29 /Full Moon/
Third Person's POV
Makikita ang isang grupo na nakaantabay sa isang babae na kasalukuyang isinasayaw ng isang prinsipe, ang luminous ball na ginaganap tuwing may malaking events tulad na lamang ng Festival of Magic.
"Guys! Be ready, standby on your position." bulalas ng isang babae sa kanyang mga kagrupo habang nakaposition sa kanilang pwesto at naghahanap ng tamang tiyempo sa balak nilang masama.
Siya ang babaeng traydor sa loob ng Atlantis Magic Academy, hanggang ngayon wala pang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao dahil magaling siyang magpanggap at dahil narin sa suot nitong special amulet na kayang itago ang kanilang totoong kapangyarihan at pagkatao.
"Kanina pa kami naka-position dito at kanina pa kami naghihintay." sagot ni Raven sa pamamagitan ng telepathy ni Night.
"Shut up you dumbass! We needed the right timing, isang maling kilos natin at mabubulilyaso ang lahat!" sigaw ng babaeng traydor sa kanyang isipan habang pangiti-ngiti sa mga nakakakita sakanya.
"Chillax bro, once we accomplished our mission, pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo." sagot naman ni Damon kay Raven.
"Hell yeah!" sagot nito na tila nakarinig ng magandang balita.
"Tsk! These three idiots is pain in the ass!" mura ni Zoila sa tatlong lalaki. Nakakubli si Zoila sa isang mataas na puno habang nakasulyap sa masayang pagdiriwang ng luminous ball.
"What did you say!?" sabay na tanong ng tatlo pero suminghal lang si Zoila.
"Enough! Hindi tayo nagpunta dito para magbatuhan ng mga walang kwentang salita, nandito tayo para patayin si Marliyah!"
Pasimpleng ngumingiti ang traydor na babae sakanyang mga kasama dahil kasama siya sa luminous ball at pilit niyang pinapakita na maayos ang kanyang postura pero iba ang sinasabi ng utak niya dahil sa bangayan ng mga kasama niyang lalaki.
Hindi na sila nagtalo pa kaya nagpatuloy na lamang sila sa kanilang plano at humanap ng tamang tiyempo, sa pagpatak ng hatinggabi lalabas ang ikalabing-isang sagradong buwan, kung saan magigising ang tulog na kapangyarihan ng mga wizards and witches.
Ang gabi din kung saan magigising ang natatanging kapangyarihan ni Marliyah. Doon ang tamang tiyempo ng babaeng traydor para patayin si Marliyah alang-ala sakanilang mahal na reyna.
'Ang reyna ng kadiliman, ang Reyna Vexana'
Halos hindi maipinta ang ngiti ng babaeng traydor hindi dahil sa mga nginingitian niyang mga kasamahan kundi sa matagumpay nilang plano laban kay Marliyah.
--
Marliyah's POV
Nasa kalagitnaan kami ng pagkwe-kwentuhan nina Melody at Scarlet ng may lalaki ulit na lumitaw sa harap ko at nakita ko ang isang matipuno at makisig na binata, nakasuot ito ng red tuxedo at naka-bowtie, clean-cut ang buhok nito at ang nakakapang-akit niyang mga mata.
"Can i have a dance with you?" tanong ni Prince Xyrell sa malaki at malalim niyang boses.
I was taken a back at tila ba nawala ang boses ko at hindi ko alam kung saan ko huhugutin, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sakanya? Napatingin ako kila Scarlet at Melody at kilig na kilig naman sila.
"Go na girl!" sabay na sabi nila.
Tinago ko ang ngiti sa labi ko kaya inabot ko ang palad niya at sabay tayo, dinala niya ako sa gitna kung saan ang dancefloor. Actually maraming nagsasayaw pero bigla silang nagsialisan lahat ng makita kami.
"OMG! Is that Fafa Xyrell?"
"Heck! Ang pogi ni Prince Xyrell!"
"Who's that girl? Isn't that Princess Victoria?"
"That's definitely not Princess Victoria, infairness she's beautiful..."
Kaliwa't kanan ang bulungang naririnig ko patungkol saamin ni Prince Xyrell. In an instant we're being the center of attention and i hate it. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Napayuko ako dahil doon.
"Chin up Marliyah, you're gorgeous tonight." sabi ni Prince Xyrell.
Napahigpit ang hawak ko sa balikat niya at napataas ng tingin at doon ko nakita ang makisig niyang mukha, makapal na kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at higit sa lahat ang labi niya.
"Why did you do that?" biglang kong tanong at nagulat din ako sa sinabi ko.
"Did what?" tanong niya habang nakatitig saakin.
"Oh come on! Stop acting as if you don't know anything." sabi ko sa tamang boses na kami lang dalawa ang makakarinig.
"Did what?" ulit niyang tanong at hindi man lang natinag sa sinabi ko.
"Urgh, don't make me repeat my question." sabi ko at umiwas ng tingin.
Napatingin ulit ako sakanya ng hawakan niya ang baba ko at iniharap sakanya. Kumunot ang noo ko ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
'Anong nangyayari saakin?'
"What did i do?" he said in a sweet monotone voice that made my heartbeat flash again.
"T-the other day, our first fight. Why did you kiss me?"
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ko at bakit ganito ang nararamdaman ko. Shit hindi pwede. Nakita ko siyang ngumisi dahil sa sinabi ko at hinintay ang sasabihin niya.
"Nothing, i kiss you because i wanted to." sagot niya.
I feel disappointed with his answer. He kissed me in our first fight that's why he won, but that's a big deal to me since it's my first kissed also. Sa sinabi niya bigla akong nainis sa hindi ko malamang dahilan.
"Nothing? Hinalikan mo ako dahil gusto mo lang?" sabi ko in my normal voice, hindi ko maiwasang mapataas ng kilay.
"Nothing but i meant it." sagot niya at mas lalo akong nalito.
"Hindi kita maintindihan Xyrell." sabi ko at bumitaw sa balikat niya at kusang naglakad pabalik sa pwesto namin.
"Girl anyare? Bakit mukhang bad mood ka?" tanong ni Scarlet.
"I don't know? Ewan?" sabi ko pero nagkatinginan lang sila ni Melody.
"Attitude ka ghorl? Swerte mo nga, naisayaw ka ng isang prinsipe. Hays wala bang gusto may gustong isayaw ako?" reklamo ni Melody.
"Same Sissy, display lang tayo dito." sang-ayon naman ni Scarlet.
Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa mood sa sinabi ni Prince Xyrell. Bakit parang wala lang sakanya yung halik, pero saakin napaka-big deal. Tsk! Bahala siya sa buhay niya.
Napabalik ako sa ulirat ng may lalaking umupo sa harap ko at nakita ko si Zach na nakatingin saakin.
"Okay ka lang? Bakit nakasimangot ka?" tanong niya kaya inayos ko ang itsura ko.
"Okay lang ako, huwag mo'kong pansinin." sabi ko at humigop ng red raspberry fruit juice.
"Sigurado ka?" ulit niyang tanong kaya tumango ako at napatingin kila Melody at Scarlet.
"Isayaw mo si Melody." bigla kong bulalas kay Zach.
"Ha?" taka niyang tanong.
"Just dance with her." utos ko at umiling lang siya atsaka tumayo papunta kay Melody.
"Hi! Can we dance?" nakangiting tanong ni Zach kay Melody.
Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong juice dahil sa reaction ni Melody na kulang nalang tumalon sa kinauupuan niya.
"Ehe! Shige, sebe me eh!" pabebeng sagot ni Melody sabay hila kay Zach.
"Hahaha! Nawawala posture ko kay Melody kainis!" natatawang sabi ni Scarlet at ganoon din ako.
"Tuwang-tuwa ang babaita." natatawa ko din na bulalas.
Nasa ganoon kaming kalagayan ng meron na namang lalaki ang lumapit sa kinauupuan namin nina Scarlet. Nakita ko si Prince Raphiel na lumapit kay Scarlet, nakasuot ito ng gray tuxedo at pogi din ang itsura niya.
Napatigil sa pagtawa si Scarlet at umayos ng postura ng makita si Prince Raphiel.
"Can i have a dance with you?" magalang na tanong ni Prince Raphiel habang nakaabot ang palad niya kay Scarlet.
"Go na sis, kanina nagrereklamo kang walang gustong magsayaw sayo. Prinsipe na nag-aaya sayo." sabi ko kay Scarlet kaya tumango nalang siya.
Inabot ni Scarlet ang palad ni Prince Raphiel atsaka nagtungo sa dancefloor kasama sina Melody at Zach na kasalukuyan din na nagsasayaw. Sinenyasan ko silang okay lang ako dito kaya nag-thumbs up nalang sila.
Naisayaw naman na ako ni Prince Xyrell kaya okay lang, naisip ko'na naman ang mga sinabi niya kaya mabilis kong nilagok yung iniinom kong juice.
Pagkalagok ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya umiling-iling ako para mawala ang pagkahilo.
"Anyare? Hindi naman alak yung ininom ko?" taka kong tanong sa sarili ko.
Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa washroom, kita ko ang reflection ko sa salamin at literal na umiikot ang paningin ko.
Binuksan ko ang faucet atsaka ako naghilamos ng mukha, hindi ko'na pinansin ang suot kong makeup dahil sa biglaan kong pagkahilo. Hindi naman alcohol ang ininom ko'sa pagkakaalam ko.
Naibsan kahit paano ang pagkahilo ko at habol ko ang hininga ko, muli akong naghilamos atsaka nag-ayos bago lumabas ng washroom. Pagkalabas ko ay may nakabungguan ako.
"Sorry, di kita napansin." paumanhin ko.
"Okay lang, ayos ka lang ba?"
Napatingin ako doon sa babaeng nakabungguan ko at si Cynthia pala, member din ng elites na kagrupo ni Zach.
"Ah yeah, don't worry." sagot ko at tinanguan siya bago umalis.
Nawala kahit paano ang hilo ko at pabalik na ako sa loob ng space gym ng may babaeng humarang saakin. Not just a girl, it was a princess to be specific, may kasama din siyang dalawa pang babae, tingin ko mga senior na at may mataas na position.
Nakasuot si Princess Victoria ng white ball gown at naka-dress naman yung mga kasama niya. Kumunot ang noo ko dahil sa pagharang nila saakin.
"May problema ba Princess Victoria?" magalang kong tanong sakanya.
Well she's still a princess, daughter of the current king and queen of Atlantis. I needed to address her like that, tumaas ang kilay niya sa tanong ko.
"Yes i have a problem, not mine but yours!" asik niya sabay duro saakin.
"What do you mean by that?"
"Ha! You're asking me that, bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung anong problema!?" mataray niyang sagot kaya napaawang din ako.
"Why would i? I don't have any, it looks like you're the one who had problem." i said to her loosing my posture.
"Wala kang galang, she's a princess." bulyaw saakin noong kasama niyang babae.
"Bitch!" sabi naman noong isa.
Hindi ko sila sinagot dahil ayoko ng away, isa pa't prinsesa ang kaharap ko, hindi ko maintindihan kung anong problema ang sinasabi niya. Sinubukan kong maglakad palayo pero hinarang lang nila ulit ako.
"Where do you think you're going? I'm not done yet!" asik ni Princess Victoria at bigla akong sinampal.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. Sinubukan kong magtimpi hangga't kaya ko.
"Stop beating around the bush Princess Victoria, just tell me what's your problem? Yes you're a princess and i respect that, but that doesn't mean that I'm not going to fight back even you're the princess of this nation." sagot ko at nagulat siya sa sinabi ko.
"Okay fine, I'll stop beating around the bush, well to tell you frankly and directly, you know what my problem is? You are a big flirt and stop flirting Xyrell because he's mine!" sigaw niya at tinulak ako.
What did she say? I am flirting with Prince Xyrell? At sino namang nagsabing nilalandi ko siya? Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa lupa at hinarap siya.
"As far as you don't know princess, I am not flirting him nor anybody, i don't know what you are saying and please stop saying shits, you're a princess so you should act like one, and lastly Prince Xyrell wasn't property of anyone." sagot ko at mas lalong nagngalit ang mukha niya.
I'm just stating a fact, hindi bagay si Prince Xyrell para angkinin sinuman.
"Wala ka talagang kadala-dala, nasampal na kita't lahat at rumarason ka parin, as far as you don't know also he's my fiancé so technically he's mine, you're a hindrance in our relationship so i needed to get rid of you. Girls get her!" sigaw niya at pinakaladkad ako sa mga babaeng kasama niya.
I'm still dizzy at hindi makalaban ng maayos, i don't want to fight her physically that's why I am not fighting back, except verbally.
"Ano ba bitawan niyo ko!" sigaw ko at nagpumilit na kumalas sa hawak ng dalawang babae.
Kinaladkad nila ako sa kung saan malayo sa space gym at mga walang makakakita, maliwanag ang paligid dahil sa tanglaw ng buwan, i heard full moon will reach it's peek until twelve midnight, wala pang hatinggabi dahil hindi pa full moon.
"Sa tingin mo ba matatakot ako sayo nang dahil anak ka ng great white witch at ng isang bathala? There's no way that I'll feared you, I'm the bearer of embodiment of crystal at kayang-kaya kitang talunin." asik ni Princess Victoria at talagang malaki ang galit niya saakin.
"What? She's the daughter of great white witch?" gulat na tanong noong babae.
"And a god?" pahabol naman noong isa.
"Yes and shut up kung ayaw niyong kayo ang turuan ko ng leksyon!" bulyaw niya doon sa mga kasama niya na mabilis namang sumunod.
May lumitaw na chainwhip doon sa palad ng babae at mabilis akong pinuluputan at tuluyan akong hindi nakagalaw.
"Why are you doing this Princess Victoria? Don't let your anger envelopes you, that's not a kind of true princess, you're better than this. So stop." sabi ko at natahimik naman siya.
"Do you think i didn't know that? I'll just gonna teach you a lesson, you need to know your place." sabi niya atsaka nagliwanag ang palad niya at nagkaroon ng energy force at mabilis na binato saakin.
Natamaan ako sa sikmura at ramdam ko ang sakit, lumuwa ako ng dugo dahil doon. I didn't know that she's that strong, tumayo ako at hindi parin ako lumalaban, she's just mad at wala sa sarili.
Binato ulit niya ako ng energy force at tinamaan ulit ako at sumubsob sa lupa, bigla ulit akong nakaramdam ng pagkahilo, hindi rin ako makaiwas dahil sa chainwhip na nakabalot saakin.
"Take this!"
Nakita ko ang isang light beam sa palad ni Princess Victoria atsaka mabilis na binato saakin at wala akong nagawa kundi pumikit at hinintay na tumama saakin yung atake niya.
Napadilat ako ng mata at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ko na siyang sumangga sa atake ni Princess Victoria.
"What are you doing Victoria? What's the meaning of this?" tanong ni Princess Meredith.
"Don't interfere Meredith, umalis ka diyan!" mataray parin na sagot ni Princess Victoria.
"Let her go!"
Napatingin din ako sa isa pang nagsalita at nakita ko si Princess Iridessa na lumapit saakin at binasag ang chainwhip noong babae na nakapulupot saakin.
"Let me heal you." mabilis akong pinagaling ni Princess Iridessa with her healing ability.
"Sumagot ka Victoria? Bakit kayo nag-aaway ni Marliyah? Are you abusing your power against her?" mahinahong tanong ni Princess Meredith.
"No, i just want her to teach a lesson for flirting Xyrell!" sagot niya.
"But that's not a proper way to teach her a lesson. Stop this nonsense kung ayaw mong ako ang makalaban mo." sabi ni Princess Meredith.
For the first time i saw her mad expression, kadalasan kasi mahinahon siya at hindi padalos-dalos, she do stuffs according to it's aspect without using violence. She's really calm like water, but she's deadly like a raging waves.
"So mas kakampihan niyo pa yang babaeng yan kesa saakin?" tanong niya.
"That's nonsense Victoria, nagagalit ka dahil lang kay Xyrell? Where's your class and manners? Are you still a princess?" sagot sakanya ni Princess Iridessa.
"I'll still know my limitations i just want her to teach a lesson, that's all, as if I'm going to kill her? Now i know which side are you." sagot ni Princess Victoria.
"This isn't the matter of which sides, this is a matter of you. Apologize to her right now!" bulalas ni Princess Meredith.
"There's no way that I'll going to apologize!" ma-pride niyang sabi atsaka naglakad palayo, sumunod naman ang mga kasama niya.
"Hey Marliyah, are you okay? We're sorry in behalf of her." sabi ni Princess Iridessa.
"Yes I'm okay, thanks for standing with me, hindi niyo naman kailangang gawin yon." sabi ko.
"It's okay, she's just being nonsense. Let us help you."
Inalalayan nila akong tumayo pero bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo at pag-iinit ng buo kong katawan, para akong sinusunog ng buhay at para bang may gustong kumawala saakin.
"Aaahhhh!!!"
Malakas akong sumigaw at napahandusay ulit sa lupa dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
"Marliyah! What's wrong!?" rinig ko pa ang nagpapanic na boses nila Meredith at Iridessa pero hindi ko sila nasagot dahil patuloy lang ako sa pagsigaw sa sakit.
"Aaahhh!!!"
Sapo-sapo ko ang ulo ko dahil sa sakit at sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ramdam kong may gustong kumawala sa katawan ko at hindi ko alam kung ano. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang full moon.
"Get her!"
Nakarinig ako ng sigaw ng di pamilyar na boses at kahit naghihingalo ako sa sakit ay nakita ko ang mga taong nakasuot ng black cloaked, yung nakalaban ko noong isang araw.
"I waited for this time, kill that girl!" rinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo sakanya?" tanong ni Princess Iridessa sa mga naka-black cloaked.
"Give her to us if you don't want to be dead!" sagot noong isang lalaki.
Hindi kita ang mga mukha nila dahil sa suot nilang cloaked pero isa lang ang alam ko, kalaban sila at gusto nila akong patayin.
"Dadaan muna kayo saamin bago niyo siya makuha." matapang na asik ni Princess Meredith.
"Iridessa defense us, ako munang bahala kay Marliyah!"
"Got it!"
Biglang sumugod si Princess Iridessa at sa bilis niya ay nasipa niya yung isa atsaka tumilapon, sumugod din sakanya yung dalawang naka-cloaked pero yung dalawa ay sa gawi namin.
Nagliwanag ang palad ni Princess Meredith at nagkaroon ng water barrier sa gawi ko atsaka siya sumugod doon sa dalawang kalaban.
Patuloy parin akong naghihingalo sa sakit at napatingin sa kabilugan ng buwan, bigla akong pumikit at nagbigkas ng mga salita.
"From the light of moonlight skies, on the twelve midnight of sacred full moon, i call and ask this of thee, raised and showered the powered bestowed upon me and unleashed the goddess that resides within me!"
Pagkabigkas ko ng mga salita ay biglang nagliwanag ang buwan at kasabay nito ang pagtama saakin ng kakaibang liwanag na nagmumula sa buwan at kusa itong pumasok sa katawan ko at nawala ang nararamdaman kong sakit.
Patuloy ang pagtama saakin ng liwanag ng buwan hanggang sa unti-unti akong lumulutang sa ere at malayang tinanggap ang liwanag ng buwan.
"AAAHHH!!!"
~~
Yes! Update is now here, pasensiya sa matagal na update since kakatapos lang ng midterm namin, ingat sa virus guys, always wash your hands and umiwas sa maraming tao at wag munang lalabas. Keep safe.
Pls vote and comment.
Thank you :)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top