Kabanata 6

Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang pangalan ko sa bibig niya. Pamilyar ang mukha niya para sa 'kin pero hindi ko maalala kung nagkita o nagkakilala na ba kami.

Nang makabawi ay tumaas ang isang kilay ko sa kanya, "Wow, Gano'n na ba ako ka-famous para makilala ng isang stranger?" Sarkastiko kong ani at napailing nalang. "Tara na Theo---"

"Tama ka, gano'n ka na ba ka-famous para hindi ako makilala... Keziah." Pagputol niya sa sinasabi ko kaya nangunot ang noo ko.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-fitted maong pants siya na tinernuhan ng black doll shoes, naka-black v-neck din siya na shirt, nakalugay ang wavy na buhok hanggang bewang, pero...

Agad niya tinakpan ang braso niya nang mapansin niyang nakatitig ako 'ron, bahagya din siyang lumayo sa'min. "K-Kalimutan mo na, salamat at naibalik niyo ang anak ko."

Aalis na sana siya pero agad kong napagtanto kung sino siya at kung bakit niya 'ko kilala...

"Damn it, Keziah! Hindi ba at sinabi ko nang 'wag kang makikipag-usap o lalapit kay Theo?! Ilang banta pa ba ang kailangan kong gawin para sundin mo 'ko?!" Napangiwi ako at agad napahawak sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa panga ko.

Lumibot ang mata ko sa paligid at nakitang tatlo lamang kaming nandito sa room, dahil breaktime, nagkataon na na-tiyempuhan nila akong mag-isa.

"Tapos ngayon malalaman kong nililigawan ka na niya?! How dare you!"

Malakas niya akong tinulak pabagsak sa sahig. Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng pwetan ko. Agad din akong napadilat ng marinig ang takong niya na papalapit sa 'kin.

Lumuhod siya gamit ang isang tuhod sa harap ko. "Kapag sinagot mo siya, kahit pa mayaman ang pamilya mo, sisirain kita, Keziah. Tandaan mo 'yan, biatch!" Tumayo siya at lumakad palabas ng room kasama ang dalawa pang kasama.

Natulala ako sa harap ko at nakagat nalang ang labi. Namumuo na ang mga luha ko dahil sa kaba at takot sa kanya. Ano bang mali kung gusto din si Theo? Ako naman ang pinili niyang ligawan ah, pero bakit parang kasalanan ko 'yun?

Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ang nakatakas na luha sa mata ko.

Kahit nagda-dalawang isip, hindi ko makakayanang isuko si Theo lalo't ako ang gusto niya. Kahit pa siraan o sirain ako ni Odette...

H-Hindi ako natatakot.

Napabuga ako sa hangin at napayuko. Hindi natatakot, Keziah?

"Sinasabi ko na nga ba nandito ka pa."

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakatayo si Theo sa may pinto habang nakangiti. Napangiti rin ako, tila nabura ang mga pag-aalinlangan at takot na nararamdaman ko kanina.

"Ah, naaalala na kita... Odette."

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Kalimutan mo na nagkita tayo." Aniya.

"Magkaibigan ba kayo?" Pormal na tanong bigla ni Theo kaya napatingin si Odette sa kanya. Medyo nagulat pa nga siya at tila ngayon lang na-realize na si Theo ang kasama ko.

"T-Theo...?"

Katulad ng naalala ko kanina, may gusto at patay na patay itong si Odette kay Theo noon. Noong pinagbantaan niya ako na sisiraan niya ako kapag sinagot ko si Theo, Hindi ko 'yun pinansin. Sinagot ko si Theo at hinintay kung may gagawin sa 'kin si Odette, so far wala.

Pero nagulat kami lalong-lalo na ang mga admirer niya sa school nang mabalitaang nabuntis si Odette ng isang lalaking tambay lamang sa isang squater's area. Nakakagulat para sa'min na ang kagaya niyang maganda, sexy at mapili ay mabubuntis lang ng isang tambay.

Maraming nanlumo, marami ding nainis at nagalit lalo ang parents niya. Matapos 'nun, hindi na siya pumasok ng school hanggang sa maka-graduate na kami.

And here she is standing in front of me now. Kaya pala hindi ko siya maalala kanina dahil talaga namang nakaka-panibago ang itsura niya.

Sexy at maganda pa rin naman pero... nag-mukha siyang losyang, Err.

"Classmate ko siya noong College." Sagot ko kay Theo. Hindi siya sumagot pero si Odette ay nanatiling titig na titig kay Theo na para bang nakakita ng God dito sa lupa.

By the way of her look, I can say that she still have this frivolously thingy on Theo. Nabalitaan kaya niyang naging kami ng pinag-papantasyahan niya?

Tumango bilang sagot si Theo saka tumingin sa 'kin. "Sa tingin ko, bukas na tayo tumuloy ng Zambales. Malapit ng mag-gabi at delekado na."

Napabuntong hininga ako. Tama siya. Tumingin ako sa kalangitan at nakitang malapit na mag-dilim. "Nakakainis naman..." Mahinang usal ko.

Sabay kaming napatingin ni Theo kay Odette nang matunog itong mapangisi, "Kayo pa rin pala hanggang ngayon. Mukhang inlove na inlove kayo sa isa't-isa..."

Tumaas ang dalawang kilay ko at bahagyang natawa. Hindi din ba niya alam na patay na si Theo? Kung sa bagay, sino nga ba siya para malaman pa ang tungkol 'don gayong matagal na siyang hindi nagpapakita sa'min.

"I'm sorry?" Tanong ko kahit narinig ko naman. Ngumiti siya sa 'kin, "Gusto kong magpa-salamat sa ginawa niyong pagtulong sa anak kong si Polo. Baka may pabor kang gusto sabihin sa 'kin bilang kapalit sa nagawa niyo?" Tanong niya sa 'kin.

"Nah, Nagpa-salamat ka na kanina. All you have to do is to keep an eye to your son." Sabi ko pero agad siyang napayuko habang nangingiti.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Nakaramdam ako ng inis kahit wala siyang ginagawa, 'Yung inis na sana noon ko pa nabuhos sa kanya pero dahil sikat siya ay wala akong magawa dahil baka ma-bully lang ako.

"Pwes, gagawa ako ng paraan para makabawi sa kabutihang nagawa mo, Keziah." Sagot niya at tumingin kay Theo na walang emosyon. "Lalo kang gumwapo, Theo."

Napatingin ako kay Theo na walang reaksyon. Umatras ng kaunti si Odette at nagpaalam na. "Aalis na ako, mag-ingat kayo!" 'Yun lang at lumakad na siya palayo sa'min.

Napangiwi nalang ako, Anong pinagsasabi niya?

***

"Good evening, Keziah, Theo!"

Nagulat ako nang sumalubong sa 'kin ang nakangiting mukha ni Kiba. May suot siyang apron at sandok, mukhang ginalaw na naman ang mga gamit ko sa kusina.

"Ikaw pala, Kiba." Usal ni Theo at nag-diretso sa loob. Tinignan niya ang nakahain sa mesa. "Sana nagsabi kang pupunta ka dito, nakauwi sana kami ng mas maaga."

Napakamot naman sa ulo si Kiba habang nakangiti, "Gusto ko lang kayo surpresahin ni Keziah. Nagluto ako ng Cazuela para sa hapunan." Aniya kaya lumapit ako sa lamesa at talagang namangha sa amoy at itsura ng pagkain. "O 'di ba, may natututunan ako sa school."

Napatingin ako kay Kiba na nangingiti habang pinag-mamalaki ang gawa niyang Cazuela. Kumuha ako ng kutsara at tumikim sa luto niya.

"A-Ano? Anong masasabi mo?" Tanong niya kaya naman ninamnam kong maigi ang sabaw.

Binaba ko ang kutsara at hinarap siya. "Okay naman ang lasa, Magaling." Humarap ako kay Theo na nakatingin lang sa'min. "Bukas ng alas-diyes ay aalis tayo. 'Wag kang mala-late ng punta."

"Hindi ako mala-late dahil dito na ako nakatira sa condo mo." Saad niya na kinatigil ko. "Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Dito na ako nakatira, para masiguro kong palagi kang ligtas." Aniya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Malamang sila Papa na naman ang may pakulo nito.

"Ayoko ng may kasama dito."

"Hindi ako pwedeng umalis. Uulitin ko pa ba?"

"Hindi sila nanghingi ng permiso sa 'kin kaya---"

"K-Keziah..." Natigil ako at napatingin kay Kiba. Compare kanina, bahagyang nalungkot ang mukha niya. "Bilin ni Papa na kailangan may kasama ka at 'yun ay si Theo. Kaya sa tingin ko wala ka nang magagawa dahil hindi mo siya mapapaalis dito." Paliwanag niya.

Walang magagawa?! Hindi por que buntot siya ng buntot sa akin eh dito na siya titira kasama ko? I can't accept that!

"Kailan pa siya lumipat dito?" Blangkong tanong ko.

"Simula 'nung nagpakita siya sa 'yo..." Mababang saad ni Kiba kaya inis akong napatingin sa walang emosyong mukha ni Theo.

Nakakainis! Kailangan ko na talagang makausap 'yang Professor Limaco na 'yan para alamin kung paano mawawala sa buhay ko ang isang 'to.

Mabuti sana kung siya talaga si Theo na mahal ko, ang kaso, hindi. Kahit pa marami silang pagkakahawig, hindi ko yata siya kayang ma-take.

Bigla din akong napaisip, kaya naman pala kada-gising ko ay may kumakatok sa pinto ko para maghatid ng pagkain. Dahil hindi ako lumalabas ng kwarto, hindi ko nalalaman kung umuuwi ba siya or what. Hays...

"Kakausapin ko si Papa bukas pagka-galing kong Zambales." Sabi ko na lamang at didiretso na sana sa kwarto ng marinig kong magsalita si Kiba.

"P-Paano ang luto ko, kumain na tayo---"

"Kiba..." Hinarap ko siya, "Salamat at nag-abala ka pa, Pero ayokong kumain. Hindi ka nalang sana nag-aksaya ng oras dito." Diretsong sabi ko na kinagulat niya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ba't nakakapag-salita ako ng gano'n kay Kiba, siguro dahil kapag nakikita ko sila nila Kenzo... Feeling ko ginagawa nila akong tanga sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dumiretso na ako sa kwarto at nagkulong. Napabuntong hininga ako nang makasandal sa likod ng pinto.

Gusto kong maayos 'tong nangyayari... Pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula gayong alam kong ginawan nila ng robot si Theo, na ang feeling ko para akong bata sa kanila.

Napapikit ako at nag-isip. Kung wala rin silang ginawang robot, malamang hanggang ngayon nagku-kulong pa rin ako dito. Hanggang ngayon hindi pa ako makikita nila Mama na lumabas ng condo.

Maituturing ba 'yung magandang senyales?

"Kiba... Ayos ka lang?"

Napadilat ako nang marinig ang boses ni Theo sa labas. Masyadong tahimik dito kaya naman hindi malabong marinig ko ang usapan nila.

And I'm not interested at all.

Lalakad na sana ako at hihiga sa kama nang magsalita si Kiba.

"Okay lang daw 'yung luto ko... Bakit kailangan niyang sabihin 'yun gayong hindi naman niya naa-appreciate na nagre-reach out ako sa kanya?" May halong pagtatampo'ng saad ni Kiba.

"Pagod lang si Keziah. 'Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para magbago siya." Sagot ni Theo.

"Sabi sa 'kin ni Kenzo, Nagagalit daw si Keziah dahil ginawa naming robot si Theo. Hindi ba't kaya nga siya nade-depressed ay dahil namatay si Theo? Gusto ko ng bumalik ang Ate ko sa normal tulad ng dati, pero paano?"

Hindi sumagot si Theo. Napatingin ako sa sahig, tila hindi alam ang gagawin.

"Simula ng mamatay si Theo, pati kami tinabla na niya. Pamilya niya kami at kaya naman namin siyang suportahan sa lahat at damayan pero..." Bumuntong hininga si Kiba bago magpatuloy, "Pero naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko siya..."

Bahagyang bumaba ang tono niya at nanahimik sa labas. Kumunot ang noo ko, gano'n ba talaga ako ka-insensitive? Kung naiintindihan nila ako eh 'di dapat hindi nila ako ginaganito.

Dapat... hindi nila ginawa si Theo para lang paasahin ako.

"Basta..." Narinig kong bahagyang natawa si Kiba, "We'll leave everything to you, Theo. Do whatever you can to bring back the Keziah we know. I... no, we trust you."

Lalong nangunot ang noo ko, gano'n na din ba kapanatag ang loob nila sa robot na 'yan?! Na akala nila dahil dian eh mapapabago nila ako at mababalik sa dati? I highly doubt.

No one can ever change me the way I am now. Not my family, nor a robot.

Only the real 'Theodore' can bring back the old Keziah.

Kaya... I'm so sorry, Brother.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top