3 /Atlantis Magic Academy/


Marliyah's POV

Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa kaharian ng Alastair kung nasaan ang Atlantis Magic Academy na siyang papasukan kong school para mapalakas pa ang magic ko at para narin magising ko ang sinasabi ni Tito Zedicus na natutulog kong magic.

'I feel so excited and at the same time scared. I don't know why?'

Kasalukuyan akong nakasakay sa isang silver na karwahe kasama si Tito Zedicus kasama na ang anak niyang si Zach na nag-aaral sa Atlantis Magic Academy at kababata ko rin.

Laking tuwa niya noong isang araw na malaman na nagbalik na ako dito sa Agartha. Hindi ko agad nasabi sakanya dahil busy siya sa pag-aaral sa AMA. Gusto kong magtatalon sa saya dahil makakapasok narin ako sa Atlantis Magic Academy dahil never akong nakapasok sa isang school.

In my 17 years of my existence ay si Mama ang naging Teacher at Master ko'sa paggamit ng magic. Bata palang ako ay nag-aaral na ako ng iba't-ibang spells at magic. Hindi ko alam kung bakit hindi ako ini-enroll ni Mama sa mga kilala at tanyag na magic school dito sa Agartha.

Sa Earth talaga ako unang nakapasok sa isang eskwelahan at naging sociable. Si Zach lang din kasi ang nag-iisang kaibigan ko magmula bata ako. Masaya din ako dahil makakasama ko ulit siya at iisa pa kami ng school na papasukan.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?"

Napabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Zach at kita ko ang hazel brown niyang mata. Nakasuot din siya ng uniform ng AMA.

"Haha naiisip ko lang kung anong feeling na mag-aral sa AMA. You know I've never been enrolled in a magic school before." sabi ko at ngumiti lang siya.

"Yeah, don't worry simula ngayon dito ka'na mag-aaral sa AMA plus kasama mo pa ang napaka-gwapo at nag-iisang bestfriend mo." sabi ni Zach at nagbuhat na naman ng sariling bangko.

Hindi ko maipagkakaila na gwapo talaga si Zach. Nagulat nga ako ng muli ko siyang makita, mas nag-matured ang physical appearance niya at lumalim din ang boses, mas matangkad na rin siya saakin ngayon. Dati lang ay napipingot ko pa siya pero ngayon parang malabo na.

"Mas maswerte ka dahil makakasama mo ang isang tulad ko." angal ko at nag-flip hair pa atsaka siya kinindatan.

Para naman siyang masusuka sa naging reaction niya kaya inirapan ko nalang. Pasalamat siya sinakyan ko ang trip ng mo'kong na'to.

"Hahaha!" natawa naman si Tito sa asaran namin ni Zach.

"Nakakamiss din pala ang kakulitan niyong dalawa..." asik pa niya pero pilit nalang akong natawa at hindi na sila pinansin.

Napatingin ako sa bintana ng karwahe at nasa bulwagan na kami ng palasyo ng Alastair at hindi ko maiwasang kabahan. Nasa mismong palasyo kasi ng Alastair ang Atlantis Magic Academy kaya nakaka-excite na nakaka-kaba.

"Chill napaghahalataan kang baliw." sita ni Zach dahil hindi ako mapakali.

"Che!"

Kita kong bumukas ang malaki at gawa sa gintong gate ng Alastair at pinapasok kami ng mga Royal Guards at todo-todo na talaga ang excitement at kaba ko.

Huminto ang karwahe na sinasakyan namin at naunang bumaba si Tito at Zach kaya mabilis na din akong bumaba pero agad din akong hinarang ni Zach.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Pwede ba umayos ka, nasa Alastair Kingdom tayo so act as a normal maiden. Daig mo pa may alboruto eh." sabi niya pero binelatan ko lang siya.

"Alam ko naman yon. Hindi ba pwedeng ma-excite?" asik ko.

"Hindi ko sinabing hindi pwede. What i mean is stay calm, my father accompanied us here so people will think that your one of us. Baka isipin nila wala kang manners." concern niya.

"Zach let her be. Wala namang masamang ma-excite." sabat ni Tito.

"See? Papa mo narin nagsabi na hindi masama. Arte ne'to." sabi ko at binelatan ko ulit siya.

"Whatever!" sabi nalang niya.

Napatingin ako sa kabuan ng Alastair Kingdom at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa laki at ganda nito. May mga nagliliparang ibon at nasa kanya-kanyang pwesto ang mga Royal Guards. Nakaka-amaze.

Nasa ganoon kaming posisyon ng may lumapit saaming babae nasa tingin ko ay nasa middle age, fair complexion, nakasalamin at may maamong mukha at nakasuot ng puting long sleeves at palda na sayad hanggang sa sahig.

"Welcome to Alastair Kingdom Elder Zedicus Zurrender of White Council!" bati no'ng babae kay Tito.

"Thank you."

"Is that her?" tanong niya kay Tito at tumango naman ito atsaka tumingin saakin.

"Marliyah this is Veronica Gristle, the Headmistress of Atlantis Magic Academy." pakilala ni Tito kay Headmistress Veronica.

Mukha siyang dalaga sa itsura niya. Hindi na kataka-taka dahil mahaba ang buhay naming mga magicians kaya sa tingin ko nasa around 200+ na ang edad niya.

"It's an honor to finally meet you Ms. Marliyah Lightgood." sabi ni Headmistress Veronica at nakipagkamay saakin na tinanggap ko naman.

"It's an honor to meet you too Headmistress Veronica." maayos kong sabi at ngumiti naman siya.

"Welcome to Atlantis Magic Academy!"

Pagbati niya at iginiya kami sa loob ng palasyo at for the second time ay makakapasok ulit ako ng Alastair Kingdom. Binuksan ng mga Royal Guards ang malaking double door at pang grand entrance ang mahabang red carpet at mga iba't-ibang statues sa kaliwa't-kanan, gawa sila sa ginto.

Ang Alastair Kingdom ang foundation ng limang kaharian dito sa Agartha kaya ito ang main kingdom. Isa din ito sa mayamang kaharian at ang buong nasasakupan ng Alastair Kingdom.

Nakasunod lang kami kay Headmistress Veronica at hindi ko maiwasang mamangha dahil kitang-kita ko ang mga pigura namin sa sahig sa sobrang kintab, para nalang akong nanalamin. Well magic can do everything.

Lumiko kami sa isang pasilyo atsaka huminto sa isang gintong pintuan at mabilis itong binuksan ni Headmistress Veronica. Pumasok kami at iginiya niya kaming umupo sa couch.

Ito siguro ang office niya dahil puro litrato niya ang nasa dingding at puro trophies naman ang nasa cabinet na nasa gilid, may malaki ding bintana sa tapat ng table niya.

"What do you guys want? Coffee, tea, or water?" tanong ni Headmistress Veronica.

"Anything would do. Thank you." sagot ni Tito at tumango naman si Headmistress Veronica atsaka siya pumitik.

Lumitaw sa harap namin ang isang tasa ng kape. Lahat yata ng kagamitan dito ay gawa sa ginto, pati kasi tasa gawa sa ginto. Magkano kaya 'to?

"Nasabi na saakin ni Elder Zedicus kung bakit ka niya kailangang i-enroll dito." panimula ni Headmistress Veronica.

"Tama lang na dito ka niya ipinasok dahil sa larangan ng mahika pinagtutuunan ang eskwelahang 'to. Atlantis Magic Academy is one of the most prestigious magic school here in Agartha. Tiyak na mas mabibigyan ng tuon ang potential na mayroon ka Marliyah." mahabang litanya ni Headmistress kaya tumango naman ako.

"I know the magic resides in your body, it will make you a strong independent witch. Hindi na ako magtataka kung sundan mo ang yapak ni Merliyah." sabi niya at ngumiti.

My mother Merliyah Lightgood has been known here in Agartha. The strongest witch in her generation and being redoubted and became popular in the entire history of Agartha and she was named as the Great White Witch.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon at nawala na yung saya ko kanina dahil feeling ko lahat sila umaasa na sundan ko ang legacy ni Mama.

"For now Marliyah you're not yet officially enrolled. Kailangan mo munang mag-take ng exam para official ka ng maging student dito sa AMA."

Tumango ako at hindi naman gaya sa Earth na kailangan mong sumagot sa test papers para makapasok sa isang school. Sa pagkakaalam ko ang entrance exam nila dito ay kung qualify ka bang maging estudyante by showing your skills and whatsoever basta related sa magic.

"Tommorow is your Exam. Alam ko namang maipapasa mo yun Marliyah." paninigurado ni Headmistress Veronica.

"Here is the key of your room. Nasabi ko'na rin sa roommate mo'na darating ka." sabi pa ulit niya at binigay saakin ang isang gintong susi.

"Thank you po."

"Just approach me if you need anything okay?" sabi pa niya at tumango nalang ako atsaka kami nagpaalam sakanya.

"Si Zach na ang bahala sayo dito kaya magpakabait ka. Maliwanag ba?" sabi ni Tito Zedicus kaya tumango ako atsaka ko siya niyakap.

"Zach, ikaw na ang bantay niya dito. Tignan mo siya ng mabuti." paalala pa ni Tito kay Zach.

"I know, atsaka hindi na bata si Liyah." angal ni Zach pero masamang pukol lang ang natanggap niya kaya mabilis siyang tumango.

"Mauna na ako. Sabihin mo saakin kapag may ginawa sayo si Zach."

"Oo naman po, sige bye Tito!" paalam ko at tinanguan lang niya si Zach.

"Talaga isusumbong mo'ko?" angal niya.

"Aba'y bakit hindi?" taas kilay kong sabi.

Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya natawa ako. Sa wakas magiging student narin ako dito sa AMA. Gusto ko rin maranasan na makipagsabayan sa mga estudyante dito kung paano sila i-train sa paggamit ng magic.

Napagdesisyunan akong i-tour ni Zach sa buong AMA at hindi ko ulit maiwasang mamangha dahil doon. Marami pa akong bagay na ikinatuwa at puro iling naman ang ginawa ni Zach.

~~
AMA short for Atlantis Magic Academy. Wag sana kayong malito. Mahaba kasi at nakakatamad mag-type kaya AMA nalang haha.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top