Kabanata 5
Halos hindi maipinta ang mukha ko pag labas namin ng restaurant. Sa dami ng pinakain ni Theo, hindi yata nagustuhan ng tiyan ko ang biglaang kain. Isa pa, naiinis ako sa sarili ko dahil bumigay ako sa mga hirit niya. Kung hindi ko lang kailangan kausapin 'yung Professor Limaco na 'yun hindi sana ako mauuto ng Theo na 'to.
"Bago tayo makarating 'dun, Kailangan nating sumakay ng bus ng mahigit dalawang oras. Pagbaba, sasakay tayo ng bangka dahil sa Isla de San francisco naninirahan si Professor---"
"Ano?!" Kunot noo akong bumaling sa kanya. Blangko naman siyang napatingin sa 'kin. "Saan ba eksaktong nakatira 'yun?!" Tanong ko.
"Sa Zambales siya nakatira. Sa kabilang isla ng San Salvador Island, Masinloc Zambales. Okay na?" Inalis niya ang tingin sa 'kin saka humarap sa sakayan ng Taxi. "Sumakay na tayo habang maaga pa."
Humakbang siya at handa nang lumapit sa terminal ng Taxi nang hablutin ko siya sa kamay dahilan para mapatingin siya sa 'kin. Take note: Wala siyang reaskyon sa ginawa ko. Imbes na mabigla.
Pero parang imbes siya, ako ang nagulat sa ginawa ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak ang pulsuhan niya. "U-Uhm..." Binitawan ko 'yun at umiwas ng tingin. "Baka hindi tayo makauwi kung ngayong tanghali tayo ba-byahe."
Totoo naman, Gusto ko sanang mapuntahan 'yun ngayon pero hindi ko naman alam na pagkalayo-layo ng lalakbayin namin. Hays!
Hinarap naman niya 'ko. "Nagbago na ba isip mo?"
Inis ko naman siyang tinignan sa mata. Of course not! Matapos niya akong pakain ng marami?! "Hindi! Pupuntahan pa rin natin 'yun pero ang inaalala ko lang ay---"
"'Yung matutulugan natin in case na umabot tayo ng gabi?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Hindi naman ako sumagot. "'Wag kang mag-alala, May mga resorts sa San Salvador. Pwede naman tayong magpalipas 'dun. Isa pa..."
Nagulat ako nang dahan-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin. What the heck?!
"Wala namang masama kung makakasama mo 'ko sa iisang kwarto, Hindi ba?" Tanong niya saka huminto. Napalunok at lalo siyang sinamaan ng tingin. "A-Anong walang masama?! Masama 'yun lalo at hindi naman kita---"
Again, Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.
"Boyfriend mo 'ko. Nakalimutan mo na ba?" Aniya. Napa 'Tsk' nalang ako at umiwas ng tingin. "Hindi nga ikaw si Theo na dati kong Boyfriend. Itatak mo nga 'yan sa utak mo." Sabi ko na lamang.
Hindi siya nagsalita. Kaya naman tinignan ko siya, nakatitig lang siya sa 'kin na parang may masama akong nasabi. Although walang emosyon ang mukha niya, Parang gano'n kasi. Geez!
"Nawala man ang tunay na Theo..." Seryosong aniya, "Handa naman akong maging kapalit niya para hindi ka na malungkot."
Ilang sandali akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil pinapaalala lang niya 'yung dating Theo o magagalit ako dahil alam kong walang makakapantay kay Theo pero sa huli...
"Pfft---" Napatakip ako sa bibig ko at umiwas ng tingin.
"Bakit?"
Umiling ako pero nang tumingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Siguro, mga ilang minuto rin 'yung tinagal ng tawa ko na kahit pa maraming nagti-tinginang tao ay wala akong pake makatawa lang. Grabe nga eh, first time ko yatang matawa ng ganito ka-oa.
Matapos 'nun ay napapunas nalang ako sa mata ko dahil sa tears of joy, Haayy...
"Grabe naman, Hahahaha! What a joke!" Sabi ko habang tatawa-tawa pa rin. Napatingin ako sa mukha niyang walang pinagbago, Hays. "Pero seryoso, Nakakatawa ka. Hahahaha---"
Bigla nalang niya akong tinalikuran at naglakad papuntang terminal, huminto ako at tatawagin na sana siya nang lumingon siya sa 'kin. "Nagsasayang lang ako ng oras sa pagtawa mo. Kung pupunta tayo sa Zambales, umalis na tayo ngayon palang."
Napairap naman ako at sumunod nalang sa kanya. Dapat nga magpasalamat pa siya at bumenta sa 'kin ang Joke niya eh. I've never been laugh like that before. Psh!
"At..." Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. "Hindi din ako marunong mag-joke." Saka siya nanguna sa paglalakad.
Gosh! Ang kapal mag-claim sa pangalang 'Theo' samantalang ang dami nilang differences ni Theo sa ugali. Like oo sang-ayon ako sa physical pero sa ugali? Compared to 'Old' Theo that I know, Mabait at pala-ngiti ang isang 'yun. Kalog kasama at napaka gentleman. Pero ito, Dinaig pa si Itachi sa sobrang lamig ng pakikitungo. Walang emosyon and all!
Habang nasa byahe kami patungo sa isang bus station, walang kibuang nagaganap sa'min ni Theo. Wala naman akong pake dahil sanay din naman akong manahimik. Isa pa, iniisip ko 'yung mga itatanong ko sa Professor Limaco na 'yun.
Dapat nga ma-appreciate ko 'yung ginawa ni Papa na gumawa sila ng substitute ni Theo para sa depression ko, pero hindi eh... Feeling ko kasi niloloko lang nila ako na parang bata.
Kahit kailan naman... Alam ko sa sarili ko na hindi mapapalitan si 'Theo' dito sa puso ko. Not even a robot.
Nawala ako sa mga iniisip ko nang biglang may mag-ring na telepono. Hinalungkat ko 'yung bag ko para i-check ang phone ko pero pag-hawak ko palang...
"Kenzo,"
Napatingin ako kay Theo. May hawak siyang cellphone at nakalagay iyon sa kabilang tenga niya.
So... May cellphone din siya?
"Kasama ko si Keziah at may pupuntahan lang kami."
Napaglapat ko ang mga labi ko at tumingin nalang sa labas ng bintana. Ano na namang trip ni Kenzo at tumawag siya kay Theo?!
Nabigla ako nang iabot sa 'kin ni Theo ang phone niya. Agad ko siyang tinaasan ng isang kilay.
"Gusto ka makausap ng kapatid mo."
Kinuha ko nalang 'yun at tinapat sa tenga ko. "What?" Bored na tanong ko.
Narinig ko siyang napangisi. "Good to know that you and Theo are having bonds together. Magandang balita 'to para kay Mama and Papa."
Kumunot ang noo ko. Sabi ko na nga ba mang-aasar na naman 'to. "This is not bond. Pupuntahan ko 'yung nag-imbento sa Theo'ng kasama ko ngayon."
"Oh, really?!"
Psh. Napairap nalang ako. "Wala ka bang work? Ba't ba tumatawag ka pa?!" Inis kong usal sa kanya. Natawa naman siya sa inasta ko.
"Why not? I just want to know if you're okay with Theo. Sabi kasi ni Mama sabay daw kayo umalis sa bahay kaya natuwa ako. Biruin mo, napalabas ka sa condo mo ng wala sa oras---"
"Shut up, Kenzo." Madiin kong sabi. Kahit kailan talaga wala siyang ginawa kundi ang asarin ako.
"Oh, well, ingat kayo sa byahe niyo. Don't worry, Hindi 'yan sing-palpak ng Theo'ng kakilala mo dati."
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Sing-palpak?!
"Anong karapatan mong---"
"Ciao!" Then nawala ang kabilang linya.
Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Naiinis ako sa pang-iinsulto ni Kenzo kay Theo. Nando'n na ako sa hindi niya lubusang kilala si Theo noon pero rumespeto naman siya sa patay na! Kaya hangga't maaari, umiiwas ako kay Kenzo dahil dito eh. Pakiramdam ko kasi lumala ang pagiging strikto niya simula nang malaman niyang si Theo ang Boyfriend ko.
I hate to admit but... I think that's one of his stupid reasons.
"Nandito na tayo."
Inabot ko kay Theo ang phone at mabilis na lumabas ng Taxi. Hinintay ko siya sa labas hanggang sa matapos siya sa pagbabayad sa driver. Maya-maya ay napansin niya yatang bad mood na ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya habang nag-hihintay kami ng bus.
Napahalukipkip nalang ako at 'di na siya sinagot. Baka siya pa ang mapag-buntungan ko ng inis kay Kenzo kung magsasalita pa ako.
"Huhuhu! Mamaaaa!"
Inis akong napatingin sa isang gilid. Nakita ko ang isang batang lalaki na sa tingin ko'y nasa limang taon lang. Nakaupo sa isang sulok at ngumangawa. Habang patuloy siyang umiiyak, patuloy rin ang mga tumitingin'g tao sa kanya pero walang naglalakas-loob na lapitan siya.
Siguro dahil lahat ng tao dito ay nagmamadali. Wala ring guard o mga food stall dito na maaari siyang damputin.
Hindi ko nalang sana papansinin pero lalong lumakas ang iyak niya. Napakamot ako sa batok ko at lalong nainis. Ayoko pa naman sa lahat, 'yung nakakarinig ng iyak ng bata.
Idagdag mo pa na ang tagal dumating ng susunod na bus. Hays!
Nagulat ako nang biglang may kumapit sa laylayan ng damit ko at nakita ang batang umiiyak kanina. Puro uhog na siya at halos mabuo na ang 11 sa ilong niya dahil sa sipon. Basang-basa pa ang mukha at tumutulo pa ang laway. What the...?!
"A-Ano bang problema mo umalis ka nga---"
"S-Si Mamaaa... N-Nawawala Mama k-koooo!" Umiiyak niyang sabi pero napangiwi lang ako imbes na maawa.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa damit ko at bahagyang lumayo. "Hindi ko na kasalanan kung nawawala Mama mo, Kiddo. Kaya kung ako sa 'yo lubayan mo ako."
Lalakad na sana ako palayo sa batang 'yun nang bigla siyang tumakbo palapit sa 'kin at mahigpit na kumapit sa damit ko. Shit naman!
"T-Tulungan mo po ako please..."
Tch! As if! Eh ako nga hindi ko matulungan sarili ko mag-move on siya pa ba?!
"Bumitaw ka nga! Hindi ko kilala ang Mama mo kaya umalis ka!" Pagtataboy ko pero lalo lang siyang ngumangawa at hindi bumibitaw sa damit ko.
Tumingin ako sa paligid at nakitang halos kami nalang pala ang nandito. Eh kung itulak ko nalang kaya 'to para tumigil na?
"Nandian na ang bus. Aalis pa ba tayo?" Pormal na tanong ni Theo na nakatingin lang sa'min.
"Oo aalis tayo! Could you please do something to this kid?! Nabi-bwiset na ako!" Bulalas ko sa kanya pero inalis lang niya ang tingin sa 'kin na para bang "Bahala ka dian."
Argh!
Maya-maya ay may nakita akong palapit na guard. Yes! "M-Manong!" Tawag ko.
"Miss, Baka pwede naman pong patahimikin niyo 'yung anak niyo. Saka ayun na po 'yung bus, sumakay na kayo habang nag-hihintay pa." Ani sa 'kin ng guard na 'to pero agad akong kumontra. "Anak?! Hindi ko 'to anak, stupid!"
"Ano pong sabi niyo?" Medyo naasar yata 'yung guard sa pagsasalita kong stupid.
"Mukha bang anak ko 'to? Eh mas mukha pa ngang anak mo 'to---"
"Sige po, Kuya. Aalis nalang kami." Hirit ni Theo sabay kapit sa balikat ko at 'dun sa bata.
"Paki-sabihan 'yang misis mo ah? Kung anu-ano pinagsasabi." Habol pa ni kuyang guard pero sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil hinihila na ako ni Theo palabas.
Nang makalabas ay inis akong lumayo sa kanya. "Ba't tayo lumabas? Sumakay na tayo sa loob!"
"Pwede bang 'wag kang makipag-away 'don. Kumalma ka muna." Malamig niyang sabi. Kakalma na sana ako pero napadako 'yung mata ko 'dun sa bata na tahimik na umiiyak.
Oo nga pala, tinangay pala ni Theo ito.
"Hoy, dahil sa 'yo kaya nasa labas tayo ngayon. Alam mo bang sasakay na sana kami ng bus pero---"
Napahinto ako ng biglang lumuhod si Theo gamit ang isang tuhod at humarap sa bata. Hinawakan pa niya ito sa balikat. "Tahan na, Saan ba nagpunta ang Mama mo?"
Nagpunas ng mukha ang bata habang sumisinghot-singhot pa. "H-Hindi ko po alam. T-Tulungan niyo po ako oh..."
Napairap nalang ako. Nakakainis! Nagsimula kay Kenzo hanggang sa kumalat na sa sistema ko 'yung inis na nararamdaman ko.
"Sige, Hahanapin natin ang Mama mo. Pero pwede mo ba sabihin kung saan mo siya huling nakasama?" Malumanay na tanong nito.
Sabi ko nga, malayo ang pagkaka-pareha nila ni Theo na kakilala ko. Pero si Theo noon ay hindi mahilig sa bata lalo kapag hindi cute. Ayaw din niya ng iyaking bata. Pero don't get me wrong, Mabait si Theo. Ayaw lang talaga niya sa bata.
As of me, Sadyang nainis lang ako kanina hanggang sa nagtuloy-tuloy kaya pati itong bata ay napag-buntungan ko. Sabi ko naman, ayoko ng may kumakausap sa 'kin lalo kapag inis na inis ako eh.
"Dito lang din po..."
"Okay. Hahanapin natin Mama mo, 'wag ka nang umiyak."
Tumayo si Theo at humarap sa 'kin. Agad ko siyang kinunutan ng noo. "Tulungan muna natin 'yung bata bago tayo umalis."
"Naaawa ka ba?" Mabilis na tanong ko.
"Hindi. Anong naaawa?" Balik tanong naman niya.
"Naaawa. Kasi gusto mo siyang tulungan eh, feelings 'yun." Sabi ko. Base kasi sa obserbasyon ko sa kanya, naaawa siya. Eh 'di ba nga, robot siya?
"Hindi ko alam ang salitang 'yun. Wala din akong nararamdamang ano sa batang 'yan. Naiingayan lang ako sa iyak niya. Saka, ikaw lang iniisip ko." Sagot niya dahilan para maikot ko na naman ang mata ko.
Ito na naman tayo sa "Ikaw lang iniisip ko" eh...
Dahil sa ginawa ni Theo, naglakad-lakad kami sa terminal at nagbabaka-sakaling may lalapit sa'ming nanay at sasabihing anak niya 'to. Kaya lang, mahigit 30 mininutes na rin ang tinagal namin pero wala pa rin.
Hindi kaya naiwan siya ng nanay niya at sumakay na 'yun sa bus?
Sa liit ba naman ng batang 'to malamang hindi mahahalata kung naisama ba o nawala eh. Pero nasa nanay pa rin 'yun. Haayy...
Nang makaramdam kami ng pagod ay umupo na kami sa hintayan sa loob. Hapon na rin, mauudlot pa yata ang pagpunta namin sa Zambales. Kainis!
"M-Mama ko..." Nag-sisimula na namang umiyak ang bata.
Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Paano kapag hindi siya nakabalik sa Mama niya ngayon? Alangan ampunin ko siya?!
"Okay ka lang?"
Napatingin ako sa katabi kong si Theo. Medyo kalmado ang boses niya sa pagkakatanong niyang 'yun. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Umalis na tayo. Mukhang hindi niya na makikita ang Mama niya sa oras na 'to." Sabi ni Theo kaya umayos ako ng upo.
"Ayokong dalhin sa condo 'yan. Mamaya modus pala 'yan eh..." Sa panahon ngayon, hindi malabong pati bata ginagamit na sa modus-modus na 'yan.
"Sang-ayon ako. Pero 'wag kang mag-alala po-protektahan naman kita---"
"Tumigil ka nga!" Pagputol ko sa sinasabi niya.
Sa paglipas ng oras ay hindi namin namalayan na 5pm na pala. Naisip kong i-turn over nalang namin ang batang 'to sa bahay ampunan kesa iwan namin dito. Lalo namang kesa na ampunin ko!
Nakatulog na rin ang bata at ngayo'y bitbit siya ni Theo. Habang naglalakad kami palabas ay may tumapat sa'ming babae na sa tingin ko ay nasa 20's lang ang edad. Akala ko pa nga magbibigay lang siya ng mga papel na nag-aalok ng trabaho eh.
"P-Parang kilala ko po ang batang 'yan." Bungad niya sa'min.
"Kung gano'n, kunin niyo na." Sabi ko para wala na kaming aasikasuhin pa ni Theo.
Napahawak siya sa kanyang bibig at nagsimulang mamuo ang luha sa mata niya. "A-Anak ko... Polo anak!" Kinuha niya kay Theo ang natutulog na anak at ng makumpirma ay hinalikan niya ito sa noo.
Now I feel relieved. Sa wakas!
"Sa susunod, 'wag niyo namang hayaan na magpa-kalat-kalat 'yung anak niyo." Diretsang sabi ko dahilan para mapatingin sa mata ko ang babae.
Biglang nanliit ang mata ko sa kanya. Parang pamilyar kasi siya sa 'kin...
Kamukha niya 'yung kaklase ko noong College. Maganda, matalino, sexy, mayaman at super popular sa buong campus. Madalas ngang maisabak sa Miss University 'yun sa school. Palagi pang may admirer. Kaya lang...
Talo sa ugali.
"Iba ka na magsalita... Keziah Torres."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top