12 /Magic Games/


Marliyah's POV

Masaya at naging maayos ang simula ng Magic Games ng Festival of Magic kaya mas lalo kaming ginaganahan, sa mga nakalipas na mga manlalaro at sasabak palang ay kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nila.

Kasalukuyang naglalaban ang Verenox Academy ng Findora Kingdom laban sa Trinity Academy ng Washervail Kingdom. Parehong malakas ang dalawa at unang laban palang ay malalakas na atake na ang pinakakawalan nila.

Muli silang bumato ng atake sa isa't-isa at nagbigay yun ng malakas na pagsabog sa buong Arena at nagpakawala ng usok, well built protected ang mga manonood na kagaya ko sa Arena dahil may barrier na bumabalot sa buong Arena dahilan para yung mga naglalaban sa platform sa baba ang maaapektuhan sa mga nagaganap na pagsabog sa mga atake ng bawat kalahok.

Nawala ang usok at tumambad ang parehong nakahandusay na katawan ng dalawang kalahok at patas ang laban kaya sa parehong Academy napunta ang panalo. Nagsigawan ang lahat dahil doon at mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng tawagin na ang pangalan ng Academy namin.

"Let's all welcome Melody Harper of Atlantis Magic Academy VS Sophia Bliss of Terabithia Academy!"

Malakas kaming sumigaw ng si Melody na ang unang lalaban para sa Academy namin, galing sa Terabithia Academy ng Elisora Kingdom ang makakalaban ni Melody. Masaya namang bumaba si Melody at kumaway-kaway pa at sobrang taas ng confidence ng babaeng 'to.

"Go Melody! Crush her!" malakas ni sigaw ni Scarlet na nasa tabi ko kaya pumalakpak nalang ako.

Tuluyan ng nakababa si Melody at diretso sa platform kung saan sila maglalaban at nakaabang na ang kalaban niya. Hindi ako kinakabahan para kay Melody dahil alam ko namang mapapanalo niya ang laban na'to, isa pa, top 3 siya sa top 100 examiners noong entrance exam ng AMA.

Melody's POV

Oh my god! Ako ang unang lalaban para sa Academy namin, dahil ako ang unang lalaban sisiguraduhin kong saakin mapupunta ang panalo. Isang linggo naming pinaghandaan nina Marliyah at Scarlet 'to at ayokong mapunta lang sa wala ang pinaghirapan namin.

Well kapag sinabi kong seryoso ako, seryoso talaga ako. Narinig ko pa ang mga sigaw ng mga kaibigan ko kaya mas lalong lumakas ang kumpiyansiya ko, napatingin ako sa gawi ni Zach at nakatingin din siya sa gawi namin, nahagip din ng mata ko yung Cynthia dahil katabi niya ito sa upuan, inirapan ko siya at hinarap ang kalaban ko.

"Well I'm expecting that my first fight will be very exciting, I've never expected that'll you be my opponent." sabi no'ng kalaban ko at tinignan ako na para bang wala akong laban sakanya.

Ngumisi ako at pinakita ko ang cold kong itsura. I ease myself para barahin siya at tarayan.

"Neither do i. Well I'm atleast expecting a worthy opponent, that'll surprass my magic and strength. Hindi ko aakalain na ikaw lang ang makakalaban ko." i said to her between my bitchyness.

Nakita ko kung paanong nagngitngit ang itsura niya matapos ang sinabi ko kaya mas lalo akong napangiti dahil doon. Pikon pala ang babaeng 'to.

"You bitch! Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa labang 'to!" sigaw niya at mabilis na sumugod ng binigay ang hudyat ng laban namin.

Mabilis ang kilos niya at malakas na tumalon at binigyan ako isang sipa pero agad din akong nakaiwas at mabilis kong inigalaw ang kamay ko para suntukin at naiwasan din niya yun.

Based on her attack, techniques and style, she's a summoner. Hindi nga ako nagkamali ng itaas niya ang palad niya at nagbigkas ng spell at lumabas ang isang magic circle at iniluwa nito ang isang buffalo.

Isang uri ng Agarthan creature kung saan ang itsura nito ay may tatlong matatalim na sungay, matatalas na ngipin, malaking katawan at may apat na buntot. Napangisi siya ng utusan niya ang alaga niya para sugurin ako.

Hindi naman ako nagpasindak at malakas akong tumalon patalikod at sunod-sunod akong nagpalabas ng sonic blades at tumama yun sa buffalo para mapuruhan ko ang paa at buntot nito na nahati sa talim ng sonic blades ko.

"So you're a Mage huh!" sabi ng kalaban ko.

"And you're a Summoner." sabi ko.

Mabilis ulit na umatake saakin yung buffalo at mas mabilis na ito kumpara kanina, nahagip pa ng mata ko yung kalaban ko ng magngitngit siya dahil napuruhan ko ulit yung alaga niya gamit ang sonic blades ko.

Kailangan ko siyang mapatumba para makakuha ng dalawang puntos para saakin na ang panalo. Mas dinoble ko pa ang sonic blades ko at tinira ko ang paa ng buffalo para tuluyan na itong hindi makatayo.

Walang nagawa yung babae kundi pabalikin yung alaga niya dahil hindi na nito kayang lumaban, mabilis ulit na nag-summoned yung babae pero inunahan ko'na siya at pinaulanan ko siya ng sonic spikes at sonic blades.

Natumba siya kaya napunta saakin ang 1 point dahilan para magsigawan ang lahat, lalo na ang mga taga AMA. Isang puntos pa para ako na ang tanghaling panalo.

"Told you, you're not a worthy opponent." asar ko pa doon sa babae at talagang namumula na siya sa galit at hiya.

"You'll pay for this!" sabi niya at nag-summoned ulit ng alaga niya.

Tinawag niya ang isang malaki at mabangis na kabayo. Isang Obsidian Horse kung saan naka-engkwentro namin noong nakaraang dalawang linggo, medyo napaatras pa ako dahil alam ko kung gaano kalakas ang isang Obsisian Horse at hindi ko aakalain na kayang mag-summoned ng mabangis na creature ang babaeng 'to.

"Scared? I'm going to end you right now!" sigaw niya at inutusan yung kabayo at mabilis na tumakbo yun sa gawi ko.

Sa bilis ng takbo ng kabayo ay nagawa ako nitong sipain dahilan para tumilapon ako, mabilis din akong gumalaw at maling kilos lang ay tuluyan na akong mahuhulog sa platform. Hindi ako pwedeng matalo sa labang 'to.

"Hahaha! You're lucky enough that you still standing in front of me." natatawa niyang sabi kaya ako naman ang nainis sa tinuran niya.

Muli niyang inutusan yung kabayo para sugurin ako kaya agad akong tumalon palayo sakanya at binigyan ng magkasamang sonic spikes at sonic blades, nadaplisan yung kabayo pero hindi sapat yun para matumba siya.

"Now die!!!" sigaw ulit niya at muling sumugod saakin yung kabayo.

I immediately uses my sonic dash at pwersahang sinipa yung kabayo dahilan para matumba siya at ginawa ang huli kong atake. Mabilis kong inilabas ang microphone ko at kumuha ng maraming hangin sa baga ko at nginisian ko pa yung babae bago ako tuluyang sumigaw ng sobrang lakas.

"AAAAHHHH!!!"

I uses my super sonic scream at napatakip siya ng tenga at nagwala naman yung alaga niyang kabayo dahil sa masakit at nakakabingi kong sigaw, nakita ko kung paano siyang sumigaw sa rindi dahilan para dumugo ang tenga niya.

Agad kong tinapos ang laban at mabilis ko siyang sinugod at malakas na sinipa at tuluyan siyang nahulog sa platform upang ako ang tanghalin na panalo sa unang laban ko at ng Atlantis Magic Academy.

"And the winner is Melody Harper from Atlantis Magic Academy!"

Naghiyawan ang lahat kaya sobra ang galak sa dibdib ko. Mabilis akong naglakad palabas ng platform at sinalubong ako nina Scarlet at Marliyah.

"Melody ang galing mo!" sabi ni Scarlet at niyakap pa ako.

"Sabi na eh, congrats, you did great." sabi naman ni Marliyah at niyakap din ako.

Nagyakapan kaming tatlo dahil doon at binati pa ako ng iba kaya nginitian ko nalang sila. Mabilis ang pangyayari at sumunod namang lalaban ay si Scarlet.

~~
Eyy guys! I just want to say that it'll be contain different POV's for upcoming chapters, since i want to give an exposure of my characters.

I also want to clarify that in chapter 4 and chapter 11, Red Zone and Dungeon of Reapers was completely the same, the different between the two was, Red Zone is the border of the Dungeon of Reapers. I hope you understand it.

Yung mga silent readers din dyan, paramdam naman kayo.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top