Chapter 9

Avoiding

"hindi ka ba papasok, at bakit naka tambay kana naman dito sa opisina ko?" hindi ko pinansin ang sinabi ng pinsan ko at bumalik sa pagkakahiga sa couch niya. I need to avoid people. baka maulit na naman ang nangyari kahapon.

halos mapuno ng tanong ang website ng school dahil sa nangyari kahapon sa field. Hindi ko alam kung naabot na ba ang balitang yun sa mga prof dito dahil mukhang hindi naman ako tinatanong ni insan tungkol don.

Ang tanga ko din naman kasi bakit kasi nagawa ko yun. pwede namang hayaan ko nalang kaso..papunta kay Aaron yung bola baka kung mapano siya.

I took my phone at binisita ulit ang website ng school. hindi na ako nagtaka pa nang nasa front page ng news ang article. Halos una kong nabasa ang headline "The ball Got melt! How it happened?"

Kitang kita sa video kung paano unti unting natunaw ang bola. napunta ako sa comment section at halos mapahilot ako sa sintido ko dahil sa mga nabasa.

"it's the first time I saw that"

"what happened?"

"the ball.. omy! I think someone prank it"

"no! I think it's not a prank, look how the ball got melt before it touch the guy"

"super human is real!"

"we need to catch who did that"

"Hindi ako naniniwala diyan! baka prank lang yan"

"edited"

"I think mga encanto gumawa niyan"

"monster"

Gusto kong magmura dahil sa mga nabasa ko. tinawag pa akong encanto sa ganda kong to? Encanto? eh kung gawin ko kaya siyang butiki. kainis tong mga estudyanteng to kung ano anong pinagsasabi.

pabalya ko nalang tinapon ang phone ko dahil ayaw ko nang makaranig pa tungkol kahapon. "kawawang Cellphone.." napangiwi naman ako dahil sa sinabi ng pinsan ko.

sinamaan ko siya ng tingin but he just ignore me. "kaya ko namang bumili ng bago" bulong ko but I now he heard me.

"kung naiinis kana. umalis kana dito.. nilalagyan mo ng bad vibes ang opisina ko" nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"hoy! ikaw ang bad vibes hindi ako" tinuro ko pa siya habang sinasamaan ng tingin. napansin ko ang pagtigil niya sa pagsusulat at tinignan ako.

"pumasok kana. hindi ka na excuse"

"ayuko" mabilis kong sagot at sumandal sa upuan. narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"bakit ba ayaw mong pumasok. nauna kapang nakarating dito sa opisina ko kaysa sakin?" tanong niya. totoo naman kasi 6am ako dumating at siya 7am. nagulat pa nga siya sa akin ng madatnan niya akong nakaupo sa upuan niya.

"ayaw ko lang bakit ba may problema ba don?" balik na tanong ko. alam kong papagalitan ako nila Mom kapag nalaman nilang nag cucuting ako. kaso ayaw ko talaga. nahihiya din akong makita si Aaron dahil sa nangyari kahapon.

alam kong gusto niya lang akong tulungan but I don't want him to know about my secret gayong hindi niya natatandaan ang lahat sa ghost life niya. ayaw ko naman siyang biglain sa lahat. baka tuluyan niya na akong iwan.

"may hindi ka sinasabi sa akin" iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa book shelves.

"Lucy"

"huh?" pagmamaang mangan ko. napahilot siya ng sintido niya kaya nginitian ko nalang siya.

"pumasok kana. ako nang bahala sa first subject mo" napanguso ako dahil ayaw ko talaga.

"dalian mo na. lilibre kita mamaya" halos manlaki ang mata ko pagkaranig ko nang magic word.

"sur- hindi.. ayaw ko. di mo ko madadala diyan" biglang tanggi ko dahil inuuto niya na naman ako.

"ipapahiram ko sayo ang card ko. take it or leave it?" napaisip naman ako dahil card nayun. daming laman na pera yun.

"deal" mabilis kong kinuha ang card niya sa desk niya at nagpaalam na aalis. Habang naglalakad napapaisip ako kung anong magandang pag gastusan ng pera niya.

"ilan kaya laman nito?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa hawak kong card. alam kong malaki ang sahod niya but I know malaki din ang mana niya. napangisi ako dahil alam kong mamumulubi siya sa akin ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko si aaron. napansin kong nakita niya ako. tatawagin ko ba siya?

"aa-" hindi ko nagawang isigaw ang pangalan niya ng bigla nalang siyang lumiko ng daan. napabuntong hininga nalang ako. kasalanan ko din naman eh.

Pabagsak akong naupo sa upuan ko sa classroom. napansin ko din ang pagbaling sa akin ni Tin and Evo.

"bad day?" mabilis akong tumango sa tanong ni Tin.

"bakit?" napabuntong hininga ako at inunan ang dalawang braso sa mesa.

"He's avoiding me" pagsusumbong ko sa kaniya. napansin ko ang pagatataka sa mukha ni Evo but Tin immediately Shook her head.

"ano bang ginawa mo?" napalabi ako at humarap sa kaniya.

"its my fault. kahapon kasi I know he want to help me..pero tinaboy ko siya"

"ay gaga" napangiwi ako dahil sa biglang sabi ni Tin sa akin.

"maka gaga nman to"

"ide tanga, yun nalang ang tanga mo" napakamot nalang ako sa batok ko dahil mukhang pati si Tin na stress sa akin.

"paano yan ngayon?"

"hindi ko alam"

"hayst.. fighting lang kaya mo yan" pagpapalakas niya sa loob ko. gusto ko nalang isubsob ang ulo ko sa desk dahil sa katangahan ko.

"Teka nga! hindi ko kayo maintindihan Babe"

"tumahik kanalang, usapang lablayp ni Lucy yun"

"oh, who's that guy?"

hinayaan ko nalang silang mag jowa na magusap dahil nawalan na talaga ako ng mood ngayon. dapat talaga hindi na ako pumasok at natulog nalang sa kwarto ko.

"By the way. do you heard what happened yesterday lucy?" biglang tanong ni Tin sa akin. mabilis naman akong umiling.

"ito ba yung about sa field?" tanong ni Evo sa kaniya. mabilis naman itong tumango.

"yup! nakita daw ng mga students kung paano natunaw bigla yung bola na parang nilagyan ng asido"

"I saw it sa website. akala ko prank lang yun"

"sira, hindi yun prank nandon din ako kahapon nanonood sa field" mabilis akong napaayos ng upo dahil sa sinabi ni Tin. She's there? did she saw me?

"nandoon ka kahapon?" mabilis kong pagtatanong. tumango naman siya sa akin.

"kitang kita ng dalawang mata ko kung paano natunaw yung bola. halos nga yung mga students na naglalaro hindi makapaniwala."

"ma-y alam na ba kayo kung paano nangyari yun?" umiling naman siya. palihim akong nagpasalamat dahil mukhang walang may nakapansin.

"Palaisipan pa din kung paano nangyari yun. ang alam ko dinala ng mga students yung natunaw na bola sa science lab para tignan"

"bakit daw?" nagkibit balikat naman si tin sa akin.

"ewan seguro para experimentuhan at malaman ang totoo" I know the students here are so smart that's why I need to get the sample before they knew everything.

Mapapahamak talaga ako pati na ang magical world kapag nalaman ng mga mortal ang tungkol sa amin. Bakit kasi hindi ako nagiingat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top