Chapter 8: Levelling Battle 3

“Now for our last mage, please come here in the centre, Ms. Crizzania Sophie Clarrise Scarlet.” Napatigil halos lahat ng mage sa loob ng Arena dahil sa pagtayo ng isang babae. Pagkamangha ang nakikita sa mukha ng bawat mage habang nakamasid sa kaniya.

Hindi maipagkakaila na lumalabas ang ganda niya habang naglalakad siya sa gitna ng napakaraming mage papunta sa gitna ng Arena.Marami siyang naririnig na bulungan, pero ang nasa isip niya lamang ngayon ang tinig ng isang binata.

I can't wait to watch you.” Ibig bang sabihin nun papanoorin niya ako? Bakit niya inaabangan ang laban ko? Bakit ganito ang epekto sa akin ng mga salita at bawat galaw niya. Napahawak ako sa dibdib ko ito na naman bumibilis na naman ang tibok nito. Focus Crizzania! You have a battle to finish.

Pumasok na si Crizzania sa loob ng barrier at biglang naiba ang paligid. Napunta siya sa isang talon. Unang pumukaw sa paningin niya ang nagbabagsakang tubig na nagmumula sa taas ng bundok. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang kulay ng Tubig dahil sa tumitingkad nitong kulay.

"Golden Water? "Nilibot niya ang paaningin niya sa paligid at napansin niya ang kakaibang ihip ng hangin. Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa kaniyang naramdaman. Alam niyang hindi lang siya ang nagiisa, nararamdaman niya ang presensya ng kung ano mang kasama niya. Alam niyang hindi ito tao.

Nagulantang ang halos lahat ng mage na nanonood dahil bigla nalang lumabas sa himpapawid ang isang gintong dragon.

Sacred Dragon? "Biglang kinabahan ang mga mage dahil sa nasaksihan, alam nilang lahat kung gaano kalakas ang Dragon na ito, katumbas na taglay nito ang kapangyarihan ng isang Diyos.

“She will fail that,” hindi na napigilan ni Samantha na magsalita dahil sa nakita. Halos lahat sila ay kinakabahan para sa kaibigan.

“Hindi niya kakayanin ang Dragon na yan! "Hindi na alam ni Jannice ang gagawin niya para maialis ang kaibigan sa loob. Natatakot siya, alam nilang ilusyon lang lahat ng nakikita nila, pero halos katumbas ng ilusyon nayun ay ang sakit na mararamdaman nila sa totoong laban.

Napansin nila na nabalot ng usok ang loob ng barrier, kaya halos hindi nila Makita kung anong nangyayari sa loob.

Sa kabilang dako naman nakipagtitigan ang dalaga sa Dragon.

Sino ka? "Ngumisi ang dalaga dahil sa sinabi ng Dragon. Humakbang siya papalapit dito kasabay ng pagbalot ng usok sa paligid. Hindi natinag ang dalaga ng akmang susugod na ang dragon sa kaniya. Bigla may inilabas ang dalaga na espada na may gintong palawit. Ng mapansin ng Dragon ito naguluhan siya.

sino ka? "Paguulit ng dragon sa kaniya ngunit hindi ito sinagot ng Dalaga. Gayon patuloy siyang naglalakad papalapit sa drgaon. Ng ilang pulgada nalang ang layo nila sa isat isa nagsimula na silang magpakawala ng kanilang kapangyarihan.

Nagbuga ang dragon ng kulay asol na apoy at pinatamaan ang dalaga, nguit mabilis lang niya itong nailagan. Tumalon siya sa mga puno at akmang sasaksakin ang Dragon ng bigla siyang hampasin ng buntot nito. Tumilapon ang dalaga ngunit parang hindi siya nakaramdam ng sakit sa katawan.

Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko dalaga? ”Guong malaman ng dragon kung sino ba talaga ang babaeng kaharap niya. hindi niya lubos maisip kung bakit nasa kaniya ang sinaunang espada na pagmamay ari ng sinaunag Diyos.

Alam niyang hindi pangkaraniwan ang lakas na taglay ng babae. Ibang iba sa pangkaraniwang mage na nakasagupa niya na.

Kneel” isang salita ang narinig ng dragon sa kaniyang isipan at bigla nalang siyang lumuhod sa harapan ng dalaga. Tinignan niya ito sa mga mata at nakaramdam siya ng pagkatakot.

Nagbago ang kulay ng mata ng dalaga at isang pahiwatig ito na napapabilang ang dalaga sa angkan ng mga ito.Gusto niyang magsalita ngunit parang nawalan siya ng boses dahil sa nakikita niya. Hinawakan ng dalaga ang noo ng dragon at bigla nalang naglaho ang gintong dragon sa harapan ng dalaga.

Sa labas ng barrier, mas lalong tumindi ang gaba ng lahat ng biglang bumitak ang isang bahagi ng barrier. Alam nilang may hindi magandang nangyayari sa loob. Pinipilit na pumasok ng mga guro ngunit may matinding harang na pumipigil sa kanila na ikinalito nilang lahat. Ganon din ang mga hari at reyna.
“Kuya kent”napatingin sila kay Kent ng bigla nalang itong tumayo akmang maglalakad na siya papasok sa loob ng barrier ng bigla nalang bumukas ito at nagulat sila sa nakita nila.

Halos hindi niya maigalaw ang paa niya upang humakbang. Sumalubong sa kaniya ang kulang pilak na mga buhok ng babae. Napatingin siya sa kaliwang braso nito dahil sa matinding pag-agos ng dugo doon. Akmang lalapitan niya ang dalaga ng bigla nalang itong maglaho sa harapan niya.

Naramdaman ng dalaga ang bawat mage na nakatingin sa kaniya, ngunit ang mas nakaagaw ng pansin niya ang isang taong may hawak na palaso na handing tumama sa isa sa mga Reyna. Hindi niya alam kung bakit, ngunit mabilis siyang naglaho at lumitaw sa harapan ng isang Reyna. Huli niya nang naramdaman ang matinding sakit dahil sa pagtama ng palaso sa kaniyang dibdib malapit sa puso.

“CRIZZANIA!”

“Medic!”

“shit!”

Mabilis na dinaluhan ni Kent si Crizzania dahil sa nangyari. Hinawakan niya ang mukha nito at pilit na ginigising. Halos lahat ng nakasaksi ay hindi makapaniwala. Naguguluhan sila kung saan nanggaling ang palaso.

“n-o! Please wake up! "Utal ni Kent habang hawak ang sugat ni Crizzania at pilit na pinipigilan ang pag-agos ng dugo doon. Hindi niya na hinintay pa ang pagdating ng healers at mabilis siyang nagteleport at dinala ang dalaga sa infirmary ng academy.

Samantha Pov

Nagulat kami sa nangyari at hindi namin alam ang gagawin namin. Nakita ko kung paano tumusok sa dibdib ni Crizzania ang palaso, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. hindi ko mapigilan na umiyak, natatakot ako nab, aka mawala siya sa amin.

Sumundo kami kay Kuya kent papunta infirmary. Doon naabutan namin siyang nagwawala habang hindi magkamayaw ang mga healers sa ano nilang gagawin.

Ngayon ko lang nasaksikan si Kuya ng ganito. Hindi ko alam kung magiging Masaya ba ako sa kaniya o malulungkot. Kahit hindi niya sabihin sa aming lahat, alam namin na iba ang nararamdaman niya kay Crizzania.

“Fuck! Gamutin niyo siya! ”

“P-rince Kent”

“kuya!”

pupunta na sana ako sa kaniya ng bigla siyang lumuhod sa harapan ng doctor. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.

Halos lahat kami nagulat dahil sa ginawa niya. Kapansin pansin ang pagtulo ng luha niya sa mukha habang nakayuko. Napatingin ako kay Crizzania na halos putlang putla na ang hindi parin naalis ang palaso sa dibdib nito.

"Crizzania, please don't leave us; don’t leave kuya kent.” Bulong ko sa isipan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top