Chapter 52: Missing

Ilang beses mag paikot ikot ang tatlong babae sa kanilang tahanan upang hanapin ang kasamahang nawawala, ngunit hindi nila ito mahanap. Nagulantang lamang sila nang ibalita sa kanila na ilang linggo na itong hindi nagpapakita sa kanilang mga kasamahan.

Lubos silang kinakabahan dahil hindi nila alam kung anong nangyari rito. Nangangamba din sila dahil nalalapit na ang pagdating ng pulang buwan.

"Nahanap niyo na ba siya?" sabay na umiling ang dalawang kasamahan ng babae ng magtagpo sila tatlo, dumating na din ang isa pa nilang kasamahan, umiling din ito sa kaniya na ikinabahala niya pa lalo. Bigla nalang may inabot sa kaniy ang kadadating lang na babae. tinignan niya ito at doon niya napansin ang dalawang diamanteng hinahanap ng mga Estudyante niya.

"Kenya, anong gagawin natin?" kabadong tanong ni kenshi dahil kahit siya hindi niya alam ang gagawin.

"Kailangan nating ibigay yan sa paaralan, Alam natin kung bakit niya iniwan yan sa atin, ang magagawa nalamang natin ngayon ay hinatayin siya sa kaniyang pagbabalik" sabay na napayuko ang tatlong kaharap niya.

Hinarap niya ang babaeng huling dumating, "Kailangan mo na sa kanilang magpakita, alam kong hinihintay ka na nila" napatango sa kaniya ang babae bilang pagsangayon.

Lucy Pov

Nilibot ko ang paningin ko, halos wala akong makitang ibang nilalang kung nasan ako ngayon.

nasaan ako?paano ako napunta dito?

White?. all I can see is white, I feel like I'm inside of a room that doesn't have any windows or door.

"lucy"

"Who's that? Anybody here!" sigaw ko. Hindi ko alam kung san nanggagaling ang boses nayun, pilit kong hinanap kung san yun nanggagaling, ngunit hindi ko malaman.

"Lucy, Find me"

"Sino ka ba! at anong h-anapin!"

"Lucy, we don't have any time left, the Red Moon, it's coming"

napahawak ako sa ulo ko dahil nakakaramdam ako ng sakit,

"Lucy, You should wake up now"

"Lucy"

"L-ucy please, wake up, pl-ease" unti unti kung dinilit ang mga mata ko, Puting kesame, yan ang unang bumungad sa aking paningin. Hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko, pakiramdam ko hinang hina ang buong katawan ko.

Napatingin ako sa gilid ko at doon nakita ko si Stef na natutulog habang umiiyak.

"L-ucy" nanaginip siya. Pilit kong galawin ang kamay ko upang gisingin si Stef at hindi naman ako nabigo, Marahan kong hinawakan ang ulo niya at mukhang naramdaman niya ako. Gulat siyang napatingin sa akin at mukhang hindi pa siya makapaniwala.

"Lu-cy, Gising kana, omy god!" napangiti ako habang mariin niyang hinahawakan ang kamay ko, Hindi ko pa din magawang makapagsalita. gusto ko siyang tanongin kung anong nangyari, at kung nasan kami.

"Sandali lang tatawagin ko lang sila Headmaster at ang iba pa" masayang paalam niya at hindi din nagtagal bumalik siyang may mga kasama na.

Hindi ko sila kilala ngunit bakas sa mukha nilang lahat ang pagkasaya habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tinignan ng mga Doctor.

"kamusta na siya?"

"she's already fine now Headmaster, But as of now, mahina pa ang katawan niya, kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw, upang maibalik ang lakas niya"

"thank God!" dinig kong sabi ni Stef at nilapitan ako, nginitian ko naman siya at niyakap niya ako.

"Alam mo ba kung gaano mo kami pinagalalang bruha ka!" gusto kong matawa dahil sa pinagsasabi niya.

"I think maiwan na muna namin kayo" napatingin ako sa tinawag ng Doctor na Headmaster. Ngintian niya ako ng mapansing niyang napatingin ako sa kaniya.

"Salamat po Headmaster" paalam ni Stef sa kaniya at yumuko ng bahagya. Ngayon kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa loob ng silid.

"magiging Masaya sila Sam kapag nalaman nilang gising kana" nakangiti niyang sabi. Gusto ko ding tanungin sa kaniya kung bakit siya lang ang nandito. Nasan ang iba? napansin niya seguro ang pagtataka sa mukha ko.

"k-ung hinahanap mo sila, Hindi ka pa nila mabibisita sa ngayon, pinatawan sila ng parusa nila Headmaster dahil hindi nila natapos ang kanilang misyon" pagkwento niya sa akin, dahil ba sakin?

"a-alam kong iniisip mong dahil sayo yun, ngunit wala din kaming magagawa, Matinding pagpapasya ang ginawa ni Kent upang maligtas kalang sa bingit ng kamatayan, Alam din naming dito kalang matutulungan at maliligtas" nginitian niya ako ng bahagya sabay hawak sa dalawa kong kamay.

"wag kang magalala, sa susunod na araw matatapos na ang parusa sa kanila" tumango ako sa kaniya dahil don. napabuntong hininga ako dahil kahit sinabi na iyon ni Stef na hindi ko kasalanan ang lahat, bakit pakiramdam ko parin ng dahil sa akin kaya sila nahihirapan ngayon.

Marami pa akong gustong itanong sa kaniya ngunit pinagpahinga na niya ako, sa ngayon magisa na lamang ako dito sa silid dahil nag paalam si stef na kukuha siya ng pananghalian para samin.

Pumasok sa isipan ko ang panaginip ko bago ako magising kanina, Pilit kong inaalala ang mga narinig ko ngunit kakaunti lang ang tumatak sa isipan ko.

ang Red Moon, anong meron sa pulang buwan? at bakit sinasabi sa akin ng boses na kailangan siyang mahanap. Pamilyar sa akin ang boses ngunit hindi ko mawari kung sino ang nag mamayari nito.

Napalamig ng boses niya ngunit pakiramdam kong nahihirapan siya habang sinasabi yun sa akin. Pinikit ko nalamang ang mga mata ko at hindi na muna yun inisip, sa ngayon kailangan kong magpagaling at lumakas.

KAKAPASOK palamang ni Headmaster sa kaniyang opisina bumungad sa kaniya ang apat na taong taimtim na naghihintay sa pagdating niya. Nakilala niya kaagad ang tatlong babaeng nasa unahan ngunit nagtaka siya kung sino ang kasama nilang isa pang babae.

"Headmaster" Bahagyang yumuko ang apat sa harapan niya bilang paggalang. Tinanguan niya ito at pumunta sa kaniyang lamesa.

"Bakit kayo nandito? anong kailangan niyo?" agarang tanong ni Headmaster sa kanila. Alam niyang hindi pumunta ang mga ito dito upang makipag kwentuhan ng kung ano ano. Ramdam niyang may napaka importanteng bagay silang dapat sabihin sa kaniya.

"First, we will introduce our true self headmaster" Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Prof. Kenshi. Pagkatapos nitong sabihin iyon bigla nalang siyang nagulat dahil sa nalaman. Nasa harapan niya ngayon ang tatlong maliliit na nilalang na akala niya kahit kailan man hindi makikita ng dalawang mata niya.

"H-ow?" iyon lamang ang lumabas sa bibig niya dahil sa pagkagulat. agarang naman bumalik sa dating anyo ang tatlo.

"Kami ang tatlong nilalang na nagbabantay sa Forbidden Garden at kami din ang tagapangalaga nito" salita ni Prof Kenya sabay ngiti sa kaniya. Hindi niya aakakalain na totoo ang kwento sa hardin na yon. Alam niyang matagal nang pinagbabawal ang pagpunta doon simula pa sa dating Headmaster ng paaralan hanggang sa kaniya. Ngunit hindi mabatid kung bakit lumabas ang tatlong tagapangalaga sa hardin.

"Bakit kayo naparito?" agarang tanong ni Headmaster sa kanila.

"Noong una ang paglabas namin sa hardin ay isa lang naming misyon na ibinigay samin, ngunit nagulo ang pangyayari ngayon" pagsisimula ni Prof. Kenshi. Batid niya ang misyong sinasabi nito ay ang pagtulong upang hasain ang mga Estudyante sa pakikipaglaban. Ngunit nagtataka siya kung sino ang nagbigay sa kanila ng utos.

"A-nong ibig mong sabihin?" napabuntong hining ito sa kaniya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Mas nagging mabilis ang gaganaping digmaan ayun sa propisiya, sa pagsapit ng unang pulang buwan, dadanak ang maraming dugo, mga taong magbubuwis ng buhay, at paghihinagpis. ang unang propisiya, sinaad doon na sa ikalawang pulang buwan ito magaganp, ngunit ng dahil sa mga pangyayaring hindi namin inaasahan nabago ang tadhana"

"Headmaster, Nagsimula ang lahat, dahil sa inyong nagawang maling disiyon" bigla siyang napatahimik dahil sa nalaman. maling disisyon? napansin ng kausap niya ang pagatataka sa kaniyang mukha.

"si Crizzania, sa kaniya nagsimula ang lahat ng inyong kamalian" halos mawalan sa tamang pagiisip si Headmaster. Kaya ba? kaya ba ganon nalamang ang pagtutol ng nararamdaman ko nong mga oras na ipataw ko sa batang yun ang kaparusahan?

"Batid naming alam mo na ang inyong pagkakamali" tumango siya tanda nang naiintindihan niya na ang lahat.

Napatingin siya sa kasama ng tatlo, mukhang napansin din nilang gusto niyang makilala ang kasama nila. tinignan ni Prof. Kenshi ito at mukhang nakuha niya din ang nais nitong ipabatid.

Yumuko ito sa harapan ni Headmaster at nagpakilala."Meiasis Vernce, Sand Manipulator, One of the Sub Elemental" Hindi alam ni Headmaster kung ano ang sasabihin niya, Ang dami niyang nalaman at hindi niya alam kung kakayanin niya pa bang isipin lahat ng ito.

"And this, we know kailangan niyo ito Headmaster" napatingin siya sa binigay ni Prof. Kenya at mas nagulat siya sa bagay na ibinigay sa kaniya.

"Alam naming yan nalamang ang kulang sa inyo, Sanay, makatulong yan sa nalalapit na digmaan, lubos naming pinapanalangin ang tagumpay ninyong lahat" huling sabi ng tatlo bago sila naglaho.

Binalingan niya ang babaeng naiwan, Marami siyang katanungan kung paano siya napunta sa pangangalaga ng tatlong iyon. Ngunit hindi niya na ito tintanong pa at sinamahan nalamang ito upang ipakilala sa mga kasama niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top