Chapter 56: The Past

"Ina! Ama!" Naghihinagpis na sigaw ng isang binatang nakayuko habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng magulang habang nakasabit sa dalawang poste. Ito ang paraan ng pagpataw ng kaparusan sa kanilang lugar. Pagpataw ng kaparusahan para sa mga Traidor. Ngunit hindi sila Traidor. "nagkakamali silang lahat. walang kasalanan ang aking Ama at Ina". sa isipan ng binata.

"M-arcus kailangan nating umalis!.. h-alika kana!" pilit siyang hinahatak ng asawa ngunit hindi siya gumagalaw. Galit na galit siya. Hindi dapat ganito ang sinapit ng mga magulang niya.

"Hindi sila ang may gawa ng kaguluhan. hindi nila trinaidor ang kahariaan. Naging tapat silang tagasilbi ng palasyo" Naging magaling siyang Estudyante sa loob ng Akademya. Ginawa niya ang lahat upang mairaos sa kahirapan ang pamilya.

"Ma-rcus.. tutugusin nila tayo... ang anak natin Marcus!" umiiyak na sigaw ng asawa niya habang nakahawak sa walang kamuwang muwang na natutulog na sanggol sa mga bisig nito. Napatingin sa kaniya ang asawa at haos manlumo siya dahil hindi dapat ganito ang kanilang nararanasan.

Tumayo siya at kinuha ang anak niya sa kamay ng asawa. "kailangan nating makapunta kina Tiya at tiyo.. tutulungan nila tayo" tumango ang asawa niya sa kaniya sabay pilit na ngiti.

Akmang aalis na sila ng bigla nalang may nagsisulputan na mga kawal nang palasyo. halos manginig sa takot ang asawa niya habang mahigpit ang hawak nito sa kaniyang braso. Bigla nalamang umiyak ang anak niya at napuno ng ingay ng sanggol ang paligid kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

"Sa tingin niyo makakatakas kayo?" seryosong lintaya ng Heneral ng mga kawal. Pinalabas ni Marcus ang espada at hinanda ang sarili sa pakikipaglaban.

"paalisin mo kami.. Brace" may halong kabang saad ng asawa niya sa heneral. Ngunit umiling lang ito sa kaniya.

"ang utos ng kaharian ay wakasan ang buhay ng inyong angkan. matinding panganib ang ginawa ng inyong mga magulang.. kalapastangan sa palasyo ang pag tatraidor Marcus alam mo yan" mahabang paliwanag ng Heneral sa kaniya.

"Nakikiusap ako Brace. Bilang kasamahan sa akademya kilala mo ako. kilala mo ang pamilya ko. Hindi nila iyon magagawa"

"ngunit lumabas na lahat ng ebedensiya Marcus. at espada na mismo ng iyong ama ang tumarak sa dibdib ng dating Hari"

"hindi"umiiling na saad niya.

"at ang itim na kapangyarihan ng inyong angkan. nagsisimbolo ito ng kapahamakan Marcus" dagdag nito. galit. yan ang nararamdaman niya dahil sa sinabi ng kaibigan. nandilim ang kaniyang paningin at walang pagaalinlangan na sinugod ang mga kawal na nakapalibot sa kanila ng asawa. Kasabay ng malakas na pagiyak ng sanggol na hawak niya at pag daing ng mga kawal ng biglang may lumabas na itim na usok sa kaniyang mga kamay. pakiramdam niyang parang mas lalo siyang lumalakas kasabay ng pagbagsak ng katawan ng mga kawal na wala nang buhay.

"M-arcus" napatingin siya sa asawa at ganon nalang ang pagkalumo niya ng espada mismo ng kaibigan ang tumarak sa dibdib ng asawa.

napaluhod ito ng bitawan ng kaibigan.

"Ba-kit.... BAKIT!?" sigaw niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. mabilis niyang itinaas ang kamay niya at doon lumabas ulit ang itim na usok at pumalibot sa kaibigan.

"argg.. ahhhhhhh" matinding sigaw niya na parang naging musika sa tenga ni Marcus. Saya. yan ang nararamdaman niya habang nakatingin sa kaibigan na unti unting bumabagsak. Hindi na ito makilala pa dahil sa lapnos sa kaniyang mga balat.

Tinignan niya ang tuktok ng apat na palasyo na makikita mula sa kaniyang kinaruruonan.

"pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.. maghihiganti ako" Huling saad niya bago maglaho kasama ang kaniyang anak na sanggol.

Halos hindi alam ng mga tao ang maramdaman nila pagkatapos malaman ang totoong nangyari sa nakaraan. Hindi aakalain ni Brent na magagawa ng kanilang magulang na pumaslang ng mga inosenteng tao.

"Ngayon... sabihin niyo sa akin.. bakit ko pa bubuhayin ang mga Hari at Reyna ninyo?" ngumisi ito sa kanilang lahat.

"K-asalanan ng iyong Ama kung bakit namatay ang aking Ama Marcus" salita ni Haring Knoxx habang hirap na hirap sa pagsalita. Mas hinigpitan ni Marcus ang pagkakasakal sa kaniya na ikinabahala ni Jake.

"Tama na! Itigil mo yan! Dad!" sigaw ni Jake sa kaniyang ama. Nanlulumo siya sa sinapit ng magulang.

"Hahahahha. nakikita niyo ba. ang inyong mga anak ang nagmamakaawa sa akin ngayon. ganyan... ganyan ang naranasan ko nang magmakaawa ako sa inyong lahat na wag paslangin ang mga magulang ko!" galit na sigaw nito. mas lalong dumilim ang kaniyang mga mata at walang pagaalinlangan na pinasugod ang kaniyang mga kampon.

Naalerto silang lahat ng biglang sumugod sa kanila ang mga naghihigantihang higante at ibang mga halimaw na dati ay mga tao. May nakakalaban din silang mga Dark Mage at halos hindi nila sila masabayan. Pakiramdam nila ay walang wala sila kumpara sa kanila.

"argg"

"Sam!" sigaw ni Brent at dinaluhan ang dalaga na ngayon ay hawak hawak ang tiyan kung saan natamaan ng isang palaso. Humigpit ang hawak ng dalaga sa sugt niya kasabay ng matinding pagdaing. Mabilis silang dinaluhan ng mga Healers at tinulungan sila.

"please heal her" tumango ang isang Healer kay Brent upang ipabatid na gagawin nila ang lahat para maligtas ang babae.

"Brent!" tinignan niya ang tumawag sa kaniya at wala siyang pagalinlangan na nagpalabas na Water ball at pinatamaan ang isang halimaw na nakadagan kay Stef. Tinulungan niya ang babaeng makatayo ng biglang nagging abo ang halimaw.

"si S-am?" hirap na tanong ni Stef sa kaniya.

"She's fine.. get up.. we need to fight these monsters" tinanungaan niya ang binata at tumayo nang kusa.

sa kabilang dako halos hirap na pigilan ni Kent ang matinding pag agos ng dugo niya sa kaniyang tiyan. Hindi niya inaakala na malakas ang makakalaban niya.

"is that what you got?.. hindi ko aakalain na ganito pala kahina ang isang prinsipe" pangaalaska ng isang laaking may suot na itim na kasuutan. balot na balot ito at may hawak na itim na espada. sa kabilang kamay naman niya ang itim na apoy.

"Damn!" mura niya ng kumirot ang sugat. He need to finish this. kailangan niyang matulungan ang ibang kasamahan.

"Hindi ko alam kung bakit siya nahulog sa kaibigan niyo. ano nga bang nakita niya sa kaniya?" kumunot ang noo niya sa turan ng alaki. sino ang tinutukoy niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" humalkhak ang lalaki sa harapan niya dahil sa sinabi niya.

"Do you want to know who I am?" hindi na siya hinintay pang makasagot nito at kusa nang inalis ang balabal na nakatabon sa kaniyang mukha.

Halos mabato siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa mukha ng lalaki. paanong buhay pa ito?

"Tyler"

"yes it's me. the one you killed at the mortal world.. how surprising at hindi mo ko natuluyan gamit ang kapangyarihan mo" ngumisi ito sa akin. Akala ko tinatapos ko na ang nilalang na ito.

"Ngayon ikaw naman ang masusunog gamit ang apoy ko" bigla niya nalang ako pinaulanan ng itim na apoy at mabilis ako gumawa ng pangharang at mabilis na tinapon ang espada ko sa gawi niya. naiwasan niya ito at mabilis na lumapit sa akin. Nahawakan niya ang braso ko at mabilis akong hinagis. ramdam ko ang pagtama ng likuran ko sa pader.

"shit!" mura ko nang makabawi sa nangyari.

"hahahahaha..ang hina mo!" hindi pa ako nakakatayo ng bigla niya akong sinipa sa sikmura kung saan ang sugat ko.

hindi pa siya nakuntento at tinapat ang espada niya sa leeg ko. ito na ba? hanggang dito nalang ba?

"goodbye" pinikit ko ang mata ko at hinintay ang susunod na mangyari ngunit ganon nalang pagtataka ko dahil wala akong nararamdaman na kakaiba. minulat ko ang mata ko at unang bumungad sa akin ang pugot na ulo ni Tyler na gumulong at ang katawan niyang walang buhay.

Napatingin ako sa unahan ko at doon nakita ko ang isang taong matagal ko nang hinihintay.

"You're back" mahinang saad ko. kita ko ang pagngiti niya sabay haplos sa mukha ko.

"Sorry for being late" hinawakan ko ang mukha niya at halos hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya. ibang iba na ang anyo niya. naging mas lalong humaba ang buhok niya at nagging iba na din ang kulay nito. ang mga mata niyangkumikinang dahil sa kulay nito.

I'm miss this girl..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top