31 /Raging Fire/


Xyrell's POV

Malalim kong sininghap ang malamig na simoy ng hangin dito sa may taas ng burol para magpahangin, pinili ko munang kumalma sa mga tanong saakin ni Marliyah matapos ko siyang isayaw kanina.

She's asking me why did i kissed her that day on our first battle, I also don't know my reason why would i kissed her? When we fought together it feels liked that there's a strong bond on us that kept us intertwined.

Hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba iyong pakiramdam na'yon basta ang alam ko may nagtutulak saakin at ramdam ko din yon kay Marliyah ng magpatid ang mga labi namin. Alam kong naguguluhan siya sa iniaakto ko.

First I insisted her to joined my group that'll benefit her protection from any kind of danger since it's our responsibility to guarantee her safety, it's our duty to protect her because we are the bearers of the mother crystal.

Second thing is that i kissed her and leave her a question and confusion in her mind.

I knew from the start that she is the daughter of Great White Witch, Merliyah Lightgood was the first and former bearer of the crystals, she cut the mother crystal into five pieces using her powerful sword.

Merliyah was a kind clairvoyant, nakita niya ang hinaharap, ang digmaang kumitil sa libo-libong buhay ng mamamayan ng Agartha, ilang daang taon na ang nakakalipas.

Pinagkatiwala niya ang limang crystal sa limang kaharian na kasalukuyang nakatayo dito sa Agartha, kaya bago pa man mangyari ang pangitain ng Great White Witch ay pinagkatiwala na niya ang mga hinating crystal at pinasa sa mga naging Hari at Reyna ng bawat kaharian hanggang sa nagdaang henerasyon laban kay Vexana.

At ngayong henerasyon ako ang kasalukuyang nakahawak sa fire crystal laban kay Vexana, ang sakim at ganid sa kapangyarihan na reyna ng nasirang kaharian. Ang Etheria Kingdom kaya hangga't maaari ay gusto kong ligtas si Marliyah.

Responsibilidad namin ang tungkuling iyon dahil saamin ipinagkatiwala ang mga makapangyarihang crystal. Sa totoo lang ay si Marliyah ang tunay na taga-pangalaga ng mga crystal dahil siya ang anak ng Great White Witch.

Marami akong nalalaman dahil kasama iyon sa tungkulin ko bilang bearer ng fire crystal at ang pagiging prinsipe ko ng Findora Kingdom. I'll do whatever it takes to protect Marliyah, even if it cost my life.

Malalim akong bumuntong hininga atsaka tumayo sa pagkakaupo ko sa munting burol at nag-inat, napasarap din ang pagmumuni-muni ko. Naisipan kong bumalik na sa space gym dahil hindi pa tapos ang luminous ball.

Kasalukuyan akong naglalakad ng makarinig ako ng malakas na pagsabog sa mismong gym kung saan ginaganap ang luminous ball. Naalarma ako kaya mabilis pa'sa alas quatro akong nakarating sa gym.

Napansin kong nagkakagulo sa loob ng gym kaya tumakbo ako papasok pero agad din akong tumilapon palayo dahil sa isang barrier. Dumaing ako sa sakit ng humampas ako sa isang puno bago napahandusay sa lupa.

"Ahh shit!"

Hindi ko maiwasang mapamura sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatilapon ko. Kunot noo akong napatingin sa barrier na bumabalot sa gym kaya agad din akong napatayo at pilit na kinalampag ang barrier.

"Marliyah! Marliyah!" sigaw ko habang pilit na kinakalampag yung barrier kahit wala namang nangyayari.

Wala akong ibang iniisip kundi si Marliyah at mga kaibigan ko, hindi ko alam kung anong nangyayari at biglang nagkaroon ng pagsabog pero isa lang ang kutob ko. May kakaibang nangyayari.

Umatras ako atsaka ako nagpalabas ng fireballs sa dalawang palad ko atsaka ko binato sa barrier ngunit walang nangyari. Ilang beses pa akong nagpakawala ng maraming fireballs pero wala padin itong epekto.

"Urgh! What the hell is this!" mura ko dahil sa inis.

"Aaahhh!!!"

I was about to launch another fireballs when i heard a familiar scream. Alam kong boses iyon ni Marliyah at hindi ako pwedeng magkamali, hindi ko'na inabalang wasakin yung barrier at tumakbo nalang sa kinaroroonan ng sigaw ni Marliyah.

Nakarating ako sa isang open area at napalaki ako ng mata ng tumambad saakin ang katawan ni Marliyah na nakalutang sa ere habang nagliliwanag at para itong hinihigop ng sinag ng buwan.

"Meredith! Iridessa!" sigaw ko ng makita kong kasalukuyan silang nakikipaglaban sa mga nakaitim na cloaked.

"Xyrell? Help us!" sigaw ni Iridessa at binato sa kalaban niya yong dalawang malaking bato.

Lima silang naka-blacked cloaked at hindi ko alam kung anong pakay nila saamin at bigla silang umatake. Naglagablab ang mga kamao ko at nakaramdam ako ng sobrang pag-iinit sa katawan ko.

Mabilis akong umatake at sinipa iyong isa, sa tantya ko ay lalaki siya base narin ito sa mga galaw at kilos niya. Hindi kita ang mga mukha nila dahil narin sa mga suot nilang mga cloaked.

Nagpakawala ako ng blazing fire strikes doon sa lalaki at wala siyang nagawa kundi tumalon at umiwas, hindi basta-basta apoy ang inilalabas ko dahil galing pa ito sa kapangyarihan ng fire crystal na nasa pangangalaga ko.

Mabilis akong tumakbo at umatake sa gawi niya pero sinangga niya lang ang atake ko ng dalawa niyang braso. Nginisian ko siya at pwersahan ko siyang tinadyakan sa tiyan dahilan para sumubsob siya sa lupa.

Agad siyang tumayo ng makita niyang aatakihin ko ulit siya, mabilis ko namang inilabas ang dagger ko sa likod, kasabay ng paghawak ko sa dagger ko ay bigla naman itong umapoy.

"Let me taste to you my raging dagger of fire!" asik ko sa kalaban ko atsaka ko siya mabilis na sinugod.

Mabilis din ang kilos niya at naiiwasan ang mga atake ko, agad kong nahablot ang kanan niyang kamay at mabilis ko itong inikot patalikod atsaka ko siya pinatid dahilan para humampas siya ulit sa lupa at agad ko siyang inatake gamit ang dagger ko.

"Ahhh!"

Napasigaw siya sa sakit ng masugatan ko siya sa tagiliran nito, naghihiyaw siya sa sakit ng makita kong nalapnos ang balat niya at malayang umagos ang dugo nito doon.

Hindi ako nag-aksaya pa ng oras at muli ko siyang sinugod pero agad niyang inalis ang hood nito na tumatakip sa mukha niya, dahilan para makita ko ang totoong itsura nito. That's a stupid moved, ngayong alam ko na ang itsura niya ay wala na siyang kawala saakin.

"Now it's my turn, let me also taste to you my uncontrollable string of needles." sabi niya at kumunot ang noo ko.

Bigla siyang tumayo at kita ko ang itim nitong aura at itinaas niya ang palad niya at may lumabas na mga itim na tali at mabilis iyong gumapang papunta saakin at pumasok sa katawan ko.

Kasabay noon ay nakaramdam ako ng kirot sa buo kong katawan kaya ako naman ang napasigaw sa sakit, hindi ko rin maigalaw ang buo kong katawan na para bang may pag-iisip at ayaw akong sundin.

"Can't moved? Well of course you can't moved since i already hold your body through my string needles, you're now my puppet! Hahaha!" sabi nito at humalakhak.

"Fuck you!" mura ko sakanya at pilit na igalaw ang katawan ko pero walang nangyari.

"Keep trying, before i can kill you!"

Lalong kumirot ang katawan ko dahil doon at kusa akong napaluhod sa lupa, kusang gumalaw din ang mga kamay ko at napahigpit sa hawak kong dagger. Kita ko kung paanong gumalaw ang mga daliri noong lalaki at anumang minuto ay pwede niya akong patayin.

'Hindi ako makapapayag dahil ako ang papatay sakanya'

Napatingin din ako kila Meredith at Iridessa na kasalukuyan parin na nakikipaglaban. Naramdaman kong unti-unting tumaas ang palad ko habang hawak ko ang sarili kong dagger, unti-unti ko itong itinutok sa mismong puso ko.

Pinilit kong igalaw ang mga palad ko pero walang nangyayari dahil kontrolado niya ako.

"Anong pakiramdam na sarili mo at sarili mo ring armas ang papatay sayo?" tanong no'ng lalaki habang nakataas ang dalawa niyang kamay at kita ko ang mga itim niyang strings na nakapulupot sa katawan ko.

"Sa oras na makawala ako, ikaw ang papatayin ko. Hayop ka!" mura ko at pilit kong kumalas. Bigla siyang natawa kaya mas lalo akong nagngitngit sa galit.

"Yun ay kung makawala ka'pa, hindi ako tanga kaya uunahan na kita bago ka'pa makawala. Hindi ko aakalain na ganito lang ko lang mapapatay ang prinsipeng kagaya mo. Well then prepare your agony because tonight I'll surely kill you!"

Mahaba niyang litanya at tumawa ulit, unti-unti kong iginalaw at itinarak sa puso ko ang sarili kong dagger kaya napahiyaw ako sa sakit, umagos doon ang dugo kaya dahan-dahang bumaon ang talim ng dagger sa puso ko.

'Shit'

Napatingin ako kay Marliyah na nakalutang parin sa ere habang nasisinagan ng buwan. Hindi ako pwedeng mamatay dahil hindi pa tapos ang tungkulin ko.

"Arrgghh!!!"

Malakas akong sumigaw dahil sa magkahalong kirot dahil sa nakabaong dagger sa puso ko, at ang prinsipyo ko para iligtas si Marliyah anuman ang mangyari.

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang paglagablab ng buo kong katawan dahilan para gumapang ang apoy ko sa string needles doon sa kalaban ko. Mabilis siyang tinupok ng apoy ko dahilan para mawalan siya ng kontrol saakin.

Nagsisigaw siya dahil sa pagtupok ng apoy sa katawan niya, nawala ang apoy sa buo kong katawan at kasabay noon ang pagkahandusay ko sa lupa.

Dahan-dahan kong inalis ang dagger kong nakabaon sa puso ko at kulang nalang mawalan ako ng hangin, hinawakan ko ang puso ko para pigilan ang pagkawala ng maraming dugo. Umiikot at nandidilim narin ang paningin ko.

"Xyrell!"

Bigla kong narinig ang boses ni Victoria kaya naghihingalo akong tinignan siya habang patakbong lumapit saakin. Napaluhod siya at napatakip ng bibig matapos akong makita.

"Xyrell! Oh my god!" gulat niyang bulalas at tinulungan niya akong pigilan ang pagdurugo ng puso ko.

"What happened? Xyrell please don't die!" umiiyak na bulalas ni Victoria habang nakatingin saakin.

'I won't die'

"He-lp Mere-dith a-nd Iri-de-ssa..." utal-utal kong sabi at agad naman siyang umiling.

"Xyrell no, please you're critical..." umiiyak niyang bulalas pero mahigpit ko siyang hinawakan sa braso niya.

"Sa-ve them, save Mar-liyah, ple-ase..." pakiusap ko at napatingin siya saakin atsaka tumango.

This time Victoria can save us all since she bear the strongest crystal among us, the embodiment of all crystal. Nakita kong itinaas niya ang palad niya at unti-unting lumitaw doon ang embodiment crystal.

Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag, isama pa ang sinag ng buwan. Marliyah was still in mid air, hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil hindi ko siya nailigtas ngayon.

'I'm broke'

"Let go of my friends!"

Nakita kong itinaas ni Victoria ang hawak niyang crystal at kasabay noon ang kumawalang malakas na pwersa dahilan para tumilapon ng sabay-sabay yung mga naka-blacked cloaked.

"Retreat!"

Walang nagawa yung mga naka-blacked cloaked kundi umatras dahil talo na sila laban saamin, nakita kong nag-cast ng spell yung isang naka-blacked cloaked at lumitaw ang itim na portal sa mismong harap nila at pumasok sila doon at tuluyang nawala sa paningin namin.

"Xyrell!"

Inalo ako ulit ni Victoria habang umiiyak, nakita ko din na lumapit saakin sina Meredith at Iridessa, kahit nanlalabo na ang paningin ko ay kita ko parin ang nag-aalala nilang mukha.

Tinaas ko ang kamay ko para abutin si Marliyah na tuluyang nahulog sa ere kasabay ng pagkawala ng sinag ng buwan, imposible dahil malayo siya saakin.

"Hang on Xyrell, we're gonna heal you." sabi pa ni Victoria at tumango nalang ako dahil hindi ko'na kayang gumalaw at magsalita pa.

Unti-unting nanlabo ang paningin ko kasabay ng paglamon saakin ng itim na liwanag at doon ako tuluyang nawalan ng ulirat...

~~
Yow what's up guys! Kamusta kayo? Tagal ng update ko'no? Haha ganon talaga, tamad ako kaya pagpasensiyahan niyo na. Here's the update, natagalan ako dito dahil naguguluhan ako sa mga scenes na pwedeng mangyari haha.

Guys gusto ko lang i-promote yung story ng friend ko, nagsusulat din siya dito sa wattpad. Kindly check her profile SieKate and read her on-going story entitled "Cintia of Certia" please do support her just like how y'all supported me. Believed me she's also a great writer. Lovelots <3

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top