Kabanata 8

Tahimik lang ako habang buma-byahe kami ni Theo pauwi ng Maynila. Simula paglabas namin sa bahay ni Professor Limaco ay hindi siya nagsasalita, gano'n din ako. Siguro dahil na-realize niyang hindi ko siya kailangan para sa pagmo-move on ko.

Wala lang naman sa 'kin 'yun, afterall, isang siyang robot at wala siyang nararamdaman so malamang wala lang rin sa kanya ang mga sinabi ko kanina.

8pm nang makarating kami sa Maynila. Nag-aabang na kami ngayon ng taxi sa terminal. Pansin kong wala din masyadong tao, wala din masyadong nadadaan na taxi-- at umulan pa.

Dahil may waiting shed dito sa pwesto ay dito na kami nag-abang. Napayakap ako sa mga braso ko, ang lamig ng simoy ng hangin at palakas pa ng palakas ang ulan.

Narinig kong bumuntong hininga si Theo na nasa tabi ko, tinignan ko siya. "Wala ka pang kain, Keziah." Usal niya na nakapagpa-kunot noo sa 'kin. Liningon niya 'ko, "Gusto mo bang kumain muna sa fast food o sa restaurant?" Tanong niya.

Ilang sandali ko pa siyang tinignan, Kung sa bagay, hindi naman niya papakinggan ang mga nasabi ko kanina kahit pa balak ko na siyang sirain. Kaya heto pagkain ko pa rin ang iniisip niya.

Bumuga ako sa hangin at inalis ang tingin sa kanya, "Ayoko. Umuwi na tayo." Sabi ko na lamang. Hindi na siya sumagot pagkatapos 'nun kaya naman tahimik nalang kaming nag-hintay.

Maya-maya ay kumilos siya, binuksan niya ang payong na dala at umalis sa tabi ko. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya.

"Sandali lang ako, bibilhan lang kita ng pagkain." Paalam niya saka naglakad sa daan.

Wow. Hindi niya ba talaga mapigilan ang sarili sa pagpapa-alala ng pagkain ko?

Tumingin nalang sa harap ko at lalong niyakap ang sarili dahil sa lamig. Muling pumasok sa isipan ko si Theo... 'yung totoong Theo.

Hindi siya sing-persistent ni Theo ngayon, pero atleast nagagawa niya ang trabaho niya bilang Boyfriend ko. Pag mga ganitong nilalamig ako, aalukin niya agad ako ng jacket niya kahit pa siya ang lalamigin. Pero ngayon, wala na...

Mariin akong napapikit sa mga naisip. Dapat itatak ko na sa kukote ko na hindi na mabubuhay pa si Theo. Na tapos na ang lahat, patay na siya. Dapat simulan ko nang mag-move on. 'Yung... ako lang.

Bigla akong napadilat nang may humawak sa pulsuhan ko at hatakin ako paalis ng lugar. Dire-diretso siyang naglalakad hanggang sa dinala niya ako sa isang masikip at madilim na eskinita. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko, Shit!

Base sa kamay at postura niya ay hindi siya si Theo. Hindi siya si Theo!

Napangiwi ako nang itulak niya ako pasandal sa malamig na dingding at iharang ang isang braso sa leeg ko para hindi ako makakilos.

"Sa wakas nakita rin kita..."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko siya kilala, pero ang nakakalokong ngisi niya ang siyang nakakapag-pangilabot sa sistema ko.

Ginala ko ang mata ko para sana makahingi ng tulong pero walang tao at madilim sa parte ng lugar na 'to. Gumalaw ako at handa na siyang itulak ng maramdaman ko ang maliit na kutsilyo sa bewang ko.

Kung ho-holdapin lang niya 'ko, 'wag niya na akong saktan for god's sake!

Naramdaman kong kahit malamig, pinagpapawisan ako. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko, ayoko pang mamatay. Kahit pa makakasama ko na 'dun si Theo ay ayoko pa rin.

Hindi gugustuhin ni Theo na mamatay ako ng maaga...

"S-Sino ka?" Sinikap kong magtanong sa kabila ng kaba ko. Matunog naman siyang napangisi, "Ako... Ako si Jett, at kailangan kita." Malalim niyang saad dahilan para manindig ang balahibo ko.

What the hell?!

"Alam kong kasama mo si Theo... Nasa'n siya?" Tanong niya kaya naalala ko si Theo. "Nevermind, Sumama ka sa akin."

Bigla niya nalang akong hinila paalis ng lugar kaya naman nagpumiglas na ako. Lalong humigpit ang kapit niya sa pulsuhan ko at pakiramdam ko namumula na 'yun. Kaladkad kung kaladkad ang ginagawa niya sa 'kin.

"Ano ba! Hindi ako sasama sa 'yo!" Pagmamatigas ko. Nababasa na rin kami ng ulan at ramdam ko na agad ang literal na panlalamig sa buong katawan ko dahil sa basa.

"Sumama ka kung ayaw mong masaktan!" Bulalas niya at bigla akong hinatak ng malakas. Naramdaman kong sumakit ang braso ko sa ginawa niya kaya bahagya akong napapikit.

Gano'n pa man, sinisikap kong magpumiglas at buong pwersa ko 'yun hinatak. Habol hininga ako nang tuluyang mahatak ang kamay ko, tumingin siya sa 'kin at nagsimulang lumakad kaya naman sa abot ng makakaya ko ay tumakbo ako pabalik sa pwesto namin pero gano'n yata ako kamalas sa pagtakbo dahil bigla nalang akong sumadsad sa madulas na lupa.

Agad kong naramdaman ang kamay niya sa kanang paa ko kaya pumadyak-padyak ako pero dahil malaki siya ay nahawakan niya na ako agad sa braso, tinaas niya ang isang kamay na parang sasampalin na rin ako. "Masyado kang matigas ah!"

Napapikit ako at hinintay na dumampi 'yun sa mukha ko pero ilang sandali pa ay wala akong sakit na nararamdaman. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong may pumigil sa kamay niya at nakatingin siya kay...

Theo.

Mabilis akong tumayo kahit na nanginginig talaga ang katawan ko dahil sa takot. Muntik na ako 'dun...

Napangisi ang lalaki at hinatak niya ang kamay kay Theo na walang emosyong nakatingin lang sa kanya. "Ang tagal mong nagtago, Theodore."

Kumunot ang noo ko, Bakit niya ba kilala si Theo? Anong meron?

"Anong kailangan mo?" Blangkong tanong lamang ni Theo na parang hindi nasisindak sa lalaking ito. Sa bagay, wala namang laban sa kanya 'yan.

"Sigurado ka bang tinatanong mo pa 'yan?" Nakangising saad nito saka ako tinignan, napaatras ako ng kaunti. Muli siyang tumingin kay Theo. "Ano, Theo? Saan ka sumulpot at hindi ka na nagpakita?" Maangas niyang tanong.

Samantalang wala namang pinagbago ang ekspresyon ng mukha ni Theo. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Bigla nalang natawa ng parang baliw ang lalaking kaharap namin. "Sinasabi mo ba iyan dahil nasa harap mo ang Girlfriend mo?"

Anong sinasabi niya?

Nagulat ako nang biglang lumingon sa akin si Theo. "Keziah, sumilong ka. Magkakasakit ka." Utos niya pero hindi ako sumunod, Kung sisilong ako, hindi ko alam kung saan siya dadalhin ng lalaking 'to at hindi ko malalaman kung ano ang sinasabi niya.

"Hoy, Theo. Baka nakakalimutan mo ang usapan natin..." Nagbabantang tono 'nung lalaki.

Tumingin sa kanya si Theo, "Hindi ko alam ang sinasabi mo---"

Nabigla ako nang bigla niyang kwelyuhan si Theo at marahas na isandal sa poste dahilan para matapon ang hawak ni Theo na pagkain.

Napatitig ako 'ron. Pinanuod kong matapon ang sabaw sa sahig at tangayin ng tubig...

"H'wag mo akong gaguhin, Theo! Ang usapan ay usapan. Pagbibigyan ka namin sa anim na buwan mong pagtatago, Pero ngayon hindi ka na makakawala." Pagbabanta 'nung lalaki, Gusto ko sanang sabihin na 'hindi siya si Theo at isang siyang robot' pero...

Ano nalang ang iisipin nila sa 'kin? Sa pamilya ko na nagpagawa niyan?

Kahit hindi ko kinakausap ang magulang ko, ayokong masiraan kami ng pangalan lalo at big company ang hawak ni Papa.

Tama. Ilihim mo 'to hanggang sa masira mo na si Theo, Keziah.

"Bumalik ka dito bukas, Mag-uusap tayo. Kapag hindi ka sumulpot, May mangyayari sa babaeng 'yan." Turo niya sa 'kin bago niya bitawan si Theo. Tinignan pa niya ako ng matalim bago tuluyang tumakbo paalis sa lugar namin.

Nakaramdam ako ng kuryosidad sa kung anong kuneksyon ang meron siya kay Theo. Siya ba si Johnson? Pero hindi, Sabi niya ay Jett ang pangalan niya.

Bigla tuloy nagkaroon ng maraming tanong ulit sa utak ko tungkol sa isang 'yun.

May mangilan-ngilang tao ang tumitingin sa 'min siguro dahil na rin sa basang-basa na kami at dahil sa pagkain. Kung kailan wala na ang lalaking 'yun, saka kami pinag-titinginan.

Napatingin ako kay Theo na nakatingin sa pagkaing natapon. Agad din akong umiwas ng paningin dahil sa konsensyang nararamdaman ko. Bumili siya ng pagkain para sa akin kahit hindi ko naman inuutos. At... niligtas niya ako sa lalaking 'yun na muntik na akong tangayin sa kung saan.

Maybe I should thank him for saving me, tama. 'Yun lang ang magagawa mo.

Bahagya akong lumapit sa kanya. Tumayo siya at tinignan ako, "Pasensya na at natapon ang pagkain mo, Ayos ka lang ba?" Kalmadong tanong niya dahilan para mapabuga ako sa hangin.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito?!

Bahagya siyang nagulat na parang may napagtanto, mabilis niya akong hinawakan sa pulsuhan. "Ang tagal mo na sa ulan, baka magkasakit ka na!" Saka niya ako hinila pero agad ko siyang pinigilan.

Napalunok pa ako ng mapatingin siya sa 'kin. Anong problema mo, Keziah?!

"A-Ah, bumili nalang tayo ng pagkain at umuwi na." Nasabi ko na lamang kahit hindi ko alam kung ba't 'yun ang nasabi ko. Halata namang natigil siya sa sinabi ko. Hays...

May parte sa 'kin na dapat hindi ko 'yun sinabi at hinayaan lang siya katulad ng madalas kong ginagawa. Pero may parte rin sa 'kin na nako-konsensya sa ginawa niyang effort. Nakakainis at nadala ako.

"K-Kakain ka?" Parang nagda-dalawang isip niya pang tanong. Umiwas ako ng paningin bago tumango, feeling ko bigla akong nahiya.

"Kung gano'n... Salamat."

Napatingin ako sa kanya at biglang napatigil. Tama 'di ba? Isa siyang robot. Walang pakiramdam. Walang emsoyon. Walang reaksyon. Pero bakit...

Nginitian niya ako...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top