Chapter 44: Soul Diamond
Lucy Pov
Hindi ko alam pero hindi na ako nakaramdam ng takot sa kaharap kong multo ngayon. May kakaiba kasi sa kaniya na hindi ko malaman.
Dapat sa oras na to hinahanap ko na sila Megan kung saan sila nagpunta pero ako nandio parin kaharap ang gwapong multo na ito. Nakatingin lang siya sa akin, parang sinusuri ako.
“Ahm. I think I need to find my friends” nahihiyang sabi ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tinalikuan ko na siya. Akmang aalis na ako sa kwarto kung nasan kami ng magsalita siya.
“One of your friend is upstair” nalilito ko siyang nilingon.
“Who?”
“The one who’s chosen by those thing” anong pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Sino ang tinutukoy niyang kaibigan ko.
“If you don’t trust me, then come with me” after he said that nawala nalang siya sa harapan ko. What the! Nasan na naman yun. Tinignan ko siya sa gilid ko ngunit wala naman siya don.
“What are you doing, bakit nakatayo ka pa din diyan?” mabilis akong tumingin sa likuran ko at doon nakita ko siyang nakasandal malapit sa hagdanan.
Napanguso naman ako dahil bakit ang ganda niyang tignan sa postura niya?
“Tara na nga!” naiinis na sigaw ko sa kaniya at nauna nang umakyat sa hagdan. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin dahil bigla nalang akong nanlamig.
Kung hindi lang talaga nanggagaling sa kaniya ang lamig yayakapin ko siya kaso baka pagginawa ko yun mas lalo akong manlamig.
“Anong ginagawa mo?”napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Doon ko lang napansin na nakatayo siya sa harapan ng isang pinto.
“Nandito na tayo” sabi niya sa akin at tinuro ang pintuan kung saan ang sinasabi niyang kaibigan ko daw na nandoon. Nahihiya naman akong lumapit sa kaniya at nakayukong binuksan ang pintuan. Nang papasok na ako ng tuluyan ng mapatigil ako.
Ano to? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa loob. Bakit ang lakas nang nangagaling na kapangyarihan sa loob. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok ng tuluyan.
Gulat kong tinignan si Sam na nakalutang sa itaas ng isang kama habang nasa ibabaw ng dibdib niya ang isang kumikinang na diamante.
“The soul diamond” bigkas ko. Hindi ako pwedeng magkamali. How come na nandito ang isang diamond.
“Dinala ng diamanteng pinapangalagaan ng pamilya namin ang babaeng kaibigan mo dito. Hindi ko alam na siya pala ang matagal nang hinahanap na tagapangalaga ng diamante nayan” sabi ni Aaron sa akin.
Ibig sabihin may alam siya tungkol sa mga diamante. Basi na din sa sinabi niya, sila ang nagpoprotekta dito. Bakit pakiramdam ko may kinalaman ang diamond sa pagkamatay ng buong angkan nila.
Dahan dahan kong nilapitan si Samantha at akmang hahawakan ko ang kamay niya ng manlamig ako bigla. She’s a soul manipulator that’s why kanina ko pa nararamdaman na parang gustong kumawala ng kaluluwa ko sa katawan ko. Shit! napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa matinding paghihirap.
“Ahhhhh” hindi ko na napigilan pang sumigaw dahil sa sakit. Sam wake up! You need to stop this! Palihim kong tinignan si Aaron ngunit nakatayo lamang siya habang nakatingin sa akin. fuck! Tanga ka ba lucy paano ka naman niyan matutulungan, multo nayan!
Pinilit kong makatayo upang mahawakan si Sam. Kailangan ko siyang mapigilan. Nagulat nalang ako ng may tubig na bumalot kay Samantha napatingin ako sa pintuan at doon nakita ko sila Brent at seryosong nakatingin sa amin.
Nakahinga naman ako ng maluwag at napaupo nalang sa sahig ng hindi ko na maramdaman ang kapangyarihan ni Samantha.
“Lucy ok kalang?” tinanguhan ko naman si Stef at inalalayan ako sa pagtayo. Napatingin ako kay Samantha na buhat na ngayon ni Brent.
“She got the soul diamond” sabi ko sa kanila. Napatingin sila sa kamay ni Brent ng inabot niya ito kay Kent. Inabot niya naman ito mabilis na tinago.
“We need to go back now” anunsyo ni Kent kaya sumundo nalang kami. Akmang susunod na ako ng bigla akong may maalala. Nasan nayun? Nilibot ko ang paningin ko sa silid ngunit wala akong may Makita na multo.
“Anong tinitignan mo Lucy?” takang tanong ni Stef sa akin.
“A- wala t-ara na” sabi ko nalang sa kaniya at nagsimula na kami ulit maglakad. Nang makarating kami sa Rest House nila Stef bumungad sa amin sila manang at ilang mga tagasilbi.
“Jusko anong nangyari sa inyo? " tanong ni manang sa amin ng makalapit kami sa kaniya. Napatingin siya kay Samantha na wala parin malay.
“Ang mabuti pa dalhin niyo na siya sa itaas at tatawag ako ng doctor sa bayan” kinabahan kami ng sabihin yun ni manang
“Wag po!” sigaw ni Megan. Taka kaming tinignan ni manang.
“Pero kailangan niyang matignan baka kung anong nangyari sa kaniya”
“Naku manang wag na po, nawalan lang siya ng malay mamaya gigising din siya”
“Segurado ba kayo diyan?” sabay sabay kaming tumango kay manang. Wala na siyang nagawa at hinayaan nalang kami sa kung ano mang gusto namin.
Umakyat nalang kami sa taas at dinala si Sam sa kwarto niya. Nagpaalam nalang ako sa kanila na gusto ko na ding magpahinga kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako halos magulantang ang diwa ko ng bumungad sa akin si Aaron na nakaupo sa kama ko.
“Shit! papatayin mo ba ako sa gulat?” tanong ko sa kaniya. He just smirk at me at parang nakakita siya nang nakakaaliw na pangayayri.
“If papatayin kita then I would be happy” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinupunto nito?
“Ibig sabihin masaya ka kapag namatay ako? ganon ba?”
“Then magkasama na tayong dalawa” napanganga ako sa sinabi niya. Siraulo talaga tong multong to.
“Umalis kana nga lang! magpapahinga na ako!” sigaw ko sa kaniya.
“Then sabay na tayo?” sinamaan ko siya ng tingin dahil don. Lakas din ng tama ng isang to. Mabilis kung dinampot ang pinakamalapit na bagay sa akin at tinapon sa kaniya pero tumagos lang ito sa kaniya. Tangina multo talaga! Nginisihan naman niya ako dahil don.
Hinayaan ko nalang siya kung anong gusto niyang gawin basta ako kailangan ko nang magpahinga dahil ang daming nangyari sa araw na to.
But I'm glad that we found the other diamond.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top