Chapter 11
Familiar
"una na ako?" tinanguan ko si tin ng magpaalam siya sa akin na mauuna na siya sa room. inayos ko naman ang gamit ko at tumayo na. tinignan ko si aaron at napansin kong nakatulog na siya sa couch. lumapit ako sa kaniya at tinignan siya. Hindi ko maalis ang paningin ko sa mukha niya. napakaamo nito.
umupo ako sa harapan niya at hinawakan ko ang buhok niya.
"you sleep the same" bulong ko habang dahan dahang hinahawi ang buhok niya. ganon pa din siya matulog. alam ko noon na palagi niya akong binabantayan matulog kaya kapag nagigising ako siya naman ang binabantayan ko ng palihim.
I miss the old time. I miss our bond together. hinawakan ko ang pisngi niya. "why you forget me?" ang himbing ng tulog niya but I need to wake him up. malelate kami sa first subject namin.
"aaron.. wake up" napansin ko ang pagdahan dahang pagmulat ng mata niya at parang napako ang mata ko sa mga mata niya. Hindi ko magawang iaalis ang kamay ko nakadampi pa din sa mukha niya dahil parang natuod ako sa kinalalagyan ko.
"l-ucy" mabilis akong lumayo at tumayo kaagad. inayos ko ang sarili ko at iniwas ang paningin.
"kailangan na nating pumasok. tara na" aya ko sa kaniya at nauna nang maglakad papalabas ng SSC office. naramdaman ko namang nakasunod na din siya sa akin.
"lucy..wait" napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang pulsuhan ko. napatingin ako sa kaniya but I immediately averted my eyes.
"hey.. ok kalang ba?" bahagya akong tumango.
"I'm fine"
"sure?" nginitian ko naman siya before I assure him that im really fine.
"ok.. tayo na?" tayo na? anong sinasabi niyang tayo na?
"tayo na sa room?" paguulit niya kaya napatango ako. tanga! kung ano anong pumapasok sa kokote ko. naglalakad na kami ngayon papuntang room but still he's holding my hands. hindi ko naman magawang alisin ito dahil aaminin ko nasasayahan ako sa ginagawa niya ngayon.
Nang huminto kami sa tapat ng room napatigil ako sa paglakad kaya napatingin siya sa akin.
"may problema ba?" he curiously ask. napatingin ako sa kamay niyang hindi pa din mabitawan ang kamay ko at mukhang napansin niya din ang gusto kong sabihin. I don't' want any kind of rumors na alam kong makakarating sa tenga ng pinsan ko.
"oh sorry I forgot"
"no it's okay. lets go inside. mukhang nandiyan na din ang prof" after I said that hindi ko na siya hinintay pa at pumasok na. Mukhang hindi din ako napansin ni Prof. kaya dumeretso nalang ako sa upuan ko. sinalubong pa ako ng nakangising mukha ni Tin at nagtatakang tingin ni Evo habang palipat lipat ang tingin sa amin ng pinsan niyang alam kong nakasunod sa akin.
"bakit parang namumula yang pisngi mo?" Bulong na tanong niya ng makaupo ako. mabilis naman akong napahawak sa mukha ko dahil sa gulat.
"hanggang ngayon ba?" gulat na tanong ko sa kaniya.
"prfft. napaghahalataan ka na" sinamaan ko naman siya ng tingin dahil mukhang ako na naman ang happy pill niya ngayong araw.
"ewan ko sayo" inirapan ko lang siya pero sinundot niya na naman ang tagiliran ko.
"tumahimik ka nga Tin. baka mapagalitan tayo" suway ko dahil alam kong tanggal angas naming dalawa kapag nahuli kami.
"kwento mo sa akin mamaya anong nangyari sa inyo"
"sira!" Tinigilan niya na naman ako sa pangungulit but still she's looking at me. dudukutin ko na talaga mata niya eh. Hinayaan ko nalang siya at nakinig na sa discussion.
Halos magdadalawang araw na ang nakipas simula ng mapansin ko ang palaging paglapit sa akin ni Aaron and I love being with him. Alam ko din na napapansin na din yun nila Evo at Tin but they keep their mouth shut. gusto ko man siyang tanungin kong bakit niya ginagawa ito sa akin hindi ko din magawa.
natatakot ako dahil baka wala lang talaga yun sa kaniya and he's doing it because were already friends. kapag kumakain kami he always insist that na siya nalang bibili ng pagkain ko. kahit paborito kong pagkain alam niya na din.
palagi niya akong sinasamahan sa SSC office at halos don na silang dalawa ni Evo tumambay buong araw kapag may ginagawa kami ni Tin. Kagaya ngayon nandito na naman silang dalawa at halos wala din naman silang ginagawa kundi maglaro sa phone nila at matulog sa couch.
napahilot ako sa ulo ko dahil sa daming kailangan permahan. Hindi ko na din mabilang kung nakailan na akong buklat ng folder at binasa lahat. yung ibang proposal decline kaagad kapag hindi ko nagustuhan at hindi pasok sa budget. Yung mga club kasi kung ano anng pakulo ang ginagawa wala namang budget plan na maayos.
"pahinga kana muna kaya Lucy. buong maghapon kana nandiyan" dinig kong tanong ni tin nang makalapit siya sa table ko at pabagsak na nilagay ang bagong tatlong folder.
"seriously Tin.. may pahabol pa?" naiinis na tanong ko. nagkibit balikat naman siya sa akin.
"dapat ginagawa to ng pinsan ko"
"but he's on vacation kaya sayo bagsak lahat yan" napangiwi ako sa sinabi niya. napasabunot nalang ako sa sariling buhok ko dahil bakit pinayagan nila Tita na mag bakasyon ang taong yun. alam iya namang ang daming dapat tapusin dito sa school.
"do you want me to help you?" napatingin ako kay Aaron dahil sa sinabi niya. halos magliwanag naman ang mukha ko dahil sa narinig.
"talaga? babasahin mo lang naman to tapos pipiliin mo nalang yung mga kailangang event na pasok sa budget ng school" sabay turo ko sa kabundok na folder na nasa harapan ng table ko.
"sure" halos mapunit na ang pisngi ko sa labad ng ngiti ng halos lahat ng folder kinuha niya at dinala niya sa couch. naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni tin but I didn't care. nakatingin lamang ako kay aaron at seryosong binubuksan ang mga folder at nagsimula nang magbasa. halos Hindi din makapagsalita si Evo na nakatingin sa kaniya ngayon na nagtataka.
"smooth ah... diyan daw nagsimula love story ng lola at lolo ko"
"tumigil ka Tin" pagsisita ko sa kaniya but still I'm smiling. Hindi ko magawang alisin ang ngiti ko.
"kinikilig kalang eh"
"Tin" pagbabanta ko. tumahimik naman siya at dahan dahang bumalik sa sariling mesa niya. After an hour nagulat nalang ako ng biglang may naglagay ng mga folder sa harapan ko. gulat kong tinignan si Aaron na seryosong nakatingin sa akin.
"t-apos mo na?" I ask. subrang dami nito natapos niya kaagad.
"I already finish everything..now you need to eat this time"
"huh?" parang hindi na proseso ng utak ko ang sinabi niya. nagulat ako ng bigla siyang umikot at lumapit sa akin.
"an—"
"lets go. kakain ka muna" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papalabas ng office. Napatingin pa ako kay Evo at Tin na halos kahit sila hindi rin alam ang sasabihin dahil sa pagkabigla.
These cares that he makes me feel again. It's so familiar.. sana.. wag nang matapos ito.. kung panaginip man ito wag niyo na akong gisingin pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top