21 /The Demon/


Malia's POV

Alam ko'na kung saan ang kuta ng mga rebeldeng mga magicians, marami sila at sa wari ko ay nasa limampu ang bilang nilang lahat, naiisip ko rin na isa sakanila ang natataglay ng kakaibang magic dahil sa nakasagupa ko noong isang araw na marunong gumamit ng forbidden magic.

Sa totoo lang ay kayang-kaya ko silang patumbahin lahat pero sa katotohanang marunong silang gumamit ng pinagbabawal na mahika ay baka mahimatay ulit ako at makatulog ng isang araw dahilan pa kung sabay-sabay silang sumugod.

Mission namin ito at hindi ko pwedeng sarilihin nalang. Mas mabuti ng tapusin na ang pagrerebelde nila at para narin magkaroon ng kapayapaan sa nayon na'to. I immediately contacted my team through telepathy at mabilis ko naman silang nahanap at sinabi ang lokasyon ng kweba kung saan ang kuta ng Ravenight.

"Fallback Marliyah, natunugan nila tayo!" sabi ni Zach through telepathy.

"What? How? Nandito na ako bungad ng kweba!" sabi ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Just fallback, may naka-engkwentro kaming mga rebelde!" nagulat ako sa sigaw ni Prince Xyrell sa utak ko at napapikit pa ako.

"I can't, Amarra was dragged out, i just can't runaway and do nothing!" sabi ko at kitang-kita kong lumabas yung mga magicians sa kweba habang dala si Amarra.

Natunugan nga nila kami, hindi naman sila aalis ng hideout nila kung hindi nila alam na may nagmamanman sakanila.

"It's too dangerous Marliyah, atras na..." mahinahong sabi ni Princess Meredith.

"Tsskk!" asik naman ni Princess Victoria.

"Please Marliyah, masyadong mapanganib." nag-aalalang bulalas ni Melody.

"Sorry Melody, sorry guys. Don't worry i can handle it." i said and i cut our mindlinking.

"Bitawan niyo ko!"

Nagpupumiglas si Amarra habang kinakaladkad siya at nagsusumigaw at pilit na nanlalaban.

"Manahimik kang babae ka kung ayaw mong patayin kita!" bulyaw sakanya no'ng lalaki at malakas na sinampal dahilan para mapasubsob sa lupa si Amarra.

Mariin akong napapikit dahil ilalagay ko na naman ang sarili ko sa alanganin at hindi ko man lang naisip kung anong magiging kinalabasan ng padalos-dalos ko. Hindi naman pwedeng manood na lang ako at walang gawin.

"Let her go!"

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at malakas at matapang ko silang hinarap. Napatingin sila saakin at masamang tinitigan. Napangisi yung iba na tila ba nasisiyahan sa nakikita at yung iba naman ay tingin palang ay gusto na akong patayin.

"Sino ka? Lapastangan!" sigaw no'ng babaeng puro piercing ang mukha.

"Me? I'm your worst nightmare..." sagot ko.

"Hahaha!!!"

Sabay-sabay silang tumawa sa sinabi ko lalo na yung babaeng mukhang adik ang itsura, no offense but it's true.

"Run while we're being nice, or else you're deadmeat!" sigaw naman no'ng lalaking may hawak na axe, yung lalaking nagoyo ko.

Napangisi naman ako dahil doon, ako pa talaga ang tinakot niyo.

"Why should i? As if you can beat me?" mataray kong sabi at tinamaan naman ang ego nila at sabay-sabay ulit silang nangunot ang noo.

"You bitch! Kill her!"

Mabilis nila akong inatake at pinaulanan ng iba't-ibang offensive spells pero lahat ng yun walang epekto dahil sa protective barrier na ginawa ko, natutunaw ang kahit anong offensive spell at nawawalan ng bisa sa oras na tumama sa ginawa kong harang.

"Magician eh?"

Napatingin ako doon sa lalaking nagsalita, nakaupo siya sa malaking tipak ng bato at nakatitig sa gawi ko. Iba ang pakiramdam ko sakanya at sa tingin ko ay malakas siya.

"Let her go if y'all don't want to turned into ashes." sabi ko at itinuro si Amarra na hanggang ngayo'y nakalupasay sa lupa.

"At sino ka para utusan kami? Isa kang hangal!" angal no'ng lalaki.

"Believe me, you don't wanna know." sabi ko at inirapan siya.

"Maparas ka!"

Bigla niya akong sinugod at inatake, mabilis siyang nag-cast ng spell at dumagundong ang lupang kinatatayuan namin at lumutang ang dalawang malaking boulder at mabilis niya yung binato sa gawi ko.

"Bómbarda!" i also casted a counter spell at sumabog yung ginawa niyang boulder at nagkapira-piraso bago pa bumulusok sa gawi ko.

"Lacarnúm Inflamariús!"

Nag-cast ulit ako ng spell at ginawang nagbabagang bato yung mga nagkapira-pirasong boulder at pinabulusok sa gawi nila. Malakas ang impact kaya hindi nagawang makaiwas noong iba at tumilapon sa kung saan at warak ang katawan.

"Ahhh! Magbabayad kang babae ka!"

Sigaw no'ng lalaking nagoyo ko at mabilis akong sinugod gamit ang axe na hawak niya, akma niya itong ihahampas saakin ng pumitik ako at parang bulang naglaho ang hawak niyang axe at nagulat siya at kinuha ko yung pagkakataon atsaka ko siya pinuluputan ng baging at binato palayo.

"Nice..." komento no'ng lalaking nakaupo sa bato at parang walang pakialam sa mga kasama niya kung mapuruhan ko man sila o hindi.

Sumenyas siya sa mga kasama niya at sabay-sabay nila akong sinugod pero agad din silang tumilapon dahil sa ipoipong ginawa ko at inirapan yung lalaki.

"Awww, why did you cut the thrill so easily. I was amused by your actions, and you're beautiful by the way..." sabi no'ng lalaki at kinindatan pa ako.

Gusto kong masuka dahil doon, gustong-gusto ko siyang tirisin pero ramdam ko ang kakaiba niyang mahika at alam kong hindi siya basta-basta.

"I know, but don't be too much flattered by the fact that you are amused by my beauty." mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

Sinulyapan ko naman si Amarra at nakita kong may nakapulupot na baging sa paa nito.

"Shit! You're brave, i like your fighting spirit, your voice is so soft and feels like it was music to my ear, that makes me aroused." sabi niya in a seductive way at talagang nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.

"Bastos!" sabi ko at this time ako ang unang sumugod.

With my super speed i immediately jumped behind him atsaka ko siya malakas na sinipa pero agad din siyang nakaiwas at yung bato ang nasipa ko at nawarak dahil sa impact.

"You're wild baby, i like it!"

Napalaki ako ng mata dahil sa hindi ko inaasahan niyang kilos. I was froze for a second and i felt him behind me and whisper in my ear.

"Fvck you!"

Sa inis ko ay bigla akong nag-teleport sa likod niya atsaka ko siya pinatamaan ng solar beam. Tumilapon siya sa lakas at tumama sa bato.

"Haha fuck me baby!" sabi niya ng tumayo siya sa pagkakatilapon at umakto na para bang walang nangyari.

"Now it's my turned." sabi niya at ngumisi saakin.

I enhanced and widened my senses at mabilis na umiwas ng maramdaman ko ang atake niya, napadaing ako ng nagawa niya akong sugatan sa braso ko. Mabilis na tumulo ang dugo noon kaya napamura ako.

Doon ko nakita ang buong braso niya, kakaiba ang itsura ng braso niya kumpara sa normal na braso. Kulay itim at may matutulis na kaliskis at ang mga daliri nito ay kasing talim ng bagong hasa na espada, kita ko pang tumulo doon ang dugo ko.

"Sorry baby, you provoked me, that's why i hurted you." sabi niya at dinilaan ang palad niyang may dugo.

'My own blood'

In a blink of an eye, his mood suddenly change and creeps me out, bigla siyang nagsisigaw matapos matikman ang dugo ko at hawak niya ang ulo niya na para bang nasasaktan. Napaatras ako ng bigla siyang napaluhod at napahawak sa lalamunan niya at nagsisigaw at may usok na lumabas sa katawan niya na para bang nasusunog.

Mabilis kong pinakawalan si Amarra sa pagkakapulupot at lumayo doon sa lalaki.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Amarra pero hindi siya sumagot at nakatingin lang sa sugat ko.

"You're bleeding." sabi niya.

"I know but first let's get out of here." sabi ko dahil eto na ang chance namin para tumakas.

"No, we need to kill Nyx before he transformed." sabi niya at kumunot ang noo ko.

"Who's Nyx?" taka kong tanong at tinuro niya yung lalaking nakasagupa ko.

"AAAHHH!!!"

Gulat kaming napatingin kay Nyx ng unti-unti siyang nagpalit ng itsura, mula sa makisig na lalaki na bastos na manyak hanggang sa isang naging dambuhalang demonyo.

'The Demon'

~~
Sorry mabagal ang update, isama pang sobrang plain ng chapter na'to. Pasensiya na, see'yah in my next update.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top