Chapter 9: Poison
Samantha Pov
Ilang oras na matapos ang nangyari, wala paring balita kong kamusta na si Crizzania sa loob, nandito kaming lahat sa labas ng emergency room. napatingin ako kay Kuya kent. Nakayuko siya sa isang tabi at parang malalim ang iniisip. Halos lahat kami naaawa sa kaniya. Nandon pa din ang bakas ng dugo ni crisiszania sa mga kamay nito.
Napatayo kaming lahat ng biglang dumating ang mga hari at Reyna.
“Sonpagtawag ni tito kay Kuya, pero parang walang narinig si Kuya dahil hindi pa din siya gumagalaw. Napailing nalang si Tito dahil don.
Tinignan niya kami isa isa at yumuko nalang kami. Ramdam nila kung gaano kami kalungkot dahil sa nangyari.
“How is she? ”Tanong ni Tita bakas sa kaniya ang pagaalala. Muntik na siyang tamaan nang palaso kanina buti nalang dahil kay Crizzania kaya siya nakaligtas.
“Halos mag lilimang oras na wala pa ding balita mula sa loob tita, nagaalala na kami para sa kaibigan namin."
“Sam, you can feel it, right? ”Napaangat ako ng tingin dahil sa tanong ni tita sa akin.
Napatango ako, ramdam ko na nandon sa loob ang kaluluwa ni Crizzania. Hanggang sa nararamdaman ko ito ibig sabihin niyan buhay pa siya. May pag-asa pa.
“She’s still alive,” pagkatapos kong sabihin yan ngumiti ako sa kanila kahit napipilitan. Hanggang sa may pinanghahawakan ako na buhay siya, mabubuhay siya.
Biglang lumabas ang doctor sa loob ng emergency room, yumuko siya sa harapan nila Tita bilang paggalang.
“kamusta siya? "Ramdam namin ang tension ng bawat isa. Natatakot kami sa ano mang sabihin ng doctor.
“She’s in critical condition; may lason ang tumamang palaso sa kaniya, mabuti nalang at napigilan namin ang pagdaloy ng lason papaunta sa puso niya dahil masyado itong malapit. We need an antidote as soon as possible, dahil kapag tumagal pa ito, maari siyang bawian ng buhay.” pagkatapos niyang sabihin yun kusa nalang tumulo ang luha ko. Paanong may lason?
“Anong klaseng Lason? "Tanong ni Tito
“Mahal na Hari, hindi po ito pangkaraniwang Lason, at nagiisa lang po ang lunas para dito, pero napakadilikado pong kunin ang lunas nayun” parang pinanghinaan ako ng loob dahil sa narinig, yung lunas kailangan namin yung lunas.
“Saan? ”Napatingin kami kay Kuya Kent, mas lalo akong kinabahan, alam kong kahit dilikado gagawin ni kuya ang lahat para makuha ang panlunas sa lason.
“Son!”
“Dad! I need to kailangan kong makuha yun! Kapag hindi ko nakuha yun, si Criz-zania, d-ad ma-wawala siya”sa pangalawang pagkakataon nakita ko kung paano tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mata.
“oh ghod! "Niyakap ni Tita si Kuya at halos hindi alam ang gagawin.
“Gagawin namin,” napatingin ako kay Megan dahil sa sinabi niya.
“Kukunin namin ang panlunas, kahit gaano pa ka dilikado yan! ”pagkatapos niyang sabihin yun tinignan niya ako at nginitian. Sumangayon na din kaming lahat.
"Nasa mystique forest matatagpuan ang panlunas” napatingin kaming lahat kay Jake ng bigla siyang magmura.
“Fuck!”
“Akala ko di nako makakabalik don, tangina naman! Bakit don pa,” napailing nalang kami dahil sa pagrereklamo niya. Alam namin kung gaano siya naghirap sa gubat nayun.
Lahat kami nakahanda na sa planong pag-alis namin. Nakapag paalam na din kami sa Headmaster at sa council tungkol sa gagawin namin. Kailangan namin itong gawin para sa kaligtasan ni Crizzania. Wala kaming dapat sayangin na oras at araw dahil buhay ang usapan.
Sumakay kami sa isang train na siyang magdadala samin sa bukana ng Mystique Forest. Kahit kinakabahan kami sa ano mang mangyayari sa main. Nasa isipan na naming makakabalik kaming lahat ng buhay. Alam namin kung gaano nakakatakot ang gubat nay un, wala pang may isang taong nakalabas doon.
“Talaga bang tutuloy tayo? ”Tinignan naming lahat ng matalim si Jake dahil sa sinabi niya. Nagiisip ba ang isang to. Binatukan naman siya ni Jannice.
“Tanga mo talaga! Malamang nandito na nga tayo diba? ”
“Pero kasi nakakatakot don, alam niyo yung sabi sabi ng mga mage tungkol sa gubat nayun.”
“No backing out; we are already here; itutuloy na natin to,” dahil sa sinabi ni Megan nagsitahimik kaming lahat.
Napatingin ako kay Kuya at nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang nakatingin sa tanawin, hindi mapagkakaila na maganda talaga ang mundo namin, halos masasaya ang mga mage kahit simple lang pamumuhay nila.
Maayus din ang pamamalakad ng bawat palasyo, kaya hindi na kataka taka yun para sa lahat.
Ang Hari at Reyna ng Legacian World ay siyang tinitingala ng lahat. Mukhang mahaba haba pa ang byahe namin. Naisipan ko namang ipikit ang mata ko para matulog.
"Sam, wake up! ”Naimulat ko ang mata ko at unang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Brent, bigala naman akong namula at napaiwas ng tingin, ba-kit siya nandito sa harapan ko? Nasan si Megan? Siya ang katabi ko kanina diba?
“an-”
“Nandito na tayo sam,” parang nabalik naman ako sa katinuan dahil sa sinabi niya, lumabas kami sa train at unang bumungad sa amin ang madalim na daan papasok sa gubat.
“Tangina ito na talaga, papasok na tayo,” sabi ni Jake habang napapasabunot ng buhok niya.
“Lets go,” napalunok naman ako dahil sa kaba, ramdam kong may kakaibang mga nilalang sa loob ng gubat. At iniisip ko palang yun, parang gusto ko nanag umuwi, pero kapag sumasagi sa isipan ko ang kalagayan ni Crizzania parang nabibigyan ako ng lakas magpatuloy.
"Crizzania, wait for us.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top