Chapter 43: Ghost
Lucy Pov
Where are we? Sa totoo lang hindi ko alam kung nasan na kami ngayon pagkatapos naming makaalis sa isla at naisipan namin ng mga girls na maglibot libot sa lugar.
Nakakaaliw kasi tignan ang mga dagat sa lugar na ito. May ilang tao din kaming nakikitang nagaayos ng bangkang pangisda nila at mukhang kakabalik lang nila sa pangingisda.
"Stef do you know this place?" kita ko namang napaisip siya na parang pilit na inaalala kung anong tawag sa lugar na ito.
"I don't know either, hindi ko din kasi matandaan, basta ang naalala ko lang madalas kaming bumibili ng isda sa lugar na ito. Mura kasi at bagong huli kaya fresh pa" napatango nalang ako sa sinabi niya. Napatingin kami sa nagkakaguluhang tao. Parang may pinag-aagawan sila mula sa kakarating lang na mangingisda. Ang dami nilang huli, kapansin pansin ang ilang bandehadang lalagyan ng mga isda.
"Do you want to go there?"
"Tara" masayang sagot ko sa kaniya.
Sumunod naman sila Sam sa amin. Biglang natahimik ang mga tao at sabay sabay na napatingin sa amin. Mukhang nagtataka sila kung sino kami.
"Hi po"bati ko sa kanila. Ngunit hindi man lang ako nginitian pabalik ng mga tao. Nakatingin lang sila sa amin at parang naninibago sa mga mukha naming lahat. Natahimik nalang ako dahil ka hihiyan. Ang tanga mo kasi Lucy, hindi ko naman alam na mga snober pala ang mga tao dito.
"ah-m hello po-"
"Bago lang ba kayo dito ineng?"naputol ang sasabihin ni Stef dahil sa tanong ng isang ginang. Nakakatakot ang tingin niya dahil pakiramdam ko sinusuri niya kaming lahat.
"Yes po, where just on vacation po kaya nandito kami"nahihiyang sagot ni Stef sa kaniya. Tahimik lang kami nila Megan na nakikinig sa kanilang dalawa. We don't know the people here.
Ang iba kasi parang hindi friendly sa mga bagong salta dito. Nakakatakot silang tumingin. Napabaling ang paningin ko sa isang lalaki na nakatayo sa Bangka.
Mariin siyang nakatingin sa amin at halos magulantang ang diwa ko ng bigla nalang siyang napatingin sa gawi ko. Mabilis akong umiwas dahil sa kahihiyan. Sino siya?
"Kung ganon saan kayo nanunuluyan, malayo ang mga Resort at hotel dito sa lugar namin"
"Actually po where staying at our rest house here"
"Rest house?" nagtaka ako ng biglang magbulungan ang mga tao at napapatingin sa gawi namin. Bakit may problema ba sa rest house nila Stef? Bakit ganyan sila maka react sa amin.
"A-po ka ba ni Donya Margareth?"
"Ahm yes po" mas lalong umingay ang bulungan nila. Shit! why do I have a bad feelings about this. Mukhang hindi yata maganda na lumapit pa kami sa kanila.
"Bakit po?" takang tanong ni Stef sa kaniya. Mabilis namang umiling ang ginang sa amin.
"Wala naman ineng natanong ko lang, kilala kasi ang pamilya mo sa lugar na ito lalo na ang lola mo"
"Ganon po ba? Pero hindi ko po alam na kilala pala ang lola ko sa lugar na ito"
"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lola mo, ang lola mo ang pinakamaganda sa kapanahunan niya sa lugar na ito" kwento ng ginang.
"Hahaha kayo po talaga, pero totoo ngang ang ganda ni lola kahit matanda na siya nakikita pa din sa mukha niya ang angking ganda nito" natatawang sabi ni Stef. Kahit magaan ang usapan nila may pakiramdam pa rin akong may hindi maganda.
Napatingin ako kila Megan at tahimik lang silang nakamasid sa mga tao at sa kausap ni Stef ngayon.
Napatingin si Sam sa akin at kita ko ang pagtango niya sa akin, ibig sabihin hindi lang ako ang nakapansin. Hindi ko alam kung napapansin ba iyon ni Stef dahil masaya siyang nakikipag usap sa matanda
Napatingin ako ulit sa Bangka at halos kumunot nag noo ko dahil hindi ko na Makita ang lalaking nakatayo doon kanina. Where did he go? Hindi ko siya napansing umalis.
Ano yun naglaho siya na parang bula lang?
"Anong tinitignan mo diyan?"tanong sa akin ni Sam habang tinatanaw din ang tinitignan ko.
"Ah-m wala naman" tinignan niya ako na parang hinuhuli ako kung nagsasabi ako ng totoo. Nginitian ko nalang siya para pabayaan niya na ako.
"Ok If you say so, tara na tapos na magusap yung matanda at si Stef" sumunod nalang ako sa kaniya at lumapit kami kay Stef na kaharap si Megan at jannice. Nang mapansin nila kami ni Sam napatigil sila sa paguusap.
"What happened?" I ask
"Wala naman" sagot ni Megan. Napatango nalang ako sa kaniya. Napagpasyahan na naming bumalik sa rest house nila Stef ng mabaling ang paningin ko sa isang lumang bahay sa di kalayuan. Mataas ito at parang ilang dekada nang napabayaan. Matataas na mga puno ang nakatayo sa bakuran ng bahay at sira sirang gate.
"Hoy tara na!" dinig kong sigaw ni Megan sa akin ngunit hindi ko sila pinakinggan.
"Ano bang nangyayari sayo Lucy?" tanong sa akin ni Sam. Napatingin siya sa bahay na tinitignan ko at katulad ko nagulat din siya. Hindi kasi namin aakalain na may ganito palang bahay na ganito.
"Bakit anong meon sa bahay ng mga Salazar?" napatingin ako kay Stef dahil sa sinabi niya.
"Salazar?" I ask her. tinanguan niya naman ako.
"Ang alam ko walang natira sa angkan nila dahil sa isang aksidente. Walang nakakaalam kung anong totoong nangyari kahit isa walang nakaligtas noong gabing yun" magsasalita sana ako ng mapansin kong nagsisimulang maglakad papalapit si Sam sa naturang bahay.
"Sam!" tawag sa kaniya ni Megan. Sinundan namin siya. Nakakapagtaka parang wala siya sa sarili niya.
"Sam! Bawal tayong pumasok diyan!"sigaw ni Stef ngunit mukhang hindi niya kami nairinig.
Shit! nakakatakot pa naman ang bahay na to. Parang may multo. Nakapasok na kami sa bakuran ng bahay at bigla nalang akong nakaramdam ng panlalamig.
"Shit! ang ginaw" sabi ko.
"Umalis na tayo dito" sabi ni Jannice at akmang lalapitan na si Sam ng makapasok na ito sa pintuan ng bahay. What the! Nabuksan niya ang pinto?
"Lagot na! ano bang nanagyayari sa kaniya. Nakakatakot na dito ah!" reklamo ko. kasi naman ang creepy ng paligid at ang dilim. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay unang bumungad sa amin ang mga sirang gamit.
"Tangina! umalis na tayo dito, iba ang pakiramdam ko sa bahay na to" sabi ni Megan.
"Baka may multo dito" kinakabahang sabi ni Stef at mas lumapit pa sa akin. Naghawakan naman kami ng kamay dahil sa takot. Nasa unahan lang namin si Sam at nakasunod lang kami sa kaniya. Ano bang nangyayari sa kaniya?
Napatigil kaming apat nila Megan dahil bigla nalang may kung anong malamig na bagay na dumaan sa harapan namin. Tangina! sana hindi totoo ang iniisip ko. Sana hindi totoo.
Nagulantang ang diwa namin dahil bigla nalang may narinig kaming tunog.
"Kyaahhhhhh"
"Punyeta! "
"Shit!"
Nanginginig na nagsisiksikan kaming apat dahil sa nangyari.
"l-abas na tayo dito"
"S-iiSam?" tanong ko sa kanila. Hindi ko na makita si Samantha.
"SAM!" sigaw ko pero wala man lang akong nakitang Samantha.
"Tignan natin sa itaas baka nandon siya" Suhestyun ni Megan, napatago naman kami sa kaniya at akmang aakyat na kami sa hagdan ng biglang may nagsalita.
"Anong ginagawa niyo dito?" shit! sa pagkakaalam ko wala kaming kasama bukod sa aming lima. Tangina boses lalaki. Dahan dahan kaming napatingin sa likuran namin at halos sabihin ko na lahat ng mura dahil sa nakita ko.
Hindi namin magawang makapagsalitang apat dahil sa gulat at takot. Shit! namamalikmata lang ako. hindi totoo ang nakikita ko. shit! kahit may mga kapangyarihan kami iba pa din ang isang to.
"M-multo!" sigaw ni Megan at halos magkamayaw kami kung saan kami tatakbo.
Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali siya yung nakita kong lalaki sa Bangka kanina. Paano? Multo siya? hindi ko na alam kung saan pumunta sila Megan dahil nagsitakbuhan na sila sa takot.
Ako nanginginig ang mga tuhod ko at gusto ko nang umalis ngunit hindi ko magalaw ang katawan ko.
Napasinghap ako ng maglakad siya papalapit sa akin.
"S-andali! D-iyan kalang!" sigaw ko sa kaniya ngunit mukhang wala siyang naririnig dahil tinuloy niya pa din ang paglapit sa akin.
"Sinabing diyan kalang, ma-y hollywater ako d-ito! "pananakot ko sa kaniya pero inismiran niya lang ako at halos hindi na ako makahinga ng lumitaw siya sa harapan ko.
Subrang lapit ng mukha niya sa akin at bakit ang gwapo niya kahit multo siya? what the hell Lucy at pinuri mo pa talaga siya ah!
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya.
"Ikaw sino ka?"balik niya sa akin. tangina din ito eh kung hindi lang talaga gwapo ang multong to nilason ko na siya kahit multo lang siya.
"L-ucy" sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi.
"Aaron Salazar"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top