38 /Elisora Kingdom/
Melody's POV
Inabot ng isa't kalahating araw ang paglalakbay namin patungo sa kaharian ng Elisora, ang tirahin ni Princess Iridessa. Kasama ko sina Zach, Prince Xyrell, Princess Meredith at ang tatay ni Zach na member ng White Council.
Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na tatay niya ang Wizard of Disaster, malalakas ang mga magicians na kabilang sa white council kaya hindi ko maiwasang mamangha, lalo na't mukhang namana ni Zach ang lakas at galing tatay niya.
Bigla akong nakaramdam ng kibot sa dibdib ko, hindi ko alam kung ano pero tila kinikilig ako. Dala siguro ito ng pagkakaroon ko ng crush sakanya. Napatingin naman ako sakanya at seryoso lang ang mukha niya.
Umiling ako at hindi na nag-isip ng kung ano pa, hindi ito ang tamang oras para lumandi, nandito kami dahil may mission kaming kailangang gawin, at para narin sa kaibigan kong si Marliyah.
Hanggang ngayon nanggagalaiti parin ako sa kasamaang ginawa ni Cynthia, hindi lang pagtra-traydor ang ginawa niya kundi ay inilagay niya pa ang ibang kaharian sa kapahamakan.
Kung may sapat na lakas lang ako noong ginawa ko ang Heal Incantation ay sigurado akong tapos na siya. Hindi ko rin matanggap na pareho kami ng magic attributes at ginagamit niya ito sa kasamaan, laban saamin.
Nag-aalala na rin ako sa kalagayan ni Marliyah dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. Pagbabayaran talaga lahat ito ni Cynthia, kung may pagkakataon ay ako mismo ang tatapos sakanya.
Huminto ang sinasakyan naming transportasyon at nagtaka kami. Lalo na ako at sinubukan ko pang dumungaw para alamin kung anong nangyari pero wala din akong nakita.
"What's wrong?" tanong ni Princess Meredith.
"Ambushed! Get out of the vehicle." sagot ng tatay ni Zach, siya ang nasa unahan at siya ang gumagabay saamin, kasama noong ibang Elites.
Shit! Gaya nga ng utos niya ay lumabas kami ng sasakyan at napatingin sa paligid, puro matatayog na puno lang ang nakikita ko at ang paglagaslas ng hangin. Hindi ko alam kung malayo pa ba kami sa Elisora dahil hindi pa naman ako nakakapunta doon kaya hindi ko rin masabi kung malapit na kami.
Nasa harapan sina Zach, Prince Xyrell, samantalang ang dalawang prinsesa ay nasa likod nila kasama na ako at nakapalibot naman yung tatlong Elites saamin at nasa pinakaunahan ang tatay ni Zach.
Nakarinig kami ng kaluskos at isang makapanindig na halingling kaya hindi ko maiwasang matakot. Alam kong marami kami at malalakas ang mga kasama ko pero hindi ko parin maiwasang matakot.
'Ano bang nangyayari saakin?'
"Chimera!"
Sigaw ng tatay ni Zach at lumabas ang isang nakakapangilabot na halimaw sa kakahuyan, isang halimaw na may katawan ng isang leon at may tatlong ulo, ulo ng leon sa gitna at ulo ng kambing sa kanan at kaliwa, matatalim at naglalaway ang kanilang mga pangil at nanlilisik na mga pulang mata at isang malaking ahas ang buntot nito na handang tumuklaw sa anumang oras.
"What the fuck is that?!" bulalas ko habang nakatingin sa halimaw.
"It's a fucking Chimera! It's a dangerous creature, i thought they're extinct already?" asik naman ni Zach habang nakatingin din sa Chimera.
"That's a mythical creature from Etheria. How come that a repugnant creature ended up here?" sabi naman ni Prince Xyrell na kinagulat namin.
"A mythical creature from Etheria? But how? Etheria was buried long time ago. Paanong may ulol na halimaw ang naririto galing sa Etheria?" napatingin pa ako kay Princess Meredith dahil sa salitang binanggit niya.
'Ulol talaga? Hindi pwedeng savage?'
"It's a least thing we know, but I'm sure it was Cynthia and her comrades fault. They planned to revive their dead queen, along with their forgotten kingdom." sabi ni Prince Xyrell na siyang kinatango namin.
"That thing shall be perished, anong karapatan ng mga Etherian para maghasik ng lagim sa kalupaan ng aming kaharian?" may galit sa tonong bulalas ni Princess Iridessa.
Napatingin ako sakanya at umilaw ang kanang palad nito at lumitaw ang kumikinang na isang berdeng crystal, ramdam ko ang galit nito sa halimaw.
Kasabay noon ang pagsilutangan ng mga malalaking tipak ng bato at kahoy sa paligid atsaka nito iwinasiwas pa-atake sa Chimera. Mabilis itong bumulusok sa halimaw pero mas nagulat kami ng mabilis itong umilag sa mga atake ni Princess Iridessa.
"That monster was fast." asik ko at nagsitanguan sila.
Kasabay nito ang pagkawala ng sigaw ng Chimera, ang tatlong ulo nito ay nagpakawala ng matinis na sigaw, pinaghalong sigaw ng leon at kambing, ganoon na din ang ahas nitong buntot na tila nagalit sa ginawa namin.
Agad itong sumugod saamin pero napaartas ako, ngunit isang malakas na atake ang tumama sa Chimera dahilan para hindi kami nito tuluyang masaktan. It was from Zach's dad, nakita ko ang hawak nitong kulay brown staff at may bola ng kuryente ang nabubuo sa dulo ng staff nito.
Hindi natinag yung Chimera at muli itong sumugod saamin, pero mas mabilis at agresibo. Kakaiba ang bilis nito kaya hindi ko rin maiwasang mamangha. Wala kaming pagpipilian dahil delikado ang isang 'to.
Muling umatake ang tatay ni Zach ng bola ng kuryente mula sa staff niya pero agad na itong naiwasan ng Chimera at tumalon pakaliwa, ngunits mabilis na kumilos si Zach at nagsilutangan ang mga malalaking tipak ng bato at agad itong bumulusok sa Chimera.
"Go Zach!" i cheered on him at nagtataka namang napatingin saakin yung iba kaya nag-peace sign nalang ako.
"That thing was pain in the ass, matatagalan tayo kapag hindi pa natin yan napatumba!"
Biglang umapoy ang dalawang palad ni Prince Xyrell at may nabuo din doong bola ng apoy atsaka niya ito binato sa Chimera.
Nakaiwas ang Chimera sa dalawang bola ng apoy dahil sa bilis ng kilos at galaw nito, nagulat ako ng nagawang i-counter ng Chimera ang atake ni Prince Xyrell gamit ang ahas nitong buntot.
Ngayon sa gawi naman namin bubulusok ang bola ng apoy, ngunit agad kumilos si Princess Meredith, inatake din niya ang bola ng apoy ng water vortex at agad itong nawala na parang bula.
"Thanks." i said to her but she just winked at me.
"Princess Iridessa and the rest must go on, Zach and I will got this." sabi ng tatay ni Zach.
"Count me in, i need to beat that up." sabi naman ni Prince Xyrell.
"Are guys sure? That Chimera was hella fast." sabi ko at napatingin sila saakin.
"It's fine Melody, kaya na namin 'to. Just go with them, it'll waste our time before we can reach Elisora. Just wait us there, we know the route." sagot ni Zach kaya wala naman akong nagawa.
Fawk! Bakit hindi ako makaimik kapag siya na ang kumausap saakin. Tumango nalang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.
"Don't worry Melody, they can handle that. You know considering Zach's father as the Wizard of Disaster, plus Prince Xyrell as the bearer of the fire crystal and Zach himself as the leader of Elites and the second strongest student in our school next to us." pag-alo saakin ni Princess Meredith.
"Yeah sure. Let's go." nakangiti kong sabi.
How can i not know that fact? Of course they can handle that themselves, they hella strong and they can beat that repugnant and obnoxious Chimera.
Feeling ko tuloy minaliit ko ang kakayahan nila. Shit! I'm freaking stupid. Umiling nalang ako at hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano. Ganoon nga ang nangyari at tumuloy na kami papunta sa Elisora Kingdom, leaving Zach's dad and him and Prince Xyrell.
On our way from Elisora, we also encounter minor trouble but we managed it afterall. We walked after couple of hours and my feet was already screaming in pain. Nangangatog na ang paa ko at sumasakit na din dahil kanina pa kami naglalakad, hindi na rin namin na-retrieved yung sasakyan namin dahil sa pesteng Chimera na yan.
"Finally we're here!"
Sambulat ni Princess Iridessa kaya nabuhayan naman ako ng loob at makakapag-pahinga narin kami sawakas. Huminto kami sa harap ng malaking bato na nakaharang sa daraanan namin, mukha na siyang dead end.
Hindi ako nagtanong dahil si Princess Iridessa lang naman ang nakakaalam ng daan papunta sa kaharian nila and we trusted her. Ilang minuto pa kaming naghintay ng hindi siya umimik kaya kumunot ang noo ko.
"What now?" taka kong tanong na siya ding tanong ng iba naming kasama.
"Another trouble. I can here their footsteps from the ground." sambit nito kaya bumagsak ang balikat ko.
"Akala ko makakapagpahinga na tayo. Hindi pa pala..." sabi ko habang bagsak parin ang balikat.
"Stay alert, they're coming." babala ni Princess Iridessa.
Agad naman kaming pinalibutan ng kasama naming tatlong Elites at naging alerto sila sa paligid, ganoon din ako. Mariin akong pumikit at pinakinggan ko ang tunog ng mga yabag nila, i don't know what it is but i still try.
Malalakas at mabibilis ang yabag nila na tila papunta sa gawi namin. Dumilat ako ng maramdaman kong malapit na sila atsaka ako nagpalabas ng sonic blades at kasabay noon ang paglitaw ng isang halimaw.
Mabilis kong pinatama sa halimaw ang sonic blades ko at hindi nito naiwasan kaya nahati sa maraming piraso ang katawan nito.
"What the fuck is that!?" asik ko habang nakatingin sa halimaw.
"Isang Squogre." sagot saakin ng isang Elites.
"Squogre?"
"Yup, it's also a creature from Etheria. That one was also dangerous, they have strong sharp teeths that can pierce any flesh." sagot ni Princess Iridessa.
"Shit!"
Isang halimaw na pinaghalong itsura ng squirrel at ogre, hanggang bewang ang laki nito at kita ko nga ang nawarak nitong matatalim na ngipin. Mabuti nalang at naging alisto ako kung hindi ay baka kami na ang nagkapira-piraso.
"Huwag pakampante, marami sila!"
Sumulpot ang mga maraming squogre sa gawi namin at kita ko ang naglalaway nilang mga bibig, nakalabas ang matatalim nilang ngipin na tila ba handa na silang lumapa.
Mabilis na kumilos ang tatlong Elites na kasama namin atsaka nila inatake yung mga squogre, ganoon din ako sa mga nagtatangkang lumapit sa gawi namin. Kita ko rin ang mga water cannon na lumalabas sa palad ni Princess Meredith.
"Guys, buy me some time. I'm going to open the gate." sambit ni Princess Iridessa.
"Sure!" sagot ko at sabay kaming tumango ni Princess Meredith.
Ang mga water cannons ni Princess Meredith ay naging ice spears, bumulusok ito sa mga squogre at tumagos ito sa mga katawan nila, they're immobilized as good.
Muli akong nagpalabas ng mga sonic blades at nahati ang mga katawan nila at nagkapira-piraso. Tila hindi sila nauubos kaya naiinis na din ako, nanghihina na ako dahil sa pag-consume ko ng energy, isa pa't masakit ang paa ko sa paglalakad namin kanina.
"Princess Meredith, cover them with your water shield while I'm doing my attack!" asik ko sakanya at tumango naman siya.
"Guys atras, let me handle these, this time!" sigaw ko at agad naman silang sumunod. Naka-ready na din si Princess Meredith para i-cover kami at ganoon din si Princess Iridessa na busy sa pagbukas ng gate papasok ng kaharian nila.
Tumakbo ako sa gitna at mabilis akong humigop ng hangin sa ere, hangin na sapat para mapatumba ko ang mga pesteng squogre na mga 'to. This is my final blow at sigurado akong magco-collapse ulit ako pagkatapos ng gagawin ko.
Sabay-sabay na sumugod saakin yung mga squogre at kasabay din iyon ng pagkawala ko ng aking super sonic scream.
"AAAHHH!!!"
Isang sobrang lakas na sigaw ang pinakawalan ko dahilan para sabay-sabay na natumba yung mga squogre at yung iba ay tumilapon palayo, napansin ko din sa gilid ng mata ko ang water shield na nakapalibot kina Princess Meredith at ang kasama naming Elites.
After my final blow ay agad akong natumba sa lupa at sobrang nanghihina, nahihilo na rin ako pero aware pa din ako sa nangyayari sa paligid ko.
"Melody!"
Narinig ko ang sigaw ni Princess Meredith at mabilis silang tumakbo sa gawi ko. Naramdaman kong binuhat ako ng isang elites, para akong na-paralyzed dahil maski daliri ko ay hindi ko maigalaw.
Literal akong nahihilo, my super sonic scream are one of my strongest attack, but the latter of it was to consumed half of my magic energy, disposing myself good as paralyzed. Tuluyang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang buong pangyayari...
~~
Hello Potchie's! Welcome back haha, another super slowed update. My last update was on July 10 and now it's already August 4. Da fak is dat? Anyway, here's an update.
Pls vote and comment.
Thank you :)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top