Chapter 17:Pain
Bigla akong nagising ng may naramdaman akong panganib. Hindi ako pwedeng magkamali. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at sinilip ang nangyayari sa labas ng bintana.
May nakita akong anino na papunta sa kabilang bahagi ng Dorm. Kung hindi ako nagkakamali papunta siya ngayon kung saan ang kwarto ng headmaster. Anong pakay niya doon.
Hindi ako nagdalawang isip na maingat na tumalon sa bintana at palihim siyang sinundan. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mascara. Pero alam kong babae siya. nagtago ako sa isang puno malapit kung nasan siya. nakita kong maingat siyang pumasok, at kung hindi ako nagkakamali ang opisina ni Headmaster ang pakay niya. anong kailangan niya doon?
Umakyat ako sa puno at doon nagtagao. Hindi niya ako pwedeng Makita. Hinalughog niya ang bawat sulok ng headmaster office, ibig sabihin may hinahanap siya. ano naman iyon? Nakita kong may binuksan siya at basi inakto niya mukhang nakita niya na ang pakay niya. tinignan ko ito at hindi ako pwedeng magkamali. Yung mapa.
Nagulat nalang ako ng biglang may lumabas na kulay itim na apoy sa kamay niya. Dark Mage? Paano sila nakapasok sa academy. mahigpit ang nilagay na barrier ng council dito. tinapunan niya ng fireball ang isang bahagi ng office at mabilis na umalis.
Kailangan ko siyang maabutan. Anong pakay niya sa mapa nayun. Narinig ko ang ingay na speaker at isa lang ang ibig sabihin non. Emergency.
Tumakbo siya papuntang Garden kaya mabilis ko siyang sinundan. Bigla siyang napatigil ng huminto ako sa harapan niya. mukhang nagulat siya dahil hindi niya ako napansin mula pa kanina. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mapa.
"sino ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot bagkos inatake ako ng Fire ball. Mabilis ko yung nailagan at tinapunan siya ng air niddles. Kailangan kong mabawi ang mapa sa kaniya.
Akmang tatakas siya ng mabilis kong kinuntrol ang katawan niya.
"kneel"as ive said that, she kneel in front of me. I walk to her at mabilis na kinuha ang mapa sa kamay niya.
"anong pakay mo sa mapa nato?"
"pakawalan mo ko!"sigaw niya sa akin at pilit na tumatayo. She summoned a black sword at akmang susugatan niya ako ng mabilis kong naagaw ang espada niya sa kamay nito. gulat siyang napatingin sa akin at sa espada niyang hawak ko na ngayon. Tinutok ko ito sa leeg niya at ramdam ko ang takot niya ngayon habang nakatingin sa akin.
"uulitin ko. sino ka at anong pakay mo sa mapa na to?" napalunok siya at nanginginig na magsalita. Pero nagulat nalang ako ng makawala siya sa kapangyarihan ko at naitulak ako. shit! mabilis akong tumayo at hinarap siya ulit pero wala na siya. natakasan niya ako. shit!
"C-rizzania?"mabilis akong humarap sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ko silang lahat kasama si Headmaster at ibang Teachers. napatingin ako kay Kent at nakatingin lang siya sa akin ng blanko.
"Take her"nagulat nalang ako ng biglang may kawal na humawak sa magkabilang braso ko at tinali ito sa likuran ko. shit! anong nangyayari?
"what the!"sigaw ko habang nakatingin sa kanila na nagtataka. Nakita ko ang pagtataka at panghihinayang sa mga mukha nila Sam habang nakatingin sa akin.
Biglang may humaklat sa hawak kong espada na hindi naman akin at sa mapa. Inabot ng kawal iyon kay Headmaster at tinignan ako ng seryoso. Shit! inisiip ba nilang ako ang may gawa ng sunog at ang kumuha ng mapa?
"Ms. Scarlet, paano mo napunta sayo ang mapa?"mariin na tanong sa akin ni Headmaster. Nakipagtitigan ako sa kaniya ng Seryoso.
"kung ano man ang iniisip niyo tungkol sa akin nagkakamali kayo"sagot ko sa kaniya. Umiling siya sa akin.
"Dalhin siya sa kulungan!"biglang pasigaw n autos niya.
"Headmaster baka nagkakamali lang tayo, hindi niya magagawa yun" sigaw ni Sam at lalapit n asana akin ng pigilan siya ni Brent.
"Brent bitawan mo ako!, hindi kayang gawin ni Crizzania yun!"sigaw niya habang umiiyak. Napatingin ako kay Kent at nakita ko nalang ang pagtalikod niya sa akin at naglakad papalayo.
Biglang tumigil ang mundo ko dahil sa ginawa niya. kahit siya hindi man lang ako pinaniwalaan, nalungkot ako dahil dun at hinayaan nalang na kaladkarin ng mga kawal papuntang kulungan ng academy.
Bigla akong tinulak ng kawal sa isang madilim na silid at naramdaman ko ang malamig na bakal na nilagay nila sa aking mga kamay at hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko. nullifying? iniwan na ako ng mga kawal at parang nabingi ako dahil sa katahimikan na bumabalot sa akin.
Napasalampak naman ako sa isang gilid at sumandal sa pader. Madilim ang silid at naamoy ko din nakakasukang amoy sa loob nito. Parang nawalan ako ng lakas at bumabalik sa aking isipan ang blanking mukha niya habang papalayo sa akin.
Bakit?bakit hindi mo ko magawang pakinggan man lang?
ang bigat sa pakiramdam. Nakayuko lang ako buong magdamag hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng selda kung nasan ako. pumasok ang isang kawal na may hawak na latigo, may kasama siyang dalawa pang kawal hanggang sa Makita ko si Headmaster sa likuran nila. Wala akong mababakas sa mukha niya kundi pagkamuhi.
"hindi ko lubos maisip na magagawa mo iyon? Isa ka sa mga estudyante ng academya na may malakas na kapangyarihan"usal niya habang nakatingin sa akin.
"nagkakamali kayo" sabi ko sa kaniya at tinignan siya ng walang buhay.
"bakit? bakit mo nagawang pagtaksilan ang academya?!"sigaw niyang tanong sa akin.
"hindi ako ang may gawa ng pagsunog at ang pagkuha ng mapa"
"kung hindi ikaw bakit nasayo ang mapa at bakit may nakakita sayong estudyante na tumatakbo papunta sa garden?"
"nagkakamali kayo ng
bintang!"pagkasigaw ko non naramdaman ko nalang ang isang malakas ng hampas ng latigo sa aking likuran. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sakit.
Ayaw kong ipakita sa kanila na nasasaktan ako. isa pang hampas hanggang sa hindi ko na mabilang kong ilang beses akong nilatigo. Nanghihinang napayuko ako habang may tumutulong pawis saking noo. Pawis hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko saking mga sugat sa likod.I block those pain that I fell.
Pagkatapos nila akong parusahan at umalis na sila. Naiwan naman ako ulit dito sa loob habang iniindi ang sakit. Kaya ko pa ba? Kunti nalang alam kung maaring bumigay na ang katawan ko.
hangang sa sumunod na araw ganon pa din ang ginagawa nila sa akin. Hindi nila ako hinahayaang makapagpahinga. Ramdam ko na ang panghihina dahil tatlong araw na akong hindi kumakain at walang tulog sabayan pa ng pagpaparusang ginagawa nila sa akin.
Nakarinig naman ako ng pagsabog sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay nanggaling yun sa school ground. Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang Pinto at doon nakita ko silang tatlo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top