Chapter 15: Fight

"a brave one" nabigla ako ng may magsalita sa utak ko. shit! mabilis kong hinanap ang taong yun pero napakabilis niya at nakatago siya ulit.

"stay here!"napatigil ako ng hawakan ng mahigpit ni ken tang kamay ko. tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang matinding pagaalala.

"I need to find him" umiling siya sa akin na ibig sabihin ayaw niyang umalis ako. seryoso ko naman siyang tinignan na ikinabigla niya

"Kent, let me go" wala na siyang nagawa at binitawan na ako. hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumakbo sa papunta sa kabilang bahagi ng ilog. Alam kong nandoon siya at nagtatago sa mga nagtataasang puno.

"Crizzania!"dinig kong tawah nib rent sa akin ng lagpasan ko silang tatlo. Hindi ko sila pinansin at tumalon sa mga bato sa ilog. Pinalibutan ko naman sila ng invisible barrier. Kailangan kong masegurado na ligtas sila.

Nang malapit na ako sa kaniya, I throw my sword to him but he easily dodge it. I saw him smirk at me habang hawak ang espada ko. mabilis niya akong sinugod gamit ang espada ko at iniiwasan ko ang bawat pagataki niya.

Naramdaman ko ang pagtusok ng talim ng espada ko sa balikat ko. mabilis akong lumayo sa kaniya at hinawakan kung saan ako tinamaan. Pinagaling ko naman ito at hinarap siya.

"Who are you?"I ask him. Hinintay ko siyang magsalita hindi ko Makita ang mukha niya dahil sa suot nitong hood. naramdaman kong may pwersang papalapit sa kanag bahgai ko. yumuko ako at nakita ko nalang na naputol ang punong katabi ko.

"ikaw sino ka din?"balik na tanong niya sa akin. May napansin naman akong bagay na nasa leeg niya. kumikinang ang pulang diamante nito at napapalibutan ng ginto.

"sumagot ka binibini sino ka?"malamig na tanong niya sa akin. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kaniya niyan.

"bakit mo kasama ang mga prinsepe?"

"mga kaibigan ko sila"sagot ko sa kaniya. Ramdam kong nabigla siya sa sinabi ko. ano namang nakakgulat doon?

"bakit kayo napadpad sa gubat na ito?"tanong niya pa at akmang susugod ulit ng magsalita ako.

"binigyan kami ng mission ng academy" napatigil siya at mariin na nakikinig sa sinabi ko.

"mission? Anong mission?" bakit ang daming tanong nito?

"may hinahanap kaming tao, dati siyang guro sa academy at bigla nalang umalis" biglang nabalot kaming dalawa ng katahimikan at ang huni ng ibon at paglagaslas ng tubig sa talon ang maririnig namin. mabilis kong sinalo ang espada ko ng bigla niya itong itapon sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan pero tumalikod siya sa akin at pumunta sa mga kasama ko.


Anong agagwin niya? sinundan ko lang siya at nakita kong nilapitan niya sila Brent. Nagging alerto naman ang mga kasama ko at akmang haharangan nila siya ng magsalita ito.

"paraanin niyo ako kamahalan, kung gusto niyo pang mailigtas ang mga dalagang kasama niyo" tinignan ko sila Brent at tinanguan. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong ipahiwatig. Hinayaan nila ang lalaki na makalapit kila Sam.

Umupo siya sa harap ng tatlo na mahimbing pa ding natutulog. May binigkas siyang mga salita na ikinahigpit ng hawak ko sa aking espada. Hindi ako maaring magkamali. Bigla nalang umilaw silang apat at nakita namin na unti unting nagising sila Sam.

"gosh! My head!"dinig kong reklamo ni Megan at kaniya kaniya silang hawak sa mga noo nila. Mabilis silang dinaluhan nila kyla para makatayo. Nakita ko naman na naglalakad ang lalaki papunta kay Kent at mabilis na pinagaling ang sugat nito.

"patawad kamahalan kung nasaktan ko kayo"hinging paumanhin niya kay kent at yumuko pa ito.

"sino ka?"takang tanong ni kent sa kaniya. Mabilis niya namang binaba ang takip niya sa mukha at nakita ko ang mukha niya.

"Prof. Widraw?" gulat na tawag sa kaniya ni Jake. Nginitian naman ng matanda ito. widraw? Ibig sabihin siya ang pinapahanap ni Headmaster?

"ako nga mahal na prinsepe"

"bakit mo kami sinugod kung kilala mo din pala kami?"takang tanong ni Brent sakaniya. Bigla namang napatingin sa akin ito at tinignan ako ng seryoso.

"dahil sa kaniya"at tinuro niya ako. napatingin naman silang lahat sa akin.

"anong meron sa kaniya, kaibigan namin siya at bagong estudyante sa
Academy"takang sabi ni Jake dito.

"akala ko hindi niyo siya kasama kaya naisip kong baka kalaban niyo siya" seryosong sagot niya habang nakatingin pa din sa akin.

"seguro nga prof." pinutol niya ang pakikipagtitigan sa akin at hinarap si Kent na seryosong nakatingin sa kaniya.

"alam kong pagod na kayo at gusto niyo nang magpahinga. Dadalhin ko kayo kung saan ako namamalagi at doon natin pagusapan ang pakay niyo sa akin" tahimik naman kami sumunod sa kaniya nakarating kami sa paanan ng bundok kung saan may isang di kalakihang bahay.

Pumasok siya doon kaya sumunod na din kami. unang bumungad sa akin ang mga kagamitan nagawa sa kahoy at ibat ibang armas na nakasabit sa pader.

"umupo na muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa isang pinto. Wala na akong nagawa at naupo sa tabi Kent na seryoso pa din.

Ng maramdaman niya ang presensya ko binaling niya sa akin ang mukha niya. nakita ko naman kung paano umamo ang mukha nito at nginitian ko nalang siya.

"ok kalang ba?"taka kong tanong sa kaniya. He nodded at sinandal ang ulo sa balikat ko. hinayaan ko nalang siya dahil baka pagod na din ito.

Hindi din nagtagal bumalik na si Mr. Widraw dito sa sala at may bitbit na siyang mga prutas at inumin.

"sa wakas makaktikim na din ako ng pagkain, kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa gutom"at walang pagaalinlangan na kumuha si Jake ng isang mansanas, sumunod na din sa kaniya ang iba at sa nakikita ko mukhang gutom na gutom na nga sila.

"ikaw iha?hindi ka kakain?"napatingin ako sa matanda dahil bigla niya akong tinanong. Kahit nagaalinlangan ako kumuha ako ng isang kaperaso ng mansanas at kumagat. Nakita ko naman na sinalinan ako ni Kent ng maiinom at binigay yun sa akin.

"Here"

"salamat" ginulo niya lang ang buhok ko kaya napasimangot ako saw ala sa oras. Kainis talaga pag ginugulo niya ang buhok ko. napangiti naman siya ng palihim at nagsimula nang kumain.

"bakit nga pala pinapahanap ako ng Headmaster?"napatigil kaming lahat sa pagkain dahil sa tanong ni Mr. Widraw.

"prof. nandito kami para sunduin ka"

"sunduin?"taka niyang tanong habang nakatingin kay kyle dahil sa sinabi nito.

"pinapabalik ka na ni headmaster sa Academy" dagdag ni Brent dito.

"paano kapag ayaw ko nang bumalik?" sumeryoso kami sa sinabi niya. anong ibig niyang sabihin?

"Prof?" hindi mapaniwalang tawag ni jakes a kaniya.

"Masaya na ang pamumuhay ko dito sa bundok, payapa at walang gulo. Bakit babalik pa ako sa academy?" seryoso ko naman siyang tinignan at nginisihan niya ako. anong binabalak niya?

"Pero Prof. kailangan ka namin doon"umiling siya sa turan ni jannice.

"bigyan niyo ako ng magandang rason para bumalik ako kasama niyo" halos pagsakluban ng langit sila Sam dahil sa sinabi nito

"anong maaring gawin namin para mapapayag ka?"seryosong tanong ni Kent sa kaniya. Palipat lipat naman ang tingin nito sa aming dalawa ni Kent bago ngumisi.

"gusto kong hamunin ang babaeng katabi mo mahal na prinsepe sa isang dwelo" hindi ko lubos maisip kung bakit yun ang sinabi niya. ramdam kong natigilan at gulat na gulat ang mga kasama namin habang napatingin sa kaniya. Ramdam ko din ang pagdilim ng aura ng katabi ko.

"Dwelo? Prof!"akang tutol si Kyle ng magsalita ito ulit.

"isang dwelo, na kapag natalo ako ng kasama niyo, sasama ako sa inyo ng matiwasay pabalik sa academy" hindi ko lubos maisip, bakit?

Bakit ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top