Chapter 6: Levelling Battle
Im already late for the levelling. Hindi ko napansin ang oras at tinanghali ako nang gising. Hindi din naman ako ginising nila Sam dahil yata subrang excited sila sa magaganap ngayon.
Tahimik akong pumasok sa Arena kung saan nagaganap ang levelling. Mukhang hindi pa naman nagsisimula. Madami na ding students ang nandito halos lahat. Napansin ko naman ang mga taong nasa taas ng Arena. Nandoon ang mga Teachers kasama ang mga Reyna at Hari ng bawat kaharian, hindi ko alam na dadalo din pala sila.
Hindi ko na sila pinansin pa at naghanap ng mauupuan. Napansin ko naman na nasa unahan ng Arena ang mga prinsepe katabi sila Megan. Hinayaan ko nalang sila doon at umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan sakin.
"Goodmorning LA Students! Bigla namang nagingay ang mga nandito.
I can see that they are really excited. Naramdaman ko naman ang iba sa kanila ay kabado sa ano mang kinalabasan ng levelling. Dahil nakasalalay dito ngayon kung anong rango ang makukuha nila ngayong taon.
"I can see that you're all excited, so hindi ko na patatagalin pa to, we can start in the magus," pagkatapos niyang sabihin yun nagsimula na silang tumawag ng pangalan.
Mukhang matatagalan pa bago tawagin ang pangalan ko. Sana kumain na muna ako sa cafeteria bago pumunta dito.
Sa pagkakaalam ko may limang rango ang Academy, una ang Magus kung saan napapabilang ang mga mage na hindi pa natutuklasan ang magic nila, matindi din ang pagsasanay na pinagdadaanan nila bawat araw, nandon din napapabilang ang mga batang mage.
Sumunod ang Phira dito naman napapabilang ang mga mage na hindi pa kayang kontrolin ang mga kapangyarihan nila, they're more on combat at short range kaya hindi nila masyadong natutuunan ng pansin ang mga kapangyarihan nila.
Pangatlo ang Tantra kung saan napapabilang ang mga mage na kayang kontrolin ang magic nila ngunit hindi masyadong malakas.
Pang apat Hindra dito napapabilang ang mga mage na malalakas, kayang kontolin ang kapangyarihan at kayang makipaglaban ng mano-mano, mapa short or long range man.
At ang panghuli ay ang Royals, kunti lang ang napapabilang dito dahil tanging may mga dugong bughaw lamang ang nandito sa ranggong ito.
Pinanood ko nalang ang nangyayari sa gitna, kahit inaantok at gutom na ako kailangan kong mag tiis. Matapos ang ilang oras na paghihintay at Hindra na ang tinawag. Kunti lamang ang mga mage sa hindra, hindi umabot sa 20 ang bilang na mga kasama ko.
Napansin ko naman na isa isa nang nagtawag ng pangalan ang MC hanggang sa tinawag na sila Jannice.
Pagkapasok niya sa barrier nagsimula na ang laban, we saw a big giant nag summoned naman ng malalaking ogre si Jannice at kinalaban ang mga higante. Ogre vs. giants? lets see.
I smirk ng bigla nalang tumilapon ang higante. Mabilis tinapos ni Jannice ang laban na parang hindi siya napagod. Tinignan ko ang nakuha niyang level. Not bad, level 89. May ksamang paghanga ang nararamdaman ko sa mga mage na nakasaksi ng laban niya.
Sumunod naman na tinwag si Megan, napapailing nalang ako dahil kahit sa pagpasok niya sa barrier ang arte niya pa din. Ganon na nga talaga siya. biglang umulan ng yelo sa gitna ng arena kung nasaan si Megan.
Naghintay kami sa ano mang mangyayari ng bigla nalang may mga wolf na nagsilabasan at Malaking uso. Nagsummoned naman si Megan ng Ice swrod at mabilis na sinugod ang mga wolf. Walang bakas ng paghihirap niya itong pinatay lahat.
"Kainis ang lagkit ko na"rinig kong reklamo niya sa isipan niya. ngumisi nalang ako dahil don. Bigla siyang sinugod ng Uso at hindi niya ito napansin.
Tumilapon siya sa barrier at alam kong hindi biro ang lakas ng uso dahil biglang nag crack ang barrier. Dumura ng dugo si Megan at tinignan ng matalim ang Uso.
"You will pay for this." Bigla nalang siyang nagpakawala ng maraming yelo sa itaas ng uso at hinayaan itong bumulusok. Kita ko kung paano umalingawngaw ang uso dahil sa nangyari.
Mukhang galit nag-alit si Megan dahil pinagsasaksak niya pa ang uso na parang wala lang sa kaniya iyon. Now I know kung paano magalit ang isang Megan Davis. Inawat na siya ng ibang Staff ng Council dahil mukhang ayaw niya pang tumigil. Napatingin ako sa level niya, and I think she's satisfied about that. Level 94 is not bad.
Sumunod na tinawag ay si Sam. Ngiitian niya pa ang mga Reyna at Hari sa taas bago pumasok sa barrier. Pagkapasok niya palang bigla nalang dmilim sa loob. Halos magreklamo na ang mga estudyante dahil wala silang Makita. Hindi nila alam kung anong nanagyayari sa loob.
I can feel it; there's more soul inside of the barrier. Mukhang ang kalaban ni sam ay siyang mismong kapangyarihan niya. She needs to control everything para makalabas siya dahil kung hindi ang kapangyarihan niya mismo ang tatalo sa kaniya. Nahihirapan siya kung anong gagawin niya.
"control it"
"Criz?"
"Sam, control your power."
"How? Ang daming kaluluwa hindi ko maigalaw ang katawan ko."
"Control it with your mind, Sam," napangiti naman ako ng bigla nalang lumiwanag sa loob ng barrier, and there we saw Samantha habang nakaluhod at hawak hawk ang ulo niya. Marami din siyang galos sa katawan at nanghihina. Tinignan ko ang level niya, level 93
"Now let's proceed to the Royals. Kumunot ang nook o dahil hindi pa ako natawag. Well, that's not my problem. Narinig ko naman ang mga tiliian ng mga babaeng estudyante habang nakatingin sa apat.
"First we call on Prince Brent Walteros; please proceed here in the centre."
Tumayo naman si Brent at pumasok na sa barrier. Nag-iba naman ang lugar sa loob ng barrier at napunta siya sa ilalim ng dagat. Lahat ng tao bigla nalang namangha ng magpalit anyo si Brent at nagkaroon siya ng buntot.
Being a merman has the advantage that you can breathe under water. Bigla namang may sumulpot na naghihiganting mga hayop pandagat.
What now, Brent? Anong agagwin mo ngayong mga alaga mo sa inyong kaharian ang kalaban mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top