Chapter 55: Start of the War
pagod at panghihina yan ang nararamdaman ng bawat isa habang nakikipaglaban. Hindi nila alam kung kailan pa ito matatapos. Madami nang estudyante ang namatay marami nang tao ang nag sakripisyo ng kanilang buhay. Hindi alam ng mga Guro ang kanilang gagawin. nasaksihan nila kung paano nasawi ang kasamahang guo sa pakikipaglaban.
Ang ibang mangagamot ay pagod ang nararamdaman at panghihina dahil sa hindi matapos tapos na pagpasok ng mga sugatang estudyante sa kanilang kwarto.
"bakit hindi sila maubos ubos?" pagod na tanong ni Brent sa kasamahan habang mahigpit na nakahawak sa kanilang mga espada. Wala silang pahinga hindi nila alam kong nasan napunta ang iba nilang kasama dahil pagkalabas nila sa kulungan ay nagkahiwa hiwalay silang lahat dahil sa pagsabog.
Ang tanging kasama lamang ni Brent ay si Jake na may sugat na din sa kaliwang kamay niya. Hindi niya na ito magamit pa dahil sa pagkabali ng kaniyang buto doon.
"Shit! we need to find the others" mahinang saad niya sa kaibigan sabay sangga ng espada niya sa isang atake ng isang kalaban. napatingin siya mukha nito at ganon nalang ang pagkataka at gulat sa mukha niya habang nakatingin sa mukha ng taong nakangisi na sa kaniyang harapan.
"T-om?" Hndi niya aakalain na isa itong traidor. Halos hindi niya na ito makilala nong una dahil may nakausling dalawang sungay sa kaniyang noo habang may mahaba itong buntot. ang mga kuko nito ay mahaba habang may hawak itong espada na kulang itim dahil nababalutan ito ng usok.
"pa-anong...shit!" hindi niya magawang matapos ang sasabihin niya ng simulan siya nitong atakihin ulit. Isa ito sa naging kaibigan niya sa kanilang kahiraan. Kasama niya ito sa pagpasok noon sa akademya at kahit isa siyang maharlika hindi lingid sa kaalaman nilang dalawa na ang turing nilang dalawa sa isat- isa ay matalik na kaibigan.
isa itong anak ng kanilang katulong sa palasyo at nakasama niya na din sa paglaki. Ngunit ganon nalang ang pagkalumo niya ng mabalitaan niyang hindi na nakabalik ang grupo nito sa isang misyon noong nakaraang taon. walang nakapagsabi kung buhay pa ba silang lahat o patay na.
Ngayon nakikita niya ang kaibigan. alam niya na ang nangyari sa mga ito. Mahigpit niyang nahawakan ang espada at pinagalaw ang lupang kinatatayuan ng kaibigan. Umungol ito na parang isang malaking hayop ng bumaon ang kalahating katawan nito sa lupa. Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakabaon ngunit hindi nito magawa.
pakiramdam niya ay hindi na siya nakikilala pa ng kaibigan. matalim itong nakatingin sa kaniya at pilit siyang inaabot ng mahahaba nitong kuko. Napalunok siya at parang may bumara sa kaniyang lalamunan habang nakatingin dito.
Hindi niya aakalain na sa kamay niya matatapos ang buhay ng matalik na kaibigan.Hindi niya alam kung anong mukhang mahaharap niya sa pamilya nito at sabihin ang lahat.
"W-hy.. anong ginawa nila sayo?...bakit ganito"mahinang usal niya ngunit alam niyang hindi din siya nito masasagot pa. pakiramdam niya parang tinutusok ng libo libong karayom ang dibdib niya. Hindi lang matalik na kaibigan ang turing niya sa lalaki kundi parang isang kapatid.
"J-ake" napatigil siya dahil sa narinig sa kaniyang isipan. ngumiti siya ng malaman nasa loob pa din ng katawan nito ang kaluluwa ng kaibigan. umatungal ito at parang nasasaktan sa kaniyang harapan.
"T-omas..." tawag niya sa kaibigan. "J-ake..i know I didn't tell you that your like a brother to me..Jake please can you kill me... I want to be at peace" mas humigpit ang kapit niya sa kaniyang espada.
kaya niya ba? kaya niya bang patayin ang kaibigan niya?
"jake.. kill me.. I know you would take care of my family... let me be at rest" naiiling siyang tinaas ang kaniyang kamay kung saan ang hawak na espada. nanginginig ang kaniyang mga kamay at bakas sa mukha ang masaganang luha.
"ahhhhh"sigaw niya kasabay ng pagwasiwas ng kaniyang espada na pumutol sa ulo ng kaibigan. napaluhod siya habang umiiyak at nakatingin sa walang buhay na katawan ng kaibigan sa kaniyang harapan.
"thank you"huling rinig niya sa kaniyang isipan bago makita ang isang puting liwanag na lumabas sa katawan nito at biglang naglaho.
"rest now.. tomas" bulong niya sa hangin.
Nasaksihan lahat ni Jannice ang nangyari kay jake at sa kaibigan nito. Kilala niya ang lalaki. nasaksihan niya kung paano nalugmok ang kaibigan ng malaman ang nangyari sa kaibigan nito noong nakaraang taon.
Siya ang naging sandalan ni jake ng mga oras na hindi niya alam ang gagawin ng mabalitaan ang balita. at ngayon nasaksihan niya ulit kung paano umiyak ang taong mahal niya.
kahit pagod. pinilit niyang lapitan ang lalaki at yumuko sa harapan nito. napatingin ito sa kaniya at nginitian niya siya.
"everything will be alright. Masaya na siya ngayon" bulong niya kay jake at pinunasan ang natirang luha sa pisngi nito. Hindi na kinaya ng sarili niya at yinakap na ang lalaki upang paganain ang loob nito.
Alam niya na hindi dapat sila makampanti sa ngayon dahil nasa gitna sila ng laban. ngunit masakit para sa lalaki ang mawalan ng isang taong tinuring niya nang parang isang kapatid. Nang mahimasmasan si Jake ay kusa itong tumayo. nakatingin sa kaniya si Jannice ngunit nginitian niya lang siya.
"let's finish this battle" ngumiti na din siya na dinig mula rito at kinuha ang kamay nito upang makatayo. hinarap nila ang mga natitirang kalaban at walang pagdadalawang isip na sinugod ang mga ito.
"Brent!" sigaw ni Sam ng makita ang binata na nakikipaglaban magisa sa isang malaking higante. mabilis niyang Pinagalaw ang dalawang kamay at mabilis na konontrol ang katawan ng binata upang mapalapit sa kaniya. Muntik na itong mapiraso ng hawak na higante ang binata kung hindi niya naagapan kaagad.
"thank you" nginitian niya si Brent at sabay silang napatingin ng biglang tumigil ang higante sa kaniyang pag atake. bakas sa lahat ng nandoon ang pagtataka kung bakit lahat ng kalaban nila ay parang natuod at hindi gumagalaw.
"anong nangyayari?" takang tanong ng Megan. Kita niya kung paano biglang humawi ang mga Higante at doon halos manlumo sila sa kanilang nasaksikan. Halos hindi makagalaw ang lahat habang nakatingin sa walog taong nakaluhod habang maraming sugat at nanghihina. Naikuyom ni Kent ang mga kamao niya habang madilim na nakatingin sa taong nakangisi sa kanilang lahat.
Nakalutang ito habang nababalutan siya ng itim na usok. Sa nakikita niya ngayon mukhang malubha ang mga nangyayari. Hindi nila ito inaakala.
"It's nice to be back here" ang boses lamang ng nilalang na nakalutang ang kanilang naririnig. Ramdam ng lahat ang itim na inerhiya na nangagaling sa taong ito. pakiramdam ng lahat ay parang hinihigop ang kanilang kaluluwa papalabas sa kanilang katawan.
"Marcus!" napatingin ang lahat sa taong sumigaw nito.
"magkakilala sila?" katanungan mula sa isipan ng bawat isa. walang gustong pumagitna sa dalawa.
"HAHAHAHAHA... kamusta Headmaster?" madilim siyang tinignan ni Headmaster habang mahigpit na nakahawak sa sandata. Hindi niya aakalain na hindi kinaya ng mga palasyo upang sugpuin ang kalaban.
napakalakas. yun ang nasaad ni Headmaster sa kaniyang isipan.
"ikaw... paano mo naatim na gawin ang lahat ng ito?" madiin na tanong sa kaniya ng matanda. mas lalo lamang siyang humalkhak dahil sa tinanong nito. pakiramdam niya ay walang kaalam alam ang guro sa totong nangyayari. sinilip niya ang walong taong nakagapos at nakaluhod sa kanilang harapan.
"why don't you ask them.. Headmaster?" makahulugang saad niya sa matanda.
"Mom! Dad!" sigaw ni Brent sa mga magulang ngunit umiling lang ang mga ito sa kanila. Ang nasa isipan ng mga hari at reyna ay sila ang dapat magbayad sa kanilang kasalanan. Alam nilang kahit kailan hindi nila magagawang itago pa ang nakaraan sa lahat.
"Anong ibig sabihin nito?" diin na tanong ni Kent sa kanila. napatingin sa kaniya ang taong may hawak sa kaniyang mga magulang. Bigla itong ngumisi ng makilala ang binata.
"ikaw pala ang anak ni kendrick at Kennidy... hahaha manang mana sa ama" bigkas nito.
"Let them go" madiing utos ni Kent sa kaniya.
"kailangan muna nilang pagbayaran ang kasalanan nila... ang pagkitil sa walang kamuwang muwang kong asawa.. sa pagkitil sa buong angkan ko!" sigaw nito at halos maalerto silang lahat ng biglang may mga usok na sumakal sa mga hari at reyna at nahihirapan silang huminga.
"Fck! mamatay sila... Kent do something!" sigaw ni Megan sa kaibigan.
"damn" mura ng binata dahil kahit siya walang magagawa. alam niyang maling hakbang niya ang mawawala sa kanila ang kanilang mga magulang.
"Nang dahil sa mga walang Kwenta niyong mga Hari at Reyna!... Naiwan akong magisa kasama ang anak ko.... Ngayon PINATAY NIYO DIN SIYA!!" sigaw nito. ramdam nilang lahat ang matinding galit na nagmumula sa kaniya.
"Ngayon magbabayad kayo... ito na ang katapusan ng mapayapa niyong buhay.. lahat kayo isasama ko sa hukay"malademonyo niyang saad bago lumabas ang dalawang naglalakihang sungay sa kaniyang ulo at pagbabago ng anyo nito.
"what should we do?" tanong ni Kent sa kaniyang isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top