Chapter 58: The Judgement
This is it. I should do this earlier at hindi na ako nahirapan pa. Kita sa mukha niya ang matinding takot habang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang ilang mga natitirang kalaban at ibat'ibang mga halimaw na nagwawala sa ibaba. Kailangan nang wakasan ang kaguluhang ito.
Tinaas ko ang kamay ko at lumabas ang gintong espada ko. Kasabay ng paglitaw nito sa aking kamay ang pagliwanag nito at tumutok ang liwanag sa kalangitan. Rinig na rinig ang pagkulog at pagkidlat.
Ramdam ko ang tingin ng lahat sa aking gawi. Akmang maglalaho si Marcus ng biglang lumitaw sa katawan niya ang sagradong kadena.
"PAKAWALAN MO AKO!...." may halong galit na sigaw niya sa akin. Tinignan ko siya ng malamig habang pilit siyang nagpupumiglas.
"Batid kong alam mo na ang naging hatol sa iyo" bigla siyang napatigil sabay tingin sa akin. Lumipat ang paningin niya sa kalangitaan at alam kong nakita niya ang simbolo ng pitong bituin.
"H-indi...Hindi! HINDI AKO MAKAKAPAYAG! H-INDI..HAHHAHAHA" baliw na tawa niya habang umiiling.
"H-indi" rinig kong bulong niya habang nakayuko.
"An-ong..wag!" napatingin ako sa gawi ng taong sumigaw. Sumalubong sa akin ang pangamba ng tatlong maliliit na nilalang. Ngumiti ako ng bahagya sa gawi nila.
"Hindi itigil mo yan! Priestess" bigkas ni Kenshi habang nakaluhod at nakatingin sa akin. nasa tabi niya ang dalawa habang umiiyak din.
"Siya ang Priestess?" hindi makapaniwalang saad ni Headmaster. kita ko ang pagkagulat sa mukha ng lahat. Ilang minuto nalang... matatapos na ang ritual ng paghatol.
"P-igilan niyo siya.. ang Ritual nayan.. Hindi!" sigaw muli ni kenshi.
"Hindi ka pwedeng mawala. Hindi mo gagawin yan. nangako ka sa amin Priestess hindi mo kami iiwan" patawad...Hindi ko matutupad ang aking pangako.
"Ano bang nangyayari...can you explain to us kung anong sinasabi ninyo?" naiinis na sigaw ni megan. Kahit kailan ang maliit talaga ang pasensya niya.
NAGUGULUHAN yan ang mga nasa isipan ng lahat. Hindi sila makapaniwala na ang taong naparusahan at biglang nawala sa akademya ay siya ang nagiisang tao na nangangalaga sa kanila.
"Ang Ritual na ginagawa niya.. Ang Ritual nayan.. Isa itong paghatol mula sa mga nakakataas" Paliwanag ni Kenshi sa dalaga ng bigla itong magtanong.
"Anong ibig mong sabihin?" dugtong ni Kyle. halos lahat nakikinig sa kaniyang paliwanag. Lumunok siya dahil sa kaba sa ano mang mangyayari. natatakot siya na tuluyan silang iwanan ng kanilang Master.
"Ang pitong bituin na nakikita niyo sa kalangitan. Bawat bituin ay nagsisimbolo ng kaparusahan na nagmumula sa pitong pinuno na nasa taas. Ang mga Diyos...at kung sino man ang pumataw ng ganitong napakalakas na kaparusahan ay may kapalit....at ang kapalit nito ay.."
"Buhay..ang buhay ng pumataw ng kaparusahan ang magiging kapalit" biglang salita ni Headmaster habang nakatingin pa din kay Crizzania na nasa taas. "At tuluyang maglalaho ang Diyos na gumawa nito" dagdag niya sabay tingin sa kanilang lahat.
Biglang nanghina ang mga tuhod ni Samantha dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Hindi niya matanggap ang lahat.
"B-rent..she can't leave us again" naluluha niyang sabi sa binatang umaalalay sa kaniya. Ngunit ang binata ay yumuko nalang dahil hindi niya alam ang gagawin.
"No...that's not true...Hindi yan totoo!" sigaw ni Kent sa kanila. Tinignan niya ang taong mahal niya. Nakalutang pa din ito sa itaas at halos umaalon sa hangin ang kaniyang mahabang buhok.
ayaw niyang maniwala. Hindi siya iiwan nito ulit. Hindi siya makakapayag. "Tell me it's not true" Usap nito sa kanilang isipan.
Umiling ang dalaga kasabay ng pagpikit ng mariin nito. Ayaw niya mang tignan ang binata ngunit batid niyang nasasaktan niya na naman ito.
"im sorry" kita niya ang pagiling ng binata dahil ayaw nitong paniwalaan ang lahat. Kinumpas niya ang kaliwang kamay at halos manlumo ang lahat dahil bigla nalamang pinalibutan sila ng isang barrier. Alam ni Crizzania na kapag hindi niya ginaw iyon ay susubukan ng binata na pigilan siya. ayaw niya itong mapahamak.
"CRIZ! PLEASE! DO-NT!" sigaw ni Sam sabay suntok sa barier ngunit napakatibay nito. Hindi niya magawang siraan dahil napakalakas ng kapangyarihan ang ginamit upang magawa ito.
"S-am!" linapitan siya ni Jannice na umiiyak at pilit na pinipigilan. alam niyang wala na silang magagawa pa.
"Ja-nnice..Hindi...Hindi niya tayo iiwan.." paghagulhol nito. Napaiwas nalamang sila Meiasis at lucy dahil alam nilang ito ang dapat mangyari.
Nakarinig sila ng isang malakas na suntok at halos mapatakip ng sariling bibig si sam dahil sa ginagawa ni kent. Pilit na sinusuntok ni Kent ang barrier upang sirain ito. Pinipigilan siya ni Brent at Kyle ngunit ayaw niyang magpaawat.
"S-he can't leave me again. She Promise babalik siya but not this.. she can't" bulong ng binata habang patuloy na sinusuntok ang barrier. Kapansin pansin ang pagtulo ng masagang dugo sa mga kamao niya dahil sa mga sugat doon.
"K-uya" utal na tawag ni Sam sa kaniya ngunit hindi siya nito pinansin.
"KENT! TUMIGIL KANA!" sigaw ni Stef sa kaniya at tumulong na din upang pigilan ang binata.
"NO! SISIRAIN KO ANG BARRIER NA TO!!" sigaw niya at malakas na sumuntok ulit. Hindi na kinaya pa ni Meiasis na makita ang mga kasamahan na naggaganito dahil sa kaniya. Lumapit siya kay Kent at walang pagdadalawang isip na pinalabas ang latigo at tinali ang mga kamay ni Kent.
"BITAWAN MO KO!" sigaw ng binata sa kaniya. ramdam niya ang galit nito habang nakatingin sa kaniya. Umiling lamang siya sa binata dahil huli na ang lahat. kahit gusto niya ding pigilan si Crizzania ngunit hinabilin sa kanya nito na gawin ang lahat upang maisakatuparan ang dapat mangyari.
umagos ang mga luha niya habang patuloy na umiiling sa binata."K-ent..it's too late.. she already accept everything" saad nito. Unti unting napayuko ang binata at parang nawalan siya ng lakas dahil sa sinabi ng kasamahan.
binaling niya ulit ang tingin sa taong mahal niya at nakatingin lamang ito sa kanila habang nakataas pa din ang mga kamay na may hawak na espada at nakatutok sa kalangitan. Unti unti nang nagiging malinaw sa mga mata nila ang pitong bituin at nagsisimula na itong lumalaki.
Bahagyang ngumiti sa kaniya ang dalaga upang sabihin na magiging okay din siya. bumuntong hininga ang dalaga ata tinignan ulit ang taong hahatulan niya.
"I... the Priestess of Magical World. The Guardian of my people and by the holding of my Power, I will give the punishment to Marcus Salvador. He will turn into ashes and can't go back to living realms. He's soul will be gone forever" after she said that they saw a light coming fom the sword she's holding at unti unting tinutok kay Marcus.
kasabay ng pagtama ng liwanag sa katawan ni Marcus ang pagsigaw nito sa matinding sakit. Napansin ng lahat ang paglabas ng dugo sa bibig ng dalaga. Ngunit ininda niya ito.
"AHHHHHHHHHHH...." Malakas na sigaw ni Marcus at nakita nila ang unti unti nitong paglaho. kasabay ng pagkawala ng liwanag ang unti unting pagkabasag ng barrier. Ang mga puno ay unti unting namamatay. ang mga halimaw ay unti unting naglalaho. ang mga higante ay kusang umalis at bumalik sa sariling katinuan. Ang mga dark mages ay nawalan ng kapangyarihan at naging normal na nilalang.
Bigla nalamang nagulat si Kenshi kasama ang dalawang kapatid ng bigla silang maging anyong tao. nawala ang kanilang mga pakpak.
"Tapos na ang paghahatol Kenya" saad ni kenshi. Tumango lamang ito sa kapatid at sabay na naghawak kamay silang tatlo. Alam nila na hindi na muli silang makakapabalik muli sa pagiging Fairies.
"Namamatay ang paligid" saad ni Headmaster.
"Ang Priestess..." malungkot na saad ni Prof. Widraw. napatingin sila sa dalaga na unti unting bumababa sa pagkakalutang. Ngayon malinaw nila itong nakikita. Ngumiti ito sa kanilang lahat.
"Cri-zzania" tawag sa kaniya ni Megan. Nanghihina na siya. Alam niya sa sarili niya kaunti nalamang na oras ang nalalabi sa kaniya.
tinignan niya ang binatang nasa unahan. Gusto niya itong yakapin ngunit hindi niya na magawang ihakbang pa ang kanyang mga paa. Nawawalan na siya ng lakas. Ng maramdaman niyang babagsak na siya mabilis siyang sinalo ng binata.
"K-ent" tawag niya dito. itinaas niya ang kaniyang kamay at hinaplos ang mukha ng binata."D-ont Cry" nanginginig na pinunasan ng mga daliri niya ang mga luha nito.
"N-o you will not die. you can't leave me" tumulo ang luha niya dahil sa sinabi ng binata. napansin niyang mayhinugot ang binata sa kaniyang bulsa at halos kumabog ang dibdib niya dahil sa nakita.
Nahihirapan na siya. Umiling siya sa binata upang sabihin na wag ituloy ang ano man nitong nais na gawin. Ngunit halos maguho ang mundo niya dahil sa binigkas nito.
"Gu-sto kong makasama ka sa habang buhay. W-ill you marry me?" napuno ng iyakan ang paligid. kahit sa kunting oras. Gusto niyang maging Masaya.
Tumango siya kay Kent at walang pagalinlangan na isinuot ng binata ang isang singsing sa kaniyang daliri.
"K-ent—" napatuol ang dapat sabihin niya ng bigla nalamang may lumabas na dugo sa kaniyang bibig.
"Crizzania!"
"HEALERS!" sigaw ni Megan at mabilis na lumapit ang mga healers sa kanilang gawi ngunit napatigil sila ng umiling sa kanila ang dalaga.
"K-ent...This is my Judgement"hirap na bigkas ni Crizzania.
"N-o.." hinawakan ng binata ang pisngi ng dalaga at linapit ang kanilang mga mukha. "Y-ou can't leave me. You aleady said yes to me" naiiyak na saad ni Kent sa kaniya.
"K-ent...Yo-u are the only man i-love, Y-our t-he m-an wh-o gi-ve me H-ope f-or E-very-thing" huminga ng malalim ang dalaga. Ramdam niya ang bigat ng paghinga niya at bumibigat na din ang talukap ng kaniyang mga mata. Hindi na niya kinaya pa at kusa nalamang pumikit ang kaniyang mga mata.
"N-o..please..lumaban ka" tinignan niya ang mga healers at nangungusap niya silang tinignan.
"Please..save her.. please" masakit para sa lahat na makita ang isang prinsepe na kilala nilang matapang at walang kinatatakutan na ngayon ay nangungusap sa kanila.
"K-uya Kent" tawag sa kaniya ni Sam. tinignan niya ang pinsan. "S-am sh-e's still here right?" tanong niya sa pinsan ngunit ginatihan lamang siya nito ng isang pagiling. Tinignan niya muli ang dalaga at nakapit na ito ngayon. Ang maganda at napakaamo nitong mukha. naiiyak niyang hinawakan ang kamay nito at ramdam niya ang malamig nitong kamay. Sa huling pagkakataon. Hinalikan niya ang dalaga sa labi kasabay ng paunti unting pagkalaho ng katawan nito sa kaniyang bisig.
-------------------
N/A: Good day readers!! Oh kunting push nalang matatapos na to. Iyak Lang kayo may wakas pa. Don't worry readers Di ko kayo bibiguin. Hahahaha...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top