makeup is dull and dark.
'Just like her'
"Oh the bitch is here, perfect so i could kill you both." sabi niya at kumindat pa kay Zach.
"As if, I'm better and stonger. You see this, it'll kill you in just my single strum." sabi ko at pinakita sakanya ang hawak kong golden harper.
"You're stronger? But look at you, completely relying on your pathetic instrument, but I'm here standing without anything. So who's stronger now?" sabi niya at gustong-gusto ko na siyang gilitan ng leeg.
"That doesn't change the fact that I'm still better and gorgeous." sabi ko at sumulyap pa kay Zach, kita ko namang umirap si Cynthia. Tusukin ko mata nito eh.
"Enough with the talks, you will regret that you still opposed me!"
Mabilis na sumugod sa gawi ko si Cynthia at isang malakas na atake ang binigay niya saakin pero nasangga ko lang iyon ng music blade ko, umatake din ako pabalik at binigyan siya ng destructive harmonies.
Mabilis siyang nakaiwas at gumawa iyon ng pagsabog, naramdaman ko namang gumalaw si Zach at mataas siyang tumalon at nagpalabas ng shockwaves sa palad niya. Muling nakaiwas si Cynthia, kaya umatake ulit ako.
Sunod-sunod kong pinitik ang strings ng harper ko at kasabay noon ang paglabas ng mga music blades at destructive harmonies, bumulusok iyon sa gawi ni Cynthia at wala siyang nagawa kundi sumigaw.
Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya dahilan para ma-counter niya ang atakeng binigay ko, bumalik saakin ang sarili kong atake pero mabilis na kumilos si Zach at hinarang ang bumalik kong atake.
Winasiwas niya ang hawak niyang espada para pigilan ang atake at gumawa ulit iyon ng pagsabog. I quickly composed a barrier that made from hymns to protect us from the explosion.
"Thanks."
"Sure. No biggie." hindi ko maiwasang kiligin, alam kong hindi ito tamang oras pero hindi ko mapigilan.
"One versus two. Isn't that unfair." bulalas ni Cynthia na nakatayo mula sa gawi namin.
"There's no fair in this war, remember you're the one who played unfair in the first place. You manipulated me and deceived our school." kita ko ang galit sa mga mata ni Zach sa pagsabi niyang iyon.
Alam ko kung gaano siyang kagalit dahil ang buong akala niya ay kakampi talaga si Cynthia, but Cythia took it as an advantage to fooled us all.
"I treated you as a real friend but what did you do? You deceived me and you have the guts to opposed me." sabi ni Zach.
"I don't care, i never treated you as a friend, for me you're just a tool to complete my mission as spy in Atlantis Magic Academy. What matters to me now is my Queen." sambit ni Cynthia at kita kong nasaktan si Zach sa sinabi nito.
Parang kinurot din ang puso ko, hindi ko pa nakita si Zach na ganito. Alam kong mabait si Zach at marunong magpahalaga ng pagka-kaibigan at nakita ko yun kay Marliyah kung paano niya ito pahalagahan.
"Stop it Zach, that bitch is not Cynthia anymore, she doesn't deserve the love of friendship you are giving. Remember, we are still here with you. Us." sabi ko sakanya at hinawakan ang hawak niya.
"Thanks Melody, you're the symbol of a true friendship." sabi nito at pinisil ang magkahawak naming kamay. Inismiran ko naman si Cynthia atsaka dinilaan. Mainggit ka please.
"What a love birds! Now die!"
Muling sumugod si Cynthia pero mabilis na kumilos si Zach at siya ang kumalaban dito, pareho silang nagpalitan ng malalakas na atake at hindi ako makasingit dahil pareho silang mabilis at hindi nagpapatalo. Syempre kay Zach parin ako.
Kita kong bumuo ng pwersa si Zach sa palad niya at ganoon din si Cynthia. Zach has a light force in his palms while Cynthia has a dark force in her palms too.
I felt their powers getting powerful kaya nabahala ako, sinubukan kong tawagin si Zach pero mukhang hindi niya ako naririnig. Masyado siyang focus.
"Zach!"
Wala akong nagawa ng tuluyang nagsalpukan ang pareho nilang atake, muli akong gumawa ng barrier para protektahan ang sarili ko sa pagsabog, umabot ng ilang minuto ang pagsabog atsaka nawala ang usok.
Pagkawala ng usok ay nakita ko si Zach na nakahandusay sa lupa, wala ng malay kaya agad ko siyang tinakbo at siniguro ang kalagayan niya.
"Zach gising!" asik ko habang niyugyog ang balikat niya.
Kusang bumuhos ang luha sa mga mata ko dahil ayaw gumising ni Zach. Hindi ko rin maiwasang kainin ng kaba, ayoko hindi pa pwede, hindi ko pa nasasabi sakanya na may gusto ako sakanya.
"Zach please wake up..." sabi ko habang humahagulgol na sa iyak.
"Ha-haha! I told you Melody, you wil regret opposing me. He get what he deserve."
Napatingin ako kay Cynthia na nanghihinang tumayo dahik napuruhan din siya sa atake ni Zach. Parang may kung anong sumanib sa katauhan ko at kusa itong gumalaw.
"You took his life, I'll take it yours."
Sa pagkasabi kong iyon ay kusang lumutang sa harap ko yung golden harper ko habang nakatingin parin kay Cynthia, sukang-suka na ako sa pagmumukha niya, matagal akong nagtimpi at wala ng makakapigil saakin ngayon.
Kusang gumalaw ang mga daliri ko at patuloy paring tumutulo ang luha sa mga mata ko. Mula sa magulong paligid ay rinig na rinig ko ang nagwawalang himig.
It is shrouded in sorrow, grief and despair. All i could hear is the terrifying music that tingles in my ear. The Rhythm of Death.
Masama kong tinignan si Cynthia at kumawala ang ngisi sa labi ko kasabay ng pagpitik ko sa strings ng harper ko. Walang kahit sinuman ang maaaring makatakas sa ritmo ng kamatayan, kahit ang mismong kadiliman.
Mabilis itong bumulusok sa gawi ni Cynthia pero gumawa lang ito ng barrier pero hindi nito kinaya ang atake ko. That's one of my deadliest attack and no one could penetrate it, even Cynthia.
Nabasag ang barrier ni Cynthia at tuluyan siya nitong kinain at nilamon ng atake ko, pumasok ito sa katawan niya at wala siyang nagawa kundi magsisigaw sa sakit hanggang sa tuluyang siyang kinapos at tuluyang nalagutan ng hininga.
Kita kong bumulagta ang katawan niya sa lupa habang dilat ang dalawa nitong mata.
"Bitch!"
It's over. Cynthia is dead and also Zach. Wala akong nagawa kundi mapaupo sa lupa habang umiiyak sa walang buhay na katawan ni Zach. This is too much. Hindi ito dapat nangyari.
~~
Feeling ko super lame ng chapter na'to. See you in my next update.
Pls vote and comment.
Thank you :)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top