16 /Finals/

Click the video to play the music...

Marliyah's POV

Agad din kaming bumalik sa AMA pagkatapos naming mamasyal sa bayan, at ngayon nandito kami sa stadium para manood ng live performance ni Melody sa sinalihan niyang banda.

Si Melody ang lead vocalist at todo cheer naman kami ni Scarlet para suportahan siya. Marami na din tao dito sa loob ng stadium at karamihan ay kapwa ko estudyante mula sa iba't-ibang Academies dito sa Agartha.

Legends never die ft. against and current. Ang napiling kanta ni Melody at nagsimulang tumugtog ang instrument atsaka kumanta si Melody.

Legends never die, when the world is calling you

Can you hear them screaming out your name

Legends never die, they became apart of you

Everytime you bleed for reaching greatness, relentless you survive...

Dumagundong ang hiyawan ng bumalot sa buong stadium ang malamig at magandang boses ni Melody, first time ko siyang marinig kumanta at hindi ko alam na magaling pala talaga siya, nasa dugo na niya ang salitang music.

Mas naghiyawan at mas naging exciting pa no'ng chorus at climax na ng kanta dahil may confetti effects pa at pasabog na dumagdag sa ganda ng performance ni Melody, isama pa ang buhay na buhay na crowd.

"Waaahhh! Ang galing mo Melody, bestfriend ko yan!" sigaw ni Scarlet kaya natawa ako.

"Hahaha! Ako din!"

Natapos ang performance ni Melody ng masaya at maayos. Masaya ako para may Melody dahil nagawa niya ang bagay na talagang nagpapasaya sakanya, malaya siyang nagagawa ang mga bagay-bagay at ganoon din si Scarlet, masaya akong naging kaibigan ko sila.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayong araw ang finals ng Magic Games, nauna na sila Melody at Scarlet sa arena dahil may iniutos pa saakin, lakad takbo ang ginagawa ko para lang makapunta agad sa arena matapos kong gawin yung iniutos nila saakin.

"Oh god!"

Mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes ko at hindi ko siya tuluyang nabangga. Napatingin ako sakanya ng bigla-bigla nalang siyang sumusulpot sa harapan ko.

"What do you want?" i asked him while seeking for an answer.

"You know what I'm going to say." sagot niya sa malalim na boses.

"And you know my answer is still no." sagot ko.

He's still insisting me to join his group, i don't know what's in his mind to put me an highly group, they composed of Royals and I'm not.

"Why do you keep insisting me that? I've already rejected your offer many times, i don't want to be part nor to joined." sabi ko pero hindi naman siya natinag.

Knowing Prince Xyrell, he's persistent and fierce. He'll do everything he want in his own way, whether you like it or not, well except for me.

"You knew me, my offer is still, i only accept your permission not rejection. Be part of Royal Bearers." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I'll give you until the Magic Games is over. See you around." sabi niya at tuluyang umalis sa harap ko.

How dare him to say what I'm going to do. Umiling nalang ako at kunot noong naglakad papunta sa arena kung nasaan sina Melody at Scarlet, may kasalukuyan na ding may naglalaban.

"What took you so long? The game already started." sabi ni Scarlet na sinang-ayunan naman ni Melody.

"Naligaw ako haha." dahilan ko at natawa kunwari.

"Ganon? Tagal-tagal mona dito naliligaw ka parin." sabi naman ni Melody.

"Well, ako din naman minsan. Ang laki naman kasi ng AMA." sabi naman ni Scarlet kaya natawa nalang kaming tatlo.

Nahagip ng mga mata ko si Prince Xyrell na nakaupo sa upuan nilang mga Royal Bearers at nakatingin din siya saakin, umiwas ako dahil ayokong mainis ng tuluyan.

Mabilis na nagtuloy-tuloy ang laban at ngayon si Scarlet ang mauuna saaming tatlo. Galing sa Washervail Kingdom ang makakalaban ni Scarlet na siya rin niyang pinagmulan na kaharian.

Binigay ang signal at parehong nakatayo si Scarlet at yung babaeng kalaban niya sa gitna ng fighting platform, water element ang magic attribute ng kalaban niya na siyang common magic sa kaharian ng Washervail.

Same with Scarlet, water element is one of her magic attributes but she mainly uses weather formations. Her opponent started first to attacked, gumawa ng water balls yung babae at binato kay Scarlet.

Scarlet counter her attacked and turned it into ice spikes, she combined it with water whirlpool. Nagmistulang ipo-ipo yung ginawang atake ni Scarlet at tumama sa gawi no'ng babae yung mga matutulis na yelo.

Nadaplisan sa tagiliran yung kalaban niya at kitang-kita namin sa hologram ang pagngitngit niya. She casted another spell, it was water cannon at doble ang bilis at lakas nito pero agad din namang nakagawa ng water barrier si Scarlet.

Scarlet's eyes turned into white ang she started to flew, kasabay noon ang pagdilim ng kalangitan, malakas na hangin at nagngangalit na mga kulog at kidlat. Tinaas ni Scarlet ang dalawang palad niya at doon dumaan ang malalakas na boltahe ng kidlat at walang alinlangan niyang pinatama yun sa kalaban niya.

Walang nagawa yung kalaban niya ng tuluyan na itong nahulog sa platform at kasabay noon ang malakas na hiyawan ng lahat. The victory was ours once again.

"Yie ang galing talaga." puri ni Melody kay Scarlet.

"Haha di naman, warm lang yun eh." sabi naman ni Scarlet.

"Ay kakaiba ka pala mag-warm up haha, natusta mo yata yung kalaban." sabi ko at natawa sila.

The Magic Games started with a great game, nagtuloy-tuloy ang laban ng bawat Academies at nangunguna ang AMA sa pinaka-maraming panalo, sumunod ang iba pang kilalang Academies.

This time si Melody naman ang susunod na lalaban, masaya siyang naglakad pababa habang nagchi-cheer ang karamihan at ganoon din kami ni Scarlet.

Galing sa Findora Kingdom ang makakalaban ni Melody at hindi ko alam kung sino ang mananalo sakanilang dalawa, it's not that I'm underestimating Melody, i know she can do it.

Isang warlock ang makakalaban niya, Melody is mage, sa tingin ko magiging maayos ang laban. Mabilis na inilabas ni Melody yung microphone niya at nginisian yung warlock, hindi rin nagpatalo yung warlock at nginisian si Melody, nilabas din ng kalaban ang staff niya.

Isang Lance at itinutok nito kay Melody.

"Prepare to cry because victory is mine!" malakas na bulalas no'ng warlock kay Melody.

"Try me, or else you're the one who's gonna cry!" asik din ni Melody sa kalaban niya.

Si Melody ang unang umatake, she started to gather air in her lungs, alam ko'na ang atakeng gagawin niya kaya nagkatinginan kami ni Scarlet at mabilis naming tinakpan ang tenga namin.

"AAAHHH!!!"

Malakas na sumigaw si Melody na siyang nakapag-pagimbal saamin dahil halos mabasag ang eardrums namin sa sobrang lakas ng sigaw niya, lahat kami napatakip ng tenga. Her sonic scream is stunning.

Napatakip din ng tenga ang kalaban niya at napaatras at kinuha yung chance ni Melody para umatake ulit dahil hindi pa nakaka-recover yung kalaban niya. Agad siyang gumawa ng sonic blades at dinoble ang bilis at lakas nito.

Her sonic blades dashes to her opponent, hindi yun naiwasan ng kalaban at nasugatan siya sa halos buo niyang katawan, umatake ulit si Melody sa huling pagkakataon, mabilis niyang sinipa sa tiyan yung lalaki na siyang naging hudyat niya para mahulog sa platform.

"Yesss!!!"

Nagtatalon si Melody at umakyat sa gawi namin, binati namin siya at ganon din yung iba.

"Taray naman, ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon umatake yung kalaban mo." sabi ko.

"Ganon talaga, maganda ako eh." pagbubuhat niya ng bangko.

"Aba! Mas maganda ako." asik naman ni Scarlet.

"Ano ba! Mas maganda ako sainyo..." asar ko naman at natawa kaming tatlo.

Marami pang mga kalahok ang naglaban-laban at mas naging exciting ang laban dahil sa mga ina-anunsiyo nilang makakalaban namin ang mga Royal Bearers sa semi finals. Maraming natuwa dahil makakalaban nila ang mga tagapangalaga ng mga crystals.

Napansin ko ang mga matang nakatingin saakin at nakita ko ang malamlam at crimson eyes ni Prince Xyrell na nakatingin sa gawi ko, hindi ko alam kung bakit siya nakatingin saakin at wala akong pakialam.

~~
Ey yow! The long wait is over and here's the update check.

Sa wakas nakapag-update na rin, hindi ko alam kung kailan pa yung huli kong update but here it is now. I hope you liked it.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top