Kabanata 31
Naramdaman kong marahang pinisil ni Kiba ang kamay kong nakapatong sa aking mga hita. Napatingin ako sa kanya nang ngumiti siya, tila pinapahatid niya sa 'kin na magiging maayos rin ang lahat.
I couldn't do anything but to be nervous and cry. Since we left the house, I'm started to get worried 'bout something that might happen. Maybe because, I'm unsure if Jett will really sets Theo free afterward?
Hindi natin masasabi. Paano kung patibong niya lang 'yon upang pumunta ako? But the truth is seven million is just a bait for him to finally get me?
Nang maramdaman kong huminto na ang sinasakyan naming kotse ay narinig kong bumuntong hininga si Papa. This is it, I know we're finally on our destination.
"Ako muna ang bababa. If something happens, sign to the police back there,"
May dalawang van kaming kasama sa likod, mga tauhan at pulis na lihim na sinama ni Papa for our safety. Gano'n pa man, hindi pa rin kami kumportable kung ano nga ba ang mangyayari.
Kanina hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad kong pinuntahan sila Papa para sabihin ang pagtawag sa 'kin ni Jett. Mahirap kitain ang seven million and we all know that, pero dahil mahal ako nila Papa, they risk everything just for me and I'm thankful for that.
Maski ako nabigla nang sumang-ayon agad si Papa. Ika niya, "It's just a money. We can earn it again, but we cannot bring Theo back if ever so I prioritize it." Sa tuwa ko, napayakap ako sa kanya at naluha nalang. God knows how thankful I am to be the daughter of this man. 'Yun ang hindi ko nakita noon.
"I'm coming with you." Biglang hirit ni Kenzo at hindi na hinintay pa ang tugon ni Papa, nauna itong bumaba ng kotse.
Nang akmang bababa na si Papa, nagsalita na 'ko. "Pa, gusto ko ding sumama." I don't know, siguro dahil sa pag-aalala ko kanina na baka hindi talaga pera ang habol ni Jett ay nagkakaganito ako na gusto kong sumama rin.
"Ate..."
"Keziah, masyadong mapanganib at hindi natin alam ang takbo ng utak no'n. Pera kapalit ni Theo lang naman ang gusto niya 'di ba? Babalik kami rito kasama si Theo." Papa assured me that everything will be fine. Pero labag sa 'kin, hindi na yata ako makapag-hintay na makita si Theo.
Tumingin ako rito. "Pero Pa, paano kung ako talaga ang---"
"Ate, please. Ayaw namin na may mangyari sa 'yo. Let's just wait." Saad ni Kiba.
May gusto pa sana akong sabihin nang bumaba na si Papa at nakita kong sumenyas siya sa likod na maghintay lamang. Dala-dala niya ang attach case na naglalaman ng seven million, saka sila sabay nagtungo ni Kenzo sa loob ng gubat.
You read it right. Malayo ang lugar kung saan dinala nila Jett si Theo. Sa tingin ko ay nasa probinsya kami, mabuti na lamang at hindi na gano'n kahirap bumyahe papunta dito. Kung pagmamasdan, malayo na ito sa ilang kabahayan na nadaanan namin kanina. Wala ring poste dahil nasa kabilang kanto ang mga 'yon. Tanging ilaw lang ng kotse sa amin at nang nasa likod ang magbibigay gabay.
Hindi ko alam ang eksaktong lugar na 'to, pero alam kong malayo talaga ito base sa aking pagmamasid. Which means if anything bad happens, no one is going to respond us except for the police next to us.
"H'wag kang mag-alala, Ate. Sigurado naman akong maibabalik si Theo. Saka, hindi naman 'yun agad mamamatay."
Bahagya nalang akong napangiti rito. Alam kong sinasabi niya lang 'yun para kahit papaano ay mawala ang pag-aalala ko. Gano'n pa man, hindi na yata ito mababawasan depende nalang kung makikita ko na si Theo.
Wala kaming naririnig na kahit ano. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa sila Papa. Patingin-tingin na din si Kiba sa kanyang relo dahil sumobra naman yata ang tagal nila doon.
"S-Sabihan na kaya natin ang mga pulis?" Sabi ko dahil 'yung kaba at pag-aalala ko kanina ay nadagdagan na naman.
"Siguro nga, bababa lang ako---" bago pa man ito makababa ay pinigilan ko na ito sa braso.
"Sasama ako. H-Hindi naman ako lalayo."
Nang makababa kami ay kaagad na dumiretso si Kiba sa likod upang kausapin ang mga pulis. Ako nama'y napayakap sa aking sarili dahil sa lamig ng hangin na sumalubong sa 'kin. Tumingin ako sa paligid, masyadong madilim pero nagbibigay liwanag din pala ang buwan kagaya ng aming sasakyan.
I wonder what's going in there...
Nakarinig ako bigla nang paggalaw ng mga dahon sa paligid kaya naging alerto ako. Masyadong mabilis ang galaw at hindi ko alam kung sila Papa 'yun pero ang nakakapagtaka, bakit sila tumatakbo kung sila nga 'yun?
Iginala ko ang paningin ko at sinubukan tignan kung may tao bang papalapit sa amin. Ayon sa naririnig kong paggalaw ng mga dahon, mukhang palapit na 'yon sa amin kaya napaatras ako at tumingin kila Kiba na mukhang hindi 'yun alintana.
"Kiba---" bigla akong napatingin nang maramdaman kong malapit na sa akin ang tumatakbong 'yun at saka ko lang naramdaman ang pagpigil ko sa aking hininga nang matanaw ko sa gilid ang taong 'yun.
Si Theo.
Nilagpasan ako nito at tila hindi ako nakita dahil sa pagtakbo niya. Hindi ako pwedeng magkamali, si Theo 'yon!
"Halika na sa loob, mga pulis na ang bahala dito." Nagmamadaling usal ni Kiba pero hindi ko siya tinignan, nanatili akong nakatitig sa pinagtakbuhan ni Theo.
A-Anong nangyayari?
"Ate, halika na sabi! A-Ate!"
Mabilis akong tumakbo sa lugar kung saan ko nakitang pumunta si Theo. I'm sure I'm not hallucinating or something, naramdaman ko siya, nakita ko siya.
Hindi ko alam kung anong nangyari kila Papa at kung bakit tumatakbo si Theo pero isa lang ang alam ko, kailangan ko siyang maabutan para makaligtas na siya ng tuluyan.
Sa tulong ng liwanag ng buwan, nakakatakbo pa rin ako ng ayos kahit na nasusugatan na ako ng ilang matutulis na dahon at maliliit na sanga sa paligid ng dinaraanan ko. Wala akong oras para huminto at damahin ang sakit, kailangan ko siyang maabutan.
Napahinto lang ako sa aking pagtakbo nang makita kong wala nang daanan. Bahagya akong napaatras at napalunok. Wala nang daanan dahil nasa mataas na parte na pala ako ng gubat at sa ibaba no'n ay ang malakas na pagragasa ng tubig na sa tingin ko'y mataas na ilog na.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Wala si Theo. Napaatras ulit ako at napaluhod nalang. Tinakpan ko ang aking mukha at doon nalang naiyak. Pakiramdam ko, hindi ko na naman alam kung nasaan siya.
Paano kung sa katatakbo niya ay nahulog siya sa ilog na 'yon? Paano kung wala na siya? Anong gagawin ko? Bakit kasi... bakit kasi ang bagal bagal kong tumakbo?! Bakit feeling ko... kasalanan ko na naman?
Kung sana ay tinawag ko siya kanina, baka huminto pa siya at makita ako. Kung sana mabilis lang akong tumakbo, baka naabutan ko pa siya.
I'm... I'm so useless. Daig ko pa ang dumi sa pagiging walang kwenta.
"Keziah,"
Tumigil ako sa pag iyak at parang tumigil na rin ang pag-tibok ng puso ko. That voice...
Dahan-dahan kong binaba ang mga kamay ko at tumingin sa aking kanan. At hindi nga ako nagkakamali, there he is, with his blank expression, standing in front of me.
"T-Theo..." bulong ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito na parang hindi man lang aware na baka sinundan ko siya.
Tumayo ako at nagpunas ng pisngi, "H-Hinanap kita. Theo!" Hindi ko na napigilan, tumakbo ako palapit sa kanya pero...
"Stop."
I literally stop as I felt how my heart skipped a beat. He is... stopping me?
Katulad ng robot, walang makikitang emosyon sa mga mata nito. Ni hindi ko nga alam kung natuwa man lang ba siya ng kaunti kanina nang makita ako. Alam ko namang literal na robot siya, pero bakit iba ang aura niya ngayon kesa sa mga nakaraan?
Hindi ko mapigilan ang magtaka. Nakatingin lang siya sa 'kin, after niya akong patigilin, hindi na siya nagsalita.
"T-Theo... anong problema? Bakit?" Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagtibok ng puso ko, 'yung parang... kinakabahan na ako ng sobrang lala.
At hindi ko iyon nagugustuhan.
"Theo, answer me---"
"Let's... end this."
Kulang nalang mahulog ang panga ko sa huling sinabi niya. In just three words, ang dami nang nagsipasukang tanong sa utak ko. Hindi lang 'yun, pakiramdam ko literal na sumakit ang puso ko.
"What?" Halos pabulong kong saad.
"Alam na nila Jett na isa akong robot. Kaya naman balak nilang ibenta ang bawat parte ng katawan ko. Kung maibebenta nila 'yon, milyon rin ang halaga."
Nagulat ako sa nalaman at napahawak sa aking bibig. Parang alam ko na ang gusto niya iparating, at 'yun ay patayin si Theo.
"Pero para saan pa ang---"
"Kinuha na nila ang seven million na bitbit ng Papa mo. Pero hindi sila tumupad sa kasunduan, they still want me para ibenta. How convinient, isn't it?"
So mali pala ang akala ko kanina, akala ko, ako pa rin ang kapalit pero bakit nga naman? Kung una palang ay pera na ang habol nila. Ngayon ay nadagdagan na naman ang atensyon ni Jett-- na kay Theo naman.
"K-Kung gano'n sumama ka na sa 'kin! Let's leave this place at sasamahan kitang magtago. L-Lumayo tayo, doon sa hindi ka nila matatagpuan!" Nararamdaman ko na, na gusto na talagang tumulo ng luha ko pero ayoko. Gusto kong palakasin ang loob ko para hikayatin si Theo na hindi pa huli ang lahat.
"Thank you,"
Theo...
"But that won't stop Jett to find me. Ayoko na pati ikaw ay madamay na naman."
"Kasalanan ko naman 'to eh! Let's escape, please..." halos maluha-luha kong pakiusap.
"Tuldukan na natin, Keziah. I want you to be happy. Please be happy."
I suddenly stop as I remember his remark. Ganyan na ganyan din ang sinabi niya sa 'kin sa panaginip. Ganyan na ganyan.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Natatakot ako. Alam ko sa sarili ko na may ideya na ako kung anong balak niya pero I just kept on throwing it away.
Parehas kaming napatingin sa aming gilid nang may gumalaw na mga halaman nang biglang nagpakita mula ro'n si Jett, may ngisi sa kanyang labi nang makita niya si Theo.
Bigla akong nanggigil. Gusto ko siyang sugurin at paghahampasin pero pakiramdam ko wala 'yung kwenta. Wala akong lakas para gawin 'yun.
"Nakita din kita. Sumama ka na sa 'kin," litanya nito na parang wala lang ang presenya ko.
Umatras si Theo pero natawa lang si Jett. "Natatakot ka ba? 'Wag kang mag-alala, wala ka namang mararamdaman eh."
Naikuyom ko ang palad ko.
"Ano na? Seven million plus you? Shet, ang milyonaryo ko. Hahahaha!"
"Shut up." Angil ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon niya.
Tinignan ako nito ng blangko. "Ikaw ang tumigil dahil wala ka nang halaga sa 'kin."
"Keziah," tawag ni Theo. Tumingin naman ako rito. "Run." Mahina ngunit sapat lang para marinig ko.
Sa pagkakataong 'yun, taliwas sa akin ang sundin siya. Nakipagtitigan lamang ako sa kanya at gusto kong ipahatid na hindi ko siya iiwan. Ayoko siyang iwan at pagkatapos ay mawawala na naman siya.
"Tangina!"
Nagulat nalang ako nang mabilis na lumapit si Jett kay Theo at sinapak ito dahilan para matumba siya sa lupa. Napahakbang ako paabante, pero hindi ko alam ang gagawin.
"Hindi kayo pwedeng magsama dahil tao siya, robot ka! Naiintindihan mo? May pakinabang ka, siya wala!" Bulalas ni Jett habang nakaturo sa 'kin.
Napaiwas ako ng tingin. Wala nga akong pakinabang. That hurts. Pero this time, kailangan kong maging matapang.
"Halika na para hindi na tayo magtagal pa. Para sa 'yo, hindi ko papakialaman ang babaeng 'yan."
"I said shut up!" Sa abot ng aking makakaya, sinugod ko si Jett at tinulak. Pinaghahampas ko siya sa mukha pero pakiramdam ko, ang hina hina ko. "Shut up! Get lost! I hate you! Fuck you, you demon! Shut up!" Habang nararamdaman ko ang paghampas ko sa kanya ay ang unti-unti namang pag ragasa ng luha ko.
Unti-unti ko nalang naramdaman, umuulan na rin pala.
"Keziah..." rinig kong asik ni Theo mula sa likod.
Pero hindi ako huminto. I kept on hitting and hitting Jett until he pushed me hard away. Napasalampak ako sa lupa habang umiiyak. Kita ko ang galit sa mga mata niya nang lapitan niya ako at hablutin sa kwelyo.
"Bitawan mo siya!"
Pero tinignan lamang niya si Theo saka binalik sa akin. "Alam mo nakaka-bwiset ka. Bakit kasi hindi nalang ikaw 'yung robot, eh 'di sana ikaw ang may pakinabang sa mata ko. Ha?!"
Malakas ako nitong tinulak paatras dahilan para mabunggo ko si Theo na nasa likuran ko. Naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko at sa bilis ng pangyayari, namalayan ko nalang na nakahawak na ako sa nakausling ugat ng puno at ang katawan ko ay nakalaylay... habang hawak naman ng isang kamay ko ang kamay ni Theo na nasa ibaba ko.
Parang nag-slow motion ang lahat. Parang kanina lang ay nasa itaas kami ng lupa, ngayon ay kaunting galaw ko lang ay maaaring mahulog na kami ni Theo sa malakas na ragasa ng ilog.
Knowing I am now at my weakest.
"T-Theo! Kumapit kang mabuti sa 'kin!" Sigaw ko, mahigpit kong kinapitan lalo ang kanyang kamay. Saka ko binuhos ang lakas ko para makakapit ang isang kamay ko sa ugat.
Alam kong himala nalang na makakaligtas kami. Pero umaasa ako, na parehas kaming mabubuhay.
"Tsa! Tignan mo, pati si Theo dinamay mo pa! Tangina naman!" Bulalas ni Jett habang marahas na napapakamot sa kanyang ulo.
"T-Tulungan mo kami, please..."
"Ayaw mo sumama sa 'kin, Theo, 'di ba? Pwes, magsama kayo dian."
"No! Abutin mo 'yung kamay ko please tulungan mo kami, Jett!"
But it's too late, wala na siya sa aking paningin.
Napahagulgol nalang ako at sumabay sa pagbagsak ng luha ko ang tubig mula sa malakas na ulan. I don't know what's gonna happen next, aaminin ko, hindi ako handang mamatay.
Napayuko ako at umiiyak na tumingin sa walang emosyong mukha ni Theo. Nakatingin lang siya sa baba. Pero kung mawawala sa 'kin ang robot na 'to, sa tingin ko ay hindi na bale ang pagkamatay.
"Save yourself, Keziah." Mahinang bulalas nito saka tumingala sa akin.
Umiling ako. Basang-basa na kami at kailangan ko na siyang maiangat pero paano? Ramdam ko na ang pagdulas ng kamay ko sa kamay ni Theo pero sinisikap ko pa rin 'yun higpitan. Sa kabila no'n, ramdam ko na rin ang pagsusugat ng kamay ko sa ugat.
But I'm not giving up... not this time.
"Please, Baby."
Lalo akong naiyak. Napakagat ako sa ibabang labi ko at lalong hinigpitan ang kapit ko sa kanya. "I'm sorry, I just don't want you to die..."
"Thank you for everything, Baby. I really appreciate you."
"Please naman... kumapit ka lang, tulong! Tulungan niyo kami! Tulong!" Kahit na alam ko namang walang reresponde sa gitna ng kagubatan na 'to, sumigaw pa rin ako. Ayoko mawalan ng pag asa.
"Keziah, please, baby..."
Umiling muli ako. "No, Theo. I can't."
"But you have to,"
Napasigaw ako nang maramdaman na niluwagan niya ang kapit sa kamay ko. Pilit ko 'yong hinihigpitan pero kusa niyang dinudulas ang kamay niya. Paulit-ulit akong umiling. Hindi. Hindi ito pwede.
"Theo naman! 'Wag ka namang ganyan!"
Instead of answering me, he just smiled. A genuinely smile. Which I may be like, but not with this time.
"Goodbye, Keziah."
Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan nito gamit ang isang kamay niya ang kamay kong nakakapit sa kanya at hinatak ang isa niyang kamay paalis sa akin.
The moment I saw him falling down, that's when my heart started again to broke into pieces.
It's like... it's all over.
Hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa tubig at tangayin ng alon.
Kahit basang-basa ang mukha ko, ramdam ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko na parang wala na itong balak pang tumigil. Bahagya ding nanghina ng tuluyan ang sistema ko. Para bang imbes na iabot ko ang isang kamay ko sa ugat para makaahon ay hindi ko magawa dahil sa panghihina.
For the second time, I've been left again.
For the first time, my one great love sacrifices his life just for me.
What a hopeless life...
"Keziah! Nasaan ka--- Keziah!"
Hindi ko na inangat ang paningin ko. Boses palang alam ko nang si Kenzo 'yun.
"What the fuck?! Here, take my hand! I'll pull you up!" Sigaw nito pero hindi ko siya pinansin. Nanatili pa rin akong tulala sa ibaba.
"Keziah, ano ba?! Grab my hand, bullshit! Baka mahulog ka ng tuluyan dian!"
Doon ko lang siya tinignan. Basang-basa ito at nakaabot ang isang kamay sa akin. Halata sa mukha niya ang inis, the usual Kenzo.
Inangat ko ang isang kamay ko... pero bago ko tuluyang maabot ang kanyang kamay ay saka naman nagdilim ang mga paningin ko.
"Keziaaaaah!"
That's the last word I hear.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top