SIMULA
SIMULA
"sino ka?, paano ka napasok dito?" kaba at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa nilalang na nasa harapan ko. sagrado ang lugar ko sa mga taong kagaya nila. paano siya nakapasok dito?
"kailangan ko pa bang sagutin ang katanungan nayan, gayong mawawala ka din naman" mabilis kong pinalabas ang aking espada na siyang nagsisimbolo ng aking estado. Kapansin pansin ang paglandas ng pagkamangha sa kaniyang mukha habang nakatanaw sa aking hawak.
"tunay ngang isa ka sa kanila. ngunit anong magagawa niyan gayong ikaw ang unang mawawala" hindi pa ako nakabawi dahil sa pagsasalita niya ng maramdaman ko nalamang ang paglandas ng sakit sa aking kanang dibdib. doon nakita ko ang pagtarak ng isang punyal na itim.
"p-a-anong napu-nta s-ayo ito?" hirap na tanong ko sa kaniya. ang punyal na ito. matagal nang itinapon sa maliblib ng lugar upang hindi na maging hadlang sa aming lahi.
"HAHAHAHA.. nagsisimula palang ako..pagbabayaran ninyong lahat ang ginawa niyo" ramdam ko ang panghihina kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. hindi ko na magawa pang igalaw ang mga kamay ko at unti unti na ding bumibigat ang paghinga ko.
naramdaman kong lumapit siya sa akin at ngayon nakikita ko na ng tuluyan ang mukha niya. halos manlaki ang mata ko sa gulat ng makilala ko ang taong ito.
Hindi...paanong nabuhay siya.. napansin ko ang pagngisi niya sa akin.
"isusunod ko na sila..." huling salitang narinig ko sa kaniya ng lamunin na ako ng kadaliman.
SA loob ng palasyo. mapapansin mo ang isang ginang na hirap na hirap sa paglalakad at pawang may tinatakasan. pumasok siya sa isang silid at doon natagpuan niya ang kaniyang pakay.
"Ma-hal na reyna" tawag niya sa taong ito. bakas sa reyna ang kaalaman na gustong ipabatid ng ginang.
"The Moon Goddess is dead" mahina ngunit seryosong saad ng reyna. bigla nalamang napaluhod ang ginang na siyang nakakakita ng propesiya.
"Magbabago ang hinaharap" saad ng ginang sa reyna. marahang tumango ang reyna at naglakad papalapit sa kaniyang bintana. at doon kapansin pansin ang unti unting paglaho ng buwan sa kalangitan. hindi nagtagal na puno ng dilim ang paligid ng buong Magical World.
Lahat ng mamayan ay nagtaka sa kagimbal gimbal na pangyayaring kanilang nasaksihan. Batid nilang may hindi magandang nangyari sa mga diyos at dyosa.
Hawak hawak ng reyna ang isang bola ng crystal na siyang nagbibigay ng ilaw sa paligid ng palasyo. Takot at pangamba ang kaniyang nararamdaman sa bawat isa. Hindi niya alam kong sino ang kanilang bagong kalaban. gayong napakalakas nito at nagawang pumatay ng isang Diyosa.
"Nagsisimula na" bulong ng reyna sa kawalan.
Lucy Pov.
After I go out to the portal all I can see are trees. I let out a heavy sigh because of all places bakit sa gitna ng gubat lumabas ang portal. Pwede naman sa labas na mismo ng gate ng bahay namin o hindi naman sa likod ng isang abandonadong building. bakit sa gitna ng gubat? why? crizzania pinapahirapan mo ba ako?.
bitbit ang bag ko mabigat ang paang nagsimula nang maglakad. Kung magtatagal pa ako dito segurado akong gagabihin ako bago makarating sa bahay. Hindi ko din alam kong saang bansa ako dinala ng portal. baka magulat nalang ako nasa paris pala ako.
Matapos ang mahaba habang lakaran. sa wakas nakikita ko na ang kalsada. Nang makalabas na ako ng tuluyan sa gubat nayun halos maglupasay na ako sa kalsada dahil sa pagod. halos pinagtitinginan na din ako ng mga taong dumadaan. hindi ko lang sila pinansin dahil nagugutom na din ako.
kanina pa nagaalburoto ang tiyan ko sa mahaba habang lakaran. dapat yata dinamihan ko ang kain ko bago ako umalis. kasi naman excited na akong umuwi. namimiss ko na sila mom at dad. Yung mga kasambahay sa bahay, yung driver namin tapos yung mga alaga kong aso.
sumigla ang mukha ko ng may matanaw akong paparating na bus.
"swerte ko talaga" bulong ko at mabilis na pumara. ng makahinto sa tapat ko ang bus mabilis na akong umakyat. napansin kong kunti palang ang pasahero ni kuya kaya Malaya akong makakapili ng magandang pwesto.
"Miss san ka patungo?" tanong sa akin ng kundoctor. napakamot naman ako sa ulo ko dahil nakalimutan ko ang address ko. ang tagal ko na kasing hindi nakakauwi hindi ko na matandaan.
"ah-eh.. manong sa malapit na mall nalang po" tumango naman ito sa akin at biglang naglahad ng kamay. mabilis naman akong kumuha ng pera at binayaran siya. buti nalang may binigay sa akin si Headmaster na pera.
Nang makaupo na ako. dumungaw ako sa bintana at naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko.
"na miss ko to" bulong ko at halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. I think nasa probinsya ako ngayon. marami kasi akong nakikitang mga rice field tapos yung ibang tao nagsasaka.
may kinawayan pa akong isang matanda na nagsasaka tapos halos matawa ako dahil kumaway din siya sa akin pabalik. ang babait nila.
Nang mapansin kong nasa syudad na kami halos matataas na building na ang natatanaw ko. walang pinagbago ganon pa din mas lalo yatang na pollution ang hangin dito.
"sinong baba diyan!" bigla akong napatayo ng makita kong nasa mall napala kami. nagpasalamat ako kay manong kondoctor at bumaba na. Nang makalapag ang paa ko sa lupa halos mamangha ako kasi may nakikita akong mga estudyante na naglalabasan sa mall. seguro mga nag cucuting tong mga to. ganyan din ako dati.
Tinignan ko kung anong address tong lugar na to. Malapit lang pala ako sa subdivision kong saan ang bahay namin. Subdivision lang kasi ang natatandaan ko pero yung exact address talaga. nako seguro natago ko na sa baul ng utak ko kaya di ko na mahagilap.
sumakay nalang ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Hindi din nagtagal nataw ko na ang pamilyar na gate. Nang makababa ako halos balutin ako ng kaba dahil paano ko ba ipapaliwanag kila Mom ang nangyari. Na after ng party kung saan kami pumunta ng mga kaibigan ko bigla nalang akong napunta sa lugar na puno ng mahika.
nako baka atakihin sa puso ang Dad ko pagnagkataon. nanginginig na pinindot ko ang doorbell ng bahay at napanguso ako dahil mukhang walang tao.
"ano ba yan. bakit walang nakakarinig sa akin" inis na bulong ko at pumindot ulit. sa pangalawang beses may narinig na akong sigaw mula sa loob.
"SANDALI! NANIYAN NA!" halos mapunit ang ngiti ko dahil narinig ko ang boses ni Inday. probinsyana talaga kasi may accent pa yung pagtatagalog niya.
"MAAM! JUSKO PO! IKAW PO BA IYAN??" halos matawa ako dahil sa reaction niya. umiiyak an din siya habang hindi makapaniwala na nasa harapan niya na ako.
"hahahaha. ako na to inday, tumahan kana" pagaalo ko sa kaniya.
"MAAM SAN PO KAYO NAGPUNTA! ALAM NIYO BA PINAHANAP NA KAYO NILA SIR AT MAAM SA MGA PULIS"
napakamot ako sa ulo ko dahil mukhang pinagalala ko talaga silang lahat. hinayaan ko na munang umiyak ng umiyak si inday at ng tumahan na siya don niya palang yata napansin na kanina pa kami sa labas ng gate.
"NAKO SORRY MAAM PASOK NA PO KAYO.. JUSKO"
"hahahaha.. okay lang. nasaan sila mom at dad?" pagtatanong ko kasi mukhang wala sila dito ngayon.
"business meeting po. pero uuwi po sila ngayon" napatango ako at gumayak na kami sa loob. ng makapasok ako sa loob halos humagalpak na ako satawa dahil sumigaw talaga si inday para tawagin ang lahat.
"NANDITO NA SI MAAM LUCY! MANANG! KUYA BADONG!"
"JUSKO PO!" una kong nakitang lumabas ay si manang. halos walang pinagbago sa mukha niya.
"manang!" tawag ko sa kaniya at mabilis ko siyang niyakap.
"nandito kana. umuwi kana" tinanguan ko siya.
"opo manang sorry po kung nawala ako at umalis na hindi nagpapaalam. sorry po" hingi ko ng tawad.
"nako po! segurado ako matutuwa ang Mommy at daddy mo nito" tumango ako sa kaniya. tinignan ko ang iba at hindi din sila magkamayaw kakaiyak.
Matapos naming magkwentuhan nila manang at inday pinagpahinga nila ako sa kwarto ko. ganon pa din ang ayus nito. napansin ko din ang ibang lumang gamit ko na nandidito pa din. Yung uniform ko nakasabit pa din sa closet ko katabi ng ID ko.
na miss ko to. pabagsak akong nahiga sa kama dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pagod dahil sa pangyayari. I think
This is the start of my new journey.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top