Chapter 23: Maze
Samantha Pov
Isang araw ang nakalipas simula ang Combat Training at buti nalang sa loob ng isang araw nayun ay wala kaming ginawa kundi ang magpahinga.
Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sakit ng bawat parte ng katawan ko. parang kulang ang isang araw na pahinga dito.
"another Training na naman, ansakit pa ng katawan ko"dinig kong Reklamo ni Jannice habang hawak ang balakang niya. napuruhan ko talaga siya sa likuran niya.
"sorry jannice, masakit ba talaga?"sinamaan niya naman ako ng tingin kaya nginitian ko nalang siya.
Nakarating kami sa School Ground dahil dito kami hinihintay nila Prof Kenshi.
Natanaw naman namin silang tatlo na nakatayo sa gitna habang naguusap. Napansin naman nila kami ng makalapit kami sa kanila.
"Today you will do a simple Training" simple training? Alam pala nila ang salitang simple?akala ko papatayin na nila kaming lahat dito sa susunod naming training.
"today you will go inside the maze"pagkasabi ni Prod kenshi non bigla nalang may lumitaw na maze sa gitna ng School Ground. Halos manlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat. Simple bayan?
Napakalaki ng Maze at kapag pumasok ako diyan, im sure I can't get out there. Nakakalito. Isa lang ang nakita naming pintong maaring pasukan namin.
"yan ba ang Simple?"hindi makapaniwalang tanong ni Megan sa kanilang tatlo. Napansin ko naman ang matalim na tingin ni Prof kenri sa kaniya.
"its so simple for all of you, if you use your all senses"
"before we forget to tell you, you will use a blindfold kapag nakapasok na kayo sa maze"
"What!?, no baka mawala ako sa loob ide hindi ko na makikita si Prince Kent"sigaw ni Cristina, napairap ako sa nagging reklamo ni Cristina. Wala namang pumansin sa kaniya. Tanga talaga tong babaeng to.
"paano kami makakalabas kung magsusuot kami ng Blindfolf, baka mas lalo kaming maligaw niyan!"sigaw ni Megan kila Prof. Kenshi.
"hindi namin kasalanan kapag nawala kayo, kapag hindi kayo nakalabas matapos ang isang araw, isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi kayo karapatdapat sa posisyon niyo, kahit isa pa kayong Royalty oh pinakamagaling na mage dito sa academy" nakaramdam kami ng pagkabahala, ibig sabihin kapag nakapasok na kami diyan ang sarili lang namin an g maasahan namin.
"also inside of the maze meron kayong makakasama, ibat ibangnaglalakihang halimaw at magingat kayo sa mga matibong, remember students use your all senses" pagkatapos sabihin ni Prof Kenshi yun may inabot sila saming Blindfold. Sinuot naman namin ito isa isa.
"now go inside of the maze, good luck students" rinig kong bulong ng isa sa kanila.
Pagkaapak ko sa loob ramdam ko nang nagiisa nalang ako. shit! parang dito na yata ako mamatay. Marami akong naririnig na tunog.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga yun pero alam kung nasa paligid ko lang sila. Dahan dahan akong naglalakad habang nangangapa sa dilim.
Kailangan kong magingat, hindi ko alam kung nasaan na ang mga kasama ko kung ligtas ba sila at wala sa panganib. Napatigil ako sa paglalakad dahil saking narinig. Isang ungol. Parang nanginig ako at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Takbo sam takbo!!!
Shit! kahit hindi ko nakikita alam kung malaking tigre ang papunta sa akin ngayon. Hinawakan ko ng mahigpit ang double handed sword ko at hinanda ang sarili. I need to use my senses. Pinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang paligid.
"shit!"mura ko ng maramdaman ko siya sa kanan ko. tumalon ako pakaliwa ng maramdaman ko siyang sasakmalain ako. Bakit parang gutom na gutom to?
Hinarap ko siya ulit at ramdam kong nainis na yata sa akin ang tigre na to,anlakas kung umungol. Narinig ko ang yapak niya kaya ng malapit na siya sa akin tumalon ako ng mataas at nilagpasan ko siya sabay wasiwas ng espada ko.
Hingal akong lumapag sa lupa at hinanda ang sarili. Mabilis kong singga ang at pagatake ng tigre at halos matapon na ako sa kung saan dahil ang lakas niya. ito ba ang simple? Jusko gandang simple nito. Ni hindi ko man lang alam kung natamaan ko ba ang tigre kanina.
Ramdam kong papalapit na naman siya sa akin kaya sinalubong ko siya. hindi ko alam kung anong ginawa ko basta nalamang hindi ko narinig ang ungol ng tigre at nakarinig nalang ako ng pagbagsak sa lupa. Tinutok ko lang naman ang espada ko sa harap at yun lang.
May naramdaman akong parang may tumutulo sa kamay ko galing sa espada ko. ibig sabihin napatay ko siya?
Brent Pov
Hingal akong napaupo sa lupa pagkatapos kong makalaban ang isang dambuhalang Uso. Ang sakit din ng kanang braso ko dahil nasugatan niya ako kanina.
Hindi ako pwedeng magaksaya ng oras kailangan kong makalabas dito sa pisting Maze nito sa lalong madaling panahon.
Hindi ko alam kung nasan ang mga kasama ko pero sana ligtas silang lahat. pagod na pagod na ako pero kakayanin ko.
nakiramdam ako ulit sa paligid at nagsimula nang maglakad sa kawalan. Halos dilim pa din ang makikita ko dahil sa nakatakip sa mga mata ko.
Naramdaman kong kailangan kong lumiko kaya naglakad ako. ngunit napatigil ako dahil sa isang tunog. Shit! hindi ako pwedeng magkamali sa tunog nay un. Hindi yun kung anong halimaw kundi tunog ng pagkalansang ng mga sandata.
Fuck! Tangian mukhang nagkamali yata ako ng daan at andito ako ngayon sa mga patibong. Ramdam kong wala na akong aatrasan dahil bigla nalang pader na ang nasalikod ko. shit! mukhang nakulong yata ako ng wala sa oras.
Hindi ko alam kung saan parte sa harapan ko ang mga patibong, kinalma ko ang sarili ko pinakiramdaman lahat ng ito. may napansin ako sa kanan ko at kaliwa sa sumunod.
Nagsimula na akong maglakad, yumuko ako ng maramdaman ko ang isang patalim na lumipad at sumunod ay tumagilid, shit! ang hirap nito sana wala nalang akong buto sa katawan.
"fuck!"mura ko ng masugatan ako sa kanang pisngi, hindi ko napansin ang isang maliit na patalim na lumabas sa pader.
Tumalon ako ng may marinig ako sa baba at halos murahin ko ang sarili ko dahil nagkamali ako ng bagsak.
Halos sumobsub ang mukha ko sa lupa at ang lapit ng isang patalim sa tenga ko dahil rinig na rinig ko ang kalansang nito. Kung doon ako bumagsak bulwak ang bungo ko ng wala sa oras.
Mabilis akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag ng malampasan ko ang patibong nayun.
Mabuti nalang hindi malalaki ang patalim na lumalabas sa pader at lumilipad sa kipot ba naman ng daanan ng Maze na to wala na akong pagasa pang mabuhay.
Kailangan pa ba to matatapos?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top