Chapter 8

Blood

Lunch break na at ngayon lang natapos ang ginagawa ko dito sa SSC office. Maybe I should resign. No! seguradong kakaltukan ako ng pinsan ko kapag ginawa ko yun.

"papasok kana mamaya?" napatango ako kay Tin dahil halos dalawang araw na magkakasunod akong hindi nakakapasok. Excuse naman ako but the learnings, nanghihinayang ako. Gusto ko namang grumaduate na may natutunan hindi yung puro trabaho lang ginagawa ko.

"Ibibigay ko nalang ang audit ng budget para sa gaganaping event this month sa treasurer natin. and I'm done makakapagpahinga na ako" I happily said to her. napansin ko naman ang pagiling niya sa reaction ko. itong taong to minsan ang lakas mangasar minsan naman ang badtrip kasama.

"Mauuna ba ang Foundation weeks sa intramurals?" biglang tanong niya. "oo..sabi ng Dean mas okay na daw yun kasi makaka enjoy muna ang mga players bago ang laro"

"mabuti naman..ide makakapagsaya pako" napatawa ako sa sinabi niya. she's a volleyball player at team captain kaya ganyan reaction niya.

"alis kana?" pagtatanong niya ng mapansing tumayo na ako sa pagkakaupo.

"oo..ihahatid ko pa to remember?" sabay pakita sa kaniya ng hawak kong folder.

"hintayin kanalang namin sa Caf? sabay na tayo mag lunch?"

"sure..just text me" sagot ko at iniwan ko na siya doon sa loob. habang naglalakad chineck ko ulit kong complete ba ang bitbit kong folder baka kasi may naiwan, babalikan ko pa ulit. nang mapansin kong nandito naman lahat tumuloy na ako sa paglalakad.

Liliko na dapat ako sa Art Department ng mapadaan ako sa Field. naagaw ng atensyon ko si aaron na masayang nakikipag laro ng football sa mga kaklase namin. He easily get attached to them huh.

Hindi naman ako magtataka pa don dahil kahit noon mabait at madaldal na siya. Sana maging ganon din siya sa akin ulit. nakakamiss ang mga ngiti niya kapag kinakausap ako. Habang pinapanood ko siya napansin ko ang tatamang bola papunta sa likuran niya.

Dahil sa reflexes ko mabilis kong naangat ang kamay ko at lumabas doon ang invisible needles. Halos balutin ako ng kaba ng mapansin kong gulat na gulat silang lahat sa nangyari. nakatingin lamang sila sa bolang bigla nalamang natunaw sa hindi malamang dahilan.

"anong nangyari?"

"yung bola"

"pre! aaron ayus kalang!?"

sunod sunod na ingay ang narinig ko at halos lahat ng estudyanteng nakasaksi sa pangyayari ay hindi magkamayaw sa kakatanong. Napaatras ako at mabilis na pinulot ang mga folder na nabitawan ko kanina dahil sa pagkabigla.

"shit I need to get out of here" bulong ko sa sarili. ramdam kong padami ng padami na ang mga estudyante. kaya nang mapansin kong walang nakatingin sa akin mabilis akong tumakbo papasok sa art department.

Hindi ko alam kong may nakakita ba sa ginawa ko ngunit sana wala. dahil kapag nagkataon hindi to maganda para sa sarili ko. bakit kasi bigla nalang kumawala ang kapangyarihan ko.

Kagat labing mabilis akong naglakad papunta sa room ng treasurer namin.

"lucy calm down" bulong ko dahil hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang marating ko na ang kwarto mahina akong kumatok. bumukas naman ito kaagad at bumungad sa akin ang masayang ngiti ni Stella.

"pres!" ngumiti ako sa kaniya at mabilis na inabot ang folder.

"budget for the upcoming event. ikaw na bahalang mag pa sign niyan sa dean para mabigyan na tayo ka agad ng school ng pera" utos ko sa kaniya. tinanguan niya naman ako at tinignan ang laman ng folder.

"thanks for this pres"

"no problem" nagpaalam ako sa kaniya at umalis na. Bigla namang kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom. ito na nga bang sinasabi ko palagi nalang akong nalilipasan ng gutom.

bagsak balikat akong naglalakad sa hallway ng bigla nalang may bumangga sa akin.

"aw" daing ko ng matumba ako at tumama ang siko sa railing. tinignan ko yun at napangiwi ako dahil may dugong lumabas.

"so-rry hindi ko sinasadya" dinig kong sabi ng taong bumangga sa akin.

"no.. it's ok-" napatigil ako sa pagsasalita ng hinarap ko ang taong yun. shit! bakit siya pa. mabilis kong tinago ang siko ko sa likuran ko at pinilit na tumayo but he still help me to get up.

"may sugat ka.. samahan na kita sa clinic"

"no..okay na ako. ako na bahalang maggamot nito"

"I insist kasalanan ko kung bakit nagkasugat ka" napatihimik ako at napansin ko ang pagtulo ng dugo ko sa sahig at halos magulantang ako ng biglang nagkabutas ng maliit ang tiles. shit!

"n-o ako nalang" pamimilit ko. dinaga na naman ako ng kaba. mabilis kong tinapakan ng paa ko ang sahig dahil baka mapansin niya bigla.

"bu-"

"I said im fine. no need to help me.. ako nang bahala dito" medyo napa seryoso ang sabi ko kaya bigla siyang napatahimik. napakagat naman ako sa ibabang labi dahil sa katangahan.

"Okay..maiwan na kita" napansin ko ang biglang paglamig ng boses niya at ngayon nakatanaw nalang ako sa likuran niya na unti unting lumalayo.

"sorry aaron" tinignan ko ang sugat ko at halos murahin ko na ito ngayon. I just let out a heavy sigh at magisang pumunta sa clinic. It's a good thing nang makapasok ako sa clinic wala ang nurse na nagbabantay dito.

Mabilis akong pumunta sa pinakasulok na bahagi ng kwarto at umupo sa kama. nilabas ko ang maliit na bote sa bulsa ko at binuhos iyon sa sugat ko. mabuti nalang palagi akong may dala nito.

It's a healing water galing kay Brent sabi niya kinuha niya pa daw ito sa Water Kingdom para kapag nagkasugat ako mapapagaling ko kaagad.

Nang mapansin kong naghilom na ang sugat ko siya namang bumukas ang pinto ng clinic. mabilis kong tinago ang maliit na bote sa bulsa ko at tinignan sino yun.

"oh! Ms. Lucy nandito ka pala. may masakit ba sayo kaya napadalaw ka?" nakangiting tanong ni Nurse Vicky ng makita niya ako.

"ah- m-edyo sumakit po ang ulo kaya hihingi po sana ako ng gamot" pagdadahilan ko.

"ah ganon ba.. wait lang kukuhanan lang kita"

"thank you po" nang makatalikod na siya sa akin napahinga ako ng maluwag. muntik nayun.

"here..kapag masakit pa din ang ulo mo, I advice mag take kana ng leave muna sa SSC office" inabot ko naman ang gamot na binigay niya.

"thank you po ulit Nurse"

"You're welcome" nang makapagpaalam na ako. mabilis akong umalis sa clinic at dumeretso sa cafeteria. alam kong kanina pa ako hinihintay ni Tin doon. alam kong bubulyawan niya na naman ako dahil ang tagal kong dumating. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top