Kabanata 9

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok. Tanghali na at sigurado akong si Theo ang nasa labas para yayain na naman akong kumain. Naalala ko tuloy 'yung kagabi, Hindi mo man makikita sa ekspresyon niya na natutuwa siya nang yayain ko siyang bumili ng pagkain, nando'n naman 'yung scene na nakita ko siyang ngumiti.

Like what the hell?! Aaminin ko na-miss ko si Theo sa ngiti niya dahil kopyang-kopya niya pero... robot siya eh. Robot.

This is why I want to destroy him. Naaalala ko lang sa kanya si Theo. Pakiramdam ko nga minumulto ako ni Theo dahil sa robot na 'yun. Baka mabaliw pa ako lalo sa pagka-miss sa kanya.

Yeah... I missed him. 6 months have passed pero heto at mahal na mahal ko pa rin siya. I still missed him, I still want him back. 'Yung mga times na nagkukulong ako dito sa kwarto at hindi kumakain, nag-iisip ako kung paano ba ako mabubuhay ng wala siya. But I failed, kahit katiting na ideya, walang pumasok sa isip ko.

Nabalik ako sa reyalidad nang muling kumatok ang nasa labas. Bumangon na lamang ako at tamad na pinag-buksan 'yun.

Bahagya pa akong nagulat nang makitang hindi si Theo ang nasa harapan ko. "Kiba..."

Ngumiti siya sa akin, "Good afternoon. Hindi ka daw nakapag-almusal sabi ni Theo, kaya heto nagluto ako para sa 'Brunch' mo."

Kinunutan ko siya ng noo, "Brunch? Just what the hell is that?" Wala siyang dalang pagkain, pinagtatakahan ko rin kung bakit siya nandito. Ang alam ko, Friday ngayon at may pasok siya.

"Brunch, Breakfast and Lunch." Saka siya mahinang natawa, "Alam kong kumakain ka na kahit paunti-unti. Halika," Bigla na lamang niya akong hinila palabas ng kwarto. Magre-react pa sana ako pero dahil mas matangkad sa 'kin si Kiba ay nakarating agad kami ng kusina.

Nanliit ang mata ko sa mga nakahain sa mesa. Para bang fiesta ang mangyayari at hindi simpleng lunch. Rice, Adobong baboy, Itlog, Bacon, Salmon at Slice bread. May isang tasa rin na naglalaman ng kape at umuusok pa.

Hinatak ni Kiba ang isang upuan at tinignan ako, "Upo ka na, Ate."

Napaiwas ako ng tingin at sinunod nalang siya. First time niya akong tinawag na Ate, eversince ay hindi niya pa ako tinatawag ng gano'n.

Psh, If I know inuuto lang niya ako para kumain. Nagpapa-good vibes kumbaga.

Umupo na rin sa tapat ko si Kiba at naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Pinagmasdan ko lang siyang gawin 'yun, aaminin ko na magaling magluto si Kiba dahil 'yun ang course niya ngayon. Aaminin ko rin na never niya pa akong hinainan. Close kami dati pero hindi ganito na naghahain pa siya para sa 'kin.

"Siya nga pala, umalis si Theo kaninang umaga at may pupuntahan daw kaya ako ang nandito ngayon. Alam mo ba kung saan pupunta 'yun?" Tanong niya at uminom ng tubig.

"Bumalik ka dito bukas, Mag-uusap tayo. Kapag hindi ka sumulpot, May mangyayari sa babaeng 'yan."

Muli kong naalala ang sinabi ng lalaking nag-ngangalang Jett kay Theo bago siya tumakbo paalis. Nakaramdam tuloy ako ng kuryosidad kung sino at ano ang kuneksyon ng lalaking 'yun kay Theo. Pero... Hindi naman kakilala ni Theo ngayon ang lalaking 'yun, paano kung malamang robot at impostor siya?!

"B-Bakit mo pinayagan?" Biglang tanong ko kay Kiba dahilan para mapahinto siya.

Hays! Ano ba 'tong iniisip ko?

"A-Ah, Kailangan daw sabi niya." Nag-aalinlangan sagot nito. Napasandal nalang ako sa upuan at tumitig sa pagkain ko, iniisip ko kasi, paano kung may gawin silang masama kay Theo? Sa itsura 'nung Jett na 'yun ay hindi na mapagkaka-tiwalaan.

Wait, what again, Keziah?! Hindi ka naman concern kay Theo 'di ba?!

Napailing ako at mahinang tinapik ang dalawang pisngi ko, Bakit ko naiisip 'yun? Nakokonsensya ba ako? Ba't naman, eh dapat nga matuwa pa ako kapag nawala na siya sa akin.

"A-Ate, Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Kiba na nagtatakang nakatingin sa 'kin. Oo naman, okay na okay ako!

"H'wag kang mag-alala, kung malakas ang dating Theo, mas malakas ang Theo ngayon. Hindi 'yun mababangasan." Nakangiting saad nito at napailing, "Nagkakasundo na ba kayo---"

"Shut up." Mariin kong pagputol sa sinasabi niya. Gosh, nami-misinterpret na ako ng kapatid ko!

Muli siyang napailing habang nangingiti habang hinihiwa ang bacon. Inalis ko nalang ang paningin sa kanya dahil nakakainis lang, parang may laman 'yung sinasabi niya at hindi ko 'yun gusto.

Nanaig ang katahimikan sa 'min, ginalaw ko na rin sa wakas ang pagkaing kanina pa nasa harap ko. Sa totoo lang simula ng napapakain na ako ni Theo ng pagkain ay nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi tulad dati na halos na-manhid na ako sa kawalang pakialam sa sarili at paligid.

Okay, somehow nagkaroon ng improvements. Kahit papaano ay okay din si Theo dahil napalabas niya ako ng kwarto, ng condo at napakain. Pero gano'n pa man, may disadvantage din...

Naaalala ko lang lalo si Theo, 'yung Ex-Boyfriend ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa. Nami-miss ko lang siya lalo.

Saka...

Nabi-bwiset lang ako sa kakulitan ng robot na 'yun!

Naalala ko tuloy si Professor Limaco, nakausap na kaya niya si Papa? Hindi na ako makapag-hintay na mawalan ng kasamang robot dito.

"Keziah..."

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ko tignan si Kiba. Here we go again with my name, 'yung totoo, sobrang ayaw niya ba na tawagin akong Ate?

"I-I mean, Ate. Sorry, Mukha kasing magkasing-edad lang tayo." Saka siya marahang natawa. I agree with that, same as Kenzo, kahit mas matanda siya sa 'kin ng tatlong taon ay Kenzo lang ang tawag ko sa kanya. Sa 'kin yata 'yun namana ni Kiba.

"It's okay, ano 'yun?" Tanong ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kumuha si Kenzo ng bago mong makakasama dito, I mean makakasama niyo ni Theo dito sa condo mo. Makakatulong daw 'yun para mabawasan ang stress mo kung ayaw mong palagi na nakikita si Theo. Babae ang kinuha niya pero hindi ko na natanong ang name."

Napatigil ako at kunot noong napatingin sa kanya. Another care taker?!

"Akala ko ba si Theo lang ang makakasama ko dito?" May bahid ng inis na sabi ko. Hindi ko mapigilan dahil akala ko naman ay tapos na kami sa care takers care takers na 'yan.

Isa pa, anong karapatan niya mag-decide?!

Nagkibit-balikat naman siya, "Sabi niya, bukod daw kay Theo ay dapat may isa pang umaalalay sa 'yo lalo kung naiinis ka sa presensya ni Theo. Uhm, parang back up?"

"Back up?!"

"Kapag daw naiinis ka kay Theo at sinusungitan siya, 'Yung care taker daw ang aagapay sa 'yo just in case. Pumayag na rin sila Papa sa suggestion niya at ayun nga, bukas daw dadating dito." Pagpapatuloy niya kaya naman lalo akong nainis.

Anong iniisip niya?! Bakit hindi man lang niya sinabi sa 'kin? Kapag sila Mama ang magbibigay sa 'kin ng care taker ay sinasabi muna sa 'kin. Pwera lang kay Theo na lately ko lang nalaman na dito na titira kasama ko, nakakainis na nga na hindi nagsabi sa 'kin sila Papa tungkol 'dun, dumagdag pa itong Kenzo na 'to!

Mariin akong napapikit at bumitaw sa mga kubyertos na hawak ko. Tila nawalan ako ng gana sa binalita sa 'kin ni Kiba. Labag na nga sa loob ko na patirahin dito si Theo, nagdagdag pa!

"Pero... sang-ayon ako kay Kenzo, Ate. Para kapag hindi ka kumportable kay Theo, atleast may makakausap ka at 'yun nga 'yung care taker."

Inis akong napatingin sa kanya dahil sa narinig. Siya nama'y halatang nagulat kaya mabilis na napayuko, "S-Sorry. Opinyon ko lang 'yun."

Hindi ko nalang siya pinansin at humigop nalang sa kape ko. One of these days maku-kumpronta ko talaga 'yang si Kenzo eh. Siya nalang palagi nagde-decide ng mangyayari sa 'kin na parang siya si Papa! O baka naman, si Kenzo rin ang nagbukas ng ideya kay Papa na pagawan ng robot si Theo?

"Si Papa? Busy ba siya?" Pormal na tanong ko kay Kiba. Hanggang ngayon hindi ko pa nati-tiyempuhan si Papa dahil palaging busy ang number, hindi pa sumasagot sa text.

"Busy siya, Ate. Malapit na kasi ang event ng PT&T Inc. Kaya naman bilang CEO ng company ay asikasong-asikaso siya. Gano'n din si Kuya Kenzo."

Kaya naman pala hindi ko siya makausap... Pero kung busy si Papa at busy si Kenzo, bakit nakagawa pa rin siya ng paraan para hanapan ako ng care taker? O talagang nang-iinis lang siya. Psh!

***

Halos mahilo-hilo na ako kay Kiba dahil paruo't-parito siya sa paglalakad at kadi-dial ng phone niya. Napapailing nalang ako. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 9pm na ng gabi.

"Hey, Kiba." Pagtawag ko sa atensyon niya. Tumigil siya habang nasa kaliwang tenga ang phone at tumingin sa 'kin. "Anong oras ka uuwi? Gagabihin ka ah."

Napaling nalang siya at binaba ang phone. "Hindi kita pwedeng iwan mag-isa. Bilin ni Theo na kailangan dumating muna siya bago ako umalis."

Wow, how sweet of him. Psh!

"I'm okay. Parang hindi naman kayo sanay na mag-isa lang ako dito noon pa. Sige na," Parang hindi ko na nga nakikilala ang sarili ko ngayon eh, Kanina imbes na magkulong sa kwarto ay sinamahan ko si Kiba dito sa sala habang siya ay kwento ng kwento sa 'kin.

Ang weird ko talaga.

"Sorry, Ate pero hihintayin ko si Theo. Kaya lang..." May bahid ng pag-aalala ang kanyang boses, makikita sa mukha niya na parang nababahala siya sa hindi ko malamang kadahilanan.

Tumaas ang dalawang kilay ko, "Kaya lang...?"

"Kanina ko pa siya tinatawagan pero out of coverage. H-Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?" Anito na parang kinakabahan na. Bahagya naman akong natawa sa inaasta niya, kanina lang confident siya kay Theo na walang mangyayari, ngayon nag-aalala siya.

Kung nagkataon, maganda na rin na mawala si Theo sa landas ko. Atleast hindi ako magiging kriminal sa pagsira sa kanya.

"Kanina lang sabi mo mas malakas si Theo ngayon kesa sa Theo dati na tao. O eh ano 'yan?" Natatawang litanya ko pero patuloy pa rin siya sa pagkalikot ng phone.

"Iba naman 'to, 10am siya nang umalis. Gano'n ba ka-importante ang pinuntahan niya?"

Nagkibit-balikat naman ako. Kahit gusto kong malaman ang tungkol sa kuneksyon ng Jett na 'yun sa Ex-boyfriend ko ay mas gugustuhin kong mawala si Theo.

Hindi ako masama... sadyang ayoko lang na may robot na buntot ng buntot sa 'kin at umaaktong Boyfriend ko. Hindi siya si Theo, at naaalala ko lang lalo si Theo.

Sumandal ako sa sofa at nagpande-kuatrong upo sabay buklat ng magazine, "I don't know, robot 'yun kaya hindi 'yun mapapahamak." Prenteng sabi ko. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hablutin sa kamay dahilan para mapatayo ako. Dumiretso kami sa pinto, "K-Kiba?!"

"Samahan mo ako, Baka naliligaw lang 'yun at nalobat." Nagmamadaling aniya at nahatak na ako palabas ng condo. "Worst is baka napano siya, Tsk!" Dagdag niya.

"Hindi naman siguro tatanga-tanga 'yung robot na 'yun, 'di ba?!" Inis na tanong ko habang hinahatak niya ako pa-elevator.

"Hindi naman sa tatanga-tanga, Ate. Pero hindi naman niya kabisado ang lugar dito. Paano kung may man-trip sa kanya at nalamang robot siya? Paano ang pangalan natin? Ikaw, gusto mo bang isipin ng lahat na baliw ka?"

Bigla akong napatigil sa paglalakad at natulala sa narinig. Huminto si Kiba sa harapan ko. "Ate naman eh, Hindi naman masama si Theo. Robot lang siya, Oo at naka-program lang sa utak niya ang lahat ng dapat gawin sa 'yo bilang Girlfriend, Pero 'wag ka namang ganyan sa kanya..."

Napatingin ako kay Kiba diretso sa mga mata niyang nangungusap. Para bang sinasabi nito na kahit kalokohan lang ang lahat kay Theo ngayon, magiging maayos rin ang lahat.

Dahil sa tulong ng robot na 'yun.

"Kung ayaw mo akong samahan na hanapin siya, Fine. Just go back to your room and rest." Saka niya ako tinalikuran.

Para akong sinaksak ng maliliit na karayom sa mga kalamnan ko dahilan para manginig ito. Pakiramdam ko sa kabila ng pakikisama sa 'kin ni Kiba ay napupuno din siya sa ugali ko.

Alam ko naman 'yun. Alam ko ang ugali ko. Sa sitwasyon ko ngayon, I don't deserve their fuckin' love and concern.

Pero dahil iba sila, pamilya ko at hindi ako sinusukuan, nandito pa rin sila at sa huli... ako pa rin ang iniisip na parang ako ang bunso.

Bumalik ako sa wisyo ng may mga dumaan na tao sa likuran ko at nagkwe-kwentuhan. Doon ko lang napagtanto na wala na si Kiba sa harapan ko at nakalabas na. Kaya naman kahit ayoko, patakbo akong tumungo sa elevator at sumakay.

Napasandal ako sa salaming nasa likod ko at napapikit. Dapat ko bang i-consider si Theo na mabait na robot? I mean, Yes he's kind. Pero naaalala ko lang sa kanya si Theo na mahal ko.

Paano kung...

Pinilig ko ang ulo ko at dumilat. Sakto nasa ground floor na ako at bumukas na ang pinto. Patakbo akong lumabas ng building at hinanap si Kiba. Tumakbo ako hanggang sa kalsada, kung sumakay man siya sa kotse niya malamang dito sa entrance ang daan 'nun.

Anim na buwan kong sinarado ang buhay ko sa pamilya ko dahil sa depresyon ko sa pagkamatay ni Theo noon. Wala akong kinausap, hindi ako masyadong kumakain na humantong sa tuluyan kong pagtabla sa pagkain. Buong araw lang akong tulala sa kwarto at nag-iisip kung bakit humantong doon sa lahat.

I didn't even cried for him simula nang malaman kong patay na siya...

Tinago ko 'yung sakit ng pagkawala niya na kahit walang nakakakita sa 'kin, hindi ako umiiyak dahil naalala ko noon...

"Keziah!"

Napangiwi ako at napaupo dahil sa sakit na naramdaman ko sa tuhod ko. Inatake ako ng katangahan at sa sobrang triggered ko na matalo si Theo sa pag-takbo ay heto, sumadsad ako sa lupa-- lupang may maliliit pang bato.

"Naman 'to! Hindi nag-iingat, patingin." Nakita namin na ang lalim ng sugat ko sa dalawang tuhod. Halos tumulo ang dugo at kita na ang laman dahil sa sobrang gasgas sa lupa.

Napatakip ako sa bibig ko at namuo agad ang luha. Nakakapangilabot ang tinamo ko.

Agad akong binuhat ni Theo papunta sa malalaking bato sa gilid na parang upuan. Lumuhod siya sa harap ko habang nakaupo ako 'ron at tumutulo ang luha sa sakit na nararamdaman ko.

"Babe naman eh, Tanggapin mo nalang kasi na hindi mo ako matatalo sa karera. Ayan nagkasugat ka pa. Tsk, tsk." Aniya habang pinupunasan ng malinis na panyo ang sugat ko. Napapangiwi ako at hindi ko maiwasang mag-react sa ginagawa niya.

Mabuti na lamang at may dala siyang benda sa bag. Just in case may masugatan sa 'min, at nangyari nga.

Nang matalian niya 'yun ng benda ay tumayo siya at humawak sa dalawang tuhod niya, pinantayan niya ng tingin ang mga mata kong lumuluha pa din. "Ayokong nasusugatan ka, Babe. Next time mag-iingat ka, kung alam mong hindi mo kaya, 'wag nang pilitin. Okay ba?" Saka siya ngumiti.

Napasinghot nalang ako at tumango. Marahan siyang natawa at pinunasan ang dalawang pisngi ko gamit ang kamay niya. "And I don't want either to see you cry," Hinalikan niya ako sa noo.

"Even if I die..."

'Yun na siguro ang dahilan kung bakit ayokong maiyak kahit gustong-gusto ko na. Kung may iba pang rason, hindi ko na 'yun alam.

"A-Ate..."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Kiba... kasama na si Theo.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mukhang madungis, hindi rin punit-punit ang damit.

"Nakita ko siya na naglalakad papunta na sa condo. Mabuti nalang at hindi ako gumamit ng kotse dahil baka malagpasan ko siya. Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong sa 'kin ni Kiba.

"S-Sinundan kita."

"Keziah. Pasensya na kung napag-alala ko kayo ni Kiba." Biglang sabat ni Theo. Sabay namin siyang tinignan ni Kiba.

"Saan ka ba galing? Eh 'di sana kanina pa nakauwi si Kiba, anong oras na." Usal ko. Malayo-layo pa naman dito ang bahay nila Mama.

Napayuko si Theo. Medyo nagtaka ako sa inasta niya, saka niya ako tinignan muli. Katulad dati, walang emosyon...

"Gaano mo... kakilala si Theodore, Keziah?"

Tatlong beses pa akong napakurap sa tanong niya. Bigla din nagtaka ang mukha ni Kiba sa narinig kay Theo.

Pero... anong klaseng tanong 'yun?

"Anong klaseng---"

"Keziah, sometimes looks can be deceiving, act can be delude, and words can make you believe." Seryosong usal niya dahilan para mangunot ang noo ko, medyo naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"T-Theo, ano bang gusto mong sabihin?" 'Di mapigilang tanong ni Kiba. Hindi naman siya tinignan ni Theo at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

"Are you really sure about the guy that you loved? Have you ever wonder what kind of job he's in? Have you meet his friends, family? How much do you know him?" Sunod-sunod niyang tanong.

Napasinghal ako at namewang sa harap niya. Nakakaramdam na ako ng inis sa pinagsasabi niyang walang katuturan. "Instead of asking me your stupid questions, why don't you tell me what you're pointing to?" Banat ko.

Ilang sandali nanaig ang katahimikan sa aming tatlo. Nagtitigan kami ni Theo at hinintay kung sinong unang bibigay, sa huli ay inalis niya ang paningin sa 'kin at tumingin sa kalsada.

Umalis lang siya naging ganyan na siya? Ano ba ang nangyari sa pinuntahan niya? Kainis! Sana bumalik nalang ako sa kwarto at natulog.

"Keziah..."

Hindi ako sumagot. Hinintay ko lamang ang susunod niyang sasabihin.

"The Theodore that you know and you love is... betraying you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top