Chapter 7:Levelling battle 2

May matinding sugat si Brent sa kaliwang balikat niya dahil hindi niya napansin ang paghampas sa kaniya ng isang buntot ng Serpent.

Alam kong matinding pagpigil ang ginagawa ni Brent ayaw niyang saktan ang mga alaga niya.

The first thing you should do when you are in battle is set aside your emotions.

Ilang ulit siyang nahampas ng serpent. Kahit hindi totoong alaga niya ang kalaban niya kung yun ang nakikita ng mga mata niya hindi niya maipapanalo ang laban nato.

Nagulantang nalang lahat ng nanonood ng biglang pagtilapon ni Brent sa Barrier.

Pinilit niyang makatayo, kahit nauubusan na siya ng lakas. He summoned her water sword at kapansin pansin ang pagilaw ng kulay asul niyang mata. He’s serious this time; seguro nagising na din siya na kailangan niyang matapos ang laban nato.

Bigla siyang sumugod sa serpent at mabilis na naiwasan ang pagatake ng serpent sa kaniya, walang pagaalinlangan niyang pinutol ang buntot nito at narindi kaming lahat sa matinis nitong sigaw. Mabilis na umikot si Brent at pinugutan ng ulo ang Serpent.

Biglang bumukas ang Barrier at nagsipasok naman ang mga healer dinaluhan nila si Brent na ano mang oras ay matutumba na. napatingin ako sa itaas. Level 96 is not bad for a royal like him.

Sumunod namang tinawag ay si Kyle. Pagkapasok niya palang sa loob ng barrier, biglang umihip ang malakas na hangin. Nakita naming nakatayo si Kyle sa isang ulap habang kaharap ang isang napakalaking ibon.

Kyle summoned his sword with his wings. Bigla siyang lumipad papunta sa ibon at inatake ito. He threw some air balls at tinapon sa ibon.

Mabilis naman itong nailagan ng ibon at sinugod siya. hindi napansin ni kyle ng bigla siyang hampasin ng pakpak ng ibon, kaya tumilapon siya. mabilis siyang nakabawi at inatake ulit ang ibon.

Subrang bilis nila na halos hindi na masabayan ng mga nanonood ang kilos nila.

Nabigla nalang halos lahat ng bumagsak ang ibon habang wala na ang mga pakpak nito. Hingal na hingal na bumaba si Kyle. Level 97. Mukhang malalakas nga sila.

Narinig ko namang tinawag na ang pangalan ni Jake, katulad kila Brent pumasok siya sa loob ng barrier at nagiba ang paligid. Napadpad siya sa gubat, gubat kung saan mga naglalakihang halaman at puno ang bumungad sa kaniya.

Kapansinpansin din ang mga naglalakihang mga hayop na dapat ay maliliit. Habang ang malalaking hayop ay lumiit.

Tangina nasan ako? "The Mystique Forest is a very dangerous forest here in Legacian World. Nasa gitnang Bahagi ng mundo namin ang gubat. Maraming nagsasabi na lahat ng Mage na sumubok pumunta doon ay hindi na nakakalabas o nakakabalik pa.

Fuck” biglang sinugod si Jake ng isang dambuhalang paro paro, pero kakaiba ito nanlilisik na nakatingin kay Jake ang paroparo na handa siyang gawing tanghalian nito. Mukhang matatagalan pa siya bago makalabas diyan. Napansin ko naman ang paggalaw ng mga puno at papalapit ito sa kaniya.

Akmang aatake na siya sa paroparo ng biglang may mga baging na pumulupot sa dalawang braso nito. Pinilit niyang makaalis, pero napakahigpit ng kapit ng baging sa katawan niya.

He summoned his sword at pinilit na pinutol ang mga baging. Ng makaalis siya, siya namang paghampas ng paroparo sa kaniya.

Lintik na paroparo to, simula ngayon ayaw ko na sa paroparo,” biglang umilaw ang berdeng mata ni Jake at pinagalaw ang lupa. Hinampas niya ang paroparo ng mga bato at hindi naman siya nabigo dahil hindi na kayang makalipad pa nito.

Yan lang pala ang katapat mo, pinagod mo pa ako, lintik nay an hindi kana cute sa paningin ko simula ngayon,” napailing nalang ako sa mga sinabi niya. nang makalabas siya sa barrier sumunod

Naman na tinawag ang isang pangalan na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

I looked in front, and there I saw him walking like a living God in the center.

Nakita kong pumasok na siya sa barrier at napalitan ang paligid ng isang bulkan. Kaharap niya ngayon ang isang bulkan na handa nang pumutok ano mang oras.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan, anong nangyayari sakin, he’s just going to the battle; stop it, Crizzania.

Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa bulkan, he summoned his sword at naaninag ko kung gaano ito balutan ng apoy.

Patuloy lang siyang naglalakad hanggang sa bigla, nalang nabitak ang lupang kinatatayuan niya. Doon lumabas ang mga apoy at Lava. Walang kahirap hirap niyang inilagan lahat ng ito.

sino ka? "Natahimik kaming lahat dahil sa narinig naming boses. Nanggaling ang boses sa bulkan at doon nakita namin ang isang dragon na nababalutan ng apoy. A fire dragon?

Nagkatitigan silang dalawa ni Kent hanggang sa bigla nalang siyang bumuga ng apoy.

Muntik nang matamaan si kent kung hindi lang siyang mabilis na umilag.

Nagpaulan ng apoy si Kent at pinatamaan ang Dragon, pero wala itong epekto. Apoy laban sa apoy? He needs to think wisely para manalo. Kalaban niya mismo ang sarili niyang kapangyarihan.

Sa tingin mo matatalo mo ako niyan? "Hindi nagdalawang isip si Kent at sinugod ang Dragon. Kailangan niyang mahanap ang kahinaan nito. Napansin ko ang gintong diamante sa noo ng Dragon.

Alam kong napansin din ito ni kent kaya pilit siyang lumalapit sa Noo ng Dragon at hindi nga siya nabigo.

Natusok ng espada niya ang diamante at nabasag ito. bigla namang bumalik sa dati ang Arena at nakita ko sa gitna si Kent nakatayo habang nakatingin sa akin.

An-ong?

"I can't wait to watch you."

Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Paano niya nalaman kung nasaan ako nakaupo? Ang dibdib ko ramdam ko ang matinding bilis ng tibok ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top