32 /Goddess of the Moon/
Marliyah's POV
Napadilat ako ng at tumambad saakin ang maaliwalas na kalangitan, kitang-kita ko ang mga nagliliparang mga nilalang sa himpapawid, naramdaman ko din na nakahiga ako sa malambot na damuhan.
Bumangon ako't tumayo sa pagkakahiga at inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, ibang-iba ang itsura nito kumpara sa Atlantis. May mga punong kulay puti ang kahoy at sanga, at kulay lila naman ang mga dahon nito.
May nakita din akong mga nakalutang na mga isla at mga kakaibang nilalang sa paligid, kitang-kita ko din ang dalawang malaking buwan. Makapigil hininga ang kagandahan ng paligid at pamilyar saakin ang lugar na ito.
'Celestial Islands'
Tila may bumulong saakin kaya natumbok ko ang iniisip ko, tama nga. Ito ang Celestial Islands kung saan ang tirahan ng mga magigiting na mga bathala at bathaluman.
Dito rin kami dinala ni Amarra noon para sa lunas sa lason na nasa katawan ni Scarlet. Ang tanong ko ay bakit ako nandirito? Ang alam ko ay nasa AMA ako dahil sa naganap na luminous ball.
Shit. Napailing ako ng bumalik lahat sa alaala ko ang buong pangyayari. Mula sa biglaang pag-kompronta saakin ni Princess Victoria patungkol kay Prince Xyrell, ang pagtama saakin ng sinag ng buwan at panghuli ay ang pagsugod saamin ng mga naka-blacked cloaked.
"Marliyah!"
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko, kilalang-kilala ko ang boses na'yon at hindi ako pwedeng magkamali.
Kasabay ng paglingon ko ay ang paglitaw ng puting liwanag sa kalangitan at unti-unti itong bumaba malapit sa gawi ko at unti-unti itong nawala at nabuo ang isang pigura.
Napalaki ako ng mata ng makita ko ang isang babae na nakatayo sa harap ko, nakasuot ito ng puting gown na may palamuting mga diyamante, nakakaakit din ang makislap at mahaba nitong gintong buhok at ang nakakabighani niyang mukha.
"Ma?"
Hindi ko maipaliwanag na bulalas ng makita ko ang nanay ko sa sitwasyong ito, halos hindi ko siya mamukhaan dahil sa mala-dyosa nitong itsura.
"Marliyah anak."
Doon na ako tuluyang napaluha ng tawagin niya akong anak kaya mabilis akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko din na niyakap niya ako pabalik. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulgol dahil nakita ko ulit ang nanay ko, masaya ako dahil buhay siya at hindi nakaratay.
"Ma? Anong nangyayari? Akala ko hindi ka'na magigising?" tanong ko sa pagitan ng pag-iyak ko.
"Ssshhh, tahan na Marliyah, huwag kang mag-alala. Buhay ako anak, hindi ako pa ako patay."
"Paanong nangyari yun? Nasa Mansion of White Council ang katawan mo at binabantayan ito ni Tito Zedicus?" taka kong tanong sakanya at nginitian niya naman ako.
"Oo anak, nasa pangangalaga ni Zedicus ang katawan ko pero hindi ang ispirito ko."
"Ibig mong sabihin, hiwalay ang katawan mo at ang spirit mo?" paninigurado ko.
"Tama anak, hindi ako makakabalik sa katawan ko hangga't hindi nabubuo ang mga hinati kong mga crystals."
"Crystals? Ang mga crystals na nasa pangangalaga ng mga Royal Bearers?"
"Tama, yun lang ang tanging paraan para makabalik ako sa pisikal kong katawan. Huwag kang mag-alala, ligtas ako dito."
"Isn't this Celestial Islands? The home of the great gods and goddesses? You're here so does that mean you are a goddess too?" tanong ko at umiling siya.
"No anak, I'm still a witch, i just lived here temporarily, I'll be back in my physical body once the crystals solidify, but your father is a god, that makes you the first half witch and a half goddess."
Litanya ni Mama at doon lahat nasagot ang mga tanong ko. Ang pagmamahalan ng isang witch at ng isang god at ako ang naging bunga. Tinalakay noon iyon sa isa sa mga klase namin at wala pa akong alam na sila Mama pala ang tinutukoy doon.
"I'm the badblood..." sabi ko at napayuko, hinawakan naman ni Mama ang balikat ko at tinaas ang ulo ko.
"Yes anak, it is forbidden in the law of gods and goddesses to fall inlove into a mere mortals, but me and your father defy those law for the sake of our love and affection and we had you, the greatest gift of all. Being a badblood doesn't mean bad after all. I know you because your my beloved daughter."
Mahabang litanya ni Mama at napayakap ulit ako sakanya. She's right, being a badblood doesn't bad after all, nasa saakin iyon kung anong landas ang tatahakin ko at pinipili ko ang tamang landas at desisyon.
"Don't forget why you're here Marliyah, you're here because you passed the trial of the sacred moon."
"Trial of the Sacred Moon?"
Bigla kong naalala yung pagtama ng sinag saakin ng buwan. Yun ba ang sinasabi ni Mama na trial of the sacred moon pero anong ibig sabihin noon?
"Anong ibig sabihin noon Ma?"
"The timed to fully awakened your power within you, that trial was to test you if you really deserve to be the goddess of the moon."
Nagitla ako sa sinabi ni Mama at hindi ko inaasahan iyon. Pumasa ako sa trial of the sacred moon at maging goddess of the moon.
"Me? Why me? I'm not a pure goddess, why does it have to be me?" taka kong tanong ulit kay Mama.
"Only the goddess of the moon have the rights to seek it's next inheritor, and the goddess of the moon herself choose you. That's why you're here to inherit it's power."
"But i don't need more power, I'm already contended of what power I've possessed." sagot ko at hinawakan ni Mama ang kamay ko at tumingin saakin.
"I know anak, but you have a responsible to begin with, i know you're powerful already but that doesn't defined your belief of being a powerful. You're more than that because you are the next Goddess of the Moon."
Kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Mama at tila nabuhayan ako ng loob. Alam kong malaki ang responsibilidad na ibinigay saakin at hindi ko yun pwedeng tanggihan.
Tumango ako kay Mama at niyakap niya ako. I think i can't change my destiny, because my fate was already written and I'm going to face it.
"Are you ready to accept it Marliyah? I know you can handle it."
"Yes, i Marliyah Lightgood, daughter of the great white witch and a god, accept my responsibility as the next goddess of the moon."
Pagkabigkas ko noon ay biglang akong nagliwanag at unti-unti ako nitong kinain at wala akong nagawa kundi pumikit dahil sa sobrang liwanag. Napadilat ako ng mata ng mawala ang liwanag at tumambad saakin ang isang babaeng nakaupo sa isang trono.
"Welcomed my chosen goddess, i heard your conversation with your mother, and you already accept your responsible, I am Luna the current goddess of the moon."
Yumuko ako sa harap ng kasalukuyang goddess of the moon. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil ramdam ko ang lakas at tindig nito.
"It's my pleasure to meet the goddess of the moon." magalang kong sagot habang nakayuko at nakaluhod parin.
"Marliyah Lightgood, i chose you to become the next goddess of the moon despite of you being a badblood, i chose you because of your benevolence. In the name of the sacred moon, I am Luna, the current goddess of the moon, bestowed my power upon you and i step down on my throne and pass it to you as the new goddess of the moon!"
Pagkatapos niya iyong bigkasin ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko at ramdam kong unti-unti itong pumasok sa buo kong katawan.
Naramdaman ko din na mas lumakas pa ang kapangyarihan ko dahil ako na ang bagong goddess of the moon. Nag-init ang mata ko at unti-unting nagbago ang kulay ng buhok ko at naging kulay ginto.
"Rise Marliyah the new Goddess of the Moon!"
Tumayo ako sa pagkakaluhod at napansin ko din na nagbago ang suot kong damit, mula sa uniform ng AMA at napalitan ito ng mahabang bestida na lumalaylay sa lupa at may mga diyamanteng palamuti sa bawat tela nito.
Mas humaba din ang buhok ko at naging kulot at naging kulay ginto rin ang kulay nito mula sa pagiging puti, napansin ko din na mas pumuti ang balat ko na parang kasing puti ng buwan.
"Go, you still have the responsibility to make."
Yumuko ako at nagpasalamat sa dating goddess of the moon bago ako umalis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, ramdam na ramdam ko ang pagbabago saakin hindi lang ang itsura ko kundi narin ang lakas ko.
'Mas malakas kumpara sa dati'
Sinaklob ulit ako ng puting liwanag at iniluwa ako nito sa harap ni Mama. Napangiti naman siya ng makita ako kaya mabilis ko siyang niyakap.
"I made it, thank you for the encouragement Ma." sabi ko at tumango siya.
"I always knew you can make it, and look at you now. You're the new goddess of the moon. Congratulations anak. I'm so proud of you..."
"I love you."
"You need to go now. You still have the responsible to make, save your friend. They're waiting for you, your power was now limitless."
"Save my friend? Who?" taka kong tanong dahil sa sinabi ni Mama.
"You'll know once you go back."
"But how about you? Can i atleast see my father?" sabi ko at umiling siya.
"Don't mind me anak, it's not time for me to comeback, save Agartha for the sake of our world. Once you do, you can now see your father."
"I don't get it?" pagtataka ko sa mga sinabi niya.
"You'll know when you go back, find my journal and summon my legendary spirit guardian, she'll guide you. I love you anak."
Mabilis akong niyakap ni Mama at hinalikan sa noo. Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ay tumango nalang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nagkatitigan kaming dalawa.
In just a single touched, my vision was became blurred and different vivid images flashed through my mind, i saw people screaming in agony, pain, death and sorrow. Everything was in great chaos.
"Salvaré Agartha advérsus Etheria..."
The vivid images last up to mere seconds and i feel dizzy before it ends. Naguguluhan akong tumingin kay Mama dahil sa mga ipinakita niya saakin. She just smiled at me and she touch me again and a bright light envelopes my whole body.
--
Napadilat ako ng mata at puting kisame ang bumalandra saakin at ramdam kong nakahiga ako sa malaki at malambot na kama. Iginala ko ang paningin ko at nasa Infirmary ako.
Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ako nandirito, maraming naganap noong gabi ng luminous ball. Bumangon ako sa pagkakahiga at saktong malaking salamin ang nakita ko at doon ko ulit napagmasdan ang kakaiba kong itsura.
Ibang-iba na ang physical appearances ko kumpara sa dati kong itsura. I saw a golden pair of eyes, long and curly bright golden hair, my feminine and strong face, and my flawless skin and complexion, it got whiter than my usual skin color.
Mas ramdam ko din ang pinalakas kong aura at kapangyarihan. Who would have thought that a badblood like me will become the next goddess of the moon.
Bumalik din sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Mama kaya mabilis akong tumayo at lumabas ng Infirmary para hanapin sila Melody at Scarlet.
I used my tracking magic and i tracked them both on the Royal Manor of the Royal Bearers. Habang naglalakad ay napapatingin pa saakin yung iba at nagbubulungan, yung iba naman ay natitigilan sa kung anong ginagawa at napapatitig saakin.
Umiling nalang ako at hindi nalang sila pinansin at diretso lakad sa exclusive building para sa mga prinsipe't prinsesa. Hinarang pa ako ng Royal Guard pero sinabi kong member ako ng Royal Bearers at pinapasok naman ako.
'Save your friend'
Muli kong narinig ang boses ni Mama at hindi ko maintindihan kung sino ang tinutukoy niya? Who could it be? I just have two friends and it was Melody and Scarlet. Ano na naman bang nangyari sakanila? Atsaka bakit nandito sila sa building ng mga Royal Bearers.
I stop at the big black double door at napatingin sa pintuan, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Umiling ako at lakas loob kong binuksan ang double door at tumambad saakin ang mga pamilyar na mukha.
I saw the faces of the Royal Bearers, Zach, Melody and Scarlet, and Headmistress Veronica, but one thing that caught my attention. It's Xyrell lying on the bed.
"Mar-liyah?"
Hindi makapaniwalang bulalas ni Melody habang gulat na gulat na nakatingin saakin. Ganoon din yung iba, malamang gulat at pagtataka ang nararamdaman nila ngayon matapos akong makita.
Sino ba namang hindi magugulat at matitigilan kapag nakaharap ang bagong bathaluman ng buwan.
"Melody..." asik ko at doon niya ako biglang dinamba ng yakap.
"Thank god, you're alive. We're so freaking worried about you." asik pa niya at halos mag-crack na ang boses nito.
"I'm sorry if i made y'all worried, I'm completely safe and sound." sagot ko at tumango siya.
Lumapit din saakin si Scarlet at niyakap ako kaya niyakap ko din siya pabalik, nagkatitigan naman kami ni Zach at tinanguan ko siya, alam kong nag-aalala din siya saakin dahil ramdam ko iyon.
"Aaahhh...."
Gulat kaming napatingin kay Xyrell ng dumaing ito at tila ba nasasaktan at nahihirapang huminga. Mabilis akong naglakad papunta sakanya at doon ko nakita ang kabuuan niya.
He was agonizing in pain, kita ko kung paano siyang dumaing sa sakit. Nakita ko din ang nakatapal na tela sa bandang puso niya at may bahid iyon ng dugo, hinawakan ko yun at inalis at doon ko nakita ang malaking hiwa sa mismong puso niya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa kinalalagyan niya. Nakaramdam din ako ng awa para sakanya at galit dahil sa taong gumawa sakanya nito.
"What happened?" lakas loob kong tanong.
"He was stabbed, isa sa mga nang-ambush saating mga naka-blacked cloaked noong gabi ng luminous ball." sagot ni Iridessa.
"I was healing his wound all day long, but his open wound keep opening, his heart was ruptured and i can't healed him permanently, i just stop his bleeding. Kapag nagtagal it'll be critical and fatal and can cause him into sudden death..." paliwanag ni Meredith habang patuloy paring ginagamot si Xyrell gamit ang healing magic niya.
"Shit!" mura ni Raphiel na nasa tabi ni Victoria. Kita din ang pag-aalala sa mukha nila.
"I've never expected that someone from outside can break into our premises. This kind of behavior would never be tolerated and accepted. I'll increase the Royal Guards in the boarders and fortify our barrier to forbid unknown outsiders." maotoridad na asik ni Headmistress Veronica.
"It's not an outsider Headmistress Veronica, he or she is a student here in Atlantis Magic Academy, a complete traitor. Pinapasok niya ang mga kasamahan niya dito para atakihin kami." sagot ko at napatingin sila saakin.
"A traitor? Who? I'll handled it." tanong ni Zach pero umiling ako.
"No, ako ang huhuli sakanya." I insist.
"Hindi ba't ikaw ang kailangan nila noong gabing sinugod tayo? It'll be more dangerous if you're the one who'll captured the traitor." sabi ni Meredith.
"Yes but i can handle it, besides she's not just a someone. Kilala natin siya." sagot ko at mas lalo silang nagulat sa sinabi ko.
"Who? Tell who that fucking traitor is, I'll kill him or her for letting someone in our school and let that to Xyrell!" bulalas ni Victoria at matalas na nakatingin saakin.
'She's furious and raging again'
"It's was--"
"Aaahhh!"
I was about to tell them who the traitor is but suddenly Xyrell scream again in pain. Tumambol ang puso ko at mabilis ko siyang inalo. Maybe i can help him, besides I'm already a goddess and my power was now limitless. Maybe Xyrell was the one my mother want me to save.
"Potéstas in sacris lunaé commoda mihi grandinis virtutis valde fortis tuus cor tuum, et salvum facere..."
Kusang bigkas ko at hinawakan ko ang ulo ni Xyrell at ang puso nito at pagkatapos kong bigkasin yun ay biglang nagliwanag ang dalawang palad ko habang nakahawak sa ulo't puso niya.
The entire room filled with a golden bright light at pagkatapos noon ay nakita kong wala na ang malaking hiwa sa puso ni Xyrell at hindi na rin siya dumadaing ng sakit at para nalang itong mahimbing na natutulog.
Natahimik ang lahat sa nasaksihan nila mula saakin at maski ako ay nagulat din dahil ganito pala ang sakop ng kapangyarihang ipinagkaloob saakin.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong wala na sa kritikal na kondisyon si Xyrell. Mabilis naman akong nagpaalam sakanila dahil may aasikasuhin pa ako.
'I'll capture the traitor behind these'
~~
Eyy Potchie's! Nakapag-update rin sa wakas. Pasensya again dahil tinamad ako kahapon at isali pang badtrip ako dahil ilang beses akong natalo sa ML.
-Upon the power of the sacred moon, let me borrow your tremendous power and save thy heart...
Ayan ang translation ng binigkas ni Marliyah para pagalingin si Xyrell, i just translated it into latin para naman magmukang incantation hehe. See'yah in my next update my Potchie's.
Pls vote and comment.
Thank you :)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top