Chapter 33: Regret

Sam Pov

Buong araw hindi ko pinansin si Brent halos si Tyler ang kasama ko hanggang sa maguwian. Huli ko na din napansin na buong araw din pala siyang wala at hindi siya pumasok.

Nalaman ko din kay Megan na magkasama daw sila ni Stef at walang nakakaalam kung saan sila nagpunta.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil magkasama silang dalawa. Pero tama naman iyon diba dahil galit ako sa kaniya. Napatunayan ko ding walang intensyong iba si Tyler sa akin dahil gusto niya lang talaga makipagkaibigan. Kasama namin siya buong araw sa University at Masaya siyang kasama.

Nandito kami ngayon sa bahay ngunit wala pa din sila Brent at Stef. Saan ba sila nagpunta? Nandito ako sa sala at hindi ko alam sa sarili ko bakit hinihintay ko siya. gusto ko lang naman malaman kung ok ba siya. kahit galit ako sa kaniya may pakealam naman ako sa kaligtasan niya.

“ayan,aawayin yung tao tapos ngayon hinihintay dumating!”dinig kong sabi ni Megan, napanguso naman ako dahil dun.

“naku! Bakit kasi ayaw mo pang makipagbati”tanong pa ni jannice sa akin. Bakit nga ba? Hindi naman talaga ako galit nag alit sa kaniya. Nagtatampo lang ng kunti dahil sa ginawa nit okay Tyler. Hindi niya naman kailangang suntukin yung tao. Iba ang kakayahan ni Brent kumpara sa mortal, dapat alam niya yun.

“k-asi “ hindi ko madugtungan ang sinabi ko ng bigla nalang sumigaw si Megan.

“Brent!”mabilis akong napatingin sa pinto at doon nakita ko si Brent habang may akay akay na babae. Nasa tabi niya naman si Stef.

“anong nangyari? sino siya?”bungad na tanong ni Megan sa kaniya. Bakit iba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanilang dalawa ng babae.

“Si Lucy nakita namin siya kanina ng pauwi na kami mukhang may humahabol sa kaniya sabi niya sa amin. Wala din naman siyang mauuwian kaya dinala nalang namin ni Brent dito”paliwanag ni Stef. Napatingin ako sa babae at kapansin pansin sa kaniya ang madaming galos at pasa sa katawan, nanghihina na din siya at kung hindi dahil kay Bent baka kanina pa siya bumagsak sa sahig.

“gamutin na natin ang sugat niya”sabi ni jannice at mabilis na kumuha ng First Aid kit. Nakatingin lang ako kay Brent at inaakay ang Babae para makaupo. Halos magkadikit na silang dalawa dahil ang lapit lapit nila.

Ano ka ba Sam, tinutulungan lang siya ni Brent. Nalilito na ako, bakit pakiramdam ko ayaw ko silang magkalapit na dalawa.

Hanggang ngayon hindi pa din ako tinatapunan ng tingin ni Brent. Nakaupo lang siya sa tabi ni Lucy at kinakausap si Lucy. Hindi ko naman marinig ang sinasabi nilang dalawa dahil medyo malayo ako sa kanila at mahina nag boses ng mga ito.

“dito nalang muna siya tutuloy pansamantala hanggang sa gumaling siya”dinig kong sabi ni Stef

“mabuti pa nga, sino bang humahabol say o lucy?”tanong ni megan kay Lucy. Bigla namang natulala ang babae at kita sa mukha niya ang matinding takot. Bigla naman siyang nanginig at hindi alam ang gagawin.

“Lucy?”tawag sa kaniya ni Brent. Napatingin sa kaniya ito at ang bigat ng dibdib ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

“a-yaw k-o nang maalala”sabi niya at halos hindi ko na kinaya ang sunod na nasaksikhan ko. biglang yumakap ang babae kay Brent at umiyak. Pilit naman siyang pinapatahan nito. Napayuko nalang ako at tumayo.

“san ka pupunta Sam?”tanong ni Megan sa akin.

“b-balik lang ako sa kwarto ko”paalam ko sa kanila at umakyat na sa hagdan. Ayaw kong tignan sila ni Lucy, dahil aaminin ko nagseselos ako sa kanilang dalawa. Kasalanan mo to Sam kaya nakahanap na siya ngayon ng iba. Seguro ng napagtanto niya din na baka hindi ako ang para sa kaniya.

Napaupo ako sa sarili kama at bigla nalang tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha. nagpahid ako ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nakita ko doon si Megan, ngintian ko siya kahit hindi yun totoo.  Sinarado niya ang pinto at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at dinig ko ang pagbuntong hininga niya.

“nagseselos ka?”bungad na tanong nito. Hindi ko siya sinagot dahil alam kong alam niya ang totoo. Napayuko nalang ako habang nakikinig sa kaniya.

“sa tingin mo Sam sino ang may kasalanan kaya nakaramdam ka ngayon ng sakit?”

“M-eg”tawag ko sa kaniya.  hindi ko na pigilan ang  sarili ko at umiyak na ako sa harapan niya.

Naramdaman ko ang mga braso ni Megan ng yakapin niya ako.

“Sam. Tahan na, hindi mo kasalanan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Why not try to talk to him, at magkaliwanagan kayong dalawa” napailing ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya habang umiiyak ako.

“you need to Sam, talk to Brent”

“pa-ano kapag h-uli na?” nginitian niya ako.

“then accept everything will happened” pagkatapos naming magusap ni Megan nagpaalam na siya sa akin. Naiwan naman ako dito sa kwarto ko at iniisip kong kakausapin ko na ba siya. seguro nga kailangan ko na din siyang kausapin.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Brent. Akmang kakatok ako sa pinto ng bigla nalang bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha ni stef. Anong ginagawa niya sa kwarto ni Brent.

“oh Sam”nilakihan niya ang pagbukas ng pinto at doon bumungad sa akin si Brent habang nakahiga sa kama niya si Lucy. Napatingin silang dalawa sa akin at hindi ko mabasa ang mukha ni Brent.

“hindi kaba papasok Sam?” nabalik ako sa sarili ko ng tanungin ako ni Stef.

“ah-m na-g kamali pala ako ng kwato. Akala k okay jannice, sorry”hindi ko na sila hinintay pang magsalita at mabilis na naglakad pababa ng hagdan.

Nakasalubong ko pa si kuya kent pero hindi ko na siya pinansin pa. lumabas ako sa bahay at nasa isip ko lang ay gusto kong mapagisa at ilabas ang lahat ng sakit na nasa loob ko.

Nakarating ako sa isang park kung saan kami namasyal ni Brent. napaupo ako sa ilalim ng puno kasabay ng paglandas ng mga luha ko.

Ang sakit! It’s your fault Sam, ikaw ang galit sa kaniya ngayon nagsisisi ka?

“bakit ka umiiyak?”nanigas ako ng maranig ko ang tinig nay un. Bakit siya nandito? Dapat kasama niya si Lucy at inaalagaan ito.

“Sam, bakit ka umiiyak? Bakita tumakbo papunta dito?”sunod na tanong niya. hindi ko siya magawang tignan nakayuko lang ako habang pinupunasan ang luha ko.

“b-akit ka nandito?”mahinang tanong ko sa kaniya.

“ikaw bakit ka nandito?” napatingin ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang seryosong mukha nito.

“B-rent”

“sinaktan kaba ng lalaking yun?”ramdam ko ang matinding galit niya ng sabihin niya yun. tumayo ako at umiling sa kaniya.

“h-indi Brent, hindi ako sinaktan ni Tyler, wala siyang kinalaman kaya umiiyak ako”agarangsagot ko sa kaniya.

“bakit?bakit ka umiiyak?”nginitian ko lang siya. Masaya ako dahil narraamdaman kong importante pa din ako sa kaniya.

“kamusta na si Lucy?”pagiiba ko

“Sam, tinatanong pa kita” nagiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayaw ko siyang sagutin. Ngunit naramdaman ko nalang ang palad niya sa pisngi ko at inangat ang mukha ko para magkatitigan kami.

“tell me, what happened?”

“why don’t you ask your self brent?”nagtaka siya sa sinabi ko.

“anong ibig mong sabihin?”

“San kayo galing ni Stef?”tanong ko sa kaniya

“niyaya niya lang ako kanina, sinama niya ako sa isang kainan kaya hindi kami nakapasok kanina”napailing ako sa sinabi niya.

“bakit nandon si L-ucy sa kwarto mo? Bakit ang bait mo sa kaniya? Bakit pa-kiramdam ko ma-y gusto ka sa kaniya” hindi ko na napigilan ang sariling bibig at nasabi ko sa kaniya yun.

“w-ait nagseselos kaba kay Lucy?”he ask. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Bakit ko nga ba sinabi yun?

“Sam, tell me nagseselos kaba?” tanong niya ulit

“shut up Brent, balik na tayo sa bahay”akmang tatalikuran ko na siya ng bigla niya nalang akong hinila at naramdaman ko ang bisig niya sa katawan ko.

“B-rent”

“Im sorry, because of me kaya ka nagselos, im sorry sam” hindi ko alam kung anong sasabihin ko. because I know to myself may kasalanan din ako.

“im sorry too, nagalit ako sayo, hindi ko naramdaman na nasasaktan na din pala kita. Im sorry Brent” naramdaman ko pa ang higpit ng yakap niya.

“bati na tayo?” tanong niya. napangiti naman ako at tumango. Niyakap ko na din siya pabalik.

“pangako hindi na tayo magaaway pa ulit”sabi ko sa kaniya. Im glad dahil bati na kami.

Im happy for the both of us.

--------------------

Author: wait for the update tommorow po. Thanks a lot for supporting my story.

Ps: Si Brent at Sam malalandi kahit wala naman label katulad ng iba diyan. Hindi ko na kasalanan ang matamaan.  Joke readers love lots.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top