Chapter 10


Emotions

uwian na at mangilan ngilan nalamang ang nakikita kong estudyante na nandito pa din sa loob ng school. Halos wala na din akong nakasalubong na mga Teachers. Its almost 6;30 pm at alam kong kahit ang pinsan ko ay nakaalis na.

Mabuti nalamang at naiwasan ko sila Tin kanina at nagpaiwan ngayon. I need to go to the science Lab. kailangan kong makuha ang sample ng bola dahil sa katangahan ko.

"pres" shit!

"hi" bati ko sa isang estudyante nang buksan ko ang pinto. hindi ko alam na nandito pa pala sila.

"may kailangan ka ba Pres?" tanong sa akin ng isang estudyanteng lalaki. nakasuot pa siya ng gloves ganon ang ibang kasamahan nila.

"ah.. I just roaming around just to check if may naiwan pang estudyante sa loob ng school.. kayo bakit nandito pa kayo?" balik na tanong ko at tuluyan nang pumasok sa loob. Lumapit ako sa kanila at halos takasan ako sa kaba dahil nasa harapan nila ang sample ng bolang natunaw.

"tinatapos pa kasi namin to. kailangan na kasi ni Prof. Diaz to bukas" bahagya akong napatango dahil sa sinabi niya. I really need to get that sample.

"ah- pwede niyo namang tapusin yan bukas ng umaga. pinagbawalan kasi ng Dean na mag stay ang mga estudyante sa school nang ganitong oras" pangungumbinsi ko sa kanila. napansin kong napatigil sila at nagkatinginan. mukhang nag dadalawang isip din sila kung anong gagawin nila.

"ganito nalang. sasabihan ko ang guard mamaya na papasukin nalang kayo ng maaga bukas. 4am is that what you want?"

"ok pres" nakahinga naman ako nang maluwag ng pumayag din sila. Nagsimula na silang lahat magayos at magligpit. Hinayaan ko lamang sila sa ginagawa nila at sumandal sa lamesa kung nasaan ang sample.

"tapos na kayo?" sabay sabay silang tumango sa akin.

"tara na pres. ilolock pa namin tong room" nginitian ko ang nagsabi non at nang magsimula na silang maglakad palabas. patago kong kinuha ang sample at nilagay sa bulsa ng palda ko. sumunod na din ako sa kanila. Nang masigurado kong hindi nila napansin ang ginawa ko sumabay na akong maglakad sa kanila palabas ng school.

Nang makarating ako sa bahay mabilis akong umakyat at dumretso sa kwarto ko. Hindi ko nagawang batiin si Manang ng makasalubong ko siya kanina sa hagdan. mabilis kong ni lock ang pinto at nilabas ang sample.

mabilis kong tinunaw ng tuluyan gamit ang kapangyahirahan hanggang sa walang natira dito. nakahinga lamang ako ng maluwag ng masigurado kong ok na ang lahat. pabagsak akong naupo sa kama ko at binaba ang bag ko. Kailangan ko na talagang mag ingat sa susunod.

Maaga akong nagising at hindi ko pa naabutan sila Manang nang makaalis ako sa bahay. Hindi na ako nag abala pang magdala ng sasakyan dahil gusto ko munang makapag lakad lakad. Gusto kong makapag isip isip muna dahil pakiramdam ko may kakaibang nangyayari sa akin.

Maliban sa pagaalala ko tungkol kay Aaron Hindi ko alam ngunit simula nang gamitin ko ulit ang kapangyarihan ko may gustong kumuwalang pwersa sa loob ng katawan ko.

Hindi din ako makatulog ng maayos at nakikita ko nalamang ang sarili kong paminsan minsan na nakatitig sa buwan.

Nagulat ako ng bigla nalamang may bumusina sa akin kaya tuluyang nabasag ang pananahimik ko. Tinignan ko kung sinong tao yun at halos hugutin ko ang hininga ko sa gulat.

nakatingin lamang ako sa kaniya na nasa loob ng sasakyan. Ang gwapo niya tignan sa uniform niya. hindi ko alam kung anong ginagawa niya. akala ko ba hindi niya ako pinapansin? ano to ngayon?

"hop in" salita niya ng binaba niya ang salamin ng sasakyan. bakit pakiramdam ko ang manly niya tignan habang nakahawak sa manibela.

"Lucy?" nabalik ako sa wisyo ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. itinuro ko pa ang sarili ko dahil sa gulat. napansin ko ang pagtango niya na pinapahiwatig na ako nga.

"p-er—"

"sumakay kana" wala na akong nagawa pa at binuksan nalang ang pinto ng passenger sit at pumasok sa loob. nang makaupo na ako nagulat nalamang ako ng mapansin kong lumalapit siya sa akin.

"wai-"

"shh" naitikom ko ang bibig ko dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. ilang inches nalang talaga at halos malanghap ko ang bango ng hininga niya.

naagaw lang ang atensyon ko ng makarinig ako ng pag click. tinignan ko ang ginagawa niya at halos matampal ko ang mukha ko dahil sit belt lang pala.

"you should put your sit belt, ayaw kong mapagalitan ni Tin dahil nagalusan ka kapag may mangyaring masama" salita niya at ngumiti. palihim akong napahawak sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na naman ang pagkarera ng puso ko. Hindi na talaga magandang nagkakalapit kaming dalawa. pakiramdam ko ano mang oras mahihimatay na ako.

"lucy" Dinig kong tawag niya habang nagmamaneho.

"hmm" I response habang nakatingin pa din ang mata sa unahan. ayaw ko siyang tignan dahil baka mahimatay na talaga ako.

"About what happened last time?"

"It's okay Aaron. No need to apologize. I should the one to apologise to you" pagpuputol ko sa ano mang sasabihin niya.

"I know you want to help me... but still I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses" paghingi ko ng tawad. narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"apology accepted" dinig ko at sinilip ko siya at nakita kong tumingin din siya sa akin bago ibalik ang paningin sa pagmamaneho.

"Thank you" I sincerely said. after I said that nabalot na ulit kami ng katahimikan. Hanggang sa makarating kami sa school walang ni isa samin ang gustong magsalita. nang makapag park na siya bubuksan ko na sana ang pinto ng mapansin kong mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

gulat akong nakatingin sa kaniya habang siya ay nginitian lamang ako.

"hatid na kita? I know you need to go the SSC office first"

"are you sure?" tanong ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon bakit ganito ang inaakto niya sa akin. Iba... ibang iba sa aaron na nakilala ko noong unang araw niya dito.

"yeah... maaga panaman kasi" bahagya nalamang akong tumango sa kaniya at sinabayan niya akong maglakad.

napansin ko din ang ibang estudyante na napapatingin sa amin but I don't care. Im just happy that im beside him right now. hindi ko man alam ang reason bakit ganito siya kabait sa akin. Im happy. pakiramdam ko bumalik yung dating aaron noon na nakasama ko.

Nang makarating kami sa SSC office bumungad sa amin ang gulat na mukha ni Tin. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil alam ko ang tumatakbo sa isipan niya. palipat lipat ang tingin sa akin at sa taong kasama ko.

"upo ka na muna.. maaga pa naman. you can stay here for a wail" turan ko at tinuro ang couch. he nodded his head at hinayaan lang ang sarili niya. dumeretso naman ako sa table ko at hindi pa ako nakakaupo ng maayos ng mabilis na lumapit sa akin si Tin habang may ngisi sa labi.

"ano yun? bakit magkasama kayo?" bulong niya.

"tumigil ka. nadaanan niya lang ako kanina"

"talaga lang ha" napailing nalang ako sa sinabi niya at hindi na siya pinansin. Sinilip ko kung anong ginagawa ni Aaron at napansin kong nakatingin siya sa mga pubmats ng school. Hinayaan ko nalamang siya at inasikaso na ang kailangan kong gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top