Chapter 10: Mystique Forest
Samantha Pov
Dilim yan ang unang bumungad sa amin pagkapasok namin sa gubat. Agaw pansin ang nagtataasang puno na siyang humaharang sa liwanag ng araw papasok sa gubat.
“Magingat kayo,” babala samin ni Jannice habang nakatingin sa mga malalaking halaman.
“Hindi pangkaraniwan ang mga halaman na nandito sa gubat, nabasa ko na ang mga uri ng halaman na ito sa library, lahat to ay may mga lason,” halos hindi ko maihakbang ang paa ko dahil sa aking narinig.
“Lason? "Nagtatakang tanong ko sa kaniya, tinignan niya kami isa isa at bakas sa mukha niya na hindi siya nagbibiro.
“Paanong may mga lason to, eh, mukhang hindi naman to makakapatay? ”Takang tanong ni jake at tinuro ang mga halaman, tinignan ko ang tinuro niya napakaganda nito, wala pa akong nakitang ganitong uri ng halaman sa academy kahit sa mga palasyo.
“Lahat ng nakikita ng mata ay wag paniwalaan jake.”
“even this? ”Napatingin kami kay Kyle at akmang hahawakan niya ang dilaw na bulaklak ng tapikin ni Jannice ang kamay niya.
“Don’t you dare, Kyle! Nakakamatay ang halaman nayan! ”Biglang sigaw niya. Kinabahan naman ako dahil mukhang lahat ng bagay na nandito sa gubat ay ikamamatay namin.
“Pagabi na”biglang usal ni Brent sa tabi ko, tinignan ko ang langit at malapit ng dumilim.
“Maghanap tayo ng maaring pagpahingaan. Pagsikat ng araw magsimula na tayong hanapin ang lunas” nagsitango kami sa sinabi ni kuya at nagkaniya kaniyang hanap ng maaring tulugan.
Sumandal ako sa isang puno at pumikit, sana makalabas kami dito at makuha ang antidote.
“shit! ”Bigla akong nagising, akmang magsasalita ako ng biglang takpan ni Brent ang bibig ko, nagtataka ko siyang tinignan at sininyasan niya akong tumahimik. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko at ganon din sila.
Pinakiramdaman ko ang paligid at hindi lang kami ang nandito. May mga kasama kaming ibang nilalang.
“Nakaplibot sila satin.”
“Tangina, paanong hindi natin sila naramdaman kanina?.”
“Be quite guys, nasa may puno ang isa sakanila,” pagkarinig ko non alam kong ang puno kung saan kami ni Brent ang tinutukoy ni Megan. Nakatingin silang lahat saming dalawa na may pag-aalala. Medyo malayo kaming dalawa ni Brent kaya hindi sila makalapit samin.
"Brent,” bulong ko sa kaniya.
"Shh," nilabas niya ang espada niya nagulat nalang ako ng bigla niyang itaas ang ito at tumulo doon ang pulang dugo.
Tinignan ko ang natamaan sa itaas at ganon nalang ang takot ko dahil bumungad sa akin ang isang leon na may pulang mata. Nakatingin sa akin ang mga mata niya na parang handing kainin ako.
“Sam! ”Biglang sigaw sa akin ni Brent at hinila ako, hindi ko napansin na papalayo napala ako sa kaniya dahil sa takot.
“TAKBO! "pagkarinig namin ng sigaw ni Jake nagsimula na kaming lahat tumakbo, mabibigat na yabag ang naririnig kong sumusunod sa amin, napakarami nila.
“nakasunod pa din sila!”
“fuck! Dito!,”sinunod namin si Kuya at lumiko sa isang daanan. Pero ganon nalang ang bigla namin dahil wala na kaming maapakan na lupa.
"Ahhhh," sigaw ko ng mahulog kaming lahat sa isang bangin. Napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ko sa tubig. Pinilit kong umahon, pero hindi ko kaya. Huli kong naaninag ang pagpilit na lumangoy ni Brent papalapit sa akin.
Bigla kong aimulat ang mata ko. bigla akong napahawak sa balikat ko dahil sa sakit. Shit! Anong nangyari?
“Gising kana pala,” napatingin ako sa isang babae na nasa harapan ko, nakangiti siya sa akin habang may hawak na basing bimpo.
“sino ka? Nasan ako? Ang mga kasama ko? ”Nilibot ko ang paningin ko at ganon nalang ang paggaan ng loob ko ng makita ko sila Kuya na nakahiga at natutulog. May matindi silang galos sa katawan.
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng biglang kumirot.
“Mabuti nalang at gising kana, ang mga kasama mo hindi pa din, nakita namin kayo sa may lawa at walang malay, may mga sugat kayo sa katawan niyo,” tinignan ko siya, may kulay berde siyang mata. Napakaamo ng mukha niya at mukha siyang mabait.
“Ilang oras na kaming walang malay? ”
“Limang oras simula ng mailigtas namin kayo.”
“Anong lugar to? ”Taka kong tanong sa kaniya. Naguguluhan ako, nasa mystique Forest pa din ba kami?
“Nasa bayan kayo ng Mertanya”
“Mertanya? Nasa Mystique Forest pa din ta tayo? "Tumango siya, ibig sabihin may namumuhay din pala dito sa loob ng gubat. Bakit ngayon lang namin ito nalaman?
“Hindi namin magawang makalabas sa gubat dahil sa takot" pagkatapos naming magusap iniwan niya na ako at maghahanda lang daw siya ng makakain namin. Napasandal ako inisip ang mga nangyari kung hindi dahil sa kanila baka wala na din kami ngayon.
“tangina! Ang sakit ng ulo ko! ”Napatingin ako sa mga kasama ko at mukhang gising na silang lahat.
Tinignan ko si kuya at nakaupo na din siya habang ginagalaw ang kanang balikat. Nakakagaw ng pansin ang matinding sugat niya doon. Seguro naitama niya ito sa mga baton g malaglag kami sa bangin.
“nasan tayo? "Tanong ni Megan
“Mertanya” tinignan nila ako na parang nagtataka.
“Mga taong naninirahan dito sa loob ng Mystique Forest,pagdagdag ko. Alam kong parehas sakin kanina naguguluhan din sila. Sino ba naman magaakala na may naninirahan pala dito. Akala namin mga mababangis na hayop lang ang nandito at pumapatay sa mga mage na sumubok pumasok.
“pagkatapos nating makapagpahinga aalis na tayo, may kailangan pa tayong gawin.”
nagsitanguan kami sa sinabi ni kuya, alam kong habang tumatagal mas lalong nadadagdagan ang pagaalala namin kay Crizzania. Kunting oras nalang ang natitira sa amin.
Crizzania Pov
Nasan ako? Bakit ang dilim, wala akong Makita. Ang huli kong natatandaaan tinamaan ako ng palaso at dumilim na ang paligid ko.
Napahawak ako sa dibdib ko, at wala akong mabakas na sugat doon. Naglakad ako kahit hindi ko alam kong saan ako patungo, wala akong makitang daanan, parang nasa kawalan ako.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa matinding sakit, parang kinakapos din ako ng hiningi.
"Ahhhh!," matinding hiyaw ko dahil subrang kirot ng dibdib ko. Anong nangyayari sakin, bakit ganito? Pinilit kong pamanhidin ang katawan ko, pero walang nangyari. Nandon pa din ang sakit at mas lalo pang tumindi yun.
“Damn!,” sinuntok ko ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga, lumalabo na din ang paningin ko at wala na akong naririnig, kahit ang sarili kong boses hindi ko na marinig.
“Please make this pain go away!,” huling salita sa utak ko bago ko ipikit ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top