Chapter 4
Meeting
Gusto kong magmura dahil halos antok na antok ako pa akong nagmamaneho ng sasakyan. Halos pilitin ko ang sarili kong bumangon at gumayak para pumasok ng maaga dahil sa utos ng pinsan ko. Hindi pa nakuntento. tinawagan pa ako para magising ako and he make sure na papasok ako ng maaga.
kung hindi lang dahil sa transferee na to masayang nakahilata ako ngayon sa kama ko at buong araw na tulog.
Nang makarating ako sa school halos kunti palang ang mga estudyanteng natatanaw ko. paano ba naman it's just 7am in the morning at halos 8:30 pa ang class hour. Bagsak balikat akong naglakad papunta sa gate at tumayo katabi nila manong guard. nagulat pa sila sa pagdating ko pero tumahimik nalang sila ng mapansin nilang wala ako sa mood ngayon.
Nakasandal lang ako sa pader ng Guard House habang naka cross arm. hawak hawak ko din ang folder kung saan nakalagay ang files ng Transferee. hindi ko naman pinagaksayahan pang tignan yun kagabi dahil tinatamad ako.
Seguro naman madali ko lang siyang mapapansin kapag pumasok siya. Bagong mukha eh.. kaya mahahalata ko talaga.
tinignan ko ang oras at halos 30 mins nakong naghihintay pero wala pa din.
"nasan na ba yun?" bulong ko sa sarili dahil bagot na bagot na talaga ako. nararamdaman ko na din ang pamamanhid ng paa ko sa kakatayo.
pasimple naman akong yumuko at hinilot ang paa ko. shit! ang sakit..
"miss?" tinignan ko ang tumawag sa akin at halos hindi ako makagalaw ng makita ko ang mukha niya.
Nakasabit ang bag niya sa kaniyang likuran. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya dahil hindi ko aakalain na makikita ko siya. parang nakalimutan kong huminga dahil sa pagkabigla.
"m-iss..okayy kalang?" napalunok ako at napakurap. umayos ako ng tayo at hinarap siya. bakit...bakit miss ang tawag niya sa akin? kahit nalilito ngumiti ako ng pilit.
"t-rans-feree?" mabilis naman siyang tumango sa akin. bakit ba hindi ko naisip na tignan ang files niya. bakit? pinipigilan ko ang luha ko habang nakatingin pa din sa mukha niya. Hindi ko magawang iaalis ang paningin ko dahil baka panaginip lang to lahat.
"the dean told me that someone will pick me here today..and I think it's you" marahan naman akong tumango."I'm Aaron.."Y-ou are?" napatingin ako sa kamay niyang inabot sa harapan ko. Hindi ko mahanap ang dila ko dahil sa kaba.
"L-ucy..just call me L-ucy" mahinang sambit ko ng pangalan ko at kahit nanginginig ang kamay ko nakipag shake hands pa din ako sa kaniya.
"A-hmm samahan na kita sa Dean Office?" pagiiba ko sa usapan. para kasing hindi ko nakakayanin pang makasama siya ngayon dahil ano mang oras parang sasabog na ang emosyon ko.
"sure" don't smile at me. baka hindi ko na kayanin pa at umiyak na talaga. Tinalikuran ko na siya at nauna nang maglakad. Don ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Palihim kong hinawakan ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis nitong kabog.
Masaya ako dahil nakita ko na siya. Masaya ako dahil nakausap at nahawakan ko na din siya sa wakas...ngunit nalulungkot ako...Hindi niya na ako nakikilala..Hindi niya na ako maalala.
Nang makarating kami sa Dean Office. Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok. naramdaman ko namang nakasunod siya sa likuran ko. Bumungad naman sa akin ang nagtatakang mukha ng pinsan ko.
"May nangyari ba?" mabilis akong umiling sa kaniya at tinuro ang kasama ko.
"oh! kasama mo na pala siya.. Hi..I'm Dean Austin Guillermo..its nice to finally meet you Mr. Aaron Salazar" Nakita ko namang nagkamayan silang dalawa. ako halos sa kaniya lang nakatingin. Hindi ko magawang iaalis ang paningin ko. naninibago ako sa itsura niya. ibang iba..
tahimik lang ako sa isang tabi at hinintay silang matapos sa paguusap. Binigay din ng pinsan ko ang schedule niya at ID. Nang matapos na sila humarap sa akin ang nakangiti kong pinsan. wala ako sa mood makipag asaran sa kaniya ngayon.
"I think do you know each other... she's the SSC president of this school and also my cousin..I hope magkasundo kayong dalawa. siya na din bahalang mag Tour sayo dito sa buong Campus"
"Thank You Dean" paalam ni Aaron at yumuko pa. hindi na ako nagabala pang magpaalam sa pinsan ko at nauna nang lumabas sa opisina niya. Hinintay ko namang sumunod na lumabas si Aaron at nang nasa harapan ko na siya ngayon.. nabalot kami ng katahimikan.
"s-o where do you want to start?" pagtatanong ko. I need to compose my self baka kapag hinayaan kong pangunahan ako ng emosyon ko ma sabi ko ang lahat sa kaniya.
"you choose.. okay lang naman sa akin kung saan.. at the end mapupuntahan din naman natin lahat" I let out a heavy sigh at bahagyang tumango sa sinabi niya. Una naming pinuntahan ang Library dahil ito ang pinakamalpit.
"There's another Library here... but mostly dito lahat pumupunta.." napansin ko naman ang pagtatango niya. "but if you don't want a crowded place doon ang perfect place para sayo.. you can go to the second floor at mabilis mo siyang makikita don sa right side"
Dumaan kami sa soccer field at sumunod naman ang ibang building. tahimik lang siyang nakasunod sa akin at hindi gumagawa ng ingay. parang mawawalan na nga ako ng boses dahil kanina pa ako nagsasalita.
napatingin ako sa relo ko at malapit na pala ang break time. tamang tama dahil last ang cafeteria ang pupuntahan namin.
"lastly this is the cafeteria" sabi ko ng makapasok kami sa loob. halos may ilang students na akong nakikitang nag memeryenda.
"gusto mong kumain muna?" he nodded his head at halos gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil parang bagot na bagot na siya.
ginayak ko siya sa isang bakanteng upuan at ako na ang umorder para sa kaniya. Inisip ko naman kung anong gusto niyang kainin dahil nakalimutan kong magtanong. Nalala ko naman ang kung ano ito at Masaya akong umorder.
"here" abot ko sa kaniya ng isang zesto at egg sandwich. napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya kaya mas lalo akong ngumiti.
"h-ow do you know that I like eating this?" taka niyang tanong at mabilis na nilantakan ang binili ko. nagkibit balikat naman ako sa kaniya." y-an lang kasi ang available" pagdadahilan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na alam ko ang tungkol sa buhay niya.
tahimik lang akong nakatingin sa kaniya at nawala na sa isipan kong kumain dahil nasisiyahan akong makita siya. I miss this.. I miss being with him.
na miss kong makipagusap sa kaniya.. na miss ko lahat ng sa kaniya..presensya niya.
"Lucy are you okay?" napabalik naman ako sa ulirat ng bigla siyang magsalita. Napatingin ako sa kamay ko ng may makapa akong basa sa mukha ko.
"b-akit ka umiiyak?" mabilis akong yumuko at pinunsan ang mukha."wa-la napuwing lang ako"
"are you sure?" mabilis akong tumango sa kaniya at ngumiti ng pilit.
"if your okay here.. pwede na ba kitang iwan? nakalimutan ko kasi may gagawin pa pala ako sa SSC office" I want to get out of here..Please say yes.
"sure." after I heard that to him mabilis na akong tumayo at naglakad palayo sa kaniya.
I'm sorry.. I just cant take it anymore. kanina pa sumisikip ang dibdib ko dahil sa matinding pagpigil ng emosyon. ng makalayo na ako sa cafeteria tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko sa mata.
"w-hy?" tanong ko sa gitna ng iyak. Why aaron? bakit kinalimutan mo ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top