35 /Demonic Reapers/


Marliyah's POV

I saw Melody fell in mid air after she chanted the heal incantation to save the people against Cynthia. Zach immediately rush towards Melody to catch her before she ended up in the ground.

'Thanks Melody'

Nakita ko din si Scarlet na nakalutang at malakas din niyang pinatamaan ng kidlat si Cynthia dahilan para bumagsak din ito sa lupa. Mabilis akong bumaba at pinuntahan si Cynthia.

Nakahandusay ito at naghihingalo. It's too late for her, wala na siyang laban pa.

"Talo kana Cynthia." sabi ko pero ngumisi lang ito.

"Hahaha! Ka-hit kailan, hindi ako matatalo!" sigaw nito at natawa.

"Magsisimula palang ang laban, kahit kailan Marliyah hindi mo kami matatalo."

Pagkasabi niyang iyon ay mas lalong dumilim ang kalangitan at kasabay nito ang paglitaw din ng itim na portal at inuluwa nito ang mga kasamahan ni Cynthia.

Mabilis silang bumaba at matalas na tumingin akin at saamin. Mabilis akong nagpalabas ng chainwhip atsaka ko pinuluputan si Cynthia at gumawa ako ng lightning cage at ikinulong siya para dina makatakas.

"Kailangan mong pagbayaran lahat ng kasamaang ginawa mo." sabi ko sakanya at binigyan ng seal ang cage niya para hindi siya makawala.

"Pakawalan mo'ko dito, papatayin kita!" malakas niyang kinalampag yung cage pero nakuryente lang siya.

Inirapan ko lang siya at hinarap yung mga kasama niya. Lumapit din saakin ang Royal Bearers at Elites atsaka si Scarlet at pumwesto sila sa kaliwa't kanan ko.

"Anong karapatan niyong tumapak dito, get lost while I'm being nice." asik ko at dinuro sila.

"Ha! Aalis lang kami kapag binigay niyo samin si Cynthia."

Bulalas no'ng lalaking may piercing sa mukha. Apat lang sila, tatlong lalaki at isang batang babae, pero kahit lamang kami ng bilang ay ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan nila, lalo't puno sila ng kasamaan.

"There's no way that you'll get her from us, she needs to pay her sins." bulalas ni Victoria na sinang-ayunan naman namin.

"Leave or we'll turn y'all into ashes."

Matapang kong sabi pero hindi sila natinag, malakas ang loob nila dahil alam nilang may laban sila saamin, dadaan muna sila saakin bago nila magalaw ang mga kaibigan ko.

"Oh! Marliyah the great white witch, or should i address you, Marliyah the goddess of the moon?" singhal no'ng lalaking maputla ang balat, hindi ko alam pero nang-aasar ang tono ng pananalita niya.

"Wala kang karapatan para tawagin ako sa pangalan ko, masakit pakinggan kapag galing sa isang basurang gaya mo." matabil kong sagot at nakita ko kung paanong nangunot ang noo niya.

"Ganyan talaga, matabil ang dila pero wala namang ibubuga!" singhal naman no'ng batang babae.

"Aba't sumasagot ka pang bata ka!?" angal ni Scarlet na nasa tabi ko.

"Kalma girl, don't loose your posture."

Tumango naman siya at huminga ng malalim at tinapunan ulit ng masamang tingin yung mga kasamahan ni Cynthia.

"You're still alived?"

Bigla namang nagsalita yung lalaking may patulis na buhok habang nakatingin kay Xyrell, kung hindi ako nagkakamali siya ang may kakagawan kung bakit nag-agaw buhay si Xyrell.

"Hindi ko rin inaakalang buhay ka'pa? I thought i burned you already? Nakalimutan ko, mahirap palang mamatay ang mga kagaya niyo." angal naman ni Xyrell habang nagbabaga ang dalawa niyang kamao.

"Stop this nonsense, if you don't want to leave then face the consequences."

Singhal ko at nagpalabas ako ng energy beam sa palad ko at pinatama ko sa gawi nila. Mabilis naman silang nakaiwas at tila hudyat na yon para sumugod na din yung mga kasama ko.

"Raven now!"

Tumango yung lalaking may face piercing at biglang nagkaroon ng itim na magic circle sa kinatatayuan niya at kasabay noon ang paglitawan ng mga demonyo sa lupa. Mahigit nasa dalawapu ang bilang nilang lahat.

"That Raven guy has an Evocation Magic, he can summoned spirits and demons." sabi ni Meredith na malapit sa gawi ko.

Mabilis naman siyang nagpalabas ng mga water tentacles at pinag-aatake yung mga demonyo. Talagang gagawin nila ang lahat para mabawi lang si Cynthia.

Mabilis ko namang pinatamaan ng energy beam yung demonyo bago pa ito atakihin si Raphiel, tinanguan niya ako dahil doon. Kaliwa't kanan ang batuhan ng mga atake, everything was a total mess.

"Damon your turn!"

Mabilis din na tumango yung lalaking may spikey hair at may itim na magic circle din ang lumitaw sakanya at may mga lumabas na mga sinulid at pumulupot ito sa mga natumbang mga demonyo at muling tumayo.

"That guy was the puppet master, he can control and manipulate people and demons. Beware of him." sabi naman ni Xyrell.

Bigla namang yumanig ang tinatapakan naming lupa at nagsilutangan ang mga tipak ng lupa at bato at mabilis itong tumama sa mga demonyo. Napatingin ako kay Iridessa na siyang may kagagawan noon.

Nagpakawala din si Victoria ng mga water blades at earth boulder, she's using her crystal. Nagkita ko namang nagpakawala ng bolang apoy si Xyrell at mga buhawi naman si Raphiel, samantalang si Scarlet naman ang may pakana sa mga malalakas na kidlat.

Wala paring malay si Melody na siyang bantay ni Zach, kasama ng mga Elites.

"Zach anong ginagawa mo!?"

Narinig ko ang sigaw ni Luna na siyang kasamahan ni Zach sa Elites, biglang nagwala si Zach at pinag-aatake ang mga kasama niyang Elites. I saw his eyes turned into pure black.

'Something's wrong'

Mabilis akong tumakbo sa gawi nila at sinangga ang atake ni Zach at bahagya siyang tinulak, he's raging at tila galit na galit.

"Zach ano bang ginagawa mo?" taka kong tanong dahil may mali talaga.

"I will kill you!"

Mabilis siyang sumugod saakin at sinangga ko lang ang atake niya. Hangga't maaari ay iniiwasan at sinangga ko lang ang bawat atake niya, alam kong may kakaibang nangyayari sakanya.

"Zach wake up!" singhal ko ng mahawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata.

He's eyes is pure black and i can sense a demonic aura towards him. Ginapos ko din siya gamit ang chain whip ko. I'm sorry Zach but i need to restrain him. Pinaluhod ko din siya at mabilis na hinagilap ang may kagagawan sakanya nito.

I enhanced my visual senses at doon ko nakita yung dalawang kasama ni Cynthia, yung isang lalaking at yung batang babae na kasama nila, purong itim din ang mga mata nito at hindi ko gusto ang presensya nilang dalawa.

Sigurado akong silang dalawa ang may kagagawan nito kay Zach kung bakit wala siya sa katinuan. Nagpupumiglas si Zach pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakagapos ko sakanya.

"Kayo ng bahala kay Zach at Melody!" sigaw ko sa mga Elites at pinaubaya sakanila si Zach at si Melody na nakahiga sa lupa na wala paring malay.

I immediately teleported in front of them at hindi naman sila nagulat sa presensya ko'na tila ba inaasahan nila ako.

'These fools'

"As expected, you figured it out." asik saakin no'ng lalaki pero binigyan ko lang siya ng nakamamatay kong tingin.

"Let him go." i asked nicely but they just smirk.

"Aww, the goddess of the moon are being unfair, we'll let him go once you gave us Cynthia too." asik no'ng batang babae saakin.

Matabil ang dila niya at hindi ko gusto ang pananalita niya. I don't care if she's still a kid, for me she's pure evil, doing evil deeds and needed to be perish.

"That'll not gonna happen, release him or I'll burn you two." matapang kong asik atsaka ko pinalabas sa dalawa kong palad ang solar flame, ten times hotter than usual fire.

"Now burn!" sigaw ko atsaka ako lumutang sa ere at binato sakanila ang dalawang solar flame.

Nabalutan sila ng water barrier bago pa sila tupukin ng solar flame ko, kumunot ang noo ko dahil doon. Napatingin naman ako kay Meredith na iba na rin ang kulay ng mata niya.

Shit! She's being controlled too, ngumisi yung lalaking kalaban ko at sigurado akong siya ang may kagagawan kung bakit wala sa katinuan sina Meredith at Zach, yung batang babae naman ang may kagagawan kung bakit hindi nila kami nakikilala.

"What now Marliyah? Your allies are now on our side."

Napatingin ako sa paligid at kita ko ang mga kasama kong patuloy na nakikipaglaban sa mga demonyo na paulit-ulit lang nabubuhay, kontrolado na nila sina Meredith at Zach. Hindi ko alam kung paano nila iyon ginawa.

"Release my friend, you fool!" malakas na sigaw ni Iridessa at nagpakawala ng mga malalaking tipak ng bato gamit ang earth crystal.

Hindi sila tuluyang natamaan dahil gumawa ulit ng water barrier si Meredith na siyang kontrolado noong lalaki. Nagpakawala naman ng sapat na tubig si Meredith gamit ang water crystal.

The water crystal produced water out of thin air at bumulusok iyon sa gawi nila Xyrell. Mabilis akong bumaba sa gawi nila pero naunahan ako ni Victoria at gumawa din siya ng barrier gawa sa purong enerhiya panangga sa atake ni Meredith.

Gumawa iyon ng malakas na pagsabog at gumawa din ako ng sarili kong barrier para protektahan ang sarili ko. Hindi nga ako nagkamali, may sapat silang kakayahan para kalabanin kami at upang mabawi si Cynthia.

Na hindi mangyayari dahil sa kasalanang ginawa niya at kailangan niyang pagbayaran yon. The blast lasted for a seconds at hinawi ni Raphiel ang usok na bumabalot saaming lahat.

Pagkawala ng usok ay bumulaga saamin sina Meredith at Zach na hawak nila at may gapos sa leeg na itim na sinulid.

"Zach! Meredith!"

"We'll release them if you release Cynthia too!"

"Marliyah isuko na natin sakanila si Cynthia." biglang sulpot ni Scarlet sa tabi ko at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo Scarlet? Kapag binigay natin sakanila si Cynthia ay mas lalo lang silang maghahasik ng kasamaan, lalo na't balak nilang buhayin ang reyna nila!" asik ko din at napatingin sila saakin.

"Paano sila Zach at Meredith, hindi naman pwedeng pabayaan natin sila, saving them was our least concerned, there's still another chance." patuloy ni Scarlet at tila natauhan ako sa sinabi niya.

I was blinded by my anger and eating by my desire, nakalimutan kong mas mahalaga parin sina Zach at Meredith. I can't hold to lose them too.

"I'll released Cynthia, let my friends go." sabi ko at ngumisi naman sila.

"Sabay!" asik no'ng batang babae.

Tinaas ko ang kamay ko at lumutang ang kulungan ni Cynthia at ibinaba sa gawi nila, mabilis ko din na inalis ang seal sa cage ni Cynthia at tuluyan siyang nakawala.

"Hahaha! Matapang kalang Marliyah pero kahinaan mo parin ang magpapatumba sayo!"

Bulalas ni Cynthia habang nakatingin saakin, mabilis na inilabas ni Cynthia ang punyal niya at walang sabi-sabi nitong sinaksak si Zach. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya lalo na ako.

"ZACH!!!"

Malakas kong sigaw at naramdaman kong unti-unting nagliwanag ang buo kong katawan at isang malakas na pwersa ang kusang lumabas sa katawan ko at kasabay noon ang sabay-sabay na pagkawala ng mga demonyo sa paligid.

Mabilis din iyong bumulusok kila Cynthia at gumawa sila ng barrier pero nabasag din yun dahilan para tumilapon silang lima.

Nabitawan na nila si Zach at Meredith at mabilis silang kinuha ng mga Elites at dalhin sa gawi namin. Meredith was unconscious same with Zach but critical, he was stabbed in his heart.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko? Galit, poot at paghihiganti ang nagtatalo sa loob ko. My bestfriend was stabbed and i don't know what to do.

"Marliyah!"

Narinig ko ang boses ni Xyrell at napatingin ako sakanya at nakita ko ang nagugulumihanan niyang mga mata at randam kong nagsusumamo.

Lumapit siya saakin at mabilis akong niyakap at hindi ko alam pero kasabay noon ang pagkawala ng puting liwanag sa buo kong katawan at nakaramdam ako ng ginhawa sa pagyakap niya.

"Don't let your heart eaten by your hatred..." sambit niya at mas hinigpitan ang yakap saakin.

Unti-unti akong kumalma sa yakap niya at doon na tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang umiyak sa mga balikat niya dahil sa bigat na nararamdaman ko.

He's right, i was totally eaten by my hatred, sinunod ko naman ang sinabi ni Scarlet at inisip ang kapakanan ng mga kaibigan ko pero nabalot parin ako ng poot.

"Royal Guards! Arrest them!"

Narinig ko ang malakas na boses ni Headmistress Veronica at may dala siyang mga Royal Guards para dakpin sila Cynthia.

Nakita kong unti-unti silang tumayo sa pagkakatilapon.

"Hindi pa tapos ang laban, magbabalik ang Demonic Reapers para tapusin kayong lahat! All hail Etheria!"

Kasabay noon ang pagbigkas ni Cynthia ang pagbukas ng itim na portal atsaka sila pumasok doon, nagpakawala pa ako ng solar flame sa gawi nila pero tuluyan na silang nawala sa paningin namin.

'I guess it's done, temporarily'

In the moment of that i break down, nasalo ako ni Xyrell at tanging mukha lang niya ang nakita ko bago ulit akong mawalan ng malay sa mga bisig niya.

~~
Waahhh! Kamusta mga potchie's? Super tagal ng update ko diba? Pasensorry na, apakatamad ko naman kasi, buti nalang sinipag ako ngayong araw. Namiss niyo ba sila? See'ya in my next update soon haha...

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top