10 /Elites/


Marliyah's POV

"HEEYYAAHH!"

Malakas na humalinghing yung Obsidian Horse at nanglilisik na nakatingin saamin, walang anu-ano'y bigla itong sumugod sa gawi namin at buti nalang agad akong nakagawa ng barrier at napaatras yung kabayo sa lakas ng impact.

"Girls atras, palibutan natin yung kabayo. Ako ng bahala dito sa gitna!" malakas kong sabi at tumango naman si Melody at Scarlet at pumunta sa kaliwa't-kanang bahagi ng kabayo, samantalang ako ay nasa gitna.

"Everté Bombarda Statum!" Scarlet casted a explosive bomb towards the Obsidian Horse. Hindi nakailag yung kabayo kaya natamaan siya sa tagiliran.

Mas lalong humalinghing yung kabayo dahil sa atake ni Scarlet kaya siya ang sinugod nito, mabilis namang nakalayo si Scarlet bago pa siya masipa ng kabayo.

"Sonic Screaaammm!" malakas na sumigaw si Melody at nagkaroon ng sonic waves na tumama sa kabayo.

Napatakip ako ng tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Melody na halos mabasag na ang eardrums ko, nabulabog din ang ibang mga ibang hayop at nagsiliparan naman ang mga ibon dahil sa nakabibinging sigaw ni Melody.

Mabilis akong gumalaw ng mawala sa konsentrasyon yung kabayo kaya agad kong pinulupotan ang mga paa ng kabayo ng makakapal na baging. Nagpumiglas yung kabayo at kawala din sa baging.

Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang isang Obsidian Horse, nakakita na naman na ako ng iba't-ibang uri ng mythical creatures pero iba ang isang 'to, masyadong malakas at hindi tinatablan ng mga atake namin.

"Marliyah watch out!" rinig kong sigaw ni Melody atsaka mabilis na umatake yung kabayo sa gawi ko.

Nasangga ko ang malakas na sipa ng kabayo pero tumilapon din ako dahil sa lakas ng impact. I was about to hit the tree pero may dalawang bisig na sumalo saakin at hindi ako tuluyang tumama sa puno.

"Are you okay? Are you hurt?" tanong niya pagkatapos akong maibaba sa pagkakabuhat.

"No I'm okay, this isn't the right time to asked a question liked that Zach." sabi ko at na-gets naman niya ang punto ko.

Doon ko din napansin na kasama niya ang lima pang members ng Elites, napatingin sila saakin pero agad din akong umiwas ng tingin at hinarap yung kabayo.

"Liyah no! Stay back, kami ng bahala dito." pigil saakin ni Zach ng tangkain ko ulit na sumugod.

"But my friends." angal ko.

"No buts, kami ng bahala, just stay back. I'll get your friends." pilit niya atsaka sumugod doon sa Obsidian Horse at sumugod naman ang iba pang Elites.

Kita ko kung paanong inilayo ni Zach si Melody at Scarlet at dinala sa gawi ko at agad ding bumalik kung nasaan ang Obsidian Horse. Habol-habol ni Melody at Scarlet ang hininga nila.

"Hey! Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ko kila Scarlet at Melody.

"Y-yes, I'm fine." sabi ni Scarlet at napaupo pa sa putol na troso.

"I'm fine, did Zach literally saved me?" sabi ni Melody habang nakahawak pa sa dibdib.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na okay lang sila, hindi ko rin maiwasang umangil dahil kay Melody dahil nakukuha niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon, nasa bingit na kami ng kamatayan dahil lang sa isang malakas at mapanganib na kabayo. I know i can handle that obsidian horse by myself but Elites already taking that up.

'Naunahan lang ako'

Umiling nalang ako at tinignan ang Elites at si Zach na siyang leader ng grupo. Anim silang lahat at pinalibutan yung nagwawalang kabayo at anumang segundo ay pwedeng umatake.

"Elites ready! Phase 1, immobilized the target!" sigaw ni Zach at gumalaw naman yung dalawang Elites at inatake yung kabayo at natumba ito sa lakas ng impact at hindi agad nakatayo.

"Phase 2, locked the target!" sigaw ulit ni Zach at gumalaw din yung babae at lalaking Elites.

Lumabas sa lupa ang mga naglalakihang baging at mabilis nitong pinuluputan yung kabayo na hirap parin sa pagtayo, lalo itong nagwala ng bumalot sa katawan niya ang mga baging na mas lalong nagpahirap sakanya.

"Phase 3, finished the target!" muling sigaw ni Zach at kasama niyang umatake yung babaeng red hair.

Sabay na inatake nila yung kabayo sapat para tuluyang matalo yung malaki at mabangis na kabayo. Pinalibutan ulit ng Elites yung kabayo at sabay-sabay silang nag-chant at nagkaroon ng magic circle sa mismong kinahihigaan ng kabayo at unti-unti siya nitong nilamon hanggang sa tuluyan ng nawala.

"Good job Elites!" rinig kong puri ni Zach sa mga ka-grupo niya.

'I think it's done'

"Ang galing, sobrang cool ni Zach!" bulalas ni Melody at pumalakpak pa.

Nagkatinginan kami ni Melody at sabay na umiling dahil sa kakikayan ni Melody. Naglakad sa gawi namin yung Elites at nakatingin saakin si Zach na para bang sinasabi niyang ang astig ko look kaya mabilis ko siyang inirapan.

"Next time, learned to respect others, whether it is a creature or not. I can't believed these freshmen causing already troubles." sabi no'ng babaeng red hair at pinaringgan pa kami at tumingin kay Melody.

"It's okay Cynthia, it's already done. Aksidente ang nangyari." sabat ni Zach don sa babaeng red hair na nagngangalang Cynthia.

"Tsk!" asik niya at nagpaumunang umalis.

"I'm sorry in behalf of her, wala lang siya sa mood." sabi no'ng lalaking Elites saamin.

"Yeah sorry." paumanhin pa ni Scarlet.

Naglakad na sila palabas at tinaasan ko pa ng kilay si Zach ng siningkitan niya ako ng tingin.

"Troublemaker as ever..." sabi niya habang umiiling at naglakad paalis.

I whispered some spell at napilok siya at napaupo sa lupa pero agad din namang tumayo at pinilit na maging cool at nagpalinga-linga pa kung may nakakita ba sakanya at mabilis na umalis na para bang walang nangyari.

"Pfffttt! Hahaha!" sabay kaming natawa ni Scarlet dahil nakita din niya yung nangyari.

"Nice one Marliyah." sabi niya.

"I know right." sabi ko naman.

"Why do you guys laughing?" takang tanong ni Melody at nagakibit balikat nalang kami ni Scarlet.

"Wala! Tara na, baka bumalik pa yung kabayo, sipain pa tayo." sabi ko at inaya silang lumabas ng Mystique Forrest.

Hindi namin nakompleto yung sangkap ng polly potion na gagawin namin dahil sa insidenteng nangyari kanina. Maiintindihan naman siguro ni Professor Jaime kung bakit hindi kami nakagawa ng potions na napili namin.

"Hayyss! Nakakapagod, daming ganap ngayong araw..." sabi ni Melody at pabagsak na humiga sa kama niya ng makarating kami sa dorm namin.

Ganoon din ang ginawa ko at ramdam ko din ang pagod dahil sa paikot-ikot namin sa gubat at isama pang may naka-engkwentro kaming wild na kabayo.

"Anyways! Badtrip ako sa isang Elites, yung Cynthia ang pangalan." biglang sabi ni Melody.

Nakapikit lang ako at sumagot ng nakapikit.

"Me too, she's so pessimist." sabi ko at rinig ko namang sumang-ayon siya.

"I know, she's also hot headed, isama mo pa yung nakakairita niyang pulang buhok. I don't really like her." sabi niya at hindi na ako magtataka dahil doon.

They're completely opposite, Cynthia has a red hair, while Melody has a blue green hair. Marami pa siyang sinabi na kinaaayawan niya kay Cynthia at nakikinig lang ako.

Hindi ko namalayan ang oras at tuluyan na akong binalot ng antok at pagod. Hindi ko narin narinig pa ang boses ni Melody at sa isip ko'y tulog na din siya.

'What a really tiring day'

~~
Eyy guys! It's been awhile since i last updated. Actually noong isang araw pa sana ako nakapag-UD and then suddenly nawala yung drafts ko kaya wala akong choice kundi ulitin from top to bottom. Inisip ko ulit yung mga nangyari sa scene na'to kaya natagalan. Niways, here the update.

Nasa 100+ na yung nagbabasa neto at alam kong silent readers yung iba. Mag-ingay naman kayo para mas ganahan pa ako.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top