Chapter 14: Mission

Nandito kami ngayon sa harap ng Train station papuntang Alforgas Mountain.  Binigyan kami ng Mission ni Headmaster kaya kami aalis ngayon.

Bigla niya nalang kaming pinatawag kaninang umaga Para dito. may pinapahanap siya sa aming tao. Dati na ding guro sa Academy ngunit umalis ito nagpakalayo layo.

“nandito na ang train”nagsimula na kaming sumakay ng huminto ito sa harapan namin. marami din kaming nakaksabayang mga mage at mukhang manlalakbay sila.

Napapansin ko din na maraming napapatingin sa gawi namin. napailing nalang ako dahil mukhang nagtataka sila kung bakit nandito ang mga Prinsepe.

“sit beside me” nabigla ako ng hawakan ni Kent ang kamay ko at hinila paupo sa pandalawahang upuan. Tumabi naman siya sa akin at biglang kinuha ang bagahe ko.

“wag na ako nalang hahawak niyan”akmang aagawin ko sa kaniya yun ng ilayo niya ito. tinignan niya ako at nginitian.

“I insist, mapapagod kalang” wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya. napatingin ako sa mga kasama namin. kaharap naming dalawa ni Kent si Sam at Megan habang nasa kabila naman nakaupo si Jannice at Jake habang kaharap naman nila si Brent at Kyle.

Napansin ko naman na pasulyap sulyap si Brent kay Sam at gusto na itong lapitan. Naaawa ako sa kalagayan nila pero kailangan din naman nilang magtiis.

Tumingin nalang ako sa labas ng tren at kapansin pansin ang malawak na kagubatan. Ibig sabihin malapit na kami. paunti unti na ding nababasan ang pasahero hanggang kami nalang ang natira.

“malayo pa ba tayo?”tanong ni Megan habang nakatingin kay Jake na hawak ang mapa na binigay ni Headmaster.

“Medyo, mga isang oras pa bago tayo makaabot sa bukana ng gubat kailangan din nating maglakad papasok para marating ang paanan ng bundok”

“bakit ba kasi pinagbabawal ni Headmaster na mag Teleport tayo, ide sana nandon na tayo at mabilis nating matatapos ito!”

“hindi tayong pwedeng gumamit ng kapangyarihan doon dahil baka maligaw tayo. Lahat ng nakikita ng mata ay hindi totoo, paalala ni Headmaster sa atin” napairap naman si Megan at sumandal sa upuan.

“Lahat ng nakikita ng mata ay hindi totoo” ibig sabihin ilusyon. Maaring ang mga bagay na nasa gubat papuntang bundok ay mga ilusyon lang. kapag gumamit kami ng teleportation magic baka maligaw kami sa kawalan.

Biglang tumigil ang tren at bumukas ang pinto. Narinig din namin ang anunsyo na nandito na kami sa Death Forest kung saan ang daan papuntang Alforgas Mountain.

Tahimik kaming pumasok sa gubat at unang tapak ko palang sa lupa alam ko na nasa loob kami ng ilusyon. Maaring hindi totoo ang gubat nato at pilit kaming nililito.

“magingat kayo, walang hihiwalay sa inyo sa grupo”paalala ni Kent at biglang hinawakan ang kamay ko.

“especially you, don’t go far away from me” muntik na akong madapa dahil sa sinabi niya. tangina! Hanggang dito ba naman ang landi ng taong to? Tinanguan ko nalang siya at nauna kaming dalawa maglakad, nakasunod naman sa amin sila sam. Dinig na dinig ko ang reklamo ni Megan sa isipan niya.

ew! Ano ba tong lugar na to?”

“mas malala pa to sa Mystique Forest eh!”

“bwesit bakit may mga sapot na nandito sa daan, kadiri!”

“ang ingay ng isipan mo Megan”sabi ni Kyle sa kaniya. Naririndi din pala siya. siya kasi ang katabi ni Megan kaya dinig na dinig niya ito.

“bakit ba? Isarado mo ang isipan mo para hindi mo ko marirnig kainis to!”sigaw ni megan sa kaniya. Natawa nalang sila jake dahil tinakpan ni Kyle ang bunganga ni Megan para hindi ito makapagsalita. Sinamaan naman siya nito ng tingin.

“tumahimik ka na kasi Megan! Lahat kami naririndi na sa boses mo” binitawan niya naman si Megan at inirapan siya nito. Kahit nandito kami sa mission hindi parin maalalis sa kanila ang kakulitan nilang lahat.

Nagging tahimik naman ang paglalakad namin ulit. Halos lahat kami nagmamatyag sa paligid. Wala kaming kaalam alam kung anong meron sa Death Forest na ito. iba ang nararamdaman ko sa paligid kakaiba sa nakikita ng mata ko. wala akong maramdaman na panganib at parang napakapayapa ng gubat. Kahit subrang dilim ng paligid at halos patay ang mga halaman.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.

ano yun?” “tubig?, agos ng tubig?”

“bakit Criz?”hindi ko pinansin ang tanong ni Jannice at pinakinggan kung saan nanggagaling ang agos ng tubig. Hindi ako maaring magkamali. Ibig sabihin may talon sa gubat na ito?

“hey, anong problema?”napatingin ako kay Kent ng hawakan niya ang balikat ko.

“wala ba kayong naririnig?”kumunot ang noo niya at pinakinggan nilang lahat ang paligid.

“tubig?”takang tanong ni Brent. Tubig ang kapangyarihan niya kaya alam niya kung ano yun.

“lets go”usal ko sa kanila at mabilis sinundan kung saan nanggagaling ang pagagos ng tubig. Paanong nagkaroon ng tubig sa isang patay na gubat?

Napatigil ako sa paglalakad habang nakatingin sa harapan ko. tinignan ko ang pagbagsak ng tubig galing sa taas ng talon. Napakalinaw ng tubig at napansin ko din na maraming isda sa ilog.

“wow!”

“ang ganda!”

“paanong nagkaroon niyan dito?” nagkibit balikat ako sa tanong ni Sam. Kahit ako hindi ko alam ang sagot.  Isa lang ang pumasok sa isipan ko. hindi pangkaraniwang gubat kung nasan kami ngayon.

Nahihiwagaan ako sa gubat na to. Subrang mesteryoso nito.

Naisipan naman naming dito nalang manalagi ng isang gabi sa may talon. Hindi kami maaring bumalik kung saan kami naglalakad kanina dahil mas napaka dilikado doon kumpara dito.

naisipan na ding maligo sa ilog nila sam habang ang mga boys naman ay naghahanap ng makkain namin. kahit napakaimposible silang makahanap dito sa gubat.

Napansin ko namang umaahon na sila Sam sa ilog at papalapit sa pwesto ko. inaya nila ako kanina kaya nga lang tinanggihan ko. hindi ako anndito para magsaya.  Bigla akong napatyo ng wala sa oras ng biglang nahimatay silang tatlo.

“shit!”mabilis ko silang pinuntahan at pinilit na magising.

“Sam! Wake up!” tinapik ko ang mukha niya pero ang himbing ng tulog niya. shit! Tinignan ko sila Megan at Jannice at kagaya kay Sam wala silang malay.


“What happened?”napaangat ako ng tingin ng magsalita si Brent. Mabilis niyang kinuha si Sam sa braso ko at pinilit itong gisingin. Dinaluhan din nila jake sila Jannice. Bakas sa mukha nilang tatlo ang matinding takot habang nakatingin sa tatlo.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. natatakot hindi para sa sarili ko kundi dahil sa mga kasama ko. ayaw ko silang mapahamak. Hindi naman alam kung anong totoong nangyari. Napatingin sa akin si kent na parang tinatanong ako kung anong nangyari.

“papalapit na dapat sila sa akin ng umahon sila kanina ng bigla nalang silang mahimatay. Hindi ko alam kung anong nangyari nagulat nalang ako” napayuko naman ako dahil ramdam ko ang galit niya habang nakatingin sa akin. Sinisisi niya ba ako sa nangyari? Tanga malamang ikaw lang ang kasama ng tatlo.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga braso niya na yumakap sa akin. Napasubsob naman ako sa dibdib niya at niyakap pabalik.

“it’s not you fault”

“pe-“

“magigising din sila” napatango nalang ako sa kaniya dahil akala ko galit siya sa akin.

“KENT!” nagulat ako ng bigla akong itulak ni Kent papalayo sa kaniya. Napatingin ako sa braso niya na dumudugo. Mabilis ko siyang nilapitan at tinignan ang sugat niya dahil sa isang palaso.

“fuck!”mura niya dahil sa matinding sakit. Nagging alerto naman sila jake at pinalibutan ang tatlo na wala paring malay. Ibig sabihin hindi lang kami ang nandito sa gubat.

“don’t move”utos ko sa kaniya at mabilis na hinugot ang palaso.

“arggh, shit!” mabilis kong tinapak ng palad ko ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. Kailangan siyang magamot bago siya maubusan ng dugo. I cant use my healing magic to him dahil baka magtaka sila. Shit! Anong agagwin ko?

I summoned my silver Sword at pinakiramdaman ang paligid. Nagiisa lang siya. nararamdaman ko ang aura niya.

A brave one” nabigla ako ng may magsalita sa utak ko. shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top